All Chapters of His Pet Nanny: Chapter 71 - Chapter 80

100 Chapters

Kabanata 71

“Danreve, tama na ang mukmok. Let’s enjoy the night!” bulong ng medyo tipsy nang si Golda. Ngayon ay nakatayo na nga ito sa harap ko at sumasayaw-sayaw, at inilahad ang kamay nito sa akin, pero paulit-ulit akong umiling-iling bilang sagot ko, sabay lagok sa wine na hawak ko.“No, no, no. You're not allowed to say no. So, get up.” Pamimilit niya, sabay bawi sa glass wine at hinila ako patayo. Hindi na lang din ako nagreklamo; hinayaan ko na lang siya na hilahin ako papunta sa dance floor. “Wooh...” sigaw niya, habang taas ang mga kamay, at ngayon nga ay umindak-indak na sa harap ko, habang ako, parang pole na nakatirik sa kinatatayuan ko. Ni kaunti, hindi ko magalaw ang katawan ko.Matapos ang pag-uusap namin sa parking area, isang linggo na ang dumadaan, tuwing gabi ay lumalabas na kami ni Golda, pero bilang magkaibigan lang. Doon naman kasi kami nagsimula. So, naiisip ko na baka pwede ka kaming maging magkaibigan ulit.Masaya naman akong makita siya na sinubukan na maging masaya; pi
Read more

Kabanata 72

Sandali akong napatitig sa mga mata niya, pero hindi ako sumagot. Binaklas ko ang kamay niya na mas humigpit pa ang pagkapit sa batok ko. Nagmatigas pa siya. Ayaw akong bitiwan. "Nag-usap na tayo, Golda. I thought, nagkakaintindihan na tayo; hindi mo na ipipilit na maging tayo. Ano na naman ‘to?”"Danreve, swear to God, sinubukan ko naman na ‘wag ka nang mahalin. Sinubukan kong intindihin ang sitwasyon natin, pero ayaw sumunod nitong puso ko. Ikaw pa rin ang tinitibok nito. Danreve, hindi na ba talaga pwedeng ako na lang ulit ang mahalin mo? Hindi ba pwedeng maging tayo na ulit?” "You know what? Lasing ka lang, let’s go home,” sabi ko at iniwan na siya sa dance floor. “Danreve…” Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko, pero hindi na ako lumingon. Ang bilis ng mga hakbang ko palabas ng club. Hindi ko alam kung sumunod ba siya o nanatili siya sa loob. Napisil ko na rin ang noo ko. Mali yata ang desisyon ko maging malapit ulit sa kanya. Mali na hinayaan kong magkalapit kaming
Read more

Kabanata 73

Tuluyan nang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Napaluhod na lang ako habang tanaw ang papalayong si Onse, hanggang sa nanghihina akong umupo na parang batang humagulgol.Ang bigat-bigat ng kalooban ko. Ang sikip-sikip ng puso ko. Bigo ako na tuparin ang lahat ng pangako ko sa asawa ko. I failed as a man and a husband; hindi ko na alagaan ang asawa ko. Hindi ko na panindigan ang mga pangako ko.“Charmaine, I’m sorry. I'm sorry.” Paulit-ulit kong sinuntok ang sementadong daan na kinauupuan ko, kasabay ang paulit-ulit ang paghingi ng tawad sa kanya. Masakit, pero walang mas sasakit sa nararamdaman ko ngayon. Puno ng pagsisisi ang buong pagkatao ko.Nagpadala ako sa galit ko. Nagpadala sa emosyon ko. Nakalimutan ko na mas malaki ang problema na dala-dala niya. Naging insensitive ako sa nararamdaman niya at sarili ko lang ang iniisip ko. “I’m sorry, Charmaine."“Danreve, tama na! Don’t do this to yourself. Tigilan mo na ‘to. ‘Wag mong saktan ang sarili mo.” Hinawakan ni Golda ang mga kama
Read more

