Home / Romance / His Pet Nanny / Kabanata 57

Share

Kabanata 57

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2024-07-10 23:47:09

((Danreve))

“Saan ka pupunta? Napilay ka na nga, gagala ka pa rin.” Malamig kong sabi nang pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Charmaine na naka-upo na sa wheelchair.

Dapat ay hindi ako umasta ng gano’n. Dapat ay hindi ako nagsungit. Kaya lang, nadismaya ako.

Ang in-expect kong makita ay nakahiga siya, nagpapahinga, malungkot habang hinihintay ako.

Pero hindi nga iyon ang nadatnan ko.

Imbes nga na ngumiti siya, magpaawa, magpalambing, parang galit pa.

Hindi lang ‘yon. Parang nagulat pa siya sa pagdating ko. Kaya imbes na yakapin ko siya at humingi agad ng sorry sa pag-walkout ko kanina; malamig at busangot na mukha ang pinakita ko.

Hindi niya ba alam na darating ako? Hindi ba sinabi ni Onse na nag-aalala ako?

Ako kasi, nang tumawag si Onse, kabadong-kabado ako. Hindi naman kasi sinabi ng kaibigan kong ‘yon kung anong nangyari kay Charmaine.

Ang sinabi niya lang, puntahan ko raw ang asawa ko sa hospital, kasi may nangyari. Kaya ayon at alalang-alala ako.

Nag-beating the red light
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Na! naloko na duon pa sa hospital baka hi di ma.lock Ng gusto yon.Nakakatuwa talaga tong mag-asawang matanda at mas bata Ang babae, Sapalagay ko maraming pa silang harapin na mga pagsubok Lalo na Kong dumating yong ex girlfriend ni Danreve, at Ang kanyang Ina na Hindi pa nila nasabi Ang kmag-asawa a
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • His Pet Nanny   Kabanata 58

    “Lock po ang pinto.” Ang saya ko na sana. Ang sarap pa ng pakiramdam ko habang nasa ibabaw pa rin ni Charmaine, pero ang saya at sarap na ‘yon ay napalitan ng kaba, dahil sa sira-ulong nangbulahaw sa amin.Taranta akong bumangon nang marinig ang boses sa labas na parang nag-aalala. Ginalaw-galaw pa nga ulit ang doorknob. At ang mas naka-kaba pa ay hindi lang isang tao ang nasa labas; marami sila.“Ikaw kasi...” Pinong kurot ang kasabay ng sinabing iyon ni Charmaine na nagpangiwi sa akin, pero napangiti naman. Kahit naman kabado ako, masaya pa rin dahil nagawa ko na ang isang mahalagang obligasyon bilang asawa ng mahal ko. Iyon ang paligayahin siya.“Nakakahiya, Danreve!” “Mag-ayos ka. Matulog ka,” nasabi ko nang muling gumalaw ang doorknob, at may kasama nang mahinang katok. Madaling araw na nga kasi. Tulog at nagpapahinga na ang mga pasyente. Kaya bawal na mag-ingay. Pero ‘yong ingay na gawa namin ng asawa ko kanina, siguradong narinig ‘yon sa katabing kwarto.“Ms. Charmaine." Ay

    Huling Na-update : 2024-07-11
  • His Pet Nanny   Kabanata 59

    ((Charmaine))“Nay, gising na po, please. Hindi ka pa ba napapagod sa kahihiga?” Tatlong linggo na ang lumipas. At heto, hindi pa rin nagigising si Nanay. Kaya halos dito na rin ako tumira sa hospital. Gusto ko kasi, lagi siyang kasama at laging nakikita.Mabuti na lang naiintindihan naman ako ni Danreve. Ang laki na nga ng pagkukulang ko, bilang asawa niya. Lagi ko na lang sinasabi na babawi ako, kapag okay na si Nanay. Pati ang trabaho ko bilang nanny ni Picca, ay hindi ko na rin nagagampanan. Kahit naman kasi, hindi na kami nagpapanggap ng asawa ko. Ayaw ko namang talikuran ang totoong trabaho na pinasok ko. Iyon kasi ang dahilan kung bakit ko nakilala si Danreve. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, kasama ko pa si Nanay, kahit hindi na sigurado kung gigising pa ba siya. “ ‘Nay, ang dami-dami ko nang hindi na kwento sa’yo. Ang dami mo nang hindi alam na nangyayari sa buhay ko. Kaya, please, Nanay, gising na po, para ma kwento ko na sa’yo lahat ng ‘yon.” “Ms. Charmaine,

