Napangisi si Luke sa suntok ni Manson. Marahil ay dahil naospital ito kaya walang lakas ang suntok nito. Hinaplos niya ng hinlalaki ang sulok ng labi na natamaan ng kamao ni Manson saka mahinang napatawa. โKung gusto mo ng laban pagbibigyan kita kapag nakalabas ka na ng ospital. Hindi ko gustong samantalahin ang kahinaan ng tao, alam mo โyan.โ Inayos niya ang nagusot na kuwelyo at inangat ang mukha. Nagsalubong ang tingin nila ni Manson. Kita niya ang galit sa mata ng lalaki pero naiintindihan niya ang nararamdaman nito dahil danas na danas niya iyon sa tuwing nakikita ito at si Claire na magkasama. Narinig niya ang mahinang pagtawa nang mabigat ni Manson at tumalim ang titig nito. โHindi ka nanamantala ng kahinaan ng tao? Huwag kang hipokrito, Lucas. Alam ko kung ano ang ginawa niyo ng asawa ko kagabi.โMalamig na ngumisi si Luke at hindi itinama ang sinabi ni Manson. โHindi na kayo kasal para sabihin mong asawa mo siya, Manson. Claire has been very good to you all this time. Kina
Bago makahuma si Claire ay yakap-yakap na siya ni Luke habang ang kamay nito ay nakahawak sa likod ng kanyang ulo upang protektahan siya na hindi mabagok ang ulo. โAyos ka lang ba, Claire?โ nag-aalalang tanong ni Luke. Tinulungan siya nitong makatayo nang ayos bago nito inusisa kung nasugatan siya. Tumango si Claire. โOo, ayos lang ako.โ Lumingon-lingon siya sa paligid. โAng tahimik. Palagay ko ay nasa ibang kuwarto bumagsak ang iba. Napakakumplikado ng mekanismo na ginawa ng ninuno ni Mr. Padroncillio. I just donโt know if the treasures will be worth all of this trouble.โ Naglakad siya upang maghanap ng daan para makalabas. Sumunod sa kanya si Luke. โI am sure it will be. Hindi maglalagay ng ganito kakumplikado kung hindi ganoon kaimportante ang yamang tinatago ng ninuno ni Mr. Padroncillio. Take careโโ Biglang hinawakan ni Luke si Claire sa braso nang muntikan siyang mahulog dahil sa pagguho ng lupa sa inaapakan niya. Her heart beat faster and she felt terrible. โWe are trapped.
Kaagad na pinadala ni Claire si Manson sa pinakamalapit na ospital dahil biglang dumugo ang sugat nito sa ulo. Nang malaman niya na napilayan si Luke dahil sa pagligtas sa kanya ay nag-utos rin siya na dalhin ito sa ospital bilang pasasalamat. Kahit dumilim ang mukha ni Manson dahil sa ginawa niya ay hindi niya iyon pinansin. Pagkatapos na mai-settle ang dalawa ay gustong bumalik ni Claire sa hukay para ipagpatuloy ang nasimulan ngunit mahigpit siyang pinigilan ni Manson.โMagpahinga ka na, Claire. Gabi na. Ano ang mapapala mo kung babalik ka pa roon?โ Alanganin siyang ngumiti saka umupo sa kama nito at marahang sinuklay ng daliri ang buhok nito na hindi nababalutan ng benda. โIkaw ang dapat na magpahinga, Manson. Hindi ba sumasakit ang ulo mo? Tingnan mo, dumugo tuloy ang sugat mo.โโHindi na sumasakit ang ulo ko kapag ikaw ang aking nakikita,โ nakangiting sagot nito habang nakatingala sa kanya. Tumulis ang nguso ni Claire sa ginawa nito dahil biglang naalala ang pangtataboy nito
