Share

Chapter 2

HINDI PA nakakaalis ang kasambahay ay narinig ko na ang tunog ng yapak ng kabayo. A man gracefully maneuvered a shiny brown horse. Ang buhok ng kabayo ay sumayaw sa hangin dahil sa biglaang pagtigil. The man's movement equaled the gracefulness of the horse he's riding. lgting ang braso at kamay, wala siyang kahirap-hirap na bumaba roon.

One booted foot after another. He said something to the man in a buri hat before finally turning to the large mansion, where I am.

"Andito na siya. Ilagay ninyo ang meryenda sa terasa. Pagkatapos ihatid mo siya sa kwarto niya, Petrina. Pakisabi kay Mercedita na kailangan nang ihanda ang lahat para mamayang gabi."

"Sige po, Senyora."

Sumulyap ang babae, puno ng kuryusidad sa akin ang mga mata bago umalis para sundin ang lahat ng inutos sa kanya.

Pagkabaling ko sa Ialaking kabababa lang ng kabayo ay nakita kong naglalakad na siya patungo sa amin. With brows furrowed, eyes immediately directed at me, agad akong kinabahan

He's wearing a white t-shirt. Tamang yakap ito sa kanyang katawan, defining the lines of his muscles from his arms down to his torso. His faded jeans hung lazily on his belt, and the black boots completed his whole look.

Sporting a deep frown, and eyes hard and ruthless, hindi ko siya kayang titigan. Isang tingin ko pa lang ay nagagaspangan na ako. Marami akong nakilala nang lalaki, ang iba'y mas matanda sa akin ng ilang taon, siguro'y kasing edad niya, pero wala pa ako ni isang nakilalang mukhang walang kahinaan. Ngayon pa lang.

He looked arrogant, forceful, and even violent. He's screaming of vigor, na alam kong hindi ko mapapantayan. And of hostility, that is scaring the shit out of me.

He is not masculine because of his well defined body, he's masculine because of the bone structure and the way he moved. Wala pa nga ay pinaparamdam niya na na siya ang awtoridad dito.

"Magandang umaga, hijo. Mabuti at nakauwi ka agad," bati ng matandang ginang sa gilid ko.

Yumuko ako para pigilan ang mga iniisip. I know I shouldn't judge people pero hindi ko maiwasan. Madalas kasi tama ako sa mga iniisip ko.

He kissed the old lady then turned to me. Sumulyap ako sa kanya. His lips pursed. He looks amused about something pero kapag tinitingnan naman ang mga mata niya'y may panganib naman.

"And... this is?" his voice is almost a growl.

Hindi nga ako binigo ng espekulasyon ko. All of him.

I mean. all of him is screaming of force and power. Even his voice.

Ngayon ko pa lang na appreciate na hindi ako ang para rito. Ngayon lang ako talagang nagpasalamat na wala naman talaga akong kinalaman dapat dito.

"This is Diana Granel..." the old lady proudly presented me. "Your fiancee! Diana, this is my grandson, Elyes.

Parang nanunusok ang intensidad ng mga mata niya. Agad akong nagsisi kung bakit pa ako narito. At kung worth it ba ang lahat ng ginagawa ko. Huminga ako ng malalim at muling itinuon sa isip na walang mangyayari sa buhay ko, kung hindi ko ito gagawin. This is my last shot to a better life. And I have no right to question it.

Pinaupo kami sa terrace ng bahay. Puting bilugang lamesa sa aming harap na may meryenda at juice. Nakaupo ako ng matuwid habang ang tapat ko'y maluwag at tila walang pakealam.

He's looking at me while slightly touching his lips with his knuckles. Hindi makapagtagal ang titig ko sa kanya.

I was raised by my soft spoken mother. Marahan ang kanyang bawat haplos. Natuto rin akong kumilos gaya niya, sa hinhin at sa pagiging pormal, Though, we may not be as rich as this family here, I know how to act and talk that way. Pero ngayon... heto ako sa harap ng isang Ialaking mula pagkabata ay namuhay na marangya, pero hindi pormal kumilos.

"How old are you?" he asked.

