Naipikit ko naman ang mga mata ko. Na-alala ko kasi na na-sprain ang paa niya, at kailangan ko pa siyang dalhin sa hospital. Sinusubukan na niyang tumayo nang lumingon ako. Galit ako, pero hindi naman ako walang puso na kayang iwan siya rito. Walang salita na tinulungan ko siya, but this time, inalalayan ko na lang siyang maglakad, at kahit sandali hindi ako sumulyap sa kanya. Mula sa parking area ng bar, hanggang sa makarating kami ng hospital, wala ni maikling usapan ang namagitan sa amin. Hagulgol at paghikbi niya lang ang naririnig ko na hindi ko na pinagtuunan ng pansin.Ang asawa kong ni-neglect ko ang laman ng utak ko. Buong sistema ko, siya ang hinahanap. Ang laki ng pagkukulang ko sa kanya. Ang gago ko. Hinintay ko pa na umabot sa ganito bago ako matauhan. Naghintay pa ako na mawala siya bago ko ma-realize na kahit anong kasalanan niya, matatanggap ko at mahal ko pa rin siya. “Danreve, ‘wag mo akong iwan, please,” pakiusap ni Golda. Akmang hahawakan niya pa ang kamay ko,
Wala sa sariling lumabas ako ng mansyon; hindi na rin ako pinigilan ng mga magulang ko na hindi maitago ang pagkadismaya sa akin. Oo, at ipinagtanggol ako ni Mommy, sa pagsapak sa akin ni Daddy, pero siya man ay hindi rin nagustuhan na pinagpipilitan ko na may kasalanan si Charmaine. Pero wala na nga akong pakialam sa kung ano ang totoo. Handa na akong tanggapin at mahalin pa rin ang asawa ko ng buong-buo.“Pinapalaya ka na ni Charmaine, Danreve. So, sign it, at palayain mo na rin siya.”Shit! Gumuho ang mundo ko sa sinabing ‘yon ni Lolo. Sandali akong natulala hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na palabas ng mansyon. Ni hindi ko na nga nasagot ang huling sinabi ni Lolo. Para akong nawalan ng kakayahang mag-isip. Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko. Padausdos akong umupo sa tabi ng kotse ko, habang hawak ang divorce paper na kinuyumos ko at ang wedding ring ni Charmaine na binalik niya kay Lolo. “Charmaine...” Pagyugyog ng balikat ko ang kasabay ng sinabi kong ‘y
“Danreve, please, patawarin mo na ako. Ginawa ko lang naman ‘yon, kasi mahal kita. Ayokong mawala ka sa buhay ko!” Umalingawngaw ang sigaw at pagmamakaawa ni Golda sa bakuran ng mansyon. Araw-araw siyang bumabalik rito. Araw-araw nangbubulahaw at sinisira ang araw ko. At sa araw-araw niyang magpabalik-balik dito, paulit-ulit ko ring pinapamukha sa kanya ang kasalanan niya. Paulit-ulit ko pinaparamdam sa kanya ang ganti ko sa ginawa niya sa amin ni Charmaine. “Drag her out!” utos ko sa mga guard na agad namang sumunod. Sanay na naman silang kaladkarin si Golda palabas ng mansyon. Hinayaan ko kasi muna siyang lumuhod at magmakaawa sa labas, bago ko siya ipatapon palabas ng mansyon. “Danreve, ano ba ‘tong ginagawa mo sa sarili mo? Are you still human?!” sikmat ni Mommy, sabay agaw sa bote ng wine na hawak ko. Hindi ka man lang ba naaawa kay Golda? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?”Mapait akong ngumiti. Hindi ko nga alam kung dapat ko bang kaawaan ang sarili ko. Hindi nga ako naawa k
