((Danreve))“Onse...” Mahinang bigkas ni Charmaine sa pangalan ng matalik kong kaibigan na ngayon ay parang mabangis na hayop na nagwawala sa labas ng gate. Kulang na nga lang ay umakyat sa mataas na gate makapasok lang dito sa resort.“What is he doing here? Paano niya nalaman na nandito si Charmaine?" tanong ko sa sarili. Gusto ko siyang itaboy, pero para naman akong natuod sa kinatatayuan ko. Hindi na kasi ako makakilos, pero maya maya ay nagawa ko namang lingunin ang humihikbing si Charmaine na mas ipinagtaka ko.“Why are you crying? I didn’t do anything, para umiyak ka ng ganyan; hindi kita sinaktan, Charmaine. Ikaw pa nga ang nanakit sa akin ngayon.” Hindi siya umimik, pero ang talim naman ng tingin sa akin, at saka marahas na pinahid ang mga luha.Natutulalang napatitig naman ako sa kanya. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Onse dito sa private resort ng lola ko, pero mas nagulat ako na makitang umiiyak ng ganito si Charmaine na para bang nagmamakaawa na iligtas siya ni Onse.
“Hindi mo pa rin ba maintindihan, Danreve? Gusto mo ba ng mas malinaw pa?” Hinarap niya ako, at sinalubong ang nag-iinit ko nang mga mata. “Hindi na ikaw ang asawa ko, at hindi na ikaw ang mahal ko, si Onse na!”Paulit-ulit akong umiling-iling. Puso ko naninikip na. Utak ko parang sasabog na. Halos hindi na ako makahinga. Parang nabibingi na nga rin ako. Naintindihan ko na kanina pa. Hindi ko lang matanggap, at ngayong mas malinaw na niyang sinabi, pakiramdam ko parang namatay lahat ng sistema ko. Ang sakit-sakit na marinig mula mismo sa bibig niya na si Onse na ang mahal niya, at hindi na ako.“Open the gate, Danreve, bago pa ako tumawag ng pulis at ipakulong ka, for kidnapping." Madiing sabi ni Onse, pero ang tingin nito ay na kay Charmaine na ngayon ay tuluyan nang lumapit sa kanya. Hawak-hawak na rin nito ang kamay niya, at paulit-ulit na nilapat sa labi niya. Napaupo na lang ako sa sementadong daan na parang batang humagulgol. Nanghihina habang pinagmamasdan sila. Kung kanina
“Charmaine, gising na, Anak.” Malumanay na boses ni Mommy, kasabay ang mahinang katok na kanina ko pa naririnig mula sa labas ng kwarto, ngunit hindi ko magawang buksan o sumagot man lang. Utak ko kasi, hindi pa rin stable. Parang sasabog na nga dahil hanggang ngayon, ang nangyaring eksena pa rin sa resort ang naiisip ko. Nakakalito kasi! Kahit anong pag-iisip ang gawin ko, kahit anong eksplinasyon pa ang bubuuin ko sa utak ko, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang motibo ni Danreve sa pagdala sa akin do’n, at saka, hindi ko gets ang mga salitang sinabi niya na parang isang palabas sa telebisyon na paulit-ulit kong nakikita at naririnig. Nakakapagod ng mag-isip. Kagabi pa kasi nagugulo ang isip ko. Gusto ko nang maalis sa utak ko ang lahat ng mga sinabi niya, lahat ng nangyari sa resort. Ayaw ko nang mag-isip, kaya lang, hindi ko naman kontrolado ang utak ko. Kahit anong dikta ko sa utak ko na ‘wag mag-isip, naisip at naiisip ko pa rin lahat. Gulong-gulo na ang utak ko. Sino
“Tama na ang pag-iisip, Charmaine. Kalimutan mo na ang sira-ulong ‘yon!” Matapos ang ilang ulit na pagsabunot ko sa sariling buhok, tinakpan ko naman ang mukha ko ng unan. Kasi naman kahit anong sermon ko sa sarili ko, hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi ni Danreve.“Charmaine, ayaw mo ba talagang bumangon?” Medyo malakas na katok na ang kasabay ng pagpukaw sa akin na ‘yon ni Mommy, na paungol na oo lang ang sagot ko. Kunwari, ay bagong gising lang ako. “Bumangon ka na r’yan at maghanda na." “Opo…” Pero imbes na bumangon ako. Napuno na naman ng katanungan ang utak ko. “Bakit mo ba ginugulo ang utak ko ng ganito, Danreve?! Masaya na nga ako sa bago kong buhay. Ginawa ko lahat makabangon lang mula sa pagkalugmok noon dahil sa’yo.” Para na akong sira-ulo na kausap ang sarili. “Ano ba kasi ang nangyari sa kanila ni Golda? Hindi ba nag-workout ang relasyon nila? Naghiwalay ba sila? Na-realize niya ba na ako na pala ang mahal niya, at hindi na ang babae na ‘yon? Kasi kung
