“Tama na ang pag-iisip, Charmaine. Kalimutan mo na ang sira-ulong ‘yon!” Matapos ang ilang ulit na pagsabunot ko sa sariling buhok, tinakpan ko naman ang mukha ko ng unan. Kasi naman kahit anong sermon ko sa sarili ko, hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi ni Danreve.“Charmaine, ayaw mo ba talagang bumangon?” Medyo malakas na katok na ang kasabay ng pagpukaw sa akin na ‘yon ni Mommy, na paungol na oo lang ang sagot ko. Kunwari, ay bagong gising lang ako. “Bumangon ka na r’yan at maghanda na." “Opo…” Pero imbes na bumangon ako. Napuno na naman ng katanungan ang utak ko. “Bakit mo ba ginugulo ang utak ko ng ganito, Danreve?! Masaya na nga ako sa bago kong buhay. Ginawa ko lahat makabangon lang mula sa pagkalugmok noon dahil sa’yo.” Para na akong sira-ulo na kausap ang sarili. “Ano ba kasi ang nangyari sa kanila ni Golda? Hindi ba nag-workout ang relasyon nila? Naghiwalay ba sila? Na-realize niya ba na ako na pala ang mahal niya, at hindi na ang babae na ‘yon? Kasi kung
“Why am I here? Talagang tinatanong mo pa, my star?” Tumiim ang labi ko sa naging sagot niya. Nagpanting rin ang tainga ko, ang kapal din kasi ng mukha niya na tawagin akong my star. Gusto ko na agad siyang palayasin, kung hindi lang kabastusan ang gagawin ko. Kilala nga kasi ako nitong assistant ko na mabait, kahit pa do’n sa client namin na medyo masama ang ugali. Pero iba ‘to si Danreve magpakulo ng dugo ko. Talagang hindi ko na alam ang takbo ng utak niya. Nalilito na ako sa mga kilos niya. Ano ba talaga ang nangyayari sa lalaking ‘to sa loob ng limang taon na paghihiwalay namin? Napasukan ba ng hangin ang utak niya? Hindi ko kasi alam kung saan siya kumukuha ng kakapalan ng mukha at nagawa niya pang magpakita at ngumiti sa akin ngayon na parang walang nagawang kasalanan noon.“My star... nakagat mo ba ang dila mo? Or you’re stunned, sa kagwapuhan ko…” Ngayon ay nakagat ko naman ang labi ko. Patawa ang loko. Pero imbes na matawa ako, lalo pang kumulo ang dugo ko. Nagmukha lang
Umiling-iling siya at magsasalita pa sana, but hindi ko siya pinansin. Si Sheila naman kasi ang hinarap ko na ngayon ay bakas na rin bakas na rin sa hitsura ang matinding kaba. Alam niya kasi na puno na ako, at totoong galit na.“At ikaw, Sheila, next time, ‘wag mong papasukin o bigyan ng appointment ang mga taong gusto lang magpapansin!” Matapos kong pagbuntungan ng galit si Daisy, tinapunan ko naman ng matalim na tingin si Danreve na ngayon ay nawala na ang pilyong ngiti. Maging siya ay alam nang hindi ako natutuwa sa mga banat niya."Uhmm...Doc. Charmaine, hindi po ako nagpapansin. Talagang—" “Tama na, Danreve! Umalis ka na!" Agad ko nang pinutol ang pagsasalita niya at agad na tumalikod.“Kasama ko si Picca,” sabi niya, na napapalingon sa akin. “Nasa labas siya, kasama si Aka." Medyo nataranta nitong sabi na sumabay sa paglabas ni Sheila.“Alam mo naman medyo matanda na si Picca. Mahina na. Ang tamlay-tamlay. At saka miss kita…. I mean, miss ka niya,” tipid na ngiti ang tumapos s
((DANREVE))Pangiti-ngiti ako habang paunti-unting humihigop ng kape dito sa isang coffee shop, staring out at Charmaine’s clinic across the street. Para na nga akong tanga. Hindi mapakali dahil sa kada bukas ng pinto ay napapaupo ako ng maayos, hoping na si Charmaine na ang lumabas. But each time, it wasn’t—ang lumalabas ay mga pet owner dala ang mga alaga nila.Ilang ulit na rin akong tumingin sa relo. Three hours had passed since I ordered my first cup of coffee na ngayon ay nangalahati at medyo malamig na."Alam niya ba na hindi ako umalis? Nakita niya ba ako na pumasok dito sa coffee shop, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumabas ng clinic? Iniiwasan niya ba talaga ako? No, hindi ako papayag. Wala akong pakialam, magmukha man akong aso na buntot ng buntot sa kanya. Basta pansinin niya lang ako. Kahit malamig at pagalit ang pakikitungo niya sa akin ay ayos lang, basta makita at makasama ko lang siya. Matapos kasi ang check-up ni Picca, at masabi sa akin ang salitang para