    Huling Na-update : 2024-07-12
  • His Pet Nanny   Kabanata 60

    “Ms. Charmaine, alis na po ako. Dumating na po kasi si Ara,” mahinahong sabi ni Magi na tipid na ngiti at pagtango lang ang sagot ko. Wala pa rin kasi akong kakayahang magsalita. Kahit mahigit isang oras na kaming nakabalik rito sa ICU, hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang luha ko. Ang lungkot-lungkot ko pa rin kasi. Ang bigat-bigat sa loob ko na ganito na si Nanay. Nangyari na naman kasi ‘yong kinatatakutan ko sa dialysis center kanina. Nawalan na naman siya ng pulso. Kaya nga kahit pagod na pagod na ako. Kahit parang bibigay na rin ang katawan ko, hindi pa rin ako umaalis. Natatakot akong iwan siya. Natatakot kasi ako na wala ako sa tabi niya, sakaling bibigay na ang puso niya. Sinunod ko na nga ang sinabi ni Tita Marie. Lahat sinabi ko na sa kanya. Pero hindi pa rin ako kuntento. Iba pa rin ‘yong nakakausap ko siya; naririnig ang mga payo niya, at nakikita ko ang reaction niya. Alam kong malabo nang magising si Nanay, pero hindi pa rin ako nagpapakawala ng pag-asa. Hindi

    Huling Na-update : 2024-07-13
  • His Pet Nanny   Kabanata 61

    Tahimik akong umiiyak, habang yakap-yakap ang braso ni Nanay. Mula kanina, hindi ako umalis sa tabi niya. Hindi ko magawang ilayo ang paningin sa kanya.Pati nga paghinga niya ay binibilang ko. Natatakot kasi ako na baka tumigil na naman ang t!bok ng puso niya. Hindi ko kasi ma-explain ang naramdaman ko kanina habang isinasalba ng mga doctor ang buhay niya. Buong katawan ko nanginginig at nanlalamig. Parang ako ‘yong nawalan ng buhay. Nawalan ng kakayahang huminga.Ang akala ko kasi, iiwan na niya ako. Pero ang tapang-tapang ni Nanay. Lumaban pa rin siya. Hindi siya sumuko, kahit bumibigay na ang katawan niya.“Charmaine, magpahinga ka na,” pabulong at mahinahong sabi sa akin ni Lolo Clam. Kanina niya pa ako kinakausap. Kanina niya pa ako pinapatahan, pero hindi ko nga magawa. Ayaw tumigil sa pagpatak ng luha ko.“Okay na ang Nanay mo, stable na siya,” dagdag sabi pa nito na mapait na ngiti naman ang sagot ko.“Tahan na, Apo. Dapat ay masaya ka, kasi nagising na si Nanay mo. Nakaus

