Share

Pretending To Be The Billionaire's Fiancée
Pretending To Be The Billionaire's Fiancée
Author: Lanie

Chapter 1

NAGLULUTO ako ng hapunan nang biglang tumunog ang aking cellphone.

"Francheska, kailangan kita," ang boses ni Diana, ang stepsister ko, mula sa kabilang linya. Agad akong kinabahan. Kilala ko si Diana—lahat ng hiling niya ay may kapalit.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong ko, ang boses ko ay may halong pag-aalala.

"May kailangan akong takasan," sagot niya, may halong kaba sa boses. "Gusto nila akong ipakasal sa Montenegro."

"Montenegro? Iyon 'yung bilyonaryo, 'di ba?" napakunot ang noo ko. Alam kong hindi ordinaryo ang mga Montenegro. Kilala ang pamilya nila sa larangan ng negosyo. Ito ay para na rin mapalakas ang connection sa kanilang negosyo, at nagbibigay sa kanila ng dagdag kapangyarihan at koneksyon sa kanilang industriya.

"Oo. Pero hindi ko gusto ang ideya ni mommy na ipakasal ako. I love my boyfriend. I need your help," ang pagsusumamo ni Diana. "Pumunta ka sa kanila, magpanggap ka bilang ako. Gawin mo ito para sa akin. Bukas may susundo sa'yo na driver na ipapadala ng pamilya Montenegro para sunduin ka patungo sa kanilang mansyon sa siargao."

Napatigil ako. Alam kong mali ito, pero may pangako ng kapalit—ang pera na matagal ko nang hinihintay para sa pag-aaral at makapag-umpisa. Noong nawala kasi ang aking ama ay hindi lamang iyon nag-iwan ng bakas ng lungkot sa aking puso kundi nagbukas din ng bagong yugto ng paghihirap sa aking buhay. Sa tuwing kasama ko si Diana, ang aking Stepsister, at Tita Mathilda, ang aking Stepmother, ramdam ko ang malamig na pagtanggap nila sa akin dahil anak lamang ako sa labas. at dahil na rin sa pagbubuntis ng aking ina sa akin ay siyang rason kung bakit namatay siya dahil sa panganganak.

Mapait akong ngumiti. Ang ama ko namang si Engineer Frederick Cua Granel died when I was fifthteen. And that was five years ago. Taon man ang lumipas pero ang sakit ay parang kailan lang. At ang paghihirap ko ay parang isang dekada naman sa sobrang tagal ng pakiramdam ko. 

Nang mawala ang aking ama, nawala rin ang tanging sandalan at gabay sa aking buhay. Ang aking pangarap na makamtan ang pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan ay tila mas lalo pang lumalabo sa harap ng mga pagsubok na aking kinakaharap sa loob ng aming tahanan. Pansamantalang huminto ako sa pag-aaral dahil ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa aking stepmother.

"Paano kung mahuli tayo?" tanong ko, ang takot ay bakas sa aking mga mata.

"Hindi mangyayari 'yun. Wala namang nakakakilala sa akin doon. Gawin mo ito, Francheska. 'Wag mo sabihin kay mommy. Ako ang bahala sa lahat ng gastusin mo."

Nagkaroon ng katahimikan bago ako sumagot. "Sige, gagawin ko."

BUMALIK sa akin ang usapan namin ni Diana habang nagbibiyahe ako papunta sa mansyon ng Montenegro. Parang walang katapusang tanong ang bumabagabag sa isip ko. Paano kung mabuko ang plano namin? Paano kung masaktan ko ang mga taong wala namang kinalaman dito? Pero alam kong wala nang atrasan ito. Ginawa ko ang desisyong ito, at kailangan kong panindigan.

Habang papalapit ang sasakyan sa engrandeng tarangkahan ng mansyon, lumakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko inakala na isang araw ay mapapasok ako sa ganitong sitwasyon. Sa totoo lang, ang tanging gusto ko lang ay makapagtapos ng pag-aaral at makapamuhay nang payapa. Ngunit narito ako, nagkukunwari at handang manloko para sa isang pangarap na tila abot-kamay na.

Nang bumaba ako ng sasakyan, sinalubong ako ng malamig na hangin at ng matayog na gusali ng Montenegro. Lahat ay tila perpekto—mula sa mga haligi hanggang sa mga halaman na pumapaligid dito.

Binati ko ang nagbabantay sa gate na pinasukan. He smiled at me and addressed me as "Ma'am Diana", too.

lginala ko ang mga mata ko sa looban. Nakalatag ang berdeng bermuda sa buong bakuran ng pinasukan namin. On each end, it was dotted with colorful flowers and trees. Sa kaliwang bahagi ay tanaw ko ang gawa sa tansong duyan at ang mga halamang nasa harap nitong inayos ayon siguro sa panlasa ng maybahay.

