((Charmaine))“Good morning, my star. I love you.” Basa ko sa note na iniwan ng asawa ko sa ibabaw ng unan, kasama ang pulang rosas.Hindi naman mawala-wala ang ngiti ko habang inamoy-amoy ang rosas na bigay niya, habang nakatingin pa rin sa note na tadtad ng heart at wink emoji. “Ang sweet naman talaga ni tandang si Danreve. Ang swerte-swerte ko talaga sa kanya.”Matapos ang masinsinang usapan namin kagabi. Ngayon ay panatag na naman ang kalooban ko. Nawala na naman ang takot at pangamba ko na bumalik dahil sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.Ayaw ko naman talagang makaramdam ng gano’n, pero hindi ko maawat ang sarili. Takot akong maiwan mag-isa. Takot akong magkaroon kami ng problema ng asawa ko, at takot akong mawalan ng minamahal. May malaki na nga kasing question mark sa buhay ko na hindi ko alam kung masasagot pa. Baka hindi ko na kakayanin, kung puro na lang problema ang mararanasan ko.“Nangako ako, hindi lang sa’yo, kundi pati na rin sa Nanay mo, na hindi kita sasaktan a
Ramdam ko ang hapdi sa pisngi kong nahiwa dahil sa binatong mga picture sa akin ni Danreve. Pero mas ramdam ko ang kirot dito sa puso ko, habang nakatingin sa madilim at puno ng galit na mga mata niya. Ilang minuto rin akong hindi gumagalaw; gusto kong magsalita, gusto kong magtanong kung saan niya nakuha ang mga picture, pero walang lumalabas na boses na bibig ko. Bukod kasi sa nabigla ako sa ginawa niya, nakaramdam din ako ng takot—takot na naramdaman ko no’ng unang araw na pagkikita namin.Bumuka lang ng kaunti ang bibig ko, pero hindi ko mabigkas ang mga salitang gusto kong sabihin. Tanging ang mga luha ko lang ang nagsasabi kung gaano ako nasasaktan ngayon, habang ang mga mata ay nasa mga larawang nagkalat sa sahig. “I thought you were different.” Duro at panggigigil ang tumapos sa salitang ‘yon ni Danreve na ang sagot ko lang ay tahimik na iyak, pero parang baha namang rumagasa ang luha mula sa mga mata ko. “I gave you everything, Charmaine; hindi ako nagkulang. Minahal kita
Ang saya-saya ko nang makita ko si Danreve na kausap ni Sir Onse. Agad nga akong napangiti. Nabuhay ang pag-asa ko. Pakikinggan na niya ang paliwanag ko at magkakaayos na kami dahil kasama ko na ang mga kaibigan ko na may alam sa totoong nangyari sa hotel.“Of course, you will defend her. Gusto mo nga siya, hindi ba? Ito na nga ang hinihintay mo. Wala na kami. So, grab your chance to be with her, bago ka naman maunahan ni Reynan!” Kaya lang, para naman akong na istatwa sa kinatatayuan ko nang marinig ang masakit na salitang binitawan niya. Hindi ko na maihakbang ang mga paa ko. Hindi na ako makagalaw. Tanging ang mga luha ko lang nag-uunahang pumatak mula sa mga mata. Ang sakit-sakit ng bitiwan niyang salita na parang nagpaparalisa sa buong sistema ko. “Bro, sinasabi mo lang ‘yan kasi, galit ka. Sinasabi mo lang ‘yan kasi, lasing ka. Kumalma ka muna, bro.”“Gusto mong kumalma ako? Then, umalis ka sa harapan ko! Leave me alone! Hindi ko kayo kailangan, hindi ko kailangan ang paliwanag
“Sumagot ka, Reynan! Plano mo ba ang lahat ng ‘to, ha?" Bahagya kong sinuntok ang dibdib niya, kasabay ng muling tanong ko sa kanya. At kung kanina ay ayaw niya paawat sa mga sinasabi niya, ngayon ay hindi na siya nagsasalita. Parang nahimasmasan sa tanong ko na halatang hindi niya inaasahan. "Sumagot ka, Reynan, please!” Pasikmat kong pakiusap sa kanya, at ngayon ay kinuyumos ko na ang polo niya.“Besty, awat na…Kuya umalis na nga lang! Lumayo ka muna." Hindi na alam ni Daisy kong sino sa amin ang kakausapin niya. Hinila na lang niya ako palayo kay Reynan.“Hindi, Daisy…Ayoko!” Nagmatigas ako, pero dahil nanghihina na nga ako, nagawa pa rin akong hilahin ni Daisy palayo sa kuya niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ang tanong ko. Umiiwas na rin siya na magtama ang paningin namin.Habang pinagmamasdan siya. Mas lalo lang akong nalito. Kaya niya ba talagang sirain ang pagkakaibigan namin, mapaghiwalay lang kami ng asawa ko? Dagdag nga siya sa kirot dito sa puso ko ngayon. An
