Matapos makalabas ng ospital si Mr. Padroncillio ay ipinatawag nito si Claire na pumunta sa mansyon nito sa Manila. Napag-alaman ni Claire na kaya siya nito pinatawag ay dahil may ibibigay itong painting sa kanya. Naipadala na ni Mr. Padroncillio ang yamang nakuha nito sa California, at ang mga naiwan ay ibinigay kay Claire at kay Luke upang ilagay sa museum at i-auction. “Mr. Padroncillio, sigurado ba kayong ibibigay niyo itong painting sa akin? Isa itong napakahalagang painting ng kasaysayan. Maaari ko ho bang -donate ito sa museum?”“Ikaw ang bahala, iha. Pagmamay-ari mo na’yan. Pero kung gusto mong i-donate, huwag mong ipangalan sa akin kundi sa sarili mo. Matanda na ako, ayaw kong makaakit ng mga taong may masasamang motibo.”Tumango si Claire. Tama ang matanda. Kapag maraming tao ang makakaalam ng yaman ni Mr. Padroncillio, siguradong hindi lang iisa kundi marami ang gustong gawan ito nang masama. “Thank you, Mr. Padroncillio,” pasasalamat ni Claire. “Huwag mo akong pasalamat
Dumiretso si Manson sa villa ni Mr. Padroncillio pagkalabas niya sa airport. At dahil nga hindi alam ni Claire na pupunta siya at hindi nito sinasagot ang tawag ay ang matanda ang naabutan niya. “Manson, iho. Bakit wala man lang pasabi na pupunta ka? Pinasundo sana kita sa airport,” puno ng pagkamangha na tanong ni Mr. Padroncillio nang makapasok sila sa loob. “I have to visit our company here, Mr. Padroncillio. Kaya naisipan kong dumaan,” dahilan niya. Hindi na kailangan ni Mr. Padroncillio alamin kung nagdadahilan lang si Manson o hindi kaya inutusan nito ang kasambahay na dalhin si Manson kung nasaan si Claire. Pero bago siya makalayo ay isang mahigpit na bilin ang pahabol nito. “Manson, iho. Napakasuwerte ko at nakilala ko si Claire. Napakagaling sa trabaho, pero hindi ibig sabihin niyon ay halos patayin na niya ang sarili sa pagtatrabaho. Ni Hindi na siya kumakain sa tamang oras dahil masiyadong concentrated sa ginagawa. Tumiim ang bagang ni Manson sa narinig. Tinanguan niya
Kinagabihan ay sabay-sabay na nagsalo sa hapagkainan ang lahat. Dahil malawak at madaming bakanteng kuwarto sa villa ni Mr. Padroncillio ay doon na rin nag-stay sina Manson at Devorah, pero si Manson ay nakisiksik sa kuwartong inuukupa ni Claire. “Hindi mo naman siguro mamasamain kung tatabi ako sa ‘yo no’, Claire?” Nilingon ni Claire si Devorah na umupo sa tabi niya sa hapagkainan at hindi sumagot. Hinayaan niya ang babae kung ano ang gusto nitong ipalabas. Nang makaupo ito ay inilapag nito ang cellphone sa mesa malapit sa tabi ni Claire. Eksaktong tumunog iyon at may nagpadala ng text. Hindi maiwasan ni Claire na mapasulyap dahil sa sobrang taas ng brightness ng cellphone nito at nakita niya ang wallpaper na gamit nito ay larawan ni Manson. Umangat ang kilay ni Claire at lihim na napaismid. Nilingon niya si Manson at matalim na tinitigan. “What?” mahinang tanong nito. “Nothing. I suddenly have something to say to Devorah,” sagot niya saka muling nilingon ang babae. “Kapag tapo
