Home / Romance / Divorce Now, Marry Me Later / Kabanata 131 - Kabanata 140

Lahat ng Kabanata ng Divorce Now, Marry Me Later: Kabanata 131 - Kabanata 140

174 Kabanata

Chapter 131: ???

Nang gabi ring iyon ay agad na bumiyahe pabalik ng Manila si Claire kasama ang dalawang bodyguard niya. Buong biyahe ay hindi siya mapakali at puno ng pag-aalala para kay Manson ang puso niya. Kahit gabi na ay mabigat pa rin ang daloy ng trapiko kaya inabot din ng siyam na oras ang kanilang biyahe bago makarating sa Manila. Pinauwi niya ang dalawang bodyguard dahil alam niyang pagod ang mga ito sa pagmamaneho ng buong gabi. Madaling-araw na pero hindi nakaramdam ng antok si Claire dahil kahit papaano ay nakatulog siya sa biyahe. May isang guard na nakabantay sa labas ng pinto ng kuwarto kung saan naka-admit si Manson. Kilala ito ni Claire dahil ito ang bodyguard na sumama sa kanya noon sa Davao. Bago pa man siya makiusap dito na papasukan siya ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Mr. Peire. Nang makita siya nito ay agad na dumilim ang mukha nito at mabilis a isinara ang pinto sa likuran nito. “Ano’ng ginagawa mo rito?” madilim ang mukhang tanong nito. “Hiwalay na kayo ng anak
last updateHuling Na-update : 2024-10-28
Magbasa pa

Chapter 132: Drunk

Dahil kinakailangan na ring magpahinga ni Claire at hindi na kinaya ang pagod at antok ay nagpasya siyang umuwi at babalik na lang mamayang hapon kapag nakapagpahinga na. Naiwan si Meesha sa loob dahil ito muna ang magbabantay sa kapatid nito. Pagkalabas ni Claire ng kuwarto ay naghihintay sa labas si Mr. Perie. “Claire, gusto kitang makausap.”Dahil gusto ni Claire na muli pang makabalik at makausap si Manson ay pumayag siya sa request ng dating father-in-law. Tumungo sila sa garden ng ospital at umupo sa bench na naroon. May mangilan-ngilang tao ang naroon at dahil maliwanag ang paligid ay hindi nakaramdam ng takot si Claire na baka sakaling may gawin sa kanya si Mr. Perie. Kumuha ito ng sigarilyo at sinindihan bago humithit at ibinuga ang usok. Saka lang ito nagsalita kung ano ang dahilan ng paglapit nito sa kanya. “Claire, ang totoo, wala naman akong masamang hangarin sa ‘yo. Pero alam mo naman kung ano ang gusto ko ‘di ba? Si Manson lang ang anak kong lalaki na maasahan ko pag
last updateHuling Na-update : 2024-10-30
Magbasa pa

Chapter 133: Fight Between the del Vegas 1/2

Masakit ang ulo ni Claire nang magising kinahapunan at halos hindi niya maimulat ang mata. Nang biglang naalala na dumaan siya sa bar ay biglang nawala ang pagkahilo niya at bumalikwas ng bangon. Ang alam niya ay nalasing siya at… Inikot niya ang paningin sa paligid at nakahinga nang maluwag nang makitang nasa loob siya ng sariling kuwarto. “Pero sino ang nagdala sa akin dito?” nalilitong tanong niya sa sarili.Bumaba siya ng kama at pilit na inaalala ang nangyari habang naglalakad sa banyo upang maghilamos. Nang buksan ang pinto ay tumambad sa kanya ang repleksyon niya sa salamin na magulo ang buhok at may bahid pa ng laway ang sulok ng labi. Naka-pajama na rin siya pero hindi niya matandaan kung paano siya nakapagpalit. Ni hindi niya maalala kung paano siya nakauwi. Ito ang unang beses na nalasing siya kaya matinding hang-over ang idinulot niyon sa kanya. Habang nakayuko at naghihilamos ay biglang may pumasok na eksena sa isip niya. Nakayuko siya at nagsusuka habang may isang lala
last updateHuling Na-update : 2024-10-31
Magbasa pa