((Danreve))Wala sa sariling humakbang ang mga paa ko, palapit sa kanila. Si Charmaine, hindi maitago ang kabang nararamdaman nang makita ako. Si Onse naman ay napatulala; hindi alam kung kanino titingin, sa akin ba o kay Charmaine na ngayon ay hindi pa rin nagawang tumayo habang yakap-yakap ang bata. Ang dami-daming tanong ang nabuo sa isipan ko kanina, pero ngayong malapit na ako sa kanila at kaharap ko na sila, para naman akong napipi. Iniiwasan kasi ni Charmaine ang tingin ko. Ngayon ay tumayo na siya; hawak ang kamay ng bata at bahagyang nagtago sa likuran ni Onse. Si Onse naman ay parang nakabawi sa biglang pagsulpot ko. Matiim na kasi ako nitong tinitigan, walang imik at parang hinihintay lang ang susunod kong gagawin.“Charmaine... Onse...” Nakakahiya man, pero hindi ko makontrol ang pagpiyok ng puso ko. Anong magagawa ko? Nasasaktan nga ako na makita sila na parang isang masayang pamilya. Ako kasi dapat ang nasa lugar ni Onse. “Anong ginagawa mo rito?" Basag ni Onse sa ka
Sandali kong napigil ang hininga ko. Parang tumigil ang mundo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. “Chad is my son? Our son—Charmaine’s and mine?” Gusto kong sabihin ‘yon ng malakas, kaya lang hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Parang may bumara sa lalamunan ko. “My son?" ‘Yon! Nagawa ko ring sabihin ang salitang ‘yon na kanina ay bumabara lang sa lalamunan ko.Pero ayaw pa rin gumana ng utak ko. Paulit-ulit lang na naglalaro sa utak ko ang salitang “my son. Hindi nga alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Should I be happy? Should I be angry? Sa kabila ng pagkalito at pagkagulat, maro’ng kakaiba dito sa puso ko. Hindi ko alam kung saya ba ‘to o lungkot. Siguro pareho. Masaya ako na malungkot din. Kasi, may anak pala kami, pero hindi ko alam. Wala akong alam dahil itinago nila. I locked eyes with Onse. Pahapyaw pa akong tumawa kasabay ng titig ko sa kanya. I didn’t know if I should thank him or punch him. “Sinabi mo ba ‘to, becaus
Ang sakit ng katawan ko kanina, pero ngayon, parang wala na akong maramdaman. Parang namamanhid ako bigla. Hindi ko rin alam kung paano mag-react o kung ano ang sasabihin ko. Ang alam ko lang, kanina pa ako nagpipigil ng hininga at itong puso ko, parang tatalon na mula sa dibdib ko. Utak ko gulong-gulo na. Litong-lito na ako. Dapat ay maging masaya ako dahil hindi sila mag-asawa. May chance pa kami—may chance pa kaming mabuo bilang isang pamilya. Kaya lang, hindi ko naman maintindihan kung bakit naging magkapatid sila. Paano? Anong nangyari? Ang alam ko, nag-iisang anak si Onse. Kaya bakit biglang may kapatid na siya at si Charmaine pa? I couldn’t blink an eye, o ang sabihin ng malakas ang mga tanong na nabuo sa utak ko. May pakiramdam din ako na ginu-good time lang ako nitong si Onse. Pinaglalaruan niya ang nararamdaman ko para gantihan sa ginawa ko kay Charmaine noon.“ ‘Wag mo nga akong ginagago, Onse! Ang dami-dami ko nang iniisip! ‘Wag mo nang dagdagan. Baka hindi ko na kay
((Charmaine))Kadarating ko lang at hindi pa nakapasok sa hospital room, but my heart pounded so much sa puntong pati ang galit ko ay naglaho na. Onse called me in panic. Sabi niya, naaksidente si Danreve and was in critical condition. Despite everything that had happened between us—despite all the pain and anger—hindi ko matatanggap na may mangyaring masama sa kanya. After all, Danreve wasn’t just any man. He was the father of my child and the man I had once loved deeply.Bumaba ang paningin ko kay Chad na hawak-hawak ang kamay ko, his little fingers digging into my palm. Alam ko wala siyang naiintindihan sa mga nangyayari; hindi niya alam kung bakit narito kami sa hospital ngayon. Ang alam niya lang, I was scared. I squeezed his hand back, trying to reassure him. Kahit ako, sa sarili ko, hindi ko kayang kontrolin ang pag-aalala, ang takot, at emosyon ko.But when I walked into the room and saw Danreve sitting up in bed, alive and very much conscious, ang takot ko at pag-aalala ay n