Dahil biglaan ang ginawang paghalik sa kanya ni Manson ay hindi agad nakahuma si Claire at walang nagawa kundi tugunin ang halik nito. She misses her husbandโs kisses so much. Kaytagal na nang muling naglapat ang kanilang labi. Kahit medyo may pagkamarahas ang paggalaw ng labi nito ay hindi ito pinahinto ni Claire. Batay sa kilos nito ay tila nagagalit na naman ito. Dahil ba umalis siya kanina ng walang paalam? Habang tumatagal ang kanilang halikan ay lalong naging pursigido ang kilos ni Manson. Pilit na ibinuka ng labi nito ang kanyang bibig upang makapasok ang dila at galugadin ang kanyang bunganga. Hinayaan niya ito at ibinuka ang labi. Once she opened her mouth, Manson's tongue surged like a tidal wave and swept everything in its path. Ramdam niya ang init ng dila nito habang nakikipag-espadahan sa kanyang labi. Their saliva mixed and overflowed at the corner of Claireโs mouth. Napayakap siya sa leeg nito upang hindi mawalan ng balanse lalo na at nanginginig ang kanyang tuhod d
Matapos makalabas ng ospital si Mr. Padroncillio ay ipinatawag nito si Claire na pumunta sa mansyon nito sa Manila. Napag-alaman ni Claire na kaya siya nito pinatawag ay dahil may ibibigay itong painting sa kanya. Naipadala na ni Mr. Padroncillio ang yamang nakuha nito sa California, at ang mga naiwan ay ibinigay kay Claire at kay Luke upang ilagay sa museum at i-auction. โMr. Padroncillio, sigurado ba kayong ibibigay niyo itong painting sa akin? Isa itong napakahalagang painting ng kasaysayan. Maaari ko ho bang -donate ito sa museum?โโIkaw ang bahala, iha. Pagmamay-ari mo naโyan. Pero kung gusto mong i-donate, huwag mong ipangalan sa akin kundi sa sarili mo. Matanda na ako, ayaw kong makaakit ng mga taong may masasamang motibo.โTumango si Claire. Tama ang matanda. Kapag maraming tao ang makakaalam ng yaman ni Mr. Padroncillio, siguradong hindi lang iisa kundi marami ang gustong gawan ito nang masama. โThank you, Mr. Padroncillio,โ pasasalamat ni Claire. โHuwag mo akong pasalamat
Dumiretso si Manson sa villa ni Mr. Padroncillio pagkalabas niya sa airport. At dahil nga hindi alam ni Claire na pupunta siya at hindi nito sinasagot ang tawag ay ang matanda ang naabutan niya. โManson, iho. Bakit wala man lang pasabi na pupunta ka? Pinasundo sana kita sa airport,โ puno ng pagkamangha na tanong ni Mr. Padroncillio nang makapasok sila sa loob. โI have to visit our company here, Mr. Padroncillio. Kaya naisipan kong dumaan,โ dahilan niya. Hindi na kailangan ni Mr. Padroncillio alamin kung nagdadahilan lang si Manson o hindi kaya inutusan nito ang kasambahay na dalhin si Manson kung nasaan si Claire. Pero bago siya makalayo ay isang mahigpit na bilin ang pahabol nito. โManson, iho. Napakasuwerte ko at nakilala ko si Claire. Napakagaling sa trabaho, pero hindi ibig sabihin niyon ay halos patayin na niya ang sarili sa pagtatrabaho. Ni Hindi na siya kumakain sa tamang oras dahil masiyadong concentrated sa ginagawa. Tumiim ang bagang ni Manson sa narinig. Tinanguan niya
Kinagabihan ay sabay-sabay na nagsalo sa hapagkainan ang lahat. Dahil malawak at madaming bakanteng kuwarto sa villa ni Mr. Padroncillio ay doon na rin nag-stay sina Manson at Devorah, pero si Manson ay nakisiksik sa kuwartong inuukupa ni Claire. โHindi mo naman siguro mamasamain kung tatabi ako sa โyo noโ, Claire?โ Nilingon ni Claire si Devorah na umupo sa tabi niya sa hapagkainan at hindi sumagot. Hinayaan niya ang babae kung ano ang gusto nitong ipalabas. Nang makaupo ito ay inilapag nito ang cellphone sa mesa malapit sa tabi ni Claire. Eksaktong tumunog iyon at may nagpadala ng text. Hindi maiwasan ni Claire na mapasulyap dahil sa sobrang taas ng brightness ng cellphone nito at nakita niya ang wallpaper na gamit nito ay larawan ni Manson. Umangat ang kilay ni Claire at lihim na napaismid. Nilingon niya si Manson at matalim na tinitigan. โWhat?โ mahinang tanong nito. โNothing. I suddenly have something to say to Devorah,โ sagot niya saka muling nilingon ang babae. โKapag tapo