((Charmaine))Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ko, habang tanaw ang bahay na naging tahanan ko sa loob ng mahabang panahon, kasama si Nanay. Ang bahay na naging saksi sa pagsuko ko, hindi lang sa pagmamahal ko kay Danreve, kundi pati na rin sa buhay.“Nanay, bumalik na po ako,” bulong ko sa hangin, habang pinapahid ang namuong luha sa mga mata ko. Akala ko kasi, hindi na ako muling babalik rito. Pero heto ako, matapos ang limang taon, bumalik din ako sa lugar na nagdulot sa akin ng hindi masukat na sakit. Sunod-sunod na bagyo ang dumating sa buhay ko. Nawala si Nanay sa panahong wasak na wasak ang puso ko. Inayawan nga kasi ako ng lalaki na nangako sa akin na mamahalin at hindi ako sasaktan. Ang lalaking akala ko, makakasama ko sa pagbuo ng nawawalang parte sa buhay ko. Pero mas piniling buuin ang buhay kasama ang una niyang pag-ibig. Oo, limang taon na, mula noong gumuho ang mundo ko. Limang taon na, mula noong pinagtabuyan ako ni Danreve sa buhay niya. Ilang araw lang ay nakita
“Tita Marie…” Pabulong kong nabigkas ang pangalan ng Mama ng mga kaibigan ko na ngayon ay umawang ang labi at nanlalaki ang mga mata. Hindi ko alam kung natutuwa, o naiinis siya na makita ako. Hindi ko kasi mabasa ang hitsura niya. Kitang-kita ko pa ang paghigpit ng paghawak sa supot ng slicebread na halos makuyumos na niya. Bumitiw ako kay Mommy, at saka, nilapitan ko si Tita Marie. Napako na lang kasi ito sa kinatatayuan niya. “Ikaw nga, Charmaine.” Hindi makapaniwalang naibulalas niya, at maya maya ay naitakip naman ang kamay sa bibig niya, habang sunod-sunod na pumapatak ang luha mula sa mga mata niya. Napayuko at natiim ko naman ang labi ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Napaangat na lang ako ng ulo nang lumapat ang kamay niya sa balikat ko, at bahagya akong niyugyog. “Saan ka ba nagpunta, bata ka?! Bakit ngayon ka lang bumalik? Alam mo ba na halos mabaliw na ang mga Anak ko sa paghahanap sa’yo? Saan ka ba nagtago, ha?!” “Sorry po.” Imbes na sagutin ang m
((Danreve))“Sir Danreve, I’m sorry, but you can’t leave,” mahinahong pagpigil sa akin ng assistant ko, kasabay ang pagharang nito sa daanan ko. Pinanliitan ko siya ng mga mata, pero hindi naman ito nagpatinag kahit napapalunok na sa takot. “Out of my way, Greg!” pabulong kong sikmat, sabay ang paglingon sa paligid. Marami na kasing tao, at kahit nanggagalaiti na ako sa galit, ayaw ko namang mapahiya itong assistant ko na ang lakas ng loob na pigilan akong umalis dito sa bulwagan ng isang kilalang hotel, kung saan ginaganap ang fundraising gala for a certain animal shelter.“Sir, ako po ang malilintikan sa Mommy mo kapag pinayagan kitang umalis.” Pahapyaw naman akong tumawa, at saka hinawakan ang balikat niya. Pinagpag-pagpag ko pa ang suot nitong suit, and then I smirked. “Takot ka sa Mommy ko, sa akin, hindi?” “Sir Danreve, naman.” Kamot-kamot na nito ang ulo. “ ‘Wag ka po sa akin magalit, sir. Sumusunod lang naman kasi ako sa utos. Sabi ng Mommy mo, hindi ka raw pwedeng umalis
"Charmaine Lazaro?" Kanina ay wala akong pakialam sa kung sino man ang guest speaker na ipinakilala ng host. Puro yuko at buntong-hininga lang ang ginagawa ko, pero ngayon, awtomatikong napaangat ako ng tingin nang marinig ang pangalang Charmaine. Parang malakas na kampana ang umalingawngaw sa bulwagan, at wala na akong ibang narinig pagkatapos no’n, kung hindi ang pangalan na lang ng asawa ko na ngayon ay nasa stage."Charmaine..." Kumurap-kurap ako ng ilang beses at kinusot ang mga mata ko, sinisiguro kung tama ba ang nakikita ko o kung namamalikmata lang ako. At totoo nga ang nakikita ko. "Sir Danreve, hindi ba, asawa mo—" Hindi na natapos ni Greg ang sinasabi. Napatitig na lang kasi siya sa akin habang tinuturo naman si Charmaine. Bigla naman akong napaluha—luha ng saya dahil sa wakas; sa tagal-tagal ng paghahanap at paghihintay ko sa kanya, ngayon ay nakita ko na siya.Tatayo na sana ako para lapitan siya, pero agad naman akong pinigilan ni Greg, kasabay ang maraming pag-iling
