Share

Chapter 7

KUMALABOG ang pintuan pagkalabas ko. Hindi ko na nilingon muli ang kwarto niya o kahit si Petrina. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko sa sobrang panggigigil at pagkakairita.

I hate him. I hate him so much! His attitude, his voice, his expression, his cursing and crudeness... I hate everything about him.

Sumakit ang ulo ko sa sagutan namin ni Elyes. Hindi ko mabalikan ang lahat dahil hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang pinag-aawayan namin. Sa sobra kasing dami ng argumento, hindi ko na mapagconnect ang lahat. Hindi ko alam ano ang puno't dulo.

Nakay Diana man ang lahat ng kailangan ko para makapag-aral at makamit ang mga pangarap ko, nagpapasalamat parin ako ngayon na hindi ako siya.

"Pakisabi kay Senyora na okay na kami ni Elyes," sabi ko kay Petrina at pumikit ako ng mariin.

"Bakit padabog mong sinarado ang pintuan, kung ganoon, Miss?"

Huminga ako ng malalim. 'Hindi pa kami masyadong magkasundo pero ayos na 'yon. Nakapag-usap na kami," paliwanag ko bago umalis si Petrina sa aking kwarto.

Hindi parin sumasagot si Diana sa aking tawag.

Naiintindihan ko naman na abala pa siya sa trip nila ni Ashton. But, God, I need her help right now. I need to know what she wants me to do!

Pakiramdam ko'y parusa na ang bawat araw sa mansyon Bukod sa kailangan kong makisama kay Elyes, kapag nagaaway pa kami'y sinasabi o sinusumbong pa ng mga kasambahay.

Petrina loosely braided my hair while I'm looking at the stables from my room. Umagang-umaga pa lang, naroon na si Elyes. At umagang-umaga pa lang, naroon na rin si Betty kasama ang isa pang babaeng kaibigan

Dahil sa layo, hindi ko naririnig ang mga pinag-uusapan nila. I just saw Betty pulling Elyes's arm a while ago. Nang hindi sumunod si Elyes at nagpatuloy sa pagsusuklay sa kabayo'y nagtawanan na lang ang dalawa at patuloy na kinakausap at nilalandi si Elyes.

"Ang mga babaeng 'yan talaga, Miss, mayayaman 'yan sa kabilang bayan, e, pero kung umasta parang mga mumurahin," si Petrina nang siguro'y napansin ang titig ko sa baba.

"They won't come here without anyone inviting them, Petrina.

It's not only their fault, kasalanan din ng lalaki iyon.n

"Pero, Miss, kahit na! Kung likas na malandi, aabusahan ang mga imbitasyon."

Nagtiim-bagang ako. Lumapit ang kasamang babae ni Betty kay Elyes at kumapit ito sa braso ni Elyes. Elyes looked at her. Hindi ko lang malaman ang ekspresyon niya pero dahil tumatawa ang dalawang babae, imposible namang nakasimangot ito, hindi ba?

"Sabihin mo nga, Petrina. Kung may asawa ka na at may naging kabit siya, kanino ka magagalit?"

"Syempre sa babaeng haliparot, Miss! Alam niyang engaged 'yong tao, nilalandi niya pa!"

"Mali," sagot ko. Siya rapat ang sisihin hindi ang ibang babae o kung sino mang lumandi sa kanya. Nademonyo lang iyong babae. Tingin ko sa mga lalaki, masyadong mahina. Masyado silang mababaw kapag nagmamahal, madali silang matukso.

Tumawa si Petrina. "Para kang matanda kung magsalita."

Ilang beses na akong nasabihan ng ganyan. Siguro ay dahil na rin sa buhay, hindi ko na naranasang maging spoiled teenager. I was ten when my mother died. My famous engineer father dysfunctioned after her death. Hindi niya na ako maalagaan dahil sa bisyo at depresyon. He loved me so much but he was so weak without my mother.

Ayaw niyang nakikita akong kulang sa aruga. Thinking he'd make up to me, he married Diana's Mom, Tita Mathilda, when I was eleven years old. Sa sumunod na taon, namatay si Daddy, leaving me alone with Tita Mathilda and her daughter Diana.