Kabanata 74

Naipikit ko naman ang mga mata ko. Na-alala ko kasi na na-sprain ang paa niya, at kailangan ko pa siyang dalhin sa hospital. Sinusubukan na niyang tumayo nang lumingon ako. Galit ako, pero hindi naman ako walang puso na kayang iwan siya rito. Walang salita na tinulungan ko siya, but this time, inalalayan ko na lang siyang maglakad, at kahit sandali hindi ako sumulyap sa kanya. Mula sa parking area ng bar, hanggang sa makarating kami ng hospital, wala ni maikling usapan ang namagitan sa amin. Hagulgol at paghikbi niya lang ang naririnig ko na hindi ko na pinagtuunan ng pansin.Ang asawa kong ni-neglect ko ang laman ng utak ko. Buong sistema ko, siya ang hinahanap. Ang laki ng pagkukulang ko sa kanya. Ang gago ko. Hinintay ko pa na umabot sa ganito bago ako matauhan. Naghintay pa ako na mawala siya bago ko ma-realize na kahit anong kasalanan niya, matatanggap ko at mahal ko pa rin siya. “Danreve, ‘wag mo akong iwan, please,” pakiusap ni Golda. Akmang hahawakan niya pa ang kamay ko,
Read more

Kabanata 75

Wala sa sariling lumabas ako ng mansyon; hindi na rin ako pinigilan ng mga magulang ko na hindi maitago ang pagkadismaya sa akin. Oo, at ipinagtanggol ako ni Mommy, sa pagsapak sa akin ni Daddy, pero siya man ay hindi rin nagustuhan na pinagpipilitan ko na may kasalanan si Charmaine. Pero wala na nga akong pakialam sa kung ano ang totoo. Handa na akong tanggapin at mahalin pa rin ang asawa ko ng buong-buo.“Pinapalaya ka na ni Charmaine, Danreve. So, sign it, at palayain mo na rin siya.”Shit! Gumuho ang mundo ko sa sinabing ‘yon ni Lolo. Sandali akong natulala hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na palabas ng mansyon. Ni hindi ko na nga nasagot ang huling sinabi ni Lolo. Para akong nawalan ng kakayahang mag-isip. Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko. Padausdos akong umupo sa tabi ng kotse ko, habang hawak ang divorce paper na kinuyumos ko at ang wedding ring ni Charmaine na binalik niya kay Lolo. “Charmaine...” Pagyugyog ng balikat ko ang kasabay ng sinabi kong ‘y
Read more

Kabanata 76

“Danreve, please, patawarin mo na ako. Ginawa ko lang naman ‘yon, kasi mahal kita. Ayokong mawala ka sa buhay ko!” Umalingawngaw ang sigaw at pagmamakaawa ni Golda sa bakuran ng mansyon. Araw-araw siyang bumabalik rito. Araw-araw nangbubulahaw at sinisira ang araw ko. At sa araw-araw niyang magpabalik-balik dito, paulit-ulit ko ring pinapamukha sa kanya ang kasalanan niya. Paulit-ulit ko pinaparamdam sa kanya ang ganti ko sa ginawa niya sa amin ni Charmaine. “Drag her out!” utos ko sa mga guard na agad namang sumunod. Sanay na naman silang kaladkarin si Golda palabas ng mansyon. Hinayaan ko kasi muna siyang lumuhod at magmakaawa sa labas, bago ko siya ipatapon palabas ng mansyon. “Danreve, ano ba ‘tong ginagawa mo sa sarili mo? Are you still human?!” sikmat ni Mommy, sabay agaw sa bote ng wine na hawak ko. Hindi ka man lang ba naaawa kay Golda? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?”Mapait akong ngumiti. Hindi ko nga alam kung dapat ko bang kaawaan ang sarili ko. Hindi nga ako naawa k
Read more

Kabanata 77

((Charmaine))Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ko, habang tanaw ang bahay na naging tahanan ko sa loob ng mahabang panahon, kasama si Nanay. Ang bahay na naging saksi sa pagsuko ko, hindi lang sa pagmamahal ko kay Danreve, kundi pati na rin sa buhay.“Nanay, bumalik na po ako,” bulong ko sa hangin, habang pinapahid ang namuong luha sa mga mata ko. Akala ko kasi, hindi na ako muling babalik rito. Pero heto ako, matapos ang limang taon, bumalik din ako sa lugar na nagdulot sa akin ng hindi masukat na sakit. Sunod-sunod na bagyo ang dumating sa buhay ko. Nawala si Nanay sa panahong wasak na wasak ang puso ko. Inayawan nga kasi ako ng lalaki na nangako sa akin na mamahalin at hindi ako sasaktan. Ang lalaking akala ko, makakasama ko sa pagbuo ng nawawalang parte sa buhay ko. Pero mas piniling buuin ang buhay kasama ang una niyang pag-ibig. Oo, limang taon na, mula noong gumuho ang mundo ko. Limang taon na, mula noong pinagtabuyan ako ni Danreve sa buhay niya. Ilang araw lang ay nakita
Read more

