“R-Renan, pinagsasabi mo?” Nauutal kong tanong na may kasamang pag-iling. Hindi ko kasi in-expect ‘to. Kung noon lang sana niya sinabi na gusto niya ako, baka walang ano-ano, sinagot ko na siya. Baka nag-uumapaw ang saya ko. Pero ngayon, hindi na saya ang nararamdaman ko. Asiwa na. Naasiwa ako, kasi hindi ko na siya gusto. Kuya na lang ang tingin ko sa kanya. Gumalaw ako. Gusto kong ibaba na lang niya ako. Hindi na kasi ako komportable sa hawak niya. Feeling ko ay nagkakasala ako sa asawa ko. “Reynan, pakibaba na lang ako, pwede ba?” Lakas-loob kong sabi na sandaling sulyap lang ang sagot niya. Nakagat ko naman ang labi ko. Alam ko, ramdam na niya na hindi na ako komportable. Pero nagpatay malisya lang siya, at ngayon ay mapait na nga siyang ngumiti. Alam ko na nasasaktan siya, pero hindi kasi tama ‘to. Dapat ay hindi na ako nagpapahawak ng ganito sa ibang lalaki. Hindi pwedeng ganito ako kalapit sa isang lalaki. Kahit kaibigan ko pa ‘to si Reynan, dapat maglagay na ako ng bounda
“Are you sure, okay ka na rito?” tanong ni Sir Onse, pagkatapos niya akong tulungan na humiga sa hospital bed ni Nanay. Hindi ako sumagot, pero ang mga mata ko naman ay hindi maalis sa kanya. Kanina pa kasi siya hindi nagsasalita, matapos niyang sungitan si Daisy. Iniiwasan pa nga niya na mapatingin sa akin. Siguro ayaw niya na pag-usapan ‘yong sinabi niya kanina. Lalo na ‘yong inasal niya sa harap ng kuya at Mama ni Daisy.O, baka naman nakokonsensya. Kawawa kasi ‘yong kaibigan ko. Awtomatikong nawala ang ngiti at kislap sa mga mata. Parang nawalan ng mukha. Nawala din ang pagiging kalog. Napahiya nga kasi siya sa kuya at Mama niya. Ang masama, napagalitan din siya. Nakurot ang singit na parang bata. Ayon at lalong napahiya; nagmistulang toilet paper na nabasa ng tubig. Nalukot ang mukha at gumilid na lang.“Hindi ka pumapatol sa bata, Sir Onse?” Imbes na sagutin ko ang tanong niya, ‘yong sinabi niya kay Daisy, na kanina pa gumugulo sa isipan ko ang itinanong ko. Oo, at si Daisy
((Danreve))“Saan ka pupunta? Napilay ka na nga, gagala ka pa rin.” Malamig kong sabi nang pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Charmaine na naka-upo na sa wheelchair.Dapat ay hindi ako umasta ng gano’n. Dapat ay hindi ako nagsungit. Kaya lang, nadismaya ako. Ang in-expect kong makita ay nakahiga siya, nagpapahinga, malungkot habang hinihintay ako.Pero hindi nga iyon ang nadatnan ko. Imbes nga na ngumiti siya, magpaawa, magpalambing, parang galit pa. Hindi lang ‘yon. Parang nagulat pa siya sa pagdating ko. Kaya imbes na yakapin ko siya at humingi agad ng sorry sa pag-walkout ko kanina; malamig at busangot na mukha ang pinakita ko.Hindi niya ba alam na darating ako? Hindi ba sinabi ni Onse na nag-aalala ako?Ako kasi, nang tumawag si Onse, kabadong-kabado ako. Hindi naman kasi sinabi ng kaibigan kong ‘yon kung anong nangyari kay Charmaine. Ang sinabi niya lang, puntahan ko raw ang asawa ko sa hospital, kasi may nangyari. Kaya ayon at alalang-alala ako. Nag-beating the red light
