Share

Chapter 4

BUMABA ako ng hagdanan, dala dala ang aking sketchpad at lapis. Hindi ko namalayang Sabado na pala.

Isang Ialaki ang nakasalubong ko nang pababa ako ng hagdanan, Messy hair, angelic features, and a calm aura... Whoa! That's new in this mansion. Lahat ata ng binata na nakasalubong ko rito (dalawa lang naman) ay parehong may kakaibang aura. Kakaiba dahil parehong vicious at dangerous. This man in front of me is a bit different. His aura is screaming of gentleness and kindness. Ngumiti ito sa akin nang nagsalubong kami.

"You must be Diana?" sabi ng binata.

"Yes." Napalinga ako. Hindi nabanggit ni Petrina sa kin na may darating na isa pang Montenegro.

"I'm Yvvo," naglahad siya ng kamay. "Kadarating ko lang galing

Maynila. I'm sorry, wala ako sa engagement mo."

"That's okay. I was told you were busy," nangingiti kong sinabi.

Luminga-linga si Yvvo. Pareho naming nakita ang iilang pagkain na dala ng mga kasambahay. Hindi ko nga lang alam saan patungo ang mga ito.

"May konting salu-salo akong hinanda sa beach. I hope you can join us. I'm with my friends. Ipapakilala kita sa kanila."

Tumango ako. "Sige. Thank you!"

Well, I am not very much interested with parties. Siguro ay sa pagkakabagot koiy medyo uhaw na rin ako sa panibagong pangyayari sa araw na ito. And a party with some people is a bit new so might as well grab that opportunity, huh?

Bumaba ako sa stone path kasama si Yvvo. Nang nakita ko ang mga tao sa kubo ay parang gusto ko nang bumalik sa kwarto. There were other three boys and probably more girls. Tumingala sila nang namataan kami at nakita ko ang pagkakapawi ng ngiti ng ibang babae.

"Nakababa ka rin, Diana," Samuel laughed at me. "Stop staying inside your room. You'll get bored."

"Ipakilala mo ang fiancee mo, Samuel," pagkakamali ni Yvvo.

Mas lalong natawa si Samuel at agad akong hinila para sa kanyang mga kaibigan.

Mas Ialong natawa si Samuel at agad akong hinila para sa kanyang mga kaibigan.

"This is Diana. Diana, si..." binanggit niya ang mga pangalan ng mga naroon ngunit hindi rin natapos.

"She's my fiancee, Yvvo. Hindi kay Diana," malamig na sinabi ni Elyes.

"Oh! I'm sorry. Hindi ko alam!" deklara ni Yvvo sabay tingin sa akin.

Ngumiti ako. He looks so worried because of his mistake. "Ayos lang."

"Kilala na siya ng mga kaibigan natin. They were all there in our engagement day,"

"Oh!" si Yvvo muli na mukhang nakakaramdam na ng tensyon,

"Shall we enjoy everything instead?" isang babaeng nasa tabi ni Elyes ang nagsalita.

The rest agreed kaya nawala rin iyon. Tinapik ako ni Yvvo at muling nagsorry. I assured him na walang problema roon.

May mga pagkain doon. Ang mga kaibigan nila'y naka bikini at mukhang handang maligo sa dagat.

I suddenly regret coming here. Hindi ako makasabay sa kwento nila at sa tawanan. Mas pinili ko pang abalahin ang sarili sa pagkain para hindi na ako tanungin ng kung ano.

Some of their boy friends would look at me for a while, lalo na pag may joke. Maybe to see if I would laugh at their jokes. I would smile everytime, though. Pero hindi na rin sila nagtatangka pang higitan pa ang interaction sa eye contact. And of course, the girls... the girls are not very friendly. Hindi rin naman siguro pakikipagkaibigan ang pinunta nila rito kaya naintindihan ko iyon.

Sa isang malaking limestone sa likod lamang ng kubo ay naupo ako at pinagmasdan sila. Nakakain na ako at ngayo'y ang iilan ay tanaw na sa malayo na nagsasaya. yvvo is even with his friends swimming.

Ang magkapatid naman ay nakaupo lang sa hinandang monoblock chairs na nagkalat. Parehong may mga kasamang babae ang dalawa. Ang kaibahan lang siguro'y mariing nakatingin si Samuel sa dagat.