    Huling Na-update : 2024-07-14
  • His Pet Nanny   Kabanata 62

    “Anak, magpahinga na kayo.” Nanghihina, ngunit nakangiting sabi ni Nanay. Ako man ay hindi rin mawala-wala ang ngiti sa labi. Syempre, bumuti na kasi ang kalagayan ni Nanay. Matapos ang tatlong araw mula ng nagkamalay siya, tuluyan nang naalis ang ventilator, at ngayon ay nandito na nga siya sa private room niya. Kaya lang, hindi ko naman matupad ang sinabi ko sa kanya na ilalabas siya rito, kapag nagising na siya. Ayaw kasi pumayag ng doctor. Delekado pa rin kasi ang kalagayan niya. Minsan ay nahihirapan pa rin siyang huminga, kaya kailangan pa rin niya ng oxygen. Kailangan pa rin na e-monitor ang kalagayan niya.“Danreve, sige na. Iuwi mo na si Charmaine. Kasama ko naman si Magi. Hindi niya ako pababayaan,” sabi nito, habang hawak ang kamay ng asawa ko na kanina ay nakatikim ng marami-raming salita, mula kay Nanay. Hindi naman siya napagalitan; hindi kami sinumbatan; napagsabihan lang. At syempre, may kasama na ring pangaral. Kung alam ko lang na matatanggap din naman pala aga

    Huling Na-update : 2024-07-15
  • His Pet Nanny   Kabanata 63

    “My star, galit ka ba kay Nanay?” tanong ni Danreve, kasabay ang pagyakap sa akin mula sa likuran.Nandito na kami sa villa. At mula kanina, hindi pa rin ako nagsasalita. Puro buntong-hininga lang ang ginagawa ko, habang tanaw ang kumikislap na bituin sa kalangitan. “Dapat ba akong hindi magalit? Wala ba akong karapatan?” tanong ko naman sa asawa ko na pinihit ako paharap sa kanya. “Nakita nga niya ako, at iniligtas mula sa tiyak na kapahamakan, pero inilayo naman niya ako. Ipinagkait niya sa akin na makasama ang tunay kong mga magulang.”“So, galit ka nga sa kanya?”“Oo, galit ako. Kasi, naging makasarili siya. Minahal nga niya ako; naging masaya siya na kasama ako. Hindi niya inisip ang sakit na dulot niya sa mga magulang ko.” Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko, habang sinasabi ang mga salitang ‘yon. Niyakap naman ako ng asawa ko. Hinaplos-haplos ang likod ko, pero hindi siya nagsalita. Hinayaan niya lang ako na ilabas ang hinanakit ko sa Nanay ko, at siya taga-yakap at taga-

    Huling Na-update : 2024-07-16
  • His Pet Nanny   Kabanata 64

    ((Danreve))Tahimik kong pinagmamasdan ang asawa kong mahimbing na natutulog, habang hawak-hawak ang laptop ko.Nagawa ko na siyang pasayahin kanina. Ginawa ko lahat, makalimutan niya lang ang problema niya kahit sandali lang. Pero ngayon, habang tulog siya, bakas pa rin ang lungkot sa mukha niya. Maging ako ay nalulungkot rin sa rebelasyon ni Nanay, tungkol sa pagkatao niya. At gusto ko siyang tulungan. Gusto kong mahanap ang totoo niyang mga magulang. Pero hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula. Kaunti lang kasi ang alam kong impormasyon tungkol sa kanya. “My heart, anong ginagawa mo?”Bigla akong napalingon nang marinig ang antok na boses ng asawa ko. Abala na naman kasi ako sa laptop ko.“Do you need anything, my star?” tanong ko, sabay ang pagsarado sa laptop, at inilapag iyon sa tabi ko.“Wala. Ikaw, bakit gising ka pa?” Niyakap niya ako, kasabay ng tanong niyang iyon, at saka, nagpakawala naman ng malalim na buntong-hininga. Alam kong ginising na naman siya ng lungko

