Home / Romance / His Pet Nanny / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of His Pet Nanny: Chapter 81 - Chapter 90

100 Chapters

Kabanata 81

((Charmaine)) “Anak, cheer up!” Pinisil ni Mommy ang pisngi ko na agad ko namang inawat. Kanina pa kasi ako nakasimangot—actually, kahapon pa. Hindi ko naman kasi alam na kasama pala ako sa auction. Ang sinabi lang sa akin ni Ms. Mona, last part ng auction ay kailangan daw ang partisipasyon ko. Like a fool, I agreed without asking, kung anong klaseng partisipasyon ang gagawin ko. Kailangan ko tuloy e-cancel ang ibang engagement ko dahil sa weekend getaway na hindi ko na matanggihan. At heto nga, hinihintay ko na ang highest bidder ng auction kahapon. Dalawang million ang bid niya. Medyo shocking nga, hindi ako makapaniwala na maraming willing na gumastos makasama lang ako. “Mag-enjoy ka do’n, Anak. Puro ka kasi trabaho, kaya ang ibang tao na ang naghanap ng paraan para makapag-unwind ka naman.” “Mom, pwede naman akong mag-unwind na kayong family ang kasama ko at hindi ang ibang tao.” “ ‘Wag kang mag-alala, after two days, susunod naman kami sa inyo. For now, subukan mo munang ma
last updateLast Updated : 2024-08-13
Read more

Kabanata 82

“Let go of me!” Matapos ang sandaling pagkagulantang at paninigas ng buong katawan ay nagawa ko ring magsalita kasabay ang tangkang pagbaklas sa mga kamay ni Danreve na lalong humigpit ang pagyakap sa baywang ko. “No, I won’t let you go ever again, my star.” "My star?" tanong ko sa sarili. Ang lakas naman ng loob niya na tawagin pa rin ako sa endearment niyang drawing. “Ano ba?! Hindi mo na ako, my star mo, sira-ulo ka!” Inipon ko ang lahat ng lakas ko, makawala lang sa mahigpit niyang yakap. Pero wala, walang silbi ang lakas ko, sa lakas niya. Parang ahas kasi na lumingkis ang braso niya sa katawan ko. Literal na ayaw na nga niya akong pakawalan. “Yes, hindi na nga ikaw ang dati kong my star. You’ve changed. Nakikita ko naman ‘yon. At alam ko, kasalanan ko. I’m sorry…” "Oh, please, spare me with your sweet talks, Danreve." Sinadya kong artehan ang pagsasalita ko. Sabi nga niya, I’ve changed. So, ipapakita at ipaparamdam ko sa kanya kung paano ako binago ng pananakit niya
last updateLast Updated : 2024-08-15
Read more

Kabanata 83

“What do you mean, Charmaine? Anong masaya ka na sa bago mong buhay?” Naipikit ko sandali ang mga mata ko at mapait na ngumiti. Naiinis kasi ako sa hitsura niya na parang hindi maintindihan ang sinabi ko. Naiinis ako sa pagtanga-tangahan niya. “Seriously, Danreve, hindi mo maintindihan ang sinasabi ko? Hindi mo maintindihan na may kanya-kanya na tayong buhay ngayon?”Umiling-iling siya na muling nagpangiti sa akin ng mapait. “Hindi bagay sa’yo ang magmamaang-maangan at magpanggap na inosente ng ganito, Danreve! Alam kong naintindihan mo, dahil five years ago, ikaw ang unang nagkaroon ng bagong buhay kasama ang babaing pinakamamahal mo. Kaya tigilan mo na ‘to, please. Buksan mo na ang gate at hayaan mo na akong umalis.” Akala siguro niya, ako pa rin ang batang Charmaine na minahal siya; ang Charmaine na ang daling bumigay sa mga lambing at matamis niyang salita na kahit alam kong may ibang laman ang puso niya, umasa pa rin ako na totoo ang mga pangako niya. “Anong buhay kasama ang
last updateLast Updated : 2024-08-17
Read more

