Home / Romance / Divorce Now, Marry Me Later / Chapter 141 - Chapter 150

All Chapters of Divorce Now, Marry Me Later: Chapter 141 - Chapter 150

174 Chapters

Chapter 141: Same eyes

Kinabukasan, maagang umalis si Manson dahil bibisita ito sa kumpanya nila upang siyasatin ang development ng bagong proytekto ng mga ito. Wala rin siyang ideya kung nakaalis na si Devorah basta ang alam niya ay nabigyan niya ito ng salita na siguradong hindi nito makakalimutan. Maghapon na abala si Claire sa pagre-restore ng painting ni mr. Padroncillio. Ang tanging pahinga niya lang ay tanghalian dahil ang gusto niya ay matapos kaagad ang ginagawa upang makabalik na ng Pilipinas. Nagliligpit na siya ng mga gamit dahil alas-singko na nang makarinig siya ng katok sa pintuan. Isang segundo ang lumipas ay bumukas iyon at iniluwa si Manson. “Tapos ka na?” tanong nito at nakangiting naglakad papalapit sa kanya. Ibinuka nito ang braso upang yakapin siya.“Hmn. Aalis na ba tayo?” malumanay na tanong niya. Umiwas siya sa yakap ni Manson. “I’m full of solvent. Baka dumikit sa suit mo,” rason niya pero puno ng katotohanan. Matapang sng solvent na ginamit niya sa pagrerestore ng paintings at
last updateLast Updated : 2024-11-09
Read more

Chapter 142: Seal

Hindi na hinintay ni Manson si Claire na magising at pagkagising pa lang kinaumagahan ay kaagad siyang naghanda upang bumalik sa Pilipinas. Tutal at maayos na rin naman ang kumpanya nang binisita niya ay walang problema kung uuwi siya. Pero bago siya umalis ay iniwan niya ang isang bodyguard kay Claire at mahigpit na ibinilin dito na bantayang maigi ang asawa. Hatinggabi na nang makarating siya sa Pilipinas at dumiretso siya sa bagong penthouse na nabili niya upang magpahinga. Buong oras siyang natulog sa biyahe kaya hindi siya nakaramdam ng antok. Kakatapos niya lang maligo nang maalala na buksan ang naka-off na cellphone at hindi nga siya nagkamali ng hinala na marami siyang misscall sa m3ss3ng3r galing kay Claire. Alam nyang nagtataka ito kung bakit biglaan ang kanyang alis kaya tinawagan niya ito pabalik kahit masama man ang loob niya. Isang ring at agad na itong sumagot. It was a video call, but Manson switched his video off. "Manson?" "Hmm..." anya. Wala na siyang ibang s
last updateLast Updated : 2024-11-11
Read more

Chapter 143: Luke's father

“Ano’ng sinabi mo, Luke?” ulit ni Claire dahil hindi niya maintindihan masiyado ang sinabi ng nasa kabilang linya. Mahinang tawa ang pumailanlang sa tainga ni Claire bago iyon sinundan nang mababa at namamaos na boses ni Luke. “Oh, nothing. I just want to say na isa kang babaeng tagadala ng swerte. Hindi ba at ito na ang ikalawang pagkakataon na nakahanap ka ng treasure map? Ang una, ang treasure map ni Mr. Padroncillio na matagal na niyang hinahanap, pero isang araw lang na nasa bahay ka niya ay nakita mo na kaagad. And this time, you solve the seal for me and eventually discover the treasure map from it. Aren’t you the amazing one?”Hindi maiwasang mapangiti ni Claire. Marami na rin ang taong nagsasabi na isa raw siyang babaeng nagdadala ng swerte at noong una ay hindi niya iyon pinaniwalaan pero magmula nang maging asawa niya si Manson ay unti-unti na siyang naniwala. Hindi man sinuwerte ang pagsasama nila ni Manson, pero sigurado siya na may magandang patutunguhan iyon. “Hindi n
last updateLast Updated : 2024-11-12
Read more