My heart raced. Hindi para sa rason na gaya ng mga sinasabi sa libro. In fact, I don't believe that your heart will ever race when you like a person. My heart raced because of fear..

pero hindi iyon kita sa aking mukha.

"Twenty-three," sagot ko. Mali.

"Saan ka nag-aaral?" tanong sa akin.

Mas Ialo akong kinabahan. But then maybe I should just go with what should be true, right?

"La Salle, Business..." sagot ko.

He shifted on his chair. He tilted his head a bit making him look more intense than he ever was.

"Do you have a boyfriend?"

Nagtiim-bagang ako. I am just not sure of this part. But, I answered...

"Wala."

"Took you long to answer that, huh?" he smirked. "Better break up with him now or he'll be sorry."

Nanuyo ang Ialamunan ko. Buti na lang at agad nakabawi.

"I don't have one."

Umangat ang gilid ng kanyang labi. He looks amused again. "Then, shall I put your things on my room?"

What?

"We are getting married soon. Wala nang dahilan para magpaliguy-ligoy pa tayong dalawa. Are you virgin?"

My heated face boiled from his first sentence down to the last question. I knew it. He's not only looking ruthless and forceful, he's also vulgar and rude!

"I'm not that kind of girl. Habang hindi pa tayo kasal, hindi ako tatabi sa'yo sa pagtulog," diretso kong nasabi.

His hoarse laugh echoed inside the room. Nakita kong bumaling ang iilang abalang kasambahay sa amin bago nagkatinginan at nagpatuloy sa ginagawa.

Uminom ako ng juice habang siya'y natatawa pa sa sagot ko. He licked his lower lip, revealing its curve and redness.

"You're of legal age. We're getting married this year. Don't worry, hindi kita bubuntisin agad."

This spoiled, rude bastard thinks he can have it his way all the time! Pakiramdam ko'y sing pula ng kamatis ang mukha ko dahil sa init na nararamdaman. My strong disgust of the vicious male in front of me made me realize that I will never, ever probably get along with him.

"I'm sorry but I'm not that type of girl. Wala tayong relasyon ngayon bukod sa fiancee kita at magpapakasal tayo. In the mean time, I don't care what you do to satisfy your own needs. And I hope it has nothing to do with me."

His brow shot up. His lips pursed a bit. Umigting ang kanyang panga bago tumayo at iniwan ako roon.

Bumuga ako ng hininga pagkaalis niya. Ngayon pa lang, litung-lito na ako.

Dinala ako ng kasambahay sa kwarto ko. The four poster bed with white see through net looks like it is made for a princess. Malawak ang kwarto, tila hindi nagtipid sa espasyo. At ang maisip na isa lamang ito sa mga guestrooms nila ay parang nakakalula. That means, the master's bed and all the other beds for Senyora's grandsons were better than this?

Dinalhan ako ng lunch sa kwarto. Ag sabi'y gusto ni Senyora na magpahinga akong mabuti para mamayang gabi. And it was to my advantage... because seeing that Elyes has an attitude like that, I'm pretty sure the other men were also like that.

Dumungaw ako sa bintana. Round tables covered with a white cloth dotted the front and back yard. Naghahanda sila para sa party na gaganapin ngayon bilang pag-aannounce sa engagement namin ni Elyes.

Alas kwatro nang pasukin ako ng kasambahay. Si Petrina, ang kasambahay na nagdala sa akin dito kanina ay may dala ngayong damit na susuotin.

"Ako po ang mag-aayos sa'yo, Ma'am Diana.

Though I can certainly do that myself, I don't mind a company.

Naligo ako at nagbihis ng damit na dala ni Petrina. A red backless dress revealing so much of my skin from my shoulders to my back looked stunning on me. It is paired with a simple black stilletos. Ngayon lang yata ako makakasuot ng ganitong damit. As sexy and elegant as this.

Naupo ako sa harap ng tukador at nagsimula na si Petrina sa pagsusuklay sa aking buhok. Tutok siya sa trabaho, her small eyes were all on my hair. Her lips protruded pero hindi niya na iyon napansin dahil masyadong siyang abala sa pagsusuklay at pag-aayos sa aking buhok.

"Nag-iisang anak ba si Elyes?" sa wakas ay natanong ko pagkatapos kong pagmasdan ng mabuti si Petrina.