    Huling Na-update : 2024-07-17
  • His Pet Nanny   Kabanata 65

    ((Charmaine))“Good morning, my star. I love you.” Basa ko sa note na iniwan ng asawa ko sa ibabaw ng unan, kasama ang pulang rosas.Hindi naman mawala-wala ang ngiti ko habang inamoy-amoy ang rosas na bigay niya, habang nakatingin pa rin sa note na tadtad ng heart at wink emoji. “Ang sweet naman talaga ni tandang si Danreve. Ang swerte-swerte ko talaga sa kanya.”Matapos ang masinsinang usapan namin kagabi. Ngayon ay panatag na naman ang kalooban ko. Nawala na naman ang takot at pangamba ko na bumalik dahil sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.Ayaw ko naman talagang makaramdam ng gano’n, pero hindi ko maawat ang sarili. Takot akong maiwan mag-isa. Takot akong magkaroon kami ng problema ng asawa ko, at takot akong mawalan ng minamahal. May malaki na nga kasing question mark sa buhay ko na hindi ko alam kung masasagot pa. Baka hindi ko na kakayanin, kung puro na lang problema ang mararanasan ko.“Nangako ako, hindi lang sa’yo, kundi pati na rin sa Nanay mo, na hindi kita sasaktan a

    Huling Na-update : 2024-07-18

Pinakabagong kabanata

  • His Pet Nanny   Special Chapter

    (Third POV) **DAISY**Nakatayo si Daisy sa gilid ng reception hall, watching Charmaine and Danreve share their first dance as husband and wife. Sa wakas, nakita niya rin ang kaibigan niyang nakasuot ng wedding dress, mga bagay na hindi naranasan nito noon. At masaya siya para sa kanyang kaibigan. Naging saksi nga kasi siya kung paano nagsimula ang kanilang relasyon—the fake marriage, the lies, the eventual heartbreak. Lahat ng ‘yon ay nakita niya. Hindi nga siya makapaniwala, sa kabila ng mga nangyari ay magkabalikan pa sila. Naalala pa ni Daisy, ang sinabi niya noon sa kaibigan na maliit lang ang palad ng unggoy, baka kapag kumuyom ay mahalin nila ang isa’t-isa. Nangyari nga ‘yon, pero sinubok naman sila ng panahon.She recalled the nights Charmaine cried over Danreve, nang maghiwalay sila. Daisy had held her, promising things would get better, though she wasn’t sure she believed it herself. It had been a long road for her friend, and now, watching them together with their son, it

  • His Pet Nanny   Kabanata 99 (Wakas)

    The morning sunlight filtered through the curtains, casting a golden glow on Danreve’s face. Hindi ko naman mapigil ang mapangiti habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha.Ang gaan kasi sa pakiramdam—ang saya sa pakiramdam na gumising katabi ang mahal ko—pakiramdam na akala ko, hindi ko na muling maramdaman at mararanasan.Ang nangyari sa amin kagabi is a beautiful reminder of the love that had always existed between us, despite sa mga trials na aming naranasan. Napigil ko sandali ang hininga ko nang gumalaw si Danreve, his arms tightening around me as he opened his eyes. His gaze met mine, saka matamis siyang ngumiti. “Good morning, my star,” sabi niya, sa inaantok na boses.Matamis naman akong ngumiti, “Good morning, my heart,” sabi ko, at niyakap din siya ng sobrang higpit.We lay there for a few moments, savoring the peaceful intimacy of the morning. “Mommy, Daddy." Sabay kaming bumangon, at agad isinuot ang aming mga damit nang marinig ang masiglang pagtawag ni Chad, kasabay

  • His Pet Nanny   Kabanata 98

    For almost a month, I had been shielding my heart with anger and fear. Gusto kong protektahan ang sarili ko sa sakit na maaring maranasan ko ulit. Pero dahil sa tiyaga ni Danreve, tuluyan na ring bumigay itong puso ko. Nawala ang takot at nangibabaw ang totoo kong nararamdaman.“Totoo, uwi tayo sa bahay?" maang na tanong ni Danreve kasabay ang pagtayo. “Sa bahay natin? Sa villa?" tanong nito ulit na parang naguguluhan pa rin. Hindi nga nito alam kung ngingiti na ba o hindi. “Ayaw mo yata…” Tatalikuran ko na sana siya, pero agad-agad niyang niyapos ang baywang ko at ngumiti."Wait! Gusto ko, syempre. Ito na nga ang pinakahihintay ko." Naglabas siya ng pera sa wallet at iniwan sa lamesa. “Let’s go, my star.” Ngiting-ngiti nitong sabi, habang ang kamay ay marahang pumipisil-pisil sa baywang ko. At Kung kanina ay parang tanga siya na hindi maintindihan ang sinasabi ko, ngayon ay kulang na lang buhatin na ako, marating lang namin agad ang parking area. “My star, uwi ka na talaga sa ba

