Home / Romance / Divorce Now, Marry Me Later / Chapter 151 - Chapter 160

All Chapters of Divorce Now, Marry Me Later: Chapter 151 - Chapter 160

174 Chapters

Chapter 151: Just Being Territorial

“Manson, hindi iyon ang dahilan!” Mabilis na sansala ni Devorah. Sinubukan nitong hawakan sa braso si Manson upang paamuin ang galit nito pero bigla itong itinulak ng lalaki. “Hindi ko kailangan ng opinyon mo. Kahit tanungin mo pa ang iyong ama ay pumayag na siya na si Claire ang kukuning modelo.” Malakas ang pagkakatulak ni Manson kay Devorah kaya napasubsob ang dalaga sa sulok ng mesa. Dahil malapit lang ang kinatatayuan nilang dalawa, kung may ibang taong makakita sa posisyon nila ay siguradong iisipin ng mga ito na may ginagawa silang hindi maganda. Lalo na at halos nakatuwad si Devorah habang si Manson ay nakatayo sa gilid nito. Nilingon nito ang lalaki habang nanatili sa pagkakatuwad na tila ba sinasadyang ipakita ang katawan kay Manson. “Ano ba ang meron sa Claire na iyon at gustong-gusto mo siya samantalang ako ay tinuturing mo na parang basahan? Mas bagay tayo, Manson. PAreho tayong mayaman at magkasosyo pa sa negosyo ang pamilya natin.”Hindi siya sinagot ni Manson. Ni hi
last updateLast Updated : 2024-11-23
Read more

Chapter 152: Poison

Mahigit isang linggo ang lumipas at nag-umpisa na nga si Claire sa photoshoot niya para sa pagiging modelo ng bagong building na ipapatayo ng kumpanya ni Manson. Nasa isang sikat na studio siya ngayon na pagmamay-ari ng kumpanya sa ilalim ng pamamalakad ng advertising department. Habang walang tigil sa pag-click ang camera ay sumasabay sa pag-pose si Claire kaya naman puring-puri siya ng photographer. “Perfect, Ms. Claire. Mukhang hindi ka first timer sa pagiging modelo. Sigurado akong kapag ipinagpatuloy mo ang pagiging modelo ay sigurado akong maraming ahensya ang kukuha sa ‘yo.” Nakapilantik ang daliring wika ng baklang photographer habang ang daliri ay walang tigil sa pagpindot ng camera at patuloy sa pagkuha ng larawan kay Claire. Ito ang kinuha ni Manson dahil kung tunay na lalaki anng photographer ay pagseselosan lang ito ng kanyang dating asawa.Ngumiti siya nang matamis dahil sa papuri nito. Hindi man ito ang unang beses na humarap siya sa camera, pero ito ang unang beses n
last updateLast Updated : 2024-11-25
Read more

Chapter 153: Let's have a child

“Ulitin mo nga ang sinabi mo, Claire? Pinagbibintangan mo ako na ako ang nagpahamak sa ‘yo?”Napaismid si Claire at sumandal sa hamba ng pintuan. Hindi niya ito inanyayahang makapasok kaya’t sa pintuan sila nito nag-usap at kahit naiinitan ito dahil katanghaliang tapat ay hindi siya nakaramdam ng awa. Noong minamata siya nito at noong ginagawan siya nito nang masama ay wala itong awa. Kaya’t habang tinitingnan niya ito na nangangati ang duguang mukha ay hindi niya agad ibinigay ang antidote. “Hindi ka aamin? Hindi ba’t ang lalaki mo ang inutusan mo para banggain ang sinasakyan namin? Sa tingin mo ba dahil patay na ang taong inutusan mo ay hindi ko na mahukay ang katotohanan?” mababa ang boses na tanong niya. Tumalim ang kanyang mata habang nakatingin dito. Mariing napailing si Mrs. Coltre. “Hindi. Hindi totoo ‘yan! Walang katotohanan ang sinabi mo, Claire. Wala akong alam!” naghihysterikal na depensa nito. Nanatili ang talim sa mga mata ni Claire nang muling magsalita. Kung dati ay
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Chapter 154: Meeting Her Father Again