((Charmaine)) “Anak, cheer up!” Pinisil ni Mommy ang pisngi ko na agad ko namang inawat. Kanina pa kasi ako nakasimangot—actually, kahapon pa. Hindi ko naman kasi alam na kasama pala ako sa auction. Ang sinabi lang sa akin ni Ms. Mona, last part ng auction ay kailangan daw ang partisipasyon ko. Like a fool, I agreed without asking, kung anong klaseng partisipasyon ang gagawin ko. Kailangan ko tuloy e-cancel ang ibang engagement ko dahil sa weekend getaway na hindi ko na matanggihan. At heto nga, hinihintay ko na ang highest bidder ng auction kahapon. Dalawang million ang bid niya. Medyo shocking nga, hindi ako makapaniwala na maraming willing na gumastos makasama lang ako. “Mag-enjoy ka do’n, Anak. Puro ka kasi trabaho, kaya ang ibang tao na ang naghanap ng paraan para makapag-unwind ka naman.” “Mom, pwede naman akong mag-unwind na kayong family ang kasama ko at hindi ang ibang tao.” “ ‘Wag kang mag-alala, after two days, susunod naman kami sa inyo. For now, subukan mo munang ma
(Third POV) **DAISY**Nakatayo si Daisy sa gilid ng reception hall, watching Charmaine and Danreve share their first dance as husband and wife. Sa wakas, nakita niya rin ang kaibigan niyang nakasuot ng wedding dress, mga bagay na hindi naranasan nito noon. At masaya siya para sa kanyang kaibigan. Naging saksi nga kasi siya kung paano nagsimula ang kanilang relasyon—the fake marriage, the lies, the eventual heartbreak. Lahat ng ‘yon ay nakita niya. Hindi nga siya makapaniwala, sa kabila ng mga nangyari ay magkabalikan pa sila. Naalala pa ni Daisy, ang sinabi niya noon sa kaibigan na maliit lang ang palad ng unggoy, baka kapag kumuyom ay mahalin nila ang isa’t-isa. Nangyari nga ‘yon, pero sinubok naman sila ng panahon.She recalled the nights Charmaine cried over Danreve, nang maghiwalay sila. Daisy had held her, promising things would get better, though she wasn’t sure she believed it herself. It had been a long road for her friend, and now, watching them together with their son, it
The morning sunlight filtered through the curtains, casting a golden glow on Danreve’s face. Hindi ko naman mapigil ang mapangiti habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha.Ang gaan kasi sa pakiramdam—ang saya sa pakiramdam na gumising katabi ang mahal ko—pakiramdam na akala ko, hindi ko na muling maramdaman at mararanasan.Ang nangyari sa amin kagabi is a beautiful reminder of the love that had always existed between us, despite sa mga trials na aming naranasan. Napigil ko sandali ang hininga ko nang gumalaw si Danreve, his arms tightening around me as he opened his eyes. His gaze met mine, saka matamis siyang ngumiti. “Good morning, my star,” sabi niya, sa inaantok na boses.Matamis naman akong ngumiti, “Good morning, my heart,” sabi ko, at niyakap din siya ng sobrang higpit.We lay there for a few moments, savoring the peaceful intimacy of the morning. “Mommy, Daddy." Sabay kaming bumangon, at agad isinuot ang aming mga damit nang marinig ang masiglang pagtawag ni Chad, kasabay