  • His Pet Nanny   Kabanata 97

    “Hi, my star," nakangiting bungad ni Danreve, paglabas ko ng clinic. Tipid na ngiti lang ang sagot ko sa malambing nitong bati.Paano ba naman kasi, naunahan na naman ako ng tili nitong assistant kong kilig na kilig pa rin sa mga banat ni Danreve.“Dok, mauna na po ako. Sir Danreve…fighting!” bilin pa nito na pamatay na kindat naman ang sagot nitong ama ng anak ko.Ganito lagi ang ginagawa niya. Tuwing hapon ay sinusundo niya ako, at hindi pwedeng wala siyang dalang rosas—isang pulang rosas na tanda raw ng pagmamahal niya. “Gutom ka na ba?" tanong nito, at pinagbuksan ako ng pinto. “Medyo," tipid ko namang sagot. Kasabay na rin ang pagpasok ko sa kotse. "Let me…" Ikakabit ko na sana ang seatbelt ko, pero siya na naman daw ang magkakabit. Para namang hindi ko alam na pumaparaan lang siya para makalapit ng todo sa akin. Kulang na nga lang ay ilapat nito ang labi sa akin, at hindi lang ‘yon, sinasadya niya pang bagalan ang kilos na sumabay sa malagkit nitong titig na parang tumutuna

  • His Pet Nanny   Kabanata 96

    “Danreve, nakikiusap ako, pakawalan mo na ako. Bitiwan mo na ako. Sa ginagawa mong ‘to, lalo mo lang pinapahirapan ang sitwasyon. Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo.” Matapos ang ilang minutong pagkaparalisa ng buong katawan ko, dahil sa yakap ni Danreve, nagawa ko ring magsalita. Nagawa ko ring sabihin ang nilalaman ng utak ko. Oo, utak ko lang ang pinapagana ko ngayon. Kasi itong puso ko, hindi ako sigurado kung saan ako dadalhin.“Sige na, Danreve. Bitiwan mo na ako, please," muli kong pakiusap. Pasimple ko ring pinahid ang mga luha ko. Pinipilit na ‘wag pumiyok ang boses ko, habang nagsasalita. Paulit-ulit na pag-iling ang sagot niya. Ramdam ko kasi ang paggalaw ng ulo niya, dahil sa mukha niya na bumaon sa batok ko.“Charmaine…” Pumiyok ang boses niya na sumabay sa lalong paghigpit ng yakap niya. “‘Wag ka munang umalis. Makinig ka lang sa sasabihin ko. Wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi, but please, hayaan mo lang akong magsalita. Hayaan mo akong sabihin lahat na

  • His Pet Nanny   Kabanata 95

    His words echoed in my mind. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ako makagalaw at parang natuod sa kinatatayuan ko. Nakakasakal ang katahimikan na namamagitan sa amin, at ang mga salitang hindi namin masabi ay parang mabigat na mga bato na dumadagan sa dibdib ko. Kung sa mga nakaraang araw na nagkikita kami ay iniiwasan ko ang mga titig niya, ngayon ay hindi na. Wala akong kurap na tumitig sa mga mata niya. Gusto ko ng confirmation. Gusto kong alamin kung totoo ba ang sinasabi niya.“We’re still married?” Sa wakas, nagawa ko ring magtanong; pabulong, ngunit alam kong malinaw niyang narinig.Bumuga siya ng hangin, tumango-tango, “Yes, Charmaine.” Ang kalmado ng boses pati ng mukha niya habang sinasabi ‘yon. Habang ako, nag-iinit na, hindi lang ang ulo ko, kung hindi buong katawan ko. Para na akong bulkan na malapit nang sumabog. “Ikaw lang ang pumirma ng divorce papers, Charmaine. Ikaw lang ang gustong matapos ang mayro’n tayo. I never wanted to end everything between us.”H