((Danreve))“Danreve…” Sandali akong nahinto sa paglalakad nang makita ko si Charmaine sa tabi ng kotse ko. May ngiti sa labi, ngunit maluha-luha naman ang nagmamakaawang mga mata habang nakatingin sa akin.Gaya ng lagi kong ginagawa. I ignored her. I pretended na hindi ako affected na makita siya. She’s been doing this every day; hindi siya napapagod na hintayin ako rito sa parking area ng condo kung saan ako umuuwi ngayon. Isang linggo na ang lumipas no’ng huling encounter namin kasama ang mga kaibigan niya sa parking lot ng bar, at mula noon, iniiwasan ko na siya—silang lahat. Maging si Onse na ilang beses nagtangkang magpaliwanag ay iniwasan ko. Napagod na nga yata ‘yon. Sumuko na nakausapin ako. Si Charmaine na lang talaga ang nagtiya-tiyaga at nagtitiis na abangan ako araw-araw pansinin at kausapin ko lang. Kaya lang, kahit anong pagmamakaawa niya, hindi ko pa rin magawang kausapin siya. Hindi pa rin humuhupa ang galit ko. Hindi pa rin ako handang makinig sa mga kasinungalin
“I didn’t expect to see you here.” Matapos ang sandaling titig sa mga mata ko, nagawa rin ulit na magsalita ni Golda, at ngayon ay mabagal nang humahakbang palapit sa kinatatayuan ko. “How are you, Danreve?” tanong nito, ngayong nasa malapit ko na siya. Bakas pa rin sa labi ang parang nahihiyang ngiti na sumabay sa pagpatak ng mga luha na agad niyang pinahid. Hindi ako sumagot. Hindi ko magawang sumagot. I admit, nagulat ako nang makita siya. It felt strange seeing her now after so many years—after we broke up, I may say, walang nagbago sa hitsura niya; she’s as gorgeous as ever. A goddess na minahal ko ng sobra noon. Sandali pa nga akong napatitig sa kanya; hindi ako makagalaw na parang napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin magawang suklian ang ngiti niya; hindi ko magawang ngitian siya ng kahit katulad sa ngiti na ginagawa niya ngayon. Sino ba kasi ang makakangiti na ang babae na hindi ko na inaasahan na makita muli ay nandito ngayon sa harap ko—ang babae na minahal ko n
“Danreve, tama na ang mukmok. Let’s enjoy the night!” bulong ng medyo tipsy nang si Golda. Ngayon ay nakatayo na nga ito sa harap ko at sumasayaw-sayaw, at inilahad ang kamay nito sa akin, pero paulit-ulit akong umiling-iling bilang sagot ko, sabay lagok sa wine na hawak ko.“No, no, no. You're not allowed to say no. So, get up.” Pamimilit niya, sabay bawi sa glass wine at hinila ako patayo. Hindi na lang din ako nagreklamo; hinayaan ko na lang siya na hilahin ako papunta sa dance floor. “Wooh...” sigaw niya, habang taas ang mga kamay, at ngayon nga ay umindak-indak na sa harap ko, habang ako, parang pole na nakatirik sa kinatatayuan ko. Ni kaunti, hindi ko magalaw ang katawan ko.Matapos ang pag-uusap namin sa parking area, isang linggo na ang dumadaan, tuwing gabi ay lumalabas na kami ni Golda, pero bilang magkaibigan lang. Doon naman kasi kami nagsimula. So, naiisip ko na baka pwede ka kaming maging magkaibigan ulit.Masaya naman akong makita siya na sinubukan na maging masaya; pi
Sandali akong napatitig sa mga mata niya, pero hindi ako sumagot. Binaklas ko ang kamay niya na mas humigpit pa ang pagkapit sa batok ko. Nagmatigas pa siya. Ayaw akong bitiwan. "Nag-usap na tayo, Golda. I thought, nagkakaintindihan na tayo; hindi mo na ipipilit na maging tayo. Ano na naman ‘to?”"Danreve, swear to God, sinubukan ko naman na ‘wag ka nang mahalin. Sinubukan kong intindihin ang sitwasyon natin, pero ayaw sumunod nitong puso ko. Ikaw pa rin ang tinitibok nito. Danreve, hindi na ba talaga pwedeng ako na lang ulit ang mahalin mo? Hindi ba pwedeng maging tayo na ulit?” "You know what? Lasing ka lang, let’s go home,” sabi ko at iniwan na siya sa dance floor. “Danreve…” Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko, pero hindi na ako lumingon. Ang bilis ng mga hakbang ko palabas ng club. Hindi ko alam kung sumunod ba siya o nanatili siya sa loob. Napisil ko na rin ang noo ko. Mali yata ang desisyon ko maging malapit ulit sa kanya. Mali na hinayaan kong magkalapit kaming