People who look lost at some things is a good subject. I still need improvements when it comes to portraits but I'm not bad at it.

Pinili kong subject si Samuel, for Elyes will probably take time. Hindi ko rin alam kung bakit ko naisipang gumihit ng tao gayong kahinaan ko naman iyon.

I made a quick sketch for Samuel. Nilingon ako nito at ngumiti.

"Swimming ka! Marunong ka bang lumangoy?" tanong nito.

"Wala akong pang swimming, e. 'Tsaka hindi rin ako marunong lumangoy."

"Oh?" Tumuwid siya sa pagkakaupo.

Now I can't finish my portrait dahil sa paggalaw niya. Binaba ko ang sketchpad at bahagyang umismid. Nakita niya ang reaksyon ko kaya tumayo siya at lumapit.

"Paturo ka! Pwede kitang turuan. 'Tsaka, pwedeng ibilin mo kay Petrina na kailangan mo ng bikini," anito sabay lapit sa akin.

"Sige, next time. Susubukan ko."

"Samuel! Diana! Join us!" si Yvvo.

Tumagaktak ang tubig galing sa buhok ni Yvvo. Kumuha siya ng tuwalya tapos ang cellphone para magtipa ng kung ano bago muli bumaling at lumapit sa amin.

"Hindi siya marunong lumangoy, eh." si Samuel.

Tumawa ako dahil sa kahihiyan.

"Pwede ka naman sa mababaw!" Yvvo insisted.

"Wala akong damit."

"We should tell the maids to buy one for you, then," si Yvvo.

Hindi ko namalayang tinitingnan na pala ni Samuel ang sketchpad ko. Binawi ko ngunit hindi ko natuloy dahil inilayo niya iyon sa akin. Ngayon pati si Yvvo ay kuryoso na sa naroon.

"Oh wow! You're so good!" si Samuel, medyo mangha.

"This is Samuel, huh?" puna ni Yvvo.

Uminit ang pisngi ko. Baka isipin ng dalawa na may gusto ako kay Samuel. Wala! I just want to practice portrait and that's

Ngumisi si Yvvo. Bakas sa kanyang mata ang dami ng iniisip. Si Samuel naman ay panay parin ang tingin sa sketch na nasa kanya parin.

"Akin na! Nakakahiya! Nagpapractice akong magportrait, e.

Kahinaan ko kasi," sabi ko.

"Samuel? Where are you going?"

Pansamantalang nawala ang tingin nila sa aking gawa dahil

sa biglaang pagtayo at pag-alis ni Samuel sa grupo. He went directly straight to the stone stairs and then he disappeared. Hinabol siya ng kasamang babae (ibang babae na namab ang kasama niya).

Hilaw akong ngumiti nang napatingin muli ang dalawa sa akin.

"Ako naman! Ako naman!" sabi ni Yvvo sabay porma.

Tumawa si Samuel. "Tapusin mo muna 'yong akin. Daya mo, Yvvo."

Nagtawanan kami roon. Akala ko'y may mapapansing kakaiba ang dalawa sa pag-alis ni Samuel pero nang nakitang kong normal lang ang tungo nila ay wala naman siguro. Kahit pa noong bumalik na ang busangot na babae sa kubo ay wala ring nasabi ang dalawa.

"Si Samuel?" tanong ng isa pang babae na kanina ay naliligo ng dagat.

Nagkibit ng balikat si Samuel at pinasadahan ng tingin ang mga bagong pagkaing hinanda.

I made a new sketch for Yvvo. Hindi na rin masama. Nakapagpractice pa ako sa pagguhit.

Lumipas ang isa at kalahating oras ay hindi parin bumalik si Samuel. Nakaligo na ang lahat at ginawa na akong tagabantay sa maaaring dumapo o kumain sa mga pagkain sa mesa, hindi parin siya bumalik.

Bumalik si Samuel sa mesa nang nakitang may bagong pagkaing hinanda ang isa sa mga kasambahay.

"Si Kuya, Wen? Nasaan?"

"Ay nasa kuwadra po siya. Nagpapaligo ng kabayo."

"Huh?" Tumawa si Samuel. "E, may party kami rito tapos nandoon siya?"

Nagkibit ng balikat ang kasambahay at tumulak na.