  • His Pet Nanny   Kabanata 94

    ((Charmaine))Kadarating ko lang at hindi pa nakapasok sa hospital room, but my heart pounded so much sa puntong pati ang galit ko ay naglaho na. Onse called me in panic. Sabi niya, naaksidente si Danreve and was in critical condition. Despite everything that had happened between us—despite all the pain and anger—hindi ko matatanggap na may mangyaring masama sa kanya. After all, Danreve wasn’t just any man. He was the father of my child and the man I had once loved deeply.Bumaba ang paningin ko kay Chad na hawak-hawak ang kamay ko, his little fingers digging into my palm. Alam ko wala siyang naiintindihan sa mga nangyayari; hindi niya alam kung bakit narito kami sa hospital ngayon. Ang alam niya lang, I was scared. I squeezed his hand back, trying to reassure him. Kahit ako, sa sarili ko, hindi ko kayang kontrolin ang pag-aalala, ang takot, at emosyon ko.But when I walked into the room and saw Danreve sitting up in bed, alive and very much conscious, ang takot ko at pag-aalala ay n

  • His Pet Nanny   Kabanata 93

    Ang sakit ng katawan ko kanina, pero ngayon, parang wala na akong maramdaman. Parang namamanhid ako bigla. Hindi ko rin alam kung paano mag-react o kung ano ang sasabihin ko. Ang alam ko lang, kanina pa ako nagpipigil ng hininga at itong puso ko, parang tatalon na mula sa dibdib ko. Utak ko gulong-gulo na. Litong-lito na ako. Dapat ay maging masaya ako dahil hindi sila mag-asawa. May chance pa kami—may chance pa kaming mabuo bilang isang pamilya. Kaya lang, hindi ko naman maintindihan kung bakit naging magkapatid sila. Paano? Anong nangyari? Ang alam ko, nag-iisang anak si Onse. Kaya bakit biglang may kapatid na siya at si Charmaine pa? I couldn’t blink an eye, o ang sabihin ng malakas ang mga tanong na nabuo sa utak ko. May pakiramdam din ako na ginu-good time lang ako nitong si Onse. Pinaglalaruan niya ang nararamdaman ko para gantihan sa ginawa ko kay Charmaine noon.“ ‘Wag mo nga akong ginagago, Onse! Ang dami-dami ko nang iniisip! ‘Wag mo nang dagdagan. Baka hindi ko na kay

  • His Pet Nanny   Kabanata 92

    Sandali kong napigil ang hininga ko. Parang tumigil ang mundo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. “Chad is my son? Our son—Charmaine’s and mine?” Gusto kong sabihin ‘yon ng malakas, kaya lang hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Parang may bumara sa lalamunan ko. “My son?" ‘Yon! Nagawa ko ring sabihin ang salitang ‘yon na kanina ay bumabara lang sa lalamunan ko.Pero ayaw pa rin gumana ng utak ko. Paulit-ulit lang na naglalaro sa utak ko ang salitang “my son. Hindi nga alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Should I be happy? Should I be angry? Sa kabila ng pagkalito at pagkagulat, maro’ng kakaiba dito sa puso ko. Hindi ko alam kung saya ba ‘to o lungkot. Siguro pareho. Masaya ako na malungkot din. Kasi, may anak pala kami, pero hindi ko alam. Wala akong alam dahil itinago nila. I locked eyes with Onse. Pahapyaw pa akong tumawa kasabay ng titig ko sa kanya. I didn’t know if I should thank him or punch him. “Sinabi mo ba ‘to, becaus

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status