((Charmaine))“Nay, gising na po, please. Hindi ka pa ba napapagod sa kahihiga?” Tatlong linggo na ang lumipas. At heto, hindi pa rin nagigising si Nanay. Kaya halos dito na rin ako tumira sa hospital. Gusto ko kasi, lagi siyang kasama at laging nakikita.Mabuti na lang naiintindihan naman ako ni Danreve. Ang laki na nga ng pagkukulang ko, bilang asawa niya. Lagi ko na lang sinasabi na babawi ako, kapag okay na si Nanay. Pati ang trabaho ko bilang nanny ni Picca, ay hindi ko na rin nagagampanan. Kahit naman kasi, hindi na kami nagpapanggap ng asawa ko. Ayaw ko namang talikuran ang totoong trabaho na pinasok ko. Iyon kasi ang dahilan kung bakit ko nakilala si Danreve. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, kasama ko pa si Nanay, kahit hindi na sigurado kung gigising pa ba siya. “ ‘Nay, ang dami-dami ko nang hindi na kwento sa’yo. Ang dami mo nang hindi alam na nangyayari sa buhay ko. Kaya, please, Nanay, gising na po, para ma kwento ko na sa’yo lahat ng ‘yon.” “Ms. Charmaine,
Read more