Chapter 144: holdap

“Ah!” Mahinang napatawa si Mr. Del Vega dahil sa tanong ni Claire. Iwinasiwas nito ang kamay sa kanyang harapan upang i-deny ang sinabi nito. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin, iha. Ang gusto kong sabihin ay gusto kanni Luke dahil isa kang nakakabilib na tao.”Magalang na ngiti ang isinagot ni Claire. “‘Yun nga rin po ang sabi niya. Sige po, sa susunod na araw kapag wala akong masyadong ginagawa ay bibisita ako sa inyo.”“Aasahan ko iyan, iha. Sigurado ako na matutuwa nito si Luke.”Isang manipis na ngiti ang isinagot ni Claire saka nagpaalam dito at sumunod kay Mr. Padroncillio. Nang makabalik sila sa villia ay agad na ipinagpatuloy ni Claire ang pagre-restore sa natitirang paintings. Kaunti na lang ang gagawin niya dahil sa bilis niyang magtrabaho kaya’t malapit na rin siyang makauwi ng Pilipinas. Iyon ang buong akala niya. Tatlong araw ang lumipas, habang day-off ni Claire, pinagbigyan siya ni Mr. Padroncillio dahil aalis ito patungong Washington D.C, ay inaya niya ang bodyguard n
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

Chapter 145: Marry My son

Kaagad na sinugod sa ospital si Manson dahil sa agarang pagdating ng ambulansya na kinontak ng driver. Dahil pamilyar ito sa lugar ay ito na ang nag-asikaso ng lahat. Habang nasa loob ng ambulansya ay hindi mabigilang mapaiyak ni Claire habang yakap si Manson. “Claire, tahan na. Huwag kang mag-alala dahil daplis lang ito. Naiwasan ko ang bala na dapat ay tumama sa kritikal na bahagi ng katawan ko.” Upang ipakita na ayos lang ito ay idinipa pa ni Manson ang katawan para ipakita kay Claire kung saan dumaplis ang bala. Nadaplisan ito sa gilid ng beywang saka sa kanang braso pero parehong daplis dahil mabilis na nakaiwas si Manson. Hindi na rin nagpaputok kung sino man ang bumaril kay Manson dahil pinaharurot na ng mga ito ang sasakyan matapos marinig ang sirena ng paparating na pulis.“May ideya ka ba kung sino ang may gawa sa ‘yo nito? Ang sabi ng bodyguard, ang taong bumaril sa ‘yo ay mukhang hindi kasama sa holdapping,” nag-aalalang wika ni Claire kapagkuwan. Matapos masigurong mala
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

Chapter 146: Things From the past

“Alam mo na kung ano ang isasagot mo sa ama ni Luke, pero bakit hindi ka nakapagsalita? Are you reconsidering it?”Nahinto sa akmang pag-inom ng tubig si Claire nang marinig ang tanong ni Manson. Kakabalik lang nila sa ward matapos i-check ng doktor ang sugat nito. Dahil hindi naman malubha ang tama ay maari na itong lumabas kinabukasan. “Of course not! Hindi ako nakasagot dahil biglang tumawag si Mr. Padroncillio at tinatanong ang kalagayan mo. Binigyan niya rin ako ng day-off upang alagaan ka. Sa tingin mo ba, ngayong nagpapakahirap ako sa ‘yo ay magpapakasal pa ako sa iba?” Nakapameywang na katwiran niya. Dahil sa sinabi ay nakita niya ang pagsilay ng malambing na ngiti sa labi ni Manson. Inilahad nito ang kamay sa kanya upang ayain siyang umupo sa kama habang ito ay nakahiga at nagpapahinga. “Alam kong hindi mo gagawin iyon. Kung ano ang kaya niyang ibigay ay kaya ko ring ibigay sa ‘yo. Money, property, protection. Lahat ng iyan ay ibibigay ko sa ‘yo, Claire. At ang pagmamahal n
last updateLast Updated : 2024-11-16
Read more

Chapter 147: His real father???

Nang makalabas sa ospital si Manson ay hindi agad sila bumalik sa villa ni Mr. Padroncillio bagkus ay nag-check in sila sa isang hotel. Ngunit hindi para magpalipas ng init ng katawan kundi magpahinga dahil ang rason ni Manson kay Claire, kapag nasa villa na sila ni Mr. Padroncillio ay hindi makapagpahinga si Claire at magtatrabaho lamang.“Ang sabi ko naman sa ‘yo ay hindi ako magtatrabaho pagdating doon. Bakit kailangan pa nating pumunta sa hotel?” ulit na tanong ni Claire pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa kuwarto. “Hangga’t hindi pa naiimbestigahan nang mabuti kung sino ang namaril sa atin ay hindi ako sigurado kung safe na ba tayo. At ayaw ko ring madamay si Mr. Padroncillio kung tayo talaga ang target ng kaaway.” Ibinaba ni Manson ang bitbit na haversack sa sofa saka pabagsak itong umupo. Hinila nito ang braso ni Claire para mapaupo siya sa tabi ng asawa. Sumeryoso ang mata ni Claire at hinayaan ang asawa sa naging desisyon nito. “Sige, ikaw ang bahala. Pero kailangan na
last updateLast Updated : 2024-11-18
Read more

