“My star, tama ang nga pag-iisip, kalimutan mo ang nangyari kanina,” mahinahon kong kausap kay Charmaine. Sakay na nga kasi kami ng kotse, at papunta na sa hospital para bisitahin si Nanay, pero siya, tulala at tahimik pa rin.Kanina ko pa naririnig ang paulit-ulit niyang buntong-hininga na para bang ang bigat-bigat ng problema niya.Sabagay, hindi naman kasi madaling kalimutan ang nangyaring gulo kanina. Hindi madaling kalimutan ang mga salitang binitawan namin sa isa’t-isa ng kaibigan kong si Onse. Oo, at nagkaayos din kami kaagad, but still, ang hirap pa rin tanggapin sa loob ko na mahal din pala ng kaibigan ko si Charmaine. Ngayon, pakiramdam ko parang ang hirap gumalaw. Nakakatakot magkamali, dahil alam kong may isang tao na nag-aabang lang sa tabi-tabi; naghihintay na magkaproblema kami ng asawa ko, at siya naman ang papasok.“My star, cheer up, okay? Sige ka, alam mo naman si Nanay, kahit may sakit ‘yon, matalas pa rin ang pag-iisip. Tiyak na malulungkot ‘yon kapag nakita
Read more