Kinabukasan, maagang umalis si Manson dahil bibisita ito sa kumpanya nila upang siyasatin ang development ng bagong proytekto ng mga ito. Wala rin siyang ideya kung nakaalis na si Devorah basta ang alam niya ay nabigyan niya ito ng salita na siguradong hindi nito makakalimutan. Maghapon na abala si Claire sa pagre-restore ng painting ni mr. Padroncillio. Ang tanging pahinga niya lang ay tanghalian dahil ang gusto niya ay matapos kaagad ang ginagawa upang makabalik na ng Pilipinas. Nagliligpit na siya ng mga gamit dahil alas-singko na nang makarinig siya ng katok sa pintuan. Isang segundo ang lumipas ay bumukas iyon at iniluwa si Manson. โTapos ka na?โ tanong nito at nakangiting naglakad papalapit sa kanya. Ibinuka nito ang braso upang yakapin siya.โHmn. Aalis na ba tayo?โ malumanay na tanong niya. Umiwas siya sa yakap ni Manson. โIโm full of solvent. Baka dumikit sa suit mo,โ rason niya pero puno ng katotohanan. Matapang sng solvent na ginamit niya sa pagrerestore ng paintings at
โLucas, sinasabi ko sa โyo, pero wala akong kinalaman sa nangyari kay Leonora. Kung ano man ang naging kasalanan ko sa inyong mag-ina ay nabayaran na iyon ng pagkaaksidente ko.โTumikwas ang sulok ng labi ni Lucas at tinalikuran ito bago pinindot ang elevator button para makababa. Nilingon niya si Mr. Perie. โWeโre clear of each otherโs debt, as long as you donโt hurt people I care about. Wala na tayong dapat pag-usapan pa kaya sana hindi na tayo magkita pa.โ Nang bumukas ang elevator ay agad na pumasok si Lucas pero mabilis na pinagulong ni Mr. Perie ang wheelchair para sundan siya. โSandali, may sasabihin pa ako sa โyo, Lucas,โ hinihingal na pigil nito. Papasara na ang elevator kaya muntikan itong maipit sa gitna pero hindi nakaramdam ng awa si Lucas at hinayaan ito. He hates rapist people the most. Mga kalalakihang pinagsasamantalahan ang kahinaan ng babae para magawang ilabas ang libido ng katawan ng mga ito. Kaya ganoon na lang ang galit niya kay Mr. Perie. Ilang tao na rin ang
Hindi alam ni Manson kung bakit kakaiba ang tingin ng kanyang ina kay Khaleed. Tila may ibang kahulugan iyon pero dahil solo na nila ni Claire ang kuwarto ay napunta na sa kasulok-sulukan ng isip ang isiping iyon. โClaireโโBiglang bumukas ang pinto at bumungad ang kanyang ama na nakaupo sa wheelchair habang tulak-tulak ng alalay nito. Nang makita ang kalagayan niya ay lumitaw ang pag-aalala sa mukha nito. โManson, paanong nangyari sa โyo ang ganito? Who couldโve done this to you?โNapaismid si Manson at bumakas ang inis sa mukha dahil sa biglang pag-istorbo nito sa kanila. โBakit ka narito?โNaihilot ni Mr. Perie ang sentido dahil biglang sumakit ang ulo niya sa sagot ng anak. โManson, you are my son. My heir. Sa tingin mo ba ay hindi ako nag-aalala sa โyo kahit may nangyari sa โyong masama? Anak kita. Natural lang na mag-aalala ako sa โyo.โMarahas na bumuga ng hangin si Manson. Kung kaya niya lang batuhin ng unan ang ama para palayasin ito sa loob ng ward ay nagawa na niya. Tahim