For almost a month, I had been shielding my heart with anger and fear. Gusto kong protektahan ang sarili ko sa sakit na maaring maranasan ko ulit. Pero dahil sa tiyaga ni Danreve, tuluyan na ring bumigay itong puso ko. Nawala ang takot at nangibabaw ang totoo kong nararamdaman.“Totoo, uwi tayo sa bahay?" maang na tanong ni Danreve kasabay ang pagtayo. “Sa bahay natin? Sa villa?" tanong nito ulit na parang naguguluhan pa rin. Hindi nga nito alam kung ngingiti na ba o hindi. “Ayaw mo yata…” Tatalikuran ko na sana siya, pero agad-agad niyang niyapos ang baywang ko at ngumiti."Wait! Gusto ko, syempre. Ito na nga ang pinakahihintay ko." Naglabas siya ng pera sa wallet at iniwan sa lamesa. “Let’s go, my star.” Ngiting-ngiti nitong sabi, habang ang kamay ay marahang pumipisil-pisil sa baywang ko. At Kung kanina ay parang tanga siya na hindi maintindihan ang sinasabi ko, ngayon ay kulang na lang buhatin na ako, marating lang namin agad ang parking area. “My star, uwi ka na talaga sa ba
“Hi, my star," nakangiting bungad ni Danreve, paglabas ko ng clinic. Tipid na ngiti lang ang sagot ko sa malambing nitong bati.Paano ba naman kasi, naunahan na naman ako ng tili nitong assistant kong kilig na kilig pa rin sa mga banat ni Danreve.“Dok, mauna na po ako. Sir Danreve…fighting!” bilin pa nito na pamatay na kindat naman ang sagot nitong ama ng anak ko.Ganito lagi ang ginagawa niya. Tuwing hapon ay sinusundo niya ako, at hindi pwedeng wala siyang dalang rosas—isang pulang rosas na tanda raw ng pagmamahal niya. “Gutom ka na ba?" tanong nito, at pinagbuksan ako ng pinto. “Medyo," tipid ko namang sagot. Kasabay na rin ang pagpasok ko sa kotse. "Let me…" Ikakabit ko na sana ang seatbelt ko, pero siya na naman daw ang magkakabit. Para namang hindi ko alam na pumaparaan lang siya para makalapit ng todo sa akin. Kulang na nga lang ay ilapat nito ang labi sa akin, at hindi lang ‘yon, sinasadya niya pang bagalan ang kilos na sumabay sa malagkit nitong titig na parang tumutuna
“Danreve, nakikiusap ako, pakawalan mo na ako. Bitiwan mo na ako. Sa ginagawa mong ‘to, lalo mo lang pinapahirapan ang sitwasyon. Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo.” Matapos ang ilang minutong pagkaparalisa ng buong katawan ko, dahil sa yakap ni Danreve, nagawa ko ring magsalita. Nagawa ko ring sabihin ang nilalaman ng utak ko. Oo, utak ko lang ang pinapagana ko ngayon. Kasi itong puso ko, hindi ako sigurado kung saan ako dadalhin.“Sige na, Danreve. Bitiwan mo na ako, please," muli kong pakiusap. Pasimple ko ring pinahid ang mga luha ko. Pinipilit na ‘wag pumiyok ang boses ko, habang nagsasalita. Paulit-ulit na pag-iling ang sagot niya. Ramdam ko kasi ang paggalaw ng ulo niya, dahil sa mukha niya na bumaon sa batok ko.“Charmaine…” Pumiyok ang boses niya na sumabay sa lalong paghigpit ng yakap niya. “‘Wag ka munang umalis. Makinig ka lang sa sasabihin ko. Wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi, but please, hayaan mo lang akong magsalita. Hayaan mo akong sabihin lahat na
His words echoed in my mind. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ako makagalaw at parang natuod sa kinatatayuan ko. Nakakasakal ang katahimikan na namamagitan sa amin, at ang mga salitang hindi namin masabi ay parang mabigat na mga bato na dumadagan sa dibdib ko. Kung sa mga nakaraang araw na nagkikita kami ay iniiwasan ko ang mga titig niya, ngayon ay hindi na. Wala akong kurap na tumitig sa mga mata niya. Gusto ko ng confirmation. Gusto kong alamin kung totoo ba ang sinasabi niya.“We’re still married?” Sa wakas, nagawa ko ring magtanong; pabulong, ngunit alam kong malinaw niyang narinig.Bumuga siya ng hangin, tumango-tango, “Yes, Charmaine.” Ang kalmado ng boses pati ng mukha niya habang sinasabi ‘yon. Habang ako, nag-iinit na, hindi lang ang ulo ko, kung hindi buong katawan ko. Para na akong bulkan na malapit nang sumabog. “Ikaw lang ang pumirma ng divorce papers, Charmaine. Ikaw lang ang gustong matapos ang mayro’n tayo. I never wanted to end everything between us.”H