“Why am I here? Talagang tinatanong mo pa, my star?” Tumiim ang labi ko sa naging sagot niya. Nagpanting rin ang tainga ko, ang kapal din kasi ng mukha niya na tawagin akong my star. Gusto ko na agad siyang palayasin, kung hindi lang kabastusan ang gagawin ko. Kilala nga kasi ako nitong assistant ko na mabait, kahit pa do’n sa client namin na medyo masama ang ugali. Pero iba ‘to si Danreve magpakulo ng dugo ko. Talagang hindi ko na alam ang takbo ng utak niya. Nalilito na ako sa mga kilos niya. Ano ba talaga ang nangyayari sa lalaking ‘to sa loob ng limang taon na paghihiwalay namin? Napasukan ba ng hangin ang utak niya? Hindi ko kasi alam kung saan siya kumukuha ng kakapalan ng mukha at nagawa niya pang magpakita at ngumiti sa akin ngayon na parang walang nagawang kasalanan noon.“My star... nakagat mo ba ang dila mo? Or you’re stunned, sa kagwapuhan ko…” Ngayon ay nakagat ko naman ang labi ko. Patawa ang loko. Pero imbes na matawa ako, lalo pang kumulo ang dugo ko. Nagmukha lang
Umiling-iling siya at magsasalita pa sana, but hindi ko siya pinansin. Si Sheila naman kasi ang hinarap ko na ngayon ay bakas na rin bakas na rin sa hitsura ang matinding kaba. Alam niya kasi na puno na ako, at totoong galit na.“At ikaw, Sheila, next time, ‘wag mong papasukin o bigyan ng appointment ang mga taong gusto lang magpapansin!” Matapos kong pagbuntungan ng galit si Daisy, tinapunan ko naman ng matalim na tingin si Danreve na ngayon ay nawala na ang pilyong ngiti. Maging siya ay alam nang hindi ako natutuwa sa mga banat niya."Uhmm...Doc. Charmaine, hindi po ako nagpapansin. Talagang—" “Tama na, Danreve! Umalis ka na!" Agad ko nang pinutol ang pagsasalita niya at agad na tumalikod.“Kasama ko si Picca,” sabi niya, na napapalingon sa akin. “Nasa labas siya, kasama si Aka." Medyo nataranta nitong sabi na sumabay sa paglabas ni Sheila.“Alam mo naman medyo matanda na si Picca. Mahina na. Ang tamlay-tamlay. At saka miss kita…. I mean, miss ka niya,” tipid na ngiti ang tumapos s
((DANREVE))Pangiti-ngiti ako habang paunti-unting humihigop ng kape dito sa isang coffee shop, staring out at Charmaine’s clinic across the street. Para na nga akong tanga. Hindi mapakali dahil sa kada bukas ng pinto ay napapaupo ako ng maayos, hoping na si Charmaine na ang lumabas. But each time, it wasn’t—ang lumalabas ay mga pet owner dala ang mga alaga nila.Ilang ulit na rin akong tumingin sa relo. Three hours had passed since I ordered my first cup of coffee na ngayon ay nangalahati at medyo malamig na."Alam niya ba na hindi ako umalis? Nakita niya ba ako na pumasok dito sa coffee shop, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumabas ng clinic? Iniiwasan niya ba talaga ako? No, hindi ako papayag. Wala akong pakialam, magmukha man akong aso na buntot ng buntot sa kanya. Basta pansinin niya lang ako. Kahit malamig at pagalit ang pakikitungo niya sa akin ay ayos lang, basta makita at makasama ko lang siya. Matapos kasi ang check-up ni Picca, at masabi sa akin ang salitang para
((Danreve))Wala sa sariling humakbang ang mga paa ko, palapit sa kanila. Si Charmaine, hindi maitago ang kabang nararamdaman nang makita ako. Si Onse naman ay napatulala; hindi alam kung kanino titingin, sa akin ba o kay Charmaine na ngayon ay hindi pa rin nagawang tumayo habang yakap-yakap ang bata. Ang dami-daming tanong ang nabuo sa isipan ko kanina, pero ngayong malapit na ako sa kanila at kaharap ko na sila, para naman akong napipi. Iniiwasan kasi ni Charmaine ang tingin ko. Ngayon ay tumayo na siya; hawak ang kamay ng bata at bahagyang nagtago sa likuran ni Onse. Si Onse naman ay parang nakabawi sa biglang pagsulpot ko. Matiim na kasi ako nitong tinitigan, walang imik at parang hinihintay lang ang susunod kong gagawin.“Charmaine... Onse...” Nakakahiya man, pero hindi ko makontrol ang pagpiyok ng puso ko. Anong magagawa ko? Nasasaktan nga ako na makita sila na parang isang masayang pamilya. Ako kasi dapat ang nasa lugar ni Onse. “Anong ginagawa mo rito?" Basag ni Onse sa ka