“Anak, magpahinga na kayo.” Nanghihina, ngunit nakangiting sabi ni Nanay. Ako man ay hindi rin mawala-wala ang ngiti sa labi. Syempre, bumuti na kasi ang kalagayan ni Nanay. Matapos ang tatlong araw mula ng nagkamalay siya, tuluyan nang naalis ang ventilator, at ngayon ay nandito na nga siya sa private room niya. Kaya lang, hindi ko naman matupad ang sinabi ko sa kanya na ilalabas siya rito, kapag nagising na siya. Ayaw kasi pumayag ng doctor. Delekado pa rin kasi ang kalagayan niya. Minsan ay nahihirapan pa rin siyang huminga, kaya kailangan pa rin niya ng oxygen. Kailangan pa rin na e-monitor ang kalagayan niya.“Danreve, sige na. Iuwi mo na si Charmaine. Kasama ko naman si Magi. Hindi niya ako pababayaan,” sabi nito, habang hawak ang kamay ng asawa ko na kanina ay nakatikim ng marami-raming salita, mula kay Nanay. Hindi naman siya napagalitan; hindi kami sinumbatan; napagsabihan lang. At syempre, may kasama na ring pangaral. Kung alam ko lang na matatanggap din naman pala aga
Magbasa pa