Kinabukasan kahit maagang nagising si Claire ay mas maaga pa rin si Manson. Wala na ito sa kanyang tabi nang magising s’ya. Ang sabi sa kanya ni Manang Silva ay maaga raw itong umalis dahil may dadaanan pa ito bago pumasok sa trabaho. Gusto sana itong tawagan ni Claire pero ayaw niya itong istorbohin kaya bumalik siya sa kuwarto matapos mag-almusal saka naghanda para sa panibagong araw na pagtatrabaho. Marami siyang ire-restore na painting ngayon pero bago pa niya magawa iyon ay may natanggap siyang e-mail mula sa bangko na mayroong nagdeposito ng pera na nagkakahalaga ng limang milyong piso sa account niya.Nagulo na ang isip niya sa kakaisip kung sino pero wala pa rin siyang ideya kung sino. Karamihan kasi sa mga kustomer niya kapag nagpapadala ito ng bayad ay binibigyan siya nito ng notice. Bago pa tuluyang sumakit ang ulo niya sa pag-iisip ay tumunog ang cellphone niya at nang makita na si Luke ang nasa caller ID ay bumakas ang tuwa sa kanyang mukha dahil naalala na niya na humi
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Chapter 155: The Truth about the past

Naipikit ni Claire ang mata dahil sa baril na nakatutok sa kanya. Hindi siya makakilos at kahit ang paghinga ay pigil na pigil sa takot na barilin siya ng lalaki. “Kung ayaw mong sumabog ‘yang bungo mo, ibaba mo ang baril mo!”Ang malamig at galit na boses ni Luke ang nagpamulat sa mga mata ni Claire. At ang malakas na suntok ng baril sa batok ng lalaking nanutok ng baril ang namulatan niya. Nakaramdam siya ng kaginhawaan dahil may taong magliligtas sa kanya. Nang pinaikot niya ang tingin ay lalong nawala ang kanyang takot nang makitang lahat ng kasama ng kanyang ama ay nakaluhod sa lupa habang duguan Kang mga mukha. Tanging ang kanyang ama ang nawawala. Wala siyang ideya kung paano napatumba ni Luke at ng kasama nito ang grupo ng kanyang ama. Kahit ang lalaking tumutok sa kanya ng baril ay mabilis rin nitong napatumba. “Luke, maraming salamat at dumating ka,” pasasalamat dito ni Claire at napasandal sa puno na sinisilungan upang pakalmahin ang sarili. “Hindi ko alam kung paano nila
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 156: Kill her

Nang marinig ang sunabi ng ina ay natahimik si Luke at hindi kaagad makasagot. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at kitang-kita ang nag-uumbukang ugat doon. Napuno ng galit ang kanyang puso na hindi niya alam kung paano pahupain.“Bakit hindi ka makasagot, Luke?”Dumilim ang kanyang mukha. Kung may ibang tao man na makakita sa kanya ngayon ay siguradong matatakot ang mga ito dahil sa galit na makikita sa mukha niya. Taas-baba ang kanyang dibdib at pilit na kinakalma ang sarili pero kahit anong gawin niya ay para pa ring malakas na agos ng tubig at hindi kayang pigilan ang kanyang galit. Rumaragasa iyon na kayang lamunin ang taong may kasalanan sa kanya. Mahinang napabuntong-hininga ang kanyang ina sa kabilang linya bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Upang itago ang kasalanan ni Mosheire ay binayaran ni Perrie ang lahat ng taong nakatira at nakakita nang nangyari. Tinakpan niya ang kasalanan ng babaeng iyon para proteksyunan ang pangalan nito. At kahit sino ang gustong magtanon
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more

Chapter 157: I am Lucas

Nakahanda na si Luke na pindutin ang trigger ng hawak na riffle, pero sa hindi malamang pagkakataon ay biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa ng suot na pantalon habang ang mata ay nanatiling nakatutok sa scope ng baril. Nakita niya si Mosheire na nakatayo pa rin sa entrance ng factory at may kausap. Saka lang inalis ni Luke ang tingin dito upang tingnan kung sino ang tumatawag. Mapait siyang napatawa dahil nakita ang pangalan ni Claire. Mukhang sa huling sandali ay ayaw pa rin siya nitong maging masamang tao. Sinagot niya ang tawag saka muling sumilip sa scope ng baril pero nakitang papasakay na ng sasakyan si Morsheire at ang lalaking kasama nito. Ibinaba niya ang hawak na baril saka sumandal sa pader sa gilid ng rooftop. “Claire, napatawag ka?” tanong niya. Pilit niyang kinontrol ang boses upang hindi nito mabasa ang galit na nararamdaman niya. “Luke, pasensya na kung naistorbo kita. Gusto lang sana kitang tanungin kung free ka ba ngayong linggo? Gusto sa
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 158: Revelations