Chapter 134: Fight Between the del Vega's 2/2

Napangisi si Luke sa suntok ni Manson. Marahil ay dahil naospital ito kaya walang lakas ang suntok nito. Hinaplos niya ng hinlalaki ang sulok ng labi na natamaan ng kamao ni Manson saka mahinang napatawa. “Kung gusto mo ng laban pagbibigyan kita kapag nakalabas ka na ng ospital. Hindi ko gustong samantalahin ang kahinaan ng tao, alam mo ‘yan.” Inayos niya ang nagusot na kuwelyo at inangat ang mukha. Nagsalubong ang tingin nila ni Manson. Kita niya ang galit sa mata ng lalaki pero naiintindihan niya ang nararamdaman nito dahil danas na danas niya iyon sa tuwing nakikita ito at si Claire na magkasama. Narinig niya ang mahinang pagtawa nang mabigat ni Manson at tumalim ang titig nito. “Hindi ka nanamantala ng kahinaan ng tao? Huwag kang hipokrito, Lucas. Alam ko kung ano ang ginawa niyo ng asawa ko kagabi.”Malamig na ngumisi si Luke at hindi itinama ang sinabi ni Manson. “Hindi na kayo kasal para sabihin mong asawa mo siya, Manson. Claire has been very good to you all this time. Kina
last updateHuling Na-update : 2024-11-01
Magbasa pa

Chapter 135: safe

Bago makahuma si Claire ay yakap-yakap na siya ni Luke habang ang kamay nito ay nakahawak sa likod ng kanyang ulo upang protektahan siya na hindi mabagok ang ulo. “Ayos ka lang ba, Claire?” nag-aalalang tanong ni Luke. Tinulungan siya nitong makatayo nang ayos bago nito inusisa kung nasugatan siya. Tumango si Claire. “Oo, ayos lang ako.” Lumingon-lingon siya sa paligid. “Ang tahimik. Palagay ko ay nasa ibang kuwarto bumagsak ang iba. Napakakumplikado ng mekanismo na ginawa ng ninuno ni Mr. Padroncillio. I just don’t know if the treasures will be worth all of this trouble.” Naglakad siya upang maghanap ng daan para makalabas. Sumunod sa kanya si Luke. “I am sure it will be. Hindi maglalagay ng ganito kakumplikado kung hindi ganoon kaimportante ang yamang tinatago ng ninuno ni Mr. Padroncillio. Take care—” Biglang hinawakan ni Luke si Claire sa braso nang muntikan siyang mahulog dahil sa pagguho ng lupa sa inaapakan niya. Her heart beat faster and she felt terrible. “We are trapped.
last updateHuling Na-update : 2024-11-03
Magbasa pa

Chapter 136: Kiss

Kaagad na pinadala ni Claire si Manson sa pinakamalapit na ospital dahil biglang dumugo ang sugat nito sa ulo. Nang malaman niya na napilayan si Luke dahil sa pagligtas sa kanya ay nag-utos rin siya na dalhin ito sa ospital bilang pasasalamat. Kahit dumilim ang mukha ni Manson dahil sa ginawa niya ay hindi niya iyon pinansin. Pagkatapos na mai-settle ang dalawa ay gustong bumalik ni Claire sa hukay para ipagpatuloy ang nasimulan ngunit mahigpit siyang pinigilan ni Manson.“Magpahinga ka na, Claire. Gabi na. Ano ang mapapala mo kung babalik ka pa roon?” Alanganin siyang ngumiti saka umupo sa kama nito at marahang sinuklay ng daliri ang buhok nito na hindi nababalutan ng benda. “Ikaw ang dapat na magpahinga, Manson. Hindi ba sumasakit ang ulo mo? Tingnan mo, dumugo tuloy ang sugat mo.”“Hindi na sumasakit ang ulo ko kapag ikaw ang aking nakikita,” nakangiting sagot nito habang nakatingala sa kanya. Tumulis ang nguso ni Claire sa ginawa nito dahil biglang naalala ang pangtataboy nito
last updateHuling Na-update : 2024-11-04
Magbasa pa

Chapter 137: SPG SPG SPG WARNING

Dahil biglaan ang ginawang paghalik sa kanya ni Manson ay hindi agad nakahuma si Claire at walang nagawa kundi tugunin ang halik nito. She misses her husband’s kisses so much. Kaytagal na nang muling naglapat ang kanilang labi. Kahit medyo may pagkamarahas ang paggalaw ng labi nito ay hindi ito pinahinto ni Claire. Batay sa kilos nito ay tila nagagalit na naman ito. Dahil ba umalis siya kanina ng walang paalam? Habang tumatagal ang kanilang halikan ay lalong naging pursigido ang kilos ni Manson. Pilit na ibinuka ng labi nito ang kanyang bibig upang makapasok ang dila at galugadin ang kanyang bunganga. Hinayaan niya ito at ibinuka ang labi. Once she opened her mouth, Manson's tongue surged like a tidal wave and swept everything in its path. Ramdam niya ang init ng dila nito habang nakikipag-espadahan sa kanyang labi. Their saliva mixed and overflowed at the corner of Claire’s mouth. Napayakap siya sa leeg nito upang hindi mawalan ng balanse lalo na at nanginginig ang kanyang tuhod d
last updateHuling Na-update : 2024-11-05
Magbasa pa

