Next:Kinabukasan ang huling araw ng taping ni Claire at after lunch nga ay naghanda na siya at si Aurora para bumalik ng Maynila. Naunang bumalik si Lucas kaninang umaga sa Maynila dahil may susunduin itong kaibigan galing America. “Claire, sandali!”Napalingon si Claire nang marinig ang boses ni Manson na tinatawag siya. Kasama nito ang tauhan at assistant na bitbit ang gamit nito. Nasa lobby na sila ng hotel at naghihintay ng taxi patungo sa airport. “May kailangan ka?” walang emosyong tanong niya. Mabilis lang niya itong tinapunan ng tingin bago ibinalik sa pagbabasa ng librong hawak. It is a book about self reflection and healing, and she puts her focus on it, totally ignoring her annoying ex-husband. “Claire, narinig ko sa direktor na tapos na ang eksena mo at pabalik ka na ng Manila. Kung hindi mo mamasamain ay puwede kang sumabay sa akin dahil dala ko ang chopper. Isama mo na rin ang assistant mo dahil may space pa naman sa loob.”Nang marinig ang paanyaya ni Manson ay naw
Last Updated : 2024-12-06 Read more