Kinabukasan, maagang umalis si Manson dahil bibisita ito sa kumpanya nila upang siyasatin ang development ng bagong proytekto ng mga ito. Wala rin siyang ideya kung nakaalis na si Devorah basta ang alam niya ay nabigyan niya ito ng salita na siguradong hindi nito makakalimutan. Maghapon na abala si Claire sa pagre-restore ng painting ni mr. Padroncillio. Ang tanging pahinga niya lang ay tanghalian dahil ang gusto niya ay matapos kaagad ang ginagawa upang makabalik na ng Pilipinas. Nagliligpit na siya ng mga gamit dahil alas-singko na nang makarinig siya ng katok sa pintuan. Isang segundo ang lumipas ay bumukas iyon at iniluwa si Manson. “Tapos ka na?” tanong nito at nakangiting naglakad papalapit sa kanya. Ibinuka nito ang braso upang yakapin siya.“Hmn. Aalis na ba tayo?” malumanay na tanong niya. Umiwas siya sa yakap ni Manson. “I’m full of solvent. Baka dumikit sa suit mo,” rason niya pero puno ng katotohanan. Matapang sng solvent na ginamit niya sa pagrerestore ng paintings at
Hindi na hinintay ni Manson si Claire na magising at pagkagising pa lang kinaumagahan ay kaagad siyang naghanda upang bumalik sa Pilipinas. Tutal at maayos na rin naman ang kumpanya nang binisita niya ay walang problema kung uuwi siya. Pero bago siya umalis ay iniwan niya ang isang bodyguard kay Claire at mahigpit na ibinilin dito na bantayang maigi ang asawa. Hatinggabi na nang makarating siya sa Pilipinas at dumiretso siya sa bagong penthouse na nabili niya upang magpahinga. Buong oras siyang natulog sa biyahe kaya hindi siya nakaramdam ng antok. Kakatapos niya lang maligo nang maalala na buksan ang naka-off na cellphone at hindi nga siya nagkamali ng hinala na marami siyang misscall sa m3ss3ng3r galing kay Claire. Alam nyang nagtataka ito kung bakit biglaan ang kanyang alis kaya tinawagan niya ito pabalik kahit masama man ang loob niya. Isang ring at agad na itong sumagot. It was a video call, but Manson switched his video off. "Manson?" "Hmm..." anya. Wala na siyang ibang s
“Ano’ng sinabi mo, Luke?” ulit ni Claire dahil hindi niya maintindihan masiyado ang sinabi ng nasa kabilang linya. Mahinang tawa ang pumailanlang sa tainga ni Claire bago iyon sinundan nang mababa at namamaos na boses ni Luke. “Oh, nothing. I just want to say na isa kang babaeng tagadala ng swerte. Hindi ba at ito na ang ikalawang pagkakataon na nakahanap ka ng treasure map? Ang una, ang treasure map ni Mr. Padroncillio na matagal na niyang hinahanap, pero isang araw lang na nasa bahay ka niya ay nakita mo na kaagad. And this time, you solve the seal for me and eventually discover the treasure map from it. Aren’t you the amazing one?”Hindi maiwasang mapangiti ni Claire. Marami na rin ang taong nagsasabi na isa raw siyang babaeng nagdadala ng swerte at noong una ay hindi niya iyon pinaniwalaan pero magmula nang maging asawa niya si Manson ay unti-unti na siyang naniwala. Hindi man sinuwerte ang pagsasama nila ni Manson, pero sigurado siya na may magandang patutunguhan iyon. “Hindi n
“Ah!” Mahinang napatawa si Mr. Del Vega dahil sa tanong ni Claire. Iwinasiwas nito ang kamay sa kanyang harapan upang i-deny ang sinabi nito. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin, iha. Ang gusto kong sabihin ay gusto kanni Luke dahil isa kang nakakabilib na tao.”Magalang na ngiti ang isinagot ni Claire. “‘Yun nga rin po ang sabi niya. Sige po, sa susunod na araw kapag wala akong masyadong ginagawa ay bibisita ako sa inyo.”“Aasahan ko iyan, iha. Sigurado ako na matutuwa nito si Luke.”Isang manipis na ngiti ang isinagot ni Claire saka nagpaalam dito at sumunod kay Mr. Padroncillio. Nang makabalik sila sa villia ay agad na ipinagpatuloy ni Claire ang pagre-restore sa natitirang paintings. Kaunti na lang ang gagawin niya dahil sa bilis niyang magtrabaho kaya’t malapit na rin siyang makauwi ng Pilipinas. Iyon ang buong akala niya. Tatlong araw ang lumipas, habang day-off ni Claire, pinagbigyan siya ni Mr. Padroncillio dahil aalis ito patungong Washington D.C, ay inaya niya ang bodyguard n
