“Si Nanay… Nanay ko…” Kapos at hindi na halos maintindihan ang mga sinasabi ko habang tanaw ang mga doctor at nurses na um-attend kay Nanay. “I’m sorry, Sir Danreve, Ms. Charmaine, hindi ko po talaga naisip na hindi na pala maayos ang pakiramdam ni Ma’am,” umiiyak na sabi ng caregiver. Kanina pa siya humihingi ng tawad habang nagpapaliwanag sa kung ano ba talaga ang nangyari na hindi man lang niya napansin na masama na pala ang pakiramdam ni Nanay. Siya ang caregiver na assign kay Nanay sa umaga. Ang sabi niya, mula raw kanina pagdating niya ay matamlay na ito. Pero kumain naman daw. After mag-breakfast, panay na raw ang tulog. Sa lunch naman ay kumain pa raw si Nanay, pero kaunti na lang at humiga na rin agad. Kinakausap pa nga raw niya at sumasagot naman daw kahit tiim ang mga mata. Uminom pa raw ng gamot, bago ulit natulog. Kaya naisip niya na baka pagod lang, at nanghihina dahil dialysis nga niya kahapon. Hanggang nitong hapon na nga, matapos may kumuha ng blood sam
Sandali akong nanigas at hindi nakakapagsalita, habang yakap-yakap ng lalaki na ngayon ay marahan na humaplos-haplos ang kamay sa likod ko. “Sorry, Charmaine, wala ako sa panahon na kailangan mo ng karamay." Umawang naman ang labi ko, hindi lang dahil sa mahigpit na yakap nitong lalaki na hindi ko pa rin magawang awatin, kun’di dahil sa sinabi niya na gumulo sa utak ko."Pinagsasabi mo? Sino ka ba?” tanong ko at itutulak na sana siya. Nahimasmasan na kasi ako. At ngayon ay si Danreve na ang inaalala ko. Natatakot ako na baka makita niya kami, at dumagdag na naman ‘to sa problema na pasan ko ngayon. Oo, lutang nga ako, malungkot, at balot ng pag-aalala ang utak at puso ko dahil sa kalagayan ngayon ni Nanay, pero matino pa rin naman ang pag-iisip ko.“Bitiwan mo muna ako, please,” pakiusap ko sa lalaki, habang nag-iisip kung bakit ang lakas ng loob nito na yakapin ako. Ramdam ko kasi na kilala nga niya ako. May pamilyar akong nararamdaman habang yakap niya.Pero imbes na bitiwan a
(((CHARMAINE))) “Charmaine, lakad na! Ano ka ba naman! Sabi ko naman sa’yo, ako na ang bahala kay Nanay,” apura sa akin ni Daisy. Matalik kong kaibigan. Kapapasok lang nito sa bahay, at heto tumalak agad. Alam niya kasi na may job interview ako ngayon. Mama nga kasi niya ang nag-recommend sa akin sa trabahong ‘yon. Mabuti na lang at nagkataon naman na wala siyang pasok sa eskwela, kaya siya ang nagpresenta na magbantay kay Nanay habang wala ako. Medyo inggit nga ako sa kanya, dapat kasi ay nag-aaral din ako gaya niya. Pareho na sana kaming first-year college ngayon. Pero dahil nagkasakit si Nanay, kailangan ko munang huminto sa pag-aaral para maghanap ng trabaho. “Akin na nga ‘yan!” Binawi pa nito ang mangkok ng lugaw na ibibigay ko pa sana kay Nanay, at saka, tinulak ako papunta sa pinto. “Bilis na! Mahuhuli ka na!” Tipid na lang akong ngumiti, pero ang tingin ko ay na kay Nanay na. Kahit ngumingiti siya, bakas pa rin ang pananamlay. Bakas ang panghihina. Nadudurog a
“Ano?!” Bulalas ko sabay ang pagtayo. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, pero ‘yong sinabi ni Onse; intinding-intindi ko kahit english pa ‘yon. Hindi pwedeng hindi ko maintindihan ang simpleng salitang ‘yon. “Ano po bang kalokohan ‘to?!” naguguluhan kong tanong. Medyo tumaas din ang boses ko. Ayoko kasi ng ganito. Oo, mahirap nga ako, pero hindi ako ‘yong tao na payag lang na paglaruan. Lalong ayaw kong inaapakan ang pagkatao ko, at magmukhang tanga sa harap ng mga lalaking ‘to. Kahit mayaman pa sila, hindi ako papayag na gawin nila akong katawa-tawa. “Don’t raise your voice on us!” Dinuro ako ni Danreve. Sa unang pagkakataon, nasilayan ko ang pagmumukha niya. Nagsusumigaw rin ang kagandahang lalaki, pero umalingasaw naman ang masamang ugali. “Wala kang karapatan!” dagdag pa nito, at akmang lalapitan pa ako. Hinawakan naman siya ni Onse sa balikat, sabay sabi, “Bro, kalma.” Nasa akin na rin ang tingin niya. Tingin na parang naguguluhan at hindi na naman mapakali.