Ngumuso ako at nagpatuloy sa pag-upo roon hanggang sa unti-unti na silang umahon. Hindi naman gaanong mainit pero bakas parin sa mga mukha nila ang pamumula. Huminga ako ng malalim nang nakitang may inumin nang hinanda.

"Ikaw, Diana?" sabay bigay sa akin ni Yvvo.

Umiling ako. "Hindi ako umiinom, e."

"Oh? You haven't tried even a bit?"

Umiling muli ako. Pero hindi ko maipagkakaila, medyo kuryoso rin ako roon. Hindi ko nasusubukan dahil wala akong panahon para mag aksaya ng pera para diyan. Hindi rin naman ako pinapainom ni Tita Matilda kung sa bahay kahit maraming wine.

"I'm surprised!? Even wine?"

"Wala pa..." sabay ngiti ko.

Nagsalin si Samuel ng inumin sa kanyang baso. He mixed it with an orange juice. Nagulat ako nang lumapit siya.

"Try this for beginners. Don't worry. Isa lang para hindi ka masobrahan. Hindi ka naman na minor, eh. Hindi ka pa nakakatikim nito? What about your debut? Did you have any? Kahit wine? Baka nakalimutan mo lang?" pagtataka nito.

Tinanggap ko ang inumin. Hindi ako umiinom. Pero si Diana, nakikipagg-inuman nga sila noon! Shit! Pero ako... bilang si Francheska, hindi pa.

"Uh, no."

Mahirap magsinungaling sa hindi ko pa nararanasan kaya mas mabuting sundin ko ang alam ko... o ang hindi ko alam.

"Masarap ba 'to?" pagdududa ko.

Tumango si Samuel. "Oo! Subukan mo!"

It's true, alright. Pero sa huli, pagkalunok ko ng lahat, may mainit na sensasyon sa aking Ialamunan hanggang sa aking tiyan. It is slowly taking over my senses... my arms... my hand... and my head. But overall, I am still okay.

Tumawa si Samuel. Kumunot naman ang noo ni Yvvo.

"You immediately blushed!" si Samuel.

"It's her first time. That's enough," si Yvvo.

"I know. I'm just letting her drink one."

Tawanan at kwentuhan ang ginawa nila. Sa huli ay sumuko ako at nagpasyang magpahinga. Medyo malakas ata ang alak o talagang ganoon katindi kapag unang beses makainom. I feel a bit warm inside... and my head is fuzzy.

"Mauna na ako sa inyo," sabi ko nang sa wakas ay nagkaroon ng tyempo.

Pumayag naman sila. Samuel is teasing me. Lasing na raw ako na agad kong pinabulaanan. Sinabi ko lang na ibabalik ko ang sketchpad at siguro'y mag si-siesta saglit.

Hiningal ako pagkaakyat sa stone stairs. Pakiramdam ko ay may kinalaman ang alak sa pawis at medyo uneasy kong feeling. Umikot ako at dumiretso sa bulwagan.

Naroon nga si Elyes sa kuwadra at nagpapakain ng kabayo kasama ang isang tagapangalaga. Nagtama ang tingin namin bago ako lumiko. He looks angry. Oh well, kailan ba siya hindi nagmukhang galit at nakakatakot? Milagro kapag dumating ang araw noon.

Lumiko ako at dumiretso sa kusina para makainom ng tubig bago umakyat. I can always call for Petrina but I'm not used to a life with a maiden so I can do it myself.

Walang tao sa malawak na kusina. Kumuha ako ng baso at naghanap ng dispenser para makainom. Kasali pa ang pagiisip ng milagrong araw kung kailan magmumukhang maamo si Elyes Montenegro. Naku! Puputi ang uwak kung sakali.

"Nakainom ka?"

Kamuntik ko nang nabitiwan ang baso ko sa gulat. Si Elyes ay nasa malayong likod ko nang nagsalita. Napahawak ako sa dibdib sa kaba.

"Nakakagulat ka naman-'

"Nagtatanong ako kung uminom ka ba?" he demanded an immediate answer that I'm suddenly pissed.

Nakakainis talaga ang Ialaking ito! Sino ba siya sa akala niya para makapagsalita ng ganito? Para makapagtanong at demand ng ganito?

I am not a rude person but when someone is rude, I can't help but mirror the attitude.

"Anong problema mo?" medyo nataasan ko ang boses ko. Hindi ko alam kung dahil sa alak o talagang napupuno na ako sa isang ito.