((Charmaine))Kadarating ko lang at hindi pa nakapasok sa hospital room, but my heart pounded so much sa puntong pati ang galit ko ay naglaho na. Onse called me in panic. Sabi niya, naaksidente si Danreve and was in critical condition. Despite everything that had happened between us—despite all the pain and anger—hindi ko matatanggap na may mangyaring masama sa kanya. After all, Danreve wasn’t just any man. He was the father of my child and the man I had once loved deeply.Bumaba ang paningin ko kay Chad na hawak-hawak ang kamay ko, his little fingers digging into my palm. Alam ko wala siyang naiintindihan sa mga nangyayari; hindi niya alam kung bakit narito kami sa hospital ngayon. Ang alam niya lang, I was scared. I squeezed his hand back, trying to reassure him. Kahit ako, sa sarili ko, hindi ko kayang kontrolin ang pag-aalala, ang takot, at emosyon ko.But when I walked into the room and saw Danreve sitting up in bed, alive and very much conscious, ang takot ko at pag-aalala ay n
Ang sakit ng katawan ko kanina, pero ngayon, parang wala na akong maramdaman. Parang namamanhid ako bigla. Hindi ko rin alam kung paano mag-react o kung ano ang sasabihin ko. Ang alam ko lang, kanina pa ako nagpipigil ng hininga at itong puso ko, parang tatalon na mula sa dibdib ko. Utak ko gulong-gulo na. Litong-lito na ako. Dapat ay maging masaya ako dahil hindi sila mag-asawa. May chance pa kami—may chance pa kaming mabuo bilang isang pamilya. Kaya lang, hindi ko naman maintindihan kung bakit naging magkapatid sila. Paano? Anong nangyari? Ang alam ko, nag-iisang anak si Onse. Kaya bakit biglang may kapatid na siya at si Charmaine pa? I couldn’t blink an eye, o ang sabihin ng malakas ang mga tanong na nabuo sa utak ko. May pakiramdam din ako na ginu-good time lang ako nitong si Onse. Pinaglalaruan niya ang nararamdaman ko para gantihan sa ginawa ko kay Charmaine noon.“ ‘Wag mo nga akong ginagago, Onse! Ang dami-dami ko nang iniisip! ‘Wag mo nang dagdagan. Baka hindi ko na kay
Sandali kong napigil ang hininga ko. Parang tumigil ang mundo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. “Chad is my son? Our son—Charmaine’s and mine?” Gusto kong sabihin ‘yon ng malakas, kaya lang hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Parang may bumara sa lalamunan ko. “My son?" ‘Yon! Nagawa ko ring sabihin ang salitang ‘yon na kanina ay bumabara lang sa lalamunan ko.Pero ayaw pa rin gumana ng utak ko. Paulit-ulit lang na naglalaro sa utak ko ang salitang “my son. Hindi nga alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Should I be happy? Should I be angry? Sa kabila ng pagkalito at pagkagulat, maro’ng kakaiba dito sa puso ko. Hindi ko alam kung saya ba ‘to o lungkot. Siguro pareho. Masaya ako na malungkot din. Kasi, may anak pala kami, pero hindi ko alam. Wala akong alam dahil itinago nila. I locked eyes with Onse. Pahapyaw pa akong tumawa kasabay ng titig ko sa kanya. I didn’t know if I should thank him or punch him. “Sinabi mo ba ‘to, becaus