Habang naghihintay kay Luke ay patindi nang patindi ang kaba at excitement na nararamdaman ni Claire. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Dahil pinauwi niya rin si Manang Silva ay siya lang ang mag-isa sa bahay at kahit si Manson ay kinumpirma niyang hindi pupunta. Hindi sa ayaw niyang malaman nito pero napakaseloso nito pagdating kay Luke o Lucas kung ito nga ang Lucas na kababata niya. Madilim na nang makarating si Luke at nang mag-doorbell ito ay nagkukumahog sa pagbukas ng pinto si Claire. Nang makita ito, imbes na batiin, ay isang tanong ang isinalubong niya. “Ikaw ba talaga si Lucas? Si Lucas na kababata ko?”Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Luke pero ang mata nito ay malamlam na nakatitig sa kanya. Kung paano siya nito titigan noon. Ang titig nito na puno ng pagmamahal. “Oo, ako ito, Claire. Ako ‘to, si Lucas ang kababata mo sa probinsya.”Kahit excited siya na makita muli si Lucas at kahit na nalaman niya na buhay pa pala ito ay pinigilan niya a
last updateLast Updated : 2024-12-02
Read more

Chapter 159: Cool off

Dumating ang araw na nakatakda sana silang mag-dinner ni Lucas pero nang tinawagan niya si Manson ay bigla itong umayaw at sinabing may iba raw itong importanteng lakad. Bahagyang nangunot ang noo ni Claire dahil doon. Weekend naman at walang trabaho si Manson. Bakit ito abala? Nitong nakaraang araw ay napansin niyang hindi siya tinatawagan o tini-text man lang ni Manson. Pakiramdam niya ay naging matabang ito sa kanya. “May problema ba tayo, Manson?” hindi na siya nakatiis at kinompromta ito sa tawag. “Bakit? Gusto mo bang magkaproblema tayo?” malamig na sagot nito. Lalong nangunot ang noo ni Claire sa narinig. Pakiramdam niya ay may ginawa siyang mali pero hindi iyon sinasabi sa kanya ni Manson. Nakita ba siya nito na kausap si Lucas?“Nakita mo ba kami ni Luke na magkausap sa bahay? Kaya ba malamig na ang pagtrato mo sa akin? Manson, si Luke ay si Lucas ang kababata ko.” Sinubukan niyang magpaliwanag pero malamig na boses pa rin ni Manson ang sumagot sa kanya. Kasunod niyon ay a
last updateLast Updated : 2024-12-03
Read more

Chapter 160: Start of S2

Isang buwan ang mabilis na lumipas at sa loob ng mga araw na iyon ay hindi nakatanggap ng kumusta si Claire mula kay Manson. Ni hindi ito tumawag upang alamin ang kalagayan niya. Ginugol niya ang mga araw na abala sa pag-aayos ng mga painting at ancient ceramics. Gaano man niya pinanabikan na marinig ang boses ni Manson ay tinikis niya ang sarili kahit pa nasasaktan siya. Kinagabihan ay sinundo siya ni Lucas dahil may pupuntahan silang award. She was nominated after restoring relics in the Earl’s palace. Hindi niya na kailangan dumaan sa salon para mag-ayos dahil may pinadala si Lucas na mga staff para ayusan siya. May damit na ring dala ang mga ito para susuotin niya sa awarding. Pagkatapos nga noon ay si Lucas rin ang nagmaneho papunta sa hotel na pagdarausan ng awarding. “Kinakabahan ka ba?” tanong sa kanya ni Lucas noong nasa venue at nakaupo sa upuan na nakalaan para sa kanya at sa kasama niyang guest. Inabutan siya nito ng mineral water matapos nito iyong buksan. Inabot ni Cl
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more
PREV
1
...
131415161718
DMCA.com Protection Status