Kaagad na sinugod sa ospital si Manson dahil sa agarang pagdating ng ambulansya na kinontak ng driver. Dahil pamilyar ito sa lugar ay ito na ang nag-asikaso ng lahat. Habang nasa loob ng ambulansya ay hindi mabigilang mapaiyak ni Claire habang yakap si Manson. “Claire, tahan na. Huwag kang mag-alala dahil daplis lang ito. Naiwasan ko ang bala na dapat ay tumama sa kritikal na bahagi ng katawan ko.” Upang ipakita na ayos lang ito ay idinipa pa ni Manson ang katawan para ipakita kay Claire kung saan dumaplis ang bala. Nadaplisan ito sa gilid ng beywang saka sa kanang braso pero parehong daplis dahil mabilis na nakaiwas si Manson. Hindi na rin nagpaputok kung sino man ang bumaril kay Manson dahil pinaharurot na ng mga ito ang sasakyan matapos marinig ang sirena ng paparating na pulis.“May ideya ka ba kung sino ang may gawa sa ‘yo nito? Ang sabi ng bodyguard, ang taong bumaril sa ‘yo ay mukhang hindi kasama sa holdapping,” nag-aalalang wika ni Claire kapagkuwan. Matapos masigurong mala
“Ma!” muling sigaw ni Claire pero mas nangibabaw ang tawa ni Ronaldo. Ang bag na naglalaman ng pera ay matagal nang nakuha ng anak nito. “Pareho lang kayo ng iyong ina, Claire. Parehong hibang at hindi nag-iisip!” lalo pa itong tumawa nang malakas na sinabayan ng anak nito. Napatungo si Claire at tahimik na napangisi. May ilang metro ang layo niya sa mag-ama. Upang kunwari ay nasaktan siya sa ‘paghulog’ kuno ng kanyang ina ay napaluhod siya sa semento at umiyak. Pero iyon ay isang hudyat para kumilos ang kasamahan niya na hindi alam ng mag-ama na kasama pala niya. Dalawang magkasabay na putok mula sa sniper ang umalingawngaw sa kalaliman ng gabi at kasunod niyon ay ang pagbagsak ng mag-ama. Natamaan ang mga ito sa parehong braso at ang kutsilyo na hawak nito bilang panakot sa kanya. Kasunod nang pagbagsak ng dalawa ay agad na lumabas sa pinagtataguan ang mga pulis na kasama ni Claire pati na rin si Manson. Nang makalapit ito sa kanya ay agad siya nitong niyakap nang mahigpit. “A
Habang lumilipas ang minuto na kasama ng kanyang ina ang kanyang ama y hindi mapakali si Claire. Pabalik-balik ang kanyang lakad sa salas upang pakalmahin ang sarili pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi siya mapakali. Mahigpit na habilin ng kanyang ina na ‘wag siyang sumunod rito dahil kaya na nito ang sarili pero hindi siya basta magpapaniwala sa sinabi nito. Kahit ilang beses pa lang niyang naka-engkwentro ang ama ay alam na niya ang likaw ng bituka nito. Sigurado siyang may masama itong tangka sa kanyang ina. “Claire, relax. Walang mangyayaring masama sa iyong ina. Kasama niya ang tatlong bodyguards na itinalaga ko sa kanya.”Nilingon ni Claire si Manson na nakaupo sa sofa at kanina pa nababahala dahil sa labis niyang pag-aalala. “Hindi mo kilala si Rolando, Manson. Kahit siya man ang asawa ni mama, ay hindi niya kailanman itinuring na asawa ang aking ina. At kahit may bodyguards siyang kasama alam kong kung gagawa nang masama si Rolando ay hindi sila magiging sapat.”Tumayo si