Chapter 148: In the palace

Halos isang buwan ang inabot at sa wakas ay natapos na ni Claire ang lahat ng pinapa-restore ni Mr. Padroncillio. At bago sila bumalik ng Pilipinas ay ni-restore na rin niya ang painting na gustong ipaayos ng ama ni Luke. Taos-puso ang pasasalamat ni Claire kay Mr. Padroncillio sa oportunidad na ibinigay nito sa kanya dahil hindi lang pag-aasikaso sa painting nito ang ginawa niya sa loob ng mga araw na pamamalagi niya sa villa. Ilang beses din siya nitong inimbitahan na dumayo sa mga auction houses at ilang tao rin ang nakilala ni Claire at nais na magpagawa sa kanya. Hindi lang painting, kundi pati na rin mga sinaunang vases, ceramics at mga antique na alahas. Sa dami nang nagpa-book sa kanya na magpagawa, punong-puno na ang schedule niya pagkauwi ng Pilipinas. Ngayong araw nga ang nakatakdang flight nila ni Manson pauwi ng Pilipinas. Bakas na bakas sa mukha ni Claire ang excitement dahil matagal-tagal na rin niyang hindi nakikita ang ina. Nagpapasalamat din si Claire at halos puro
last updateLast Updated : 2024-11-20
Read more

Chapter 149: Slight SPG

“Manson!?” Gulat na bulalas ni Claire pero dahil nasa bulwagan pa sila ay kontrolado ang boses niya. Pero sa kabila niyon ay halatang-halata pa rin ang tuwa na bumakas sa kanyang mukha. Hindi siya marunong sumayaw pero pinaunlakan niya ito. “Parehong kaliwa ang paa ko. Baka maapakan lang kita.”Malapad na ngumiti si Manson. Ang mapuputi nitong ngipin ay tila kumikinang sa ilalim ng ilaw. “Huwag kang mag-alala. Tuturuan kita.”Dahil ito ang unang anibersaryo ng kasal ng Earl at asawa nito ay marami-rami rin ang bisitang dumalo. Pero karamihan sa mga iyon ay kaibigan at kakilala ng Earl at ilang mga kasosyo sa negosyo. Bukod sa mga kamag-anakan ng Earl, at sila na grupo ng gumawa ng paintings ay wala nang ibang puwedeng makapasok unless may imbitasyon galing sa palasyo. Kaya labis na ipinagtaka ni Claire kung paano nakapasok ang asawa. “Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka nandito at kung paano ka nakapasok? Ang alam ko ay kailangan ng imbitasyon galing sa kamahalan?” Inabot niya
last updateLast Updated : 2024-11-20
Read more

Chapter 150: The Husband's protect his Wife

Sa harap ng nagkikislapang kamera, sa halos hindi magkamayaw na fans, at sa ingay ng paligid na halos hindi na sila magkarinigan ni Manson, ay tinanong siya nitong muli tungkol sa kasal. Nakagat niya ang pang-ibabang labi saka napabulong sa sarili. Malapit na, Manson. Malapit na. Dahil sa siksikan ang mga tao ay muntikan na silang maghiwalay ni Manson at kung hindi maagap ang bodyguard na pumoprotekta sa kanya ay naptumba na siya at dinumog ng mga tao para magpa-picture. Kahit papaano ay nakarating sila sa kotse at nakasakay nang maayos. Habang nasa daan ay masuyong ginagap ni Claire ang kamay ni Manson at marahan iyong pinisil. Alam niyang naghihintay ito sa magiging sagot niya nang maraming beses. “Alam kong gustong-gusto mo na akong pakasalan ulit. At sa pagkakataong ito ay hindi ako hihindi pero uunahan na kita. Tatanggapin ko ang kasal kapag tuluyan na akong matanggap ng papa mo. Sa estado ko ngayon, you know that I earned enough para maging kapantay ninyo, alam kong malapit n
last updateLast Updated : 2024-11-22
Read more
PREV
1
...
131415161718
DMCA.com Protection Status