Kabanata 84

((Danreve))“Onse...” Mahinang bigkas ni Charmaine sa pangalan ng matalik kong kaibigan na ngayon ay parang mabangis na hayop na nagwawala sa labas ng gate. Kulang na nga lang ay umakyat sa mataas na gate makapasok lang dito sa resort.“What is he doing here? Paano niya nalaman na nandito si Charmaine?" tanong ko sa sarili. Gusto ko siyang itaboy, pero para naman akong natuod sa kinatatayuan ko. Hindi na kasi ako makakilos, pero maya maya ay nagawa ko namang lingunin ang humihikbing si Charmaine na mas ipinagtaka ko.“Why are you crying? I didn’t do anything, para umiyak ka ng ganyan; hindi kita sinaktan, Charmaine. Ikaw pa nga ang nanakit sa akin ngayon.” Hindi siya umimik, pero ang talim naman ng tingin sa akin, at saka marahas na pinahid ang mga luha.Natutulalang napatitig naman ako sa kanya. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Onse dito sa private resort ng lola ko, pero mas nagulat ako na makitang umiiyak ng ganito si Charmaine na para bang nagmamakaawa na iligtas siya ni Onse.
last updateLast Updated : 2024-08-20
Read more

Kabanata 85

“Hindi mo pa rin ba maintindihan, Danreve? Gusto mo ba ng mas malinaw pa?” Hinarap niya ako, at sinalubong ang nag-iinit ko nang mga mata. “Hindi na ikaw ang asawa ko, at hindi na ikaw ang mahal ko, si Onse na!”Paulit-ulit akong umiling-iling. Puso ko naninikip na. Utak ko parang sasabog na. Halos hindi na ako makahinga. Parang nabibingi na nga rin ako. Naintindihan ko na kanina pa. Hindi ko lang matanggap, at ngayong mas malinaw na niyang sinabi, pakiramdam ko parang namatay lahat ng sistema ko. Ang sakit-sakit na marinig mula mismo sa bibig niya na si Onse na ang mahal niya, at hindi na ako.“Open the gate, Danreve, bago pa ako tumawag ng pulis at ipakulong ka, for kidnapping." Madiing sabi ni Onse, pero ang tingin nito ay na kay Charmaine na ngayon ay tuluyan nang lumapit sa kanya. Hawak-hawak na rin nito ang kamay niya, at paulit-ulit na nilapat sa labi niya. Napaupo na lang ako sa sementadong daan na parang batang humagulgol. Nanghihina habang pinagmamasdan sila. Kung kanina
last updateLast Updated : 2024-08-21
Read more

Kabanata 86

“Charmaine, gising na, Anak.” Malumanay na boses ni Mommy, kasabay ang mahinang katok na kanina ko pa naririnig mula sa labas ng kwarto, ngunit hindi ko magawang buksan o sumagot man lang. Utak ko kasi, hindi pa rin stable. Parang sasabog na nga dahil hanggang ngayon, ang nangyaring eksena pa rin sa resort ang naiisip ko. Nakakalito kasi! Kahit anong pag-iisip ang gawin ko, kahit anong eksplinasyon pa ang bubuuin ko sa utak ko, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang motibo ni Danreve sa pagdala sa akin do’n, at saka, hindi ko gets ang mga salitang sinabi niya na parang isang palabas sa telebisyon na paulit-ulit kong nakikita at naririnig. Nakakapagod ng mag-isip. Kagabi pa kasi nagugulo ang isip ko. Gusto ko nang maalis sa utak ko ang lahat ng mga sinabi niya, lahat ng nangyari sa resort. Ayaw ko nang mag-isip, kaya lang, hindi ko naman kontrolado ang utak ko. Kahit anong dikta ko sa utak ko na ‘wag mag-isip, naisip at naiisip ko pa rin lahat. Gulong-gulo na ang utak ko. Sino
last updateLast Updated : 2024-08-25
Read more

Kabanata 87

“Tama na ang pag-iisip, Charmaine. Kalimutan mo na ang sira-ulong ‘yon!” Matapos ang ilang ulit na pagsabunot ko sa sariling buhok, tinakpan ko naman ang mukha ko ng unan. Kasi naman kahit anong sermon ko sa sarili ko, hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi ni Danreve.“Charmaine, ayaw mo ba talagang bumangon?” Medyo malakas na katok na ang kasabay ng pagpukaw sa akin na ‘yon ni Mommy, na paungol na oo lang ang sagot ko. Kunwari, ay bagong gising lang ako. “Bumangon ka na r’yan at maghanda na." “Opo…” Pero imbes na bumangon ako. Napuno na naman ng katanungan ang utak ko. “Bakit mo ba ginugulo ang utak ko ng ganito, Danreve?! Masaya na nga ako sa bago kong buhay. Ginawa ko lahat makabangon lang mula sa pagkalugmok noon dahil sa’yo.” Para na akong sira-ulo na kausap ang sarili. “Ano ba kasi ang nangyari sa kanila ni Golda? Hindi ba nag-workout ang relasyon nila? Naghiwalay ba sila? Na-realize niya ba na ako na pala ang mahal niya, at hindi na ang babae na ‘yon? Kasi kung
last updateLast Updated : 2024-08-25
Read more