(((Danreve))) “You are not getting any younger, Danreve! You’re thirty two years old, and yet, wala ka pa ring balak na lumagay sa tahimik?” Paulit-ulit ko na lang naririnig ang mga salitang ‘yon mula kay Lolo Clamente at sa magulang ko sa tuwing uuwi ako ng mansion. Ang gusto nila ay mag-asawa na ako. Ang gusto nila ay tigilan ko na ang kahibangan ko sa paghihintay sa girlfriend ko na in-una raw ang career kay sa akin. Hibang na kung hibang, but I won't get tired of waiting for her. Handa akong maghintay kahit gaano katagal. Hindi ko ipagpapalit ang pitong taon na relasyon namin ng girlfriend ko, for some random girls. I won’t deny that in three years, na hindi ko kasama ang mahal ko ay hindi na ako tumikim ng ibang babae. Tumikim ako. Kada labas, iba ang kasama ko. But hanggang do’n lang ‘yon. Hanggang sa kama lang. No string is attached. “Matanda na rin ako, Apo. Bago man lang sana ako mawala sa mundong ‘to, gusto ko sanang makita na maikasal ka, o Kung bibigyan pa ako ng
Ito na nga ang naisip na plano ni Onse. Nakahanap na nga siya ng babae na magiging fake wife ko. Akala ko wala nang magiging problema. Pero bakit nag-da-drama ang babae na ‘to? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako sinasabi niya. Lahat pa naman ng ayaw ko ay iyong pretender. If only I have the guts to look at her. Maybe I can tell if she’s telling the truth or not, pero hindi ko nga magawa. I lost face. Nahihiya ako, hindi ko alam kung bakit. Sa tuno kasi ng pananalita niya, I can sense na nagsasabi nga siya ng totoo. At isa pa, I feel her pain. Mas masakit sa sampal niya sa mukha ko. But still, there’s a part of me na nagsasabi na ‘wag agad ako maniwala. Sa edad kong ‘to, hindi na ako mahuhulog sa trap ng mga nagpapanggap na angel. Madalas nga kasing nagpapanggap na angel ang mga demonyo. At ayaw ko na mademonyo ng isang ‘to. Lalo’t alam ko na maraming babae ang gustong maging asawa ako. Marami ang gustong makuha ang title na
(((Charmaine))) Panay ang buntong-hininga ko habang nag-aabang ng masasakyan dito sa labas ng Lazaro Law Firm—Law Firm na pagmamay-ari ng pamilya ni Onse. Katatapos ko lang din tawagan si Daisy. At heto nga, mas nanghina pa ako matapos makausap ang kaibigan ko. Bago ko kasi ibinalita sa kanila na minalas ako at hindi natanggap sa trabaho dahil wala akong experience. Palihim munang sinabi sa akin ni Daisy na inatake na naman daw si Nanay kanina. Kaya nagsinungaling na lang ako. Ayaw ko na mag-alala pa si Nanay. Ayaw kong dagdagan pa ang paghihirap niya. Kaya kahit anong mangyari, ililihim ko sa kanya ang nangyari sa akin kanina. Ililihim ko sa kanya ang panlalait na natanggap ko mula sa lalaking mata-pobre. “Come with me!” Parang tumalon ang puso ko sa sobrang gulat nang marinig ang nakakatakot na boses na ‘yon. Mas kumabog pa ang puso ko dahil sa kamay nitong hawak na ang pulsuhan ko. Ang mata-pobreng si Danreve lang naman ang lapastangan na humawak sa akin na para bang p
“Teka lang po, sir,” sabi ko sabay hawak sa kamay nitong fake kong asawa. Nandito na kami sa parking lot ng hospital. Kanina habang sinasabi niya sa akin ang mga dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, medyo nabawasan naman ang inis ko sa kanya. May puso din naman palang tumitibok. Akala ko manhid at hindi marunong magmahal. Kaya lang, parang bumabahag naman ang buntot ko ngayong nandito na kami. Paano kung gaya n’ya, mata-pobre rin ang pamilya niya? Paano kung hindi nila ako tanggap bilang asawa nitong masungit nilang Anak? Paano kung sandamakmak na panghahamak na naman ang marinig ko mamaya? Kahit pa hindi totoo ang mga sasabihin nila, ang sakit pa rin kayang marinig. Kanina nga lang, tagos hanggang buto ko ang sakit ng mga sinabi ni Sir Danreve. Kaya kahit alam kong may puso naman pala siya, hindi pa rin tuluyang nawala ang sama ng loob ko. At saka, unang araw pa nga lang ng play namin ngayon bilang mag-asawa. Hindi pa namin kilala ang isa’t-isa, at hindi ko pa