Kabanata 78

“Tita Marie…” Pabulong kong nabigkas ang pangalan ng Mama ng mga kaibigan ko na ngayon ay umawang ang labi at nanlalaki ang mga mata. Hindi ko alam kung natutuwa, o naiinis siya na makita ako. Hindi ko kasi mabasa ang hitsura niya. Kitang-kita ko pa ang paghigpit ng paghawak sa supot ng slicebread na halos makuyumos na niya. Bumitiw ako kay Mommy, at saka, nilapitan ko si Tita Marie. Napako na lang kasi ito sa kinatatayuan niya. “Ikaw nga, Charmaine.” Hindi makapaniwalang naibulalas niya, at maya maya ay naitakip naman ang kamay sa bibig niya, habang sunod-sunod na pumapatak ang luha mula sa mga mata niya. Napayuko at natiim ko naman ang labi ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Napaangat na lang ako ng ulo nang lumapat ang kamay niya sa balikat ko, at bahagya akong niyugyog. “Saan ka ba nagpunta, bata ka?! Bakit ngayon ka lang bumalik? Alam mo ba na halos mabaliw na ang mga Anak ko sa paghahanap sa’yo? Saan ka ba nagtago, ha?!” “Sorry po.” Imbes na sagutin ang m
Read more

Kabanata 79

((Danreve))“Sir Danreve, I’m sorry, but you can’t leave,” mahinahong pagpigil sa akin ng assistant ko, kasabay ang pagharang nito sa daanan ko. Pinanliitan ko siya ng mga mata, pero hindi naman ito nagpatinag kahit napapalunok na sa takot. “Out of my way, Greg!” pabulong kong sikmat, sabay ang paglingon sa paligid. Marami na kasing tao, at kahit nanggagalaiti na ako sa galit, ayaw ko namang mapahiya itong assistant ko na ang lakas ng loob na pigilan akong umalis dito sa bulwagan ng isang kilalang hotel, kung saan ginaganap ang fundraising gala for a certain animal shelter.“Sir, ako po ang malilintikan sa Mommy mo kapag pinayagan kitang umalis.” Pahapyaw naman akong tumawa, at saka hinawakan ang balikat niya. Pinagpag-pagpag ko pa ang suot nitong suit, and then I smirked. “Takot ka sa Mommy ko, sa akin, hindi?” “Sir Danreve, naman.” Kamot-kamot na nito ang ulo. “ ‘Wag ka po sa akin magalit, sir. Sumusunod lang naman kasi ako sa utos. Sabi ng Mommy mo, hindi ka raw pwedeng umalis
Read more

Kabanata 80

"Charmaine Lazaro?" Kanina ay wala akong pakialam sa kung sino man ang guest speaker na ipinakilala ng host. Puro yuko at buntong-hininga lang ang ginagawa ko, pero ngayon, awtomatikong napaangat ako ng tingin nang marinig ang pangalang Charmaine. Parang malakas na kampana ang umalingawngaw sa bulwagan, at wala na akong ibang narinig pagkatapos no’n, kung hindi ang pangalan na lang ng asawa ko na ngayon ay nasa stage."Charmaine..." Kumurap-kurap ako ng ilang beses at kinusot ang mga mata ko, sinisiguro kung tama ba ang nakikita ko o kung namamalikmata lang ako. At totoo nga ang nakikita ko. "Sir Danreve, hindi ba, asawa mo—" Hindi na natapos ni Greg ang sinasabi. Napatitig na lang kasi siya sa akin habang tinuturo naman si Charmaine. Bigla naman akong napaluha—luha ng saya dahil sa wakas; sa tagal-tagal ng paghahanap at paghihintay ko sa kanya, ngayon ay nakita ko na siya.Tatayo na sana ako para lapitan siya, pero agad naman akong pinigilan ni Greg, kasabay ang maraming pag-iling
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status