Kabanata 88

“Why am I here? Talagang tinatanong mo pa, my star?” Tumiim ang labi ko sa naging sagot niya. Nagpanting rin ang tainga ko, ang kapal din kasi ng mukha niya na tawagin akong my star. Gusto ko na agad siyang palayasin, kung hindi lang kabastusan ang gagawin ko. Kilala nga kasi ako nitong assistant ko na mabait, kahit pa do’n sa client namin na medyo masama ang ugali. Pero iba ‘to si Danreve magpakulo ng dugo ko. Talagang hindi ko na alam ang takbo ng utak niya. Nalilito na ako sa mga kilos niya. Ano ba talaga ang nangyayari sa lalaking ‘to sa loob ng limang taon na paghihiwalay namin? Napasukan ba ng hangin ang utak niya? Hindi ko kasi alam kung saan siya kumukuha ng kakapalan ng mukha at nagawa niya pang magpakita at ngumiti sa akin ngayon na parang walang nagawang kasalanan noon.“My star... nakagat mo ba ang dila mo? Or you’re stunned, sa kagwapuhan ko…” Ngayon ay nakagat ko naman ang labi ko. Patawa ang loko. Pero imbes na matawa ako, lalo pang kumulo ang dugo ko. Nagmukha lang
last updateLast Updated : 2024-08-28
Read more

Kabanata 89

Umiling-iling siya at magsasalita pa sana, but hindi ko siya pinansin. Si Sheila naman kasi ang hinarap ko na ngayon ay bakas na rin bakas na rin sa hitsura ang matinding kaba. Alam niya kasi na puno na ako, at totoong galit na.“At ikaw, Sheila, next time, ‘wag mong papasukin o bigyan ng appointment ang mga taong gusto lang magpapansin!” Matapos kong pagbuntungan ng galit si Daisy, tinapunan ko naman ng matalim na tingin si Danreve na ngayon ay nawala na ang pilyong ngiti. Maging siya ay alam nang hindi ako natutuwa sa mga banat niya."Uhmm...Doc. Charmaine, hindi po ako nagpapansin. Talagang—" “Tama na, Danreve! Umalis ka na!" Agad ko nang pinutol ang pagsasalita niya at agad na tumalikod.“Kasama ko si Picca,” sabi niya, na napapalingon sa akin. “Nasa labas siya, kasama si Aka." Medyo nataranta nitong sabi na sumabay sa paglabas ni Sheila.“Alam mo naman medyo matanda na si Picca. Mahina na. Ang tamlay-tamlay. At saka miss kita…. I mean, miss ka niya,” tipid na ngiti ang tumapos s
last updateLast Updated : 2024-08-28
Read more

Kabanata 90

((DANREVE))Pangiti-ngiti ako habang paunti-unting humihigop ng kape dito sa isang coffee shop, staring out at Charmaine’s clinic across the street. Para na nga akong tanga. Hindi mapakali dahil sa kada bukas ng pinto ay napapaupo ako ng maayos, hoping na si Charmaine na ang lumabas. But each time, it wasn’t—ang lumalabas ay mga pet owner dala ang mga alaga nila.Ilang ulit na rin akong tumingin sa relo. Three hours had passed since I ordered my first cup of coffee na ngayon ay nangalahati at medyo malamig na."Alam niya ba na hindi ako umalis? Nakita niya ba ako na pumasok dito sa coffee shop, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumabas ng clinic? Iniiwasan niya ba talaga ako? No, hindi ako papayag. Wala akong pakialam, magmukha man akong aso na buntot ng buntot sa kanya. Basta pansinin niya lang ako. Kahit malamig at pagalit ang pakikitungo niya sa akin ay ayos lang, basta makita at makasama ko lang siya. Matapos kasi ang check-up ni Picca, at masabi sa akin ang salitang para
last updateLast Updated : 2024-08-30
Read more
PREV
1
...
5678910
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status