Nagsisimula na ang selebrasyon nang makapasok ang dalawa sa loob. Veena and Bruce walked table by table to toast to the guests. At dahil ayaw iwanan ni Manson si Claire na mag-isa ay umupo siya sa table nito upang samahan ito kagit pa ang table na dapat para sa kanya ay nasa harapan banda. Nang lumapit sa mesa nila sina Veena ay imposibleng hindi mag-iwan ng salita ang babae kahit pa tahimik lang si Claire.“Claire, mukhang ikaw ang star ng selebrasyon dahil mas lumilitaw ang awra mo kaysa sa akin. Are you trying to steal my limelight?” Veena said. Sinadya nitong palakasin ang boses para marami ang makarinig. Hahayaan na lang sana niya na si Manson ang bumati sa dalawa pero nang marinig ang sinabi ni Veena ay mahina siyang napatawa. This girl, even in her fabulous day, acted pathetic. “Veena, this is a happy occasion. Dapat ay magsaya ka at ‘wag gumawa ng negatibo. Isa pa, kapag kasal na kayo ni Bruce magiging magkapamilya na tayo.” Kinindatan niya si Veena saka kumapit ang kamay
“Manson…” mahinang tawag ni Claire sa asawa. Nakatayo ito sa veranda ng bahay niya habang naninigarilyo. Hindi niya alam kung pang-ilang stick na nito iyon pero hindi pa rin ito tumigil. Isang linggo na ang makalipas magmula ang komprontahan nila ni Marriotte. Nakalabas na rin sa ospital si Lucas at nakauwi na ang mga ito sa America. Labis ang lungkot ni Claire dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya pero alam niyang umiiwas lang ito marahil ay sinabi rito ng ina na ang tungkol sa kondisyon na hinihingi nito kay Mr. Perie, sa ama nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magkapatid nga ang asawa at kababata niya. “Gusto kong pumunta tayo sa probinsya n’yo at imbestigahan ang nangyaring sunog. Kung totoo man ang sinabi ni Marriotte na may kinalaman ang aking ama’t ina sa nangyari sa inyo ni Lucas ay kailangan ko silang panagutin. Pero gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na walang kinalaman dito si mama. I don’t care if it was my father’s doing to cover his crim
Hindi agad nakasagot si Claire dahil sa sinabi ni Mosheire. Nakamata lang siya rito habang naglalakad ito papalapit sa kanila ni Manson. Kasunod nito sa likuran si Mr. Perie na katulad ni Manson ay madilim ang mukha na nakatingin kay Marriotte. Ngunit kahit mag-isa lang ang babae habang pinagtutulungan ito ng tatlo ay hindi ito nagpakita ng takot.Claire was different. Hindi siya agad naniwala sa sinabi ni Mosheire at ni Manson hangga’t hindi niya naririnig ang side nito. Tulad nga ng sabi nila, may dalawang panig ang istorya. Nang lumapit sa tabi niya si Mosheirre at hinawakan siya sa braso ay isang tipid na ngiti lang ang iginawad niya rito bago tumingin kay Marriotte na naninibugho pa rin ang tingin pero ngayon, lahat ng galit nito ay ibinunton kay Mr. Perie. “At iyan ang ipinagkakalat niyo? Na isa akong kabet?” Itinuro nito ang sarili. Wala itong pakialam kahit pinagtitinginan ito ng ibang dumadaang tao dahil sa bulgar na sinabi nito. Malakas itong napaismid saka idinuro si Mr. P
Nagpatuloy si Marriotte sa mahigpit na paghawak sa kuwelyo ni Manson. Habang si Claire na nakikinig at nakatingin sa tabi nito ay hindi halos makakilos dahil sa nangyayari. Magkakilala ba sina Marriotte at Manson? Bakit galit na galit ito sa dati niyang asawa niya?“Dalawa kayo ng ina mo ang may dugong demonyo. Mga masasama ang loob! Hindi na kayo nakuntento noon na ipapatay si Lucas, at ngayong nalaman niyong buhay pa rin siya ay gusto niyo siyang patayin ulit? Kapag may nangyari masama sa anak ko ay siguraduhin kong lalabas ang baho ng pamilya ninyo!”Hinawakan ni Manson si Marriotte sa braso nito at pilit na tinanggal ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya. “Huwag kang basta-basta mambintang at baka makasuhan kita,” malamig na banta ni Manson. “Wala akong ginawang masama sa anak mo.”Hinawakan ni Claire sa braso si Manson at pinisil iyon upang pakalmahin ito. Bagama’t sumunod ay nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. “Pardon me for being blunt, but I have nothing to do with yo