Kaagad nilang dinala sa pinakamalapit na ospital si Manson dahil sa biglang pagkawala nito ng malay. Bago ito pumunta sa villa nina Lucas ay pinagbawalan na pala ito ng doctor na lumabas ng ospital pero nagpumilit ito dahil gustong makita si Claire. Ang sabi ng assistant, ang findings ng doktor, ay may ugat daw sa utak nito na napunit dahil sa pagkabagok ng ulo nito noong mabangga ang taxi na sinasakyan nito. Maari siyang humantong sa koma ngunit nagising ito agad kaya dali-dali siya nitong pinuntahan. Napapailing si Claire sa narinig saka hinaplos ang nakabendang mukha ni Manson. โWhy did you do that?โ mahina niyang saway rito kahit alam niyang โdi siya nito naririnig. โMiss Claire, ang mabuti pa ay maligo na kayo at magbihis. Eto,โ iniabot sa kanya ng assistant ni Manson ang isang paper bag na naglalaman ng damit. Kinuha ito ni Claire at tumayo. โSalamat. Ikaw na muna ang bahala sa kanya.โMadungis na ang bestida na suot niya kaya inutusan niya ang assistant ni Manson na ikuha s
Habang hawak ni Claire ang relo na binigay ni Lucas ay hindi matigil sa pagtulo ang kanyang luha. Hindi niya kayang tanggapin ang pagkamatay ni Manson. โLucas, pleaseโฆ sabihin mo sa akin na hindi siya patay. Manson canโt be dead.โKahit si Lucas ay hindi mapigilan ang mamasa ang mata dahil sa pinipigilang luha. โClaireโฆโ gusto siya nitong yakapin pero pinigilan nito ang sarili lalo pa at nasa lugar na ng aksidente ang assistant ni Manson at ilang bodyguards nito na tulad nila ay nanlulumo din sa nangyaring pagkawala ni Manson. โI found this watch beside that burnt body inside the car,โ dagdag pa ni Lucas. Patuloy sa pag-iling si Claire at sa pagluha. She felt that something was squeezing her heart until she couldn't bear the pain. Pinagsisihan niya na pinagtabuyan niya ito. Ni hindi man lang niya ito nakausap bago ito mawala. Kahit anoโng pagsisisi ang gagawin niya ay alam niyang hindi na maibabalik ang buhay nito kaya naman lalo siyang napahagulhol. Mas nanaisin niyang mabuhay ito n
Nang mga oras na iyon ay mag-isang nakaupo si Claire sa mesa, malayo sa bagong kasal, at matamang nagmamasid. May ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang kababata na minsan ay naging karamay niya rin. Hindi man totohanan ang kasal ng mga ito ay masaya pa rin siya para rito dahil kahit papaano ay napasaya nila si Lola Rosa. At kaya siya mag-isang nakaupo sa sulok ay para iwasang makita ni Lola Rosa na siyang ikakasira ng lahat kung sakali. Kaya nang biglang dumating si Zhia at muntik nang manggulo ay ganoon na lang ang kaba niya dahil baka makita siya nito at masabi na hindi naman siya ang ikinasal kay Lucas. Kapag malaman iyon ni Lola Rosa ay baka mapahamak ito at imbes na mabuhay pa ito ng ilang araw ay matitigok agad ito na ayaw nilang mangyari. Hindi alam ni Claire kung saan kinuha ni Lucas ang babaeng pinakasalan nito pero kahawig niya ito pati pangangatawan ay magkapareho sila. Kaya naman kaunting make-up na lang ang ginawa nila para maging kamukha siya nito nang sa gay
Habang nagbabantay sa kanyang ina ay pabalik-balik sa isip ni Claire ang sinabi ng kanyang ina tungkol kay Manson. Paano kung huli na nga ang lahat at hindi na sila tuluyang magkabalikan nito? Kakayanin ba niya? Upang kahit papaano ay maibsan ang pananabik niya sa lalaki ay pinanood niya lahat ng recent interviews nito nang paulit-ulit hanggang sa nakatulugan niya iyon. Hindi niya namalayan na pumasok sa loob si Lucas at nang makita siyang natutulog ay kinumutan siya nito saka itinabi ang cellphone niyang nahulog sa sahig na patuloy pa rin sa pagpi-play ng video. Bahagyang dumilim ang mukha ni Lucas nang makita iyon pero agad ring nawala nang tingnan niya si Claire. Nilapitan niya ang nakaratay na si Leonora saka marahang hinaplos ang buhok nito at mahinang nagsalita. โAunt Leonora, kailangan niyo na hong magising. Nangangayayat na si Claire dahil hindi makakain nang ayos sa sobrang pag-aalala sa inyo. Kahit ang pagmamahalan nila ni Manson ay isinakripisyo niya kahit alam kong nasas