I am not normally a hateful person. In fact, I have thrived for years without extremely hating anyone no matter how much pain they inflected on me. Pero inakala kong magiging impyerno sa pakiramdam ang pagpunta rito pero nagkamali ako. I thought I will hate it here but now I realized, I'm wrong.

At sa mga napuntahan ko, abo lamang ang kulay nito. I feel so happy when I saw the white sandy beach, very unlike what I ever saw my whole life.

 "Ma'am Diana?" narinig ko ang tawag ng driver galing malapit sa mansion.

I snapped out of my dreamy reverie to go back and face what I should. Tinalikuran ko ang pinong buhangin at ang mangasul-ngasul na dagat para sa isang engrande at eleganteng mansyon.

The spanish inspired mansion is standing proudly with its majestic arched windows and properly colored walls. Nakatingala ako habang tinitingnan ang maingat at masalimuot na pagkakagawa ng window frames at bannisters ng mansyon, Ang magandang materyal na ginamit sa bubong nito ay agaw pansin.

Natigil lamang ako nang nakitang papaliko na ako.

Pagkaliko'y tanaw ko sa malayo ang silungan ng kabayo. May nagpapaligo roon sa isa sa mga ito, nilingon ako habang ginagawa. Maybe one of their keepers.

"Dito po, Ma'am Diana," the driver's voice resounded just meters away to my left.

Nilingon ko ang malaking pintuan. Bulawagan ito patungo sa tanggapan ng bahay. Old hardwood chairs, and floors decorated with swoosh and laces filled me. Para akong nakawala sa isang sinaunang mansion way back the medieval times or at least the 1800s.

llang baitang hagdanan at nakapasok na ako sa roon. Tumingala agad ako. I slowly and deeply admired the paintings up above, like the heavens opened up but not to welcome, but to condemn. Tutok ang mga espada at mga sibat nila. Wings so magical and pristine spread enough to emphasize that they were angels.

A large chandelier hung just on the center of the whole large dancefloor. Sa tapat ay isang magarbo at engrandeng hagdanan, with red carpets on, bannisters in lazy curls, and porcelain lions on each sides as guards.

Sa taas naroon ang mga painting ng mga taong maaring may-ari rito. Some are so old, some are new looking and more intricate.

Ang mga muwebles ay purong misteryoso. Kung hindi kulay ginto, abo at kahoy naman.

"You're just on time, hija!" isang boses ang sumalubong sa akin.

An old lady came to kiss me. I awkwardly smiled back. Kahit siya'y nakangiti, hindi ako makapaniwalang natutuwa siya. She looks unpleased, probably because of her eyebrows and eyes. Her pointed nose and curvy lips told me that she was once a gorgeous lady when she was my age. Dahil ngayon, kulubot man ang mukha at abo man ang buhok, she's still more elegant and beautiful than anyone her age.

"Are you tired? You have the whole day to rest," anito.

A wine flute is on her hand. Hindi na katakataka na namumuhay sila ng marangya rito. From the gates down to the smallest furniture of this house, I can say that they are old rich... and are still so damn rich.

"Ayos lang po, Ma'am," sabi ko na agad niyang pinutol.

"Don't call me Ma'am!" bahagya kong nakita ang galit sa kanyang mukha ngunit agad itong bumawi. "You may call me Lola, hija. Or however you want to call your grandma! Hindi ka ba nasabihan ni Matilda?"

Umiling ako, sinubukan kong mangiti pero hindi ko nagawa.

"What about the other things, were you informed?"

I don't know how to react.

I don't know what to do, actually.

I only know of two things right now. Una, kailangan kong tumira rito sa loob ng dalawang buwan, o buong summer. Pangalawa, kailangan kong makisama sa pakakasalan. With the latter, unsure, because I never really didn't care to ask about it.

She sighed and rolled her eyes. "Your Mum is cruel! Kung sana ay sinamahan ka niya rito. Saan ba siya nagbakasyon?"

"Sa Switzerland po," sagot ko.

Tumango siya at pinasadahan ako ng tingin. Kinabahan agad ako. Nananantya at nanunuri ang kanyang tingin. Napatingin tuloy ako sa sarili ko.

I am wearing a white floral dress, strappy sandals, with my naturally straight brown hair down. Napalunok ako. I tried to hide my fast beating heart by smiling.

"It's been a long time since I last met you. You were just ten years old! Look at you now!" sabay lahad niya sa akin.

Lumapad Ialo ang ngisi ko. Nawala saglit ang takot. Lalo na noong niyakap niya ako.

"You slightly resemble your mother now. Except that your eyes are a not..." her face distorted. "as... chinky as I remember. Well, nagbabago ang mga katangian over time."

Muli niyang ginala ang mga mata mula sa aking ulo hanggang paa.

"I hope you're not that tired yet. Hinihintay ko pang bumalik dito ang aking apo."

Tumango ako.

"Senyora," a uniformed housemaid went to us. Sumulyap ito sa akin bago nagsalita. "Papasok na si Sir Elyes."

"Mabuti," matamang sagot ng matandang ginang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status