Hindi na raw ako kailangang mag-aral, sabi ni Tita. Mas nakakatulong daw ako sa bahay, sa pagluluto, at paglilinis. Diana has everything she needs and wants. She was not cruel to me unlike her mother, but she's not very kind, too.

Pinilit kong mag-aral kahit pa ginagawa ng lahat ni Tita Matilda para matigil ako. Nagbayad ng teacher para ibagsak ako at mawalan ng scholarship. Scholarship na sinikap kong kunin bago namatay si Daddy. Lumipat ako sa pampublikong paaralan dahil sa nangyari. And she would not provide me anything for school, whatever I have, I earned all of it alone.

Ngayong nasa huling taon na ako sa senior high school, I want to pursue college even when Tita Mathilda doesn't like it. Ang sabi niya, mag sekretarya na lang ako sa kompanya niya. O 'di kaya'y mga trabahong klerikal. I have no problem with those jobs but I have my own dream.

I want to become an architect. Para matustusan ko ang buwan-buwan na bayarin, kailangan kong sundin ang pakiusap ni Diana sa akin. Her allowance is roughly around a hundred thousand pesos a month. Kaya alam kong kaya niya akong bayaran sa ipinangako niyang halaga.

Is it worth it? Yes. No matter how hard this is going to be, education and dreams will always be worth it.

Ang pagsisikap na mabuhay at makapag-aral siguro ang dahilan ng matanda kong pag-iisip. I was once a child but I didn't enjoy the process to adolescense. I immediately grew up as an adult, never enjoying the teenager years because of the responsibilities life has given me.

Huminga ako ng malalim at tinalikuran na ang bintana.

Kinuha ko ang sketchpad at nagpaalam na na sa duyan na muna ako uupo para makakuha ng inspirasyon sa susunod na iguguhit.

Pagkalabas ng kwarto ay naabutan ko si Samuel kasama ang tatlo pang lalaking kaibigan. There were two other girls, may dalang mga floaters ang mga ito.

"Diana, great timing. Sumama ka sa amin magsiswimming? Don't worry, we're not drinking alchohol," Samuel winked,

Ipinakita ko sa kanya ang sketchpad at nagkibit ako ng balikat. Kaya naman nagulat ako nang hinila niya ako sa palapulsuhan. I can't help but really confirm how Samuel is just way better than his intense brother.

"Doon ka na lang magsketch, Sige na. Sketch mo ang dagat!"

Now that he suggested it, okay din pala iyon. Bakit ba hindi ko iyon naisip? Tumango ako at ngumiti.

"Sige!"

Hinila niya ako pababa. Sa bilis ng takbo niya sa stairs ay napabilis na rin ako. Nasalubong pa namin si Yvvo na ngayo•y may kasama ring babae. Pababa rin daw sila sa beach kaya sumama na sila sa amin.

Palabas ng bulwagan ay naririnig ko ang hagikhikan doon sa stables. Napawi ang ngiti ko at naalala ko ang pinag-usapan namin ni Elyes kagabi. See? He really just did not get it.

"Sige na, Elyes. Saglit lang naman, e..." ang isang babae na lang ang naiwan doon. Hindi ko alam kung nasaan na si Betty at bakit naiwan na lang ang dalawa.

Hinahawakan noong babae ang braso ni Elyes. He continued his thing pero nang nasulyapan kami ay tumitig siya sa amin. Nag-iwas agad ako ng tingin.

"Elyes!" si YVVO "Mamaya na 'yan! Baba tayo. Nandito si Aiah!"

Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ni Elyes kasi panay na ang hila ni Samuel sa akin patungo sa stone stairs,

"Hayaan mo na, Yvvo. Nandoon si Henrietta, e." Tumawa si Samuel. "Baka may gagawin..." malisyoso nitong sinabi.

Nag-init ang pisngi ko sa narinig. Nanlamig naman ang aking tiyan habang naalala muli ang pinag-usapan namin kagabi. See? This hypocrite has time to educate me about being his wife when he can't even be a good husband? Tangina niya rin, e.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status