Chapter 138: L.A One hundred million dollars

Matapos makalabas ng ospital si Mr. Padroncillio ay ipinatawag nito si Claire na pumunta sa mansyon nito sa Manila. Napag-alaman ni Claire na kaya siya nito pinatawag ay dahil may ibibigay itong painting sa kanya. Naipadala na ni Mr. Padroncillio ang yamang nakuha nito sa California, at ang mga naiwan ay ibinigay kay Claire at kay Luke upang ilagay sa museum at i-auction. “Mr. Padroncillio, sigurado ba kayong ibibigay niyo itong painting sa akin? Isa itong napakahalagang painting ng kasaysayan. Maaari ko ho bang -donate ito sa museum?”“Ikaw ang bahala, iha. Pagmamay-ari mo na’yan. Pero kung gusto mong i-donate, huwag mong ipangalan sa akin kundi sa sarili mo. Matanda na ako, ayaw kong makaakit ng mga taong may masasamang motibo.”Tumango si Claire. Tama ang matanda. Kapag maraming tao ang makakaalam ng yaman ni Mr. Padroncillio, siguradong hindi lang iisa kundi marami ang gustong gawan ito nang masama. “Thank you, Mr. Padroncillio,” pasasalamat ni Claire. “Huwag mo akong pasalamat
last updateHuling Na-update : 2024-11-05
Magbasa pa

Chapter 139: missing you

Dumiretso si Manson sa villa ni Mr. Padroncillio pagkalabas niya sa airport. At dahil nga hindi alam ni Claire na pupunta siya at hindi nito sinasagot ang tawag ay ang matanda ang naabutan niya. “Manson, iho. Bakit wala man lang pasabi na pupunta ka? Pinasundo sana kita sa airport,” puno ng pagkamangha na tanong ni Mr. Padroncillio nang makapasok sila sa loob. “I have to visit our company here, Mr. Padroncillio. Kaya naisipan kong dumaan,” dahilan niya. Hindi na kailangan ni Mr. Padroncillio alamin kung nagdadahilan lang si Manson o hindi kaya inutusan nito ang kasambahay na dalhin si Manson kung nasaan si Claire. Pero bago siya makalayo ay isang mahigpit na bilin ang pahabol nito. “Manson, iho. Napakasuwerte ko at nakilala ko si Claire. Napakagaling sa trabaho, pero hindi ibig sabihin niyon ay halos patayin na niya ang sarili sa pagtatrabaho. Ni Hindi na siya kumakain sa tamang oras dahil masiyadong concentrated sa ginagawa. Tumiim ang bagang ni Manson sa narinig. Tinanguan niya
last updateHuling Na-update : 2024-11-08
Magbasa pa

Chapter 140: Photos

Kinagabihan ay sabay-sabay na nagsalo sa hapagkainan ang lahat. Dahil malawak at madaming bakanteng kuwarto sa villa ni Mr. Padroncillio ay doon na rin nag-stay sina Manson at Devorah, pero si Manson ay nakisiksik sa kuwartong inuukupa ni Claire. “Hindi mo naman siguro mamasamain kung tatabi ako sa ‘yo no’, Claire?” Nilingon ni Claire si Devorah na umupo sa tabi niya sa hapagkainan at hindi sumagot. Hinayaan niya ang babae kung ano ang gusto nitong ipalabas. Nang makaupo ito ay inilapag nito ang cellphone sa mesa malapit sa tabi ni Claire. Eksaktong tumunog iyon at may nagpadala ng text. Hindi maiwasan ni Claire na mapasulyap dahil sa sobrang taas ng brightness ng cellphone nito at nakita niya ang wallpaper na gamit nito ay larawan ni Manson. Umangat ang kilay ni Claire at lihim na napaismid. Nilingon niya si Manson at matalim na tinitigan. “What?” mahinang tanong nito. “Nothing. I suddenly have something to say to Devorah,” sagot niya saka muling nilingon ang babae. “Kapag tapo
last updateHuling Na-update : 2024-11-08
Magbasa pa
PREV
1
...
1213141516
...
18
DMCA.com Protection Status