Lumipad ang mata niya sa sketchpad na nailagay ko sa nook malapit sa kanya. I saw him lick his lips. Mas nadepina ang pamumula nito dahil sa ginawa. He tilted his head giving me a good look at his corded neck and angled jaw.

His hair is falling a bit on his forehead, tanda na medyo nag overwork siya kanina sa mga kabayo.

"Nagtatanong ako kung uminom ka ba?" malamig at marahan niyang tanong.

"Ano naman ngayon kung oo? Sino ka ba para kwestyunin

Kitang-kita ko ang galit sa kanya. Agad akong nagsisi sa sinabi Ialo na nang lumapit siya sa akin. Malalaking hakbang ang iginawad niya sa marmol na sahig para lang mabilis siyang makalapit. Sa takot ko, akala ko'y sasaktan niya ako. My heart thumped so fast that I thought my ribcage would break apart.

"Ako ang mapapangasawa mo, kung hindi mo alam! Ngayon nagtatanong ako sa'yo dahil responsibilidad kita simula noong idineklara tayong dalawa!"

Oh this hypocrite?

"Hindi pa tayo kasal! And oh, shut up! You're not actually doing this because I'm your responsibility! You're doing this for yourself! For your ego! Ano? Ano?" hamon ko with matching facial expression ng naghahamon. "Naaapakan ba? Naapakan, Elyes?"

I saw him inhale so deep I though he'd explode.

"You are my future wife! I will not tolerate this kind of attitude from you!"

Wow!

Really. Wow!

You have exceeded my expectations, Elyes Montenegro!

You are not just a hypocrite. You are also demanding and manipulative. I pity Diana so much. Buti na lang pinili niya ang boyfriend niya ngayon.

"And you are my future husband! If I say I cannot tolerate this kind of attitude from you, what are you going to do? Huh?"

Nalaglag ang kanyang panga. Napatingin ako sa kanyang labi. Unti-unti niyang inigting ang bagang habang ganoon ang itsura. And I've never seen him more vicious than right now. Nanliit ako kaya hindi ko alam kung anong pwersa ang nagpapatayo pa sa akin sa harap niya. Maybe it's the alcohol. Totoo siguro pala ang sinabi nilang nakakalakas daw ng loob ang alak.

"Anong ibig mong sabihin? Mas gugustuhin mong makasal sa iba, kung ganoon?" marahan niyang sinabi.

"Oo! Mas gugustuhin ko! Yvvo and Samuel are better men. Samuel is better than you! I like him better! I'd rather have him as my husband than you!"

A punch right through the granite nook made me tremble. Kumalabog ang buong kusina at napapikit ako sa takot.

Nang dumilat akoiy nakalayo na siya. Mabilis ang lakad niya palayo sa kusina kaya nilubos-lubos ko na ang lahat.

"Hindi ako nagrereklamo sa mga babae mo kaya wala kang karapatang mag reklamo sa mga ginagawa ko. Kung sinabi kong tumigil ka sa pambababae, gagawin mo? Huwag kang magmalinis, ipokrito ka rin, e! Kapag ako hindi pwede, ikaw pwede? Wala akong pake sa'yo kaya wala ka rin dapat na pake sa akin!" I screamed at the top of my lungs kahit pa nakaalis na siya ng kusina to God knows where.

Hiningal ako pagkatapos na magsalita. Pumikit ng mariin at sinapo agad ang aking noo. Goodness! What was that!? But damn, it feels so good to finally say it.

"A-Anong nangyari, Ma'am Diana?" bungad ng nanginginig na si Petrina.

Lumabas din ang iilang kasambahay kasama ang mayordomang si Mercedita. The lady looked at all the housemaids. Ngumiwi ako at yumuko.

"Pasensya na po," sabi ko.

Tumango ang mayordoma sa akin. "Maayos sana ito, bago makarating sa Senyora Donna."

"Pasensya na po talaga..." ulit ko.

Tiningnan niya ang sadya kong tubig na hindi ko halos nainom bago niya inutusan si Petrina na ihatid ako sa kwarto kasama ang isang pitsel ng tubig.

At bago pa ako nakaakyat ay narinig ko na ang marahas na pagsakay ni Elyes sa kabayo paalis ng mansyon. Tumingin si Petrina sa akin.

"N-Nakakatakot p-pala magalit si Sir."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status