โSigurado ka ba sa ginawa mo, Lucas? Paano kung malaman nila na ikaw ang maysala at panagutin ka ng batas? Paano kung makulong ka?โMahinang napatawa si Lucas dahil sa pag-aalala sa boses ni Claire. โHuwag kang mag-alala. Hindi malala ang kalagayan niya dahil kilay niya lang ang pumutok. Maraming dugo lang ang nawala sa kanya kaya kailangan niyang manatili sa ospital ng ilang araw. But besides that, there were no serious injuries. Donโt worry too much, Claire. Hindi ko ito ginagawa para sa โyo kundi para sa aking ina. Alam mo kung gaano kalalim ang galit ko sa lalaking iyon.โNapayuko si Claire. Alam niyang may inosenteng tao na naman ang nadamay sa hidwaan ng dalawang pamilyang ito. Dahil doon ay binalot siya ng konsensya. Kahit ibahin pa ni Lucas ang rason sa nangyari kay Perie ay alam naman niyang ginawa nito iyon upang paghigantihan siya. Dahil hindi siya agad nakasagot ay tila nababasa ni Lucas kung ano ang nasa isip niya. โDonโt overthink about it, Claire. Walang nadamay na ino
Halos sumikip ang dibdib ni Claire nang makita ang kalagayan ng kanyang ina. Nasa ICU ito at may tubong nakakabit sa bunganga upang tulungan itong huminga. Ligtas na ito sa kapahamakan pero dahil malubha ang lagay ay nasa coma pa rin ito. โโWag kang mag-aalala, Claire. Malalampasan ito ni Auntie Leonora. Magiging ayos siya.โ Nilingon ni Claire si Lucas at mapait na ngumiti. Hindi niya kasama si Manson dahil bago siya pumunta ng ospital ay hindi niya ito hinayaang sumama sa kanya at nagtalo sila. She also blamed him for bringing danger to her life. Alam niyang masasaktan na naman niya si Manson dahil sa pagtataboy niya rito pero nang maisip niya na ang ama nito ang gustong manakit sa kanyang ina ay hindi niya maiwasang sumama ang loob. Kayaโt tulad ng dati, itinaboy niya ito para wala nang magpapahamak sa relasyon nila. Pero kahit sinabihan niya itong bumalik sa Pilipinas ay hindi siya nito sinunod. โSana nga, Luke. Sana nga. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyar
Ang mga sumunod na araw ay parang normal na kay Claire. Kahit nalaman niyang hindi niya tunay na ama si Mr. Khaleed ay hindi pa rin siya nalungkot nang labis dahil hindi nagbago ang relasyon nila. Tinuturing pa rin siya nitong tunay na anak. Noong kinompronta niya si Manson tungkol dito ay inamin nito na alam na ang totoo pero dahil ayaw nitong pangunahan ang desisyon ni Mr. Khaleed kaya hindi ito nagsalita. Ang tanging gumugulo na lang sa kanya ngayon ay walang iba kundi si Mr. Perie.Magmula nang malaman nitong hindi niya tunay na ama si Mr. Khaleed ay muling bumalik sa dati ang trato nito sa kanya. Tulad na lang ngayong araw. Binisita siya nito sa kanyang bahay na may dala-dalang iisang rason. Ang hiwalayan niya si Manson. โIlang beses ko ho bang sasabihin sa inyo na hindi ko hihiwalayan si Manson? I already gave him up once. Hindi ko a ulit gagawin iyon.โTumalim ang tingin sa kanya ni Perie at inilapag ang cellphone sa harapan niya kung saan nagpe-play ang isang recording. Sa b