"Ah!" she smiled. "Dalawa po sila, Ma'am. Siya ang panganay."

I nodded. Nanatili ang mga mata ko sa aking mukha sa salamin. Ang cheekbones ko'y na highlight ng mayos. Ang kulay ng labi ko'y pink pero ngayo'y pinahiran ng marahang pula dahilan ng mas lalong pagkakadepina at pagkapal nito.

My narrow nose made me look so much like my mother. Nadepina ang aking mga mata ng nakalatag na eyelashes, ngayong lalagyan ito ng mascara ay parang hindi ko na makilala ang sarili ko.

"Dadalo ba ang mga magulang niya mamaya?" tanong ko.

"Opo, Ma'am. Kadarating lang nila kanina. Hindi mo pa po ba sila nakikilala, Ma'am?"

Umiling ako.

"Si Sir Samuel at Ma'am Roselle. Hmmm. Hindi ako sigurado kung mabait, Maiam, pero Montenegro sila," iyon lamang ang description ni Petrina sa ime-meet kong mga tao mamaya.

Well, that was informative. I'm not even sure what kind of person they are.

"Wala si Sir Kai at Sir Yvvo ngayon, Ma'am. Kaya ang magkapatid lang at siguro'y ang kanilang mga magulang."

Tama nga siya. Bago ako pinakilala sa lahat ay nagkita kami ng mga ito sa pangalawang palapag ng mansyon. Doon kami manggagaling bago ihayag sa lahat na ako ang fiancee ng nakakatanda sa magkapatid.

"Hindi sumama ang Mommy mo?" tanong ni Samuel.

He looked arrogant and mean, hindi ko na pinagtakhan kung saan nagmana ang kanyang anak. But then he was never mean to me the whole time. Sana lang ay mali ako ng impresyon

"Hindi po, Tito," sabi ko.

Suot ang isang itim na tuxedo, with a stubble mixed with colors gray and black, jaw very defined, and expanse still muscular, he stood there screaming mutely as the head of the house. Ang kanyang asawa ay taas noo na nakatingin sa akin, never smiling. Roselle Montenegro looks classic in her french twist hair, white elegant gown, and her husband as an accessory.

Naglahad siya ng kamay sa akin.

"I hope you enjoy the night. And I hope you get along well with my son, Elyes," her voice was sexy even for a woman her age.

Tinanggap ko ang kamay niya. Pagkatapos ay bumaling siya sa mas batang Ialaki sa likod.

"Samuel, where's your brother?" she asked coldly to his son.

"Nasa kwarto pa po. Lalabas na rin iyon.

Mabilis ang naging pangyayari. Pagkalabas ni Elyes ay bumaba na agad kami sa kung nasaan ang bulwagan at nasaan din nag-aantay ang ilang piling bisita nila. Everyone is wearing designer clothes. Para nga itong isang party na dinadaluhan ng mga elitista sa sobrang tahimik at pormal.

"Ladies and gentlemen, welcome to the engagement party of my Son, Elyes Montenegro and Diana Granel!" 

Nagpalakpakan ang lahat. Ngumiti ako. Umalis sa aking tabi si Roselle at pumalit si Elyes sa akin.

Even wearing heels, hanggang tainga niya lamang ako. Hindi ko siya matingnan kahit pa sumusulyap siya paminsan minsan sa akin. And the formality was suddenly disturbed nang may malakas na pumalakpak sa likod. Humagalpak ang tabi ko at itinaas ang kamay bilang pag acknowledge sa grupo ng mga lalaking siguro'y kaibigan niya.

Pinaupo kami sa isang parihabang lamesa. Ang kapatid ni Elyes ay nakihalo sa mga Ialaking binati niya kanina kaya ang nasa lamesa'y kaming apat lang ng Senyora, at mga magulang. Kami lang, Oo. Dahil pagkatapos kumain ng main dish kanina, tumayo na ito at umalis sa tabi ko. Hindi ko alam kung nasaan at tila wala ring pakealam ang mga magulang at maging ang Lola.