Next:Limang araw na ang nakalipas pero wala pang balita si Claire tungkol kay Lucas. Ang eroplanong sinasakyan nga nito ang nabalitang nag-crash kaya’t agad silang dumayo sa Batanes dahil doon napabalitang nakita ang debris ng eroplanong bumagsak. Tumuloy sila sa isang hotel doon. Kasama niya si Manson at ang ilang tauhan nito.Bukod sa mga search and rescue team ng gobyerno ay nagdala rin si Manson ng sarili nitong rescuer team para maabilis ang paghahanap. Sa loob ng limang araw na wala siyang balita kay Lucas ay halos hindi rin makakain si Claire nang maayos dahil labis ang kanyang pag-aalala. Hindi niya kayang tanggapin kung may mangyaring masama kay Lucas. Hindi pa sila nito nagkakasama nang matagal.“Claire,” tawag sa kanya ni Manson. Kagagaling na nila sa karagatan upang suyurin ang lugar kung saan nag-crash ang eroplano. “Kumain ka muna. Ilang araw ka ng walang ayos na kain. Alagaan mo ang sarili mo, puwede ba? Sa tingin mo ba magugustuhan ni Lucas kung malaman niya na pinaba
Ang halik na nasimulan sa salas ay dumiretso hanggang sa kuwarto. At kahit hindi pa lumulubog ang araw ay gumagawa na ang dalawa ng gawain na kadalasan ay sa gabi lamang ginagawa. Ramdam na ni Claire ang pagod dahil ilang oras na silang nag-e-ehersisyo sa kama ni Manson pero wala pa ring balak tumigil ang lalaki. Naiintindihan niya ito. Matagal na simula nang huling may mangyari sa kanila ni Manson at inaamin ni Claire na kahit siya ay sabik na sabik sa katawan ng asawa. Kung hindi lamang siya nakaramdam ng gutom ay hindi pa tumigil si Manson. Alas-diyes na ng gabi at halos hindi na niya kayang igalaw ang katawan kaya hinayaan niya si Manson na asikasuhin siya. Mula sa pagpapaligo sa kanya at pagpalit ng damit ay inasikaso siya nito. Sa sobrang pagod at antok ay halos ipikit na niya ang mga mata kaya naman sinubuan na lang siya ni Manson para lang magkalaman ang sikmura niya. Nagpautos ito sa tauhan na bumili ng pagkain sa pinakamalapit na restaurant at agad ring pinauwi ang mga
Matapos lisanin ang opisina ng kanyang ina ay dumiretso siya sa bahay ni Claire. Naghihintay na ito sa kanya nang makarating siya habang hindi maipinta ang mukha dahil sa pag-aalala. Gustong tumawa ni Manson nang malakas pero kailangan niyang panindigan ang pagkukunwari kaya habang pababa ng kotse ay paika-ika siya ta gad naman siyang inalalayan ni Claire. “Ang tigas talaga ng ulo mo, Manson. Bakit kailangang dito ka pa dumiretso keysa sa ospital?” pangaral ni Claire habang inalalayan siya nitong maglakad papasok sa loob. Nakatanga lamang ang assistant at driver niyang kasama dahil sa inakto niya pero kinawayan niya ang mga ito na maghintay sa kotse at ‘wag siyang istorbohin.Pinaupo siya ni Claire sa sofa at agad na inirolyo pataas ang suot niyang pantalon at yumuko upang makita kung saan ang sumasakit. “Saang banda ang sumasakit? Ito ba?” Hinawakan nito ang kaliwa niyang tuhod at bahagyang pinisil.Umiling si Manson. “No.”Hinawakan nito ang kanan niyang tuhod at marahan uling pin