"Magsaya ka, hija. Make friends. We invited almost all of Elyes friends. I'm sure you'll find some interesting girls, who can be friends with you. Ang narito sa loob ay iilan lamang sa bisita. The whole of them is outside. You should go and dance, too!" himok ni Senyora Donna sa akin.

Tumango ako at ngumiti. Tumayo ako at nakihalo na rin sa mga tao. The eyes of the people around are meeting me with every step. Sila man ay kuryoso rin sa pagkatao ko. Pero hindi ako umalis sa lamesang iyon para makihalubilo..

Tuyong dahon ang naaapakan ko sa bandang ito ng mansyon. Tila malayo na ang sayawan at tawanan, natatabunan na ng ihip ng hangin at hampas ng alon.

Umalis ako roon para magpunta sa lugar na ito. Ang langitngit ng gawa sa tansong duyan ay nagpabasag sa katahimikan. Naupo ako sa dyuan at pinagmasdan ang mumunting ilaw galing sa mga alitaptap.

Tumingala ako. The big round moon conquered the sky. There were no stars. Only thick clouds around the mystical full moon.

Gabi. Itim. Paano Niya nalaman na ang gabi ay itim? Na ang pakiramdam ng gabi ay gaya ng sa dilim?

Sa ibang pagkakataon may halong ibang kulay. Ngunit palagi - itim. Gaya ng gabing ito.

Mararahang paghinga at halinghing ang narinig ko, Mababang baritono, pagkatapos, at iilang tunog ng paglalapat ng balat. Tumayo ako at nagpunta sa halamanan. Kumunot ang aking noo habang sinisikap na marinig kung ano ba talaga iyon.

"Shhh... Shhh... Ang ganda mo talaga..." the voice is thick but cajoling.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lalo na noong dumaan ang munting alitaptap sa batuhang dungaw ngunit dapat ay hindi tanaw sa sobrang dilim.

"Elyes, it hurts... Ah!" ang pangalawang boses ay galing sa isang babae.

Napasinghap ako nang natanto kung anong ginagawa at bakit ganoon ang mga boses.

"Oh shit!" the girl hissed.

Narinig ko ang mga pagmamadali. Kumalabog ang puso ko. Imbes na umalis doon ay nag-ugat ako sa takot na kapag gumalaw ako'y malalamang may ibang tao.

But then, they knew. Kaya nga nataranta. Kaya rin inangat ni Elyes ang sarili galing sa batuhan. With coat out, white long sleeves disheveled, lips so red, and eyes in heat and dangerous.

"What are you doing here, Diana?"

Napakurap-kurap ako. Nalaglag ang panga habang hinahanap ang kasama niya pero pinutol niya ang paghahanap ko sa pagbara sa aking tingin.

He is biting his lower lip and looking so dangerously ready to strike, Ito ang unang pagkakataong nawalan ako ng kakayahang magsalita. Pinilit ko pa ang sarili kong gumalaw at talikuran siya.

Marahas niya ang hinawakan sa braso at hinarap muli. Inilapit niya ang aking mukha sa kanyang labi. Pumikit ako ng mariin.

"Hinahanap mo ako?" he said coldly.

"B-Bitiwan mo ako, Giovanni!" utos ko, natatakot.

"Inistorbo mo ako sa ginagawa 'ko."

"Kaya nga bitiwan mo na ako! Aalis na ako!"

"Hm." He laughed mockingly. "Hindi naman yata iyon ang plano mo kanina. You wanna watch, huh?"

I squirmed and struggled.

"Or do you wanna be her instead?" he whispered so softly. Tumindig ang balahibo ko.

Nalaglag ang panga ko. Parang naibalik ang buong lakas ko sa aktong panghihina rin ng kanyang pagkakahigit sa akin. I pushed him away from me hanggang sa nakawala ako. Hindi ko na binalik ang tingin ko sa kanya at tinuloy-tuloy ko na ang takbo ko.

"Ma'am Diana?" narinig ko kung saan pero hindi ako tumigil.

Hindi ako tumigil, hindi lang dahil gusto ko paring makalayo, kundi rin dahil hindi naman talaga ako sanay na tawagin sa pangalang hindi akin.

I am not Elyes Montenegro's fiancee. I am not Twenty-three. And I am not Diana Granel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status