“Lock po ang pinto.” Ang saya ko na sana. Ang sarap pa ng pakiramdam ko habang nasa ibabaw pa rin ni Charmaine, pero ang saya at sarap na ‘yon ay napalitan ng kaba, dahil sa sira-ulong nangbulahaw sa amin.Taranta akong bumangon nang marinig ang boses sa labas na parang nag-aalala. Ginalaw-galaw pa nga ulit ang doorknob. At ang mas naka-kaba pa ay hindi lang isang tao ang nasa labas; marami sila.“Ikaw kasi...” Pinong kurot ang kasabay ng sinabing iyon ni Charmaine na nagpangiwi sa akin, pero napangiti naman. Kahit naman kabado ako, masaya pa rin dahil nagawa ko na ang isang mahalagang obligasyon bilang asawa ng mahal ko. Iyon ang paligayahin siya.“Nakakahiya, Danreve!” “Mag-ayos ka. Matulog ka,” nasabi ko nang muling gumalaw ang doorknob, at may kasama nang mahinang katok. Madaling araw na nga kasi. Tulog at nagpapahinga na ang mga pasyente. Kaya bawal na mag-ingay. Pero ‘yong ingay na gawa namin ng asawa ko kanina, siguradong narinig ‘yon sa katabing kwarto.“Ms. Charmaine." Ay
((Charmaine))“Nay, gising na po, please. Hindi ka pa ba napapagod sa kahihiga?” Tatlong linggo na ang lumipas. At heto, hindi pa rin nagigising si Nanay. Kaya halos dito na rin ako tumira sa hospital. Gusto ko kasi, lagi siyang kasama at laging nakikita.Mabuti na lang naiintindihan naman ako ni Danreve. Ang laki na nga ng pagkukulang ko, bilang asawa niya. Lagi ko na lang sinasabi na babawi ako, kapag okay na si Nanay. Pati ang trabaho ko bilang nanny ni Picca, ay hindi ko na rin nagagampanan. Kahit naman kasi, hindi na kami nagpapanggap ng asawa ko. Ayaw ko namang talikuran ang totoong trabaho na pinasok ko. Iyon kasi ang dahilan kung bakit ko nakilala si Danreve. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, kasama ko pa si Nanay, kahit hindi na sigurado kung gigising pa ba siya. “ ‘Nay, ang dami-dami ko nang hindi na kwento sa’yo. Ang dami mo nang hindi alam na nangyayari sa buhay ko. Kaya, please, Nanay, gising na po, para ma kwento ko na sa’yo lahat ng ‘yon.” “Ms. Charmaine,
“Ms. Charmaine, alis na po ako. Dumating na po kasi si Ara,” mahinahong sabi ni Magi na tipid na ngiti at pagtango lang ang sagot ko. Wala pa rin kasi akong kakayahang magsalita. Kahit mahigit isang oras na kaming nakabalik rito sa ICU, hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang luha ko. Ang lungkot-lungkot ko pa rin kasi. Ang bigat-bigat sa loob ko na ganito na si Nanay. Nangyari na naman kasi ‘yong kinatatakutan ko sa dialysis center kanina. Nawalan na naman siya ng pulso. Kaya nga kahit pagod na pagod na ako. Kahit parang bibigay na rin ang katawan ko, hindi pa rin ako umaalis. Natatakot akong iwan siya. Natatakot kasi ako na wala ako sa tabi niya, sakaling bibigay na ang puso niya. Sinunod ko na nga ang sinabi ni Tita Marie. Lahat sinabi ko na sa kanya. Pero hindi pa rin ako kuntento. Iba pa rin ‘yong nakakausap ko siya; naririnig ang mga payo niya, at nakikita ko ang reaction niya. Alam kong malabo nang magising si Nanay, pero hindi pa rin ako nagpapakawala ng pag-asa. Hindi
Tahimik akong umiiyak, habang yakap-yakap ang braso ni Nanay. Mula kanina, hindi ako umalis sa tabi niya. Hindi ko magawang ilayo ang paningin sa kanya.Pati nga paghinga niya ay binibilang ko. Natatakot kasi ako na baka tumigil na naman ang t!bok ng puso niya. Hindi ko kasi ma-explain ang naramdaman ko kanina habang isinasalba ng mga doctor ang buhay niya. Buong katawan ko nanginginig at nanlalamig. Parang ako ‘yong nawalan ng buhay. Nawalan ng kakayahang huminga.Ang akala ko kasi, iiwan na niya ako. Pero ang tapang-tapang ni Nanay. Lumaban pa rin siya. Hindi siya sumuko, kahit bumibigay na ang katawan niya.“Charmaine, magpahinga ka na,” pabulong at mahinahong sabi sa akin ni Lolo Clam. Kanina niya pa ako kinakausap. Kanina niya pa ako pinapatahan, pero hindi ko nga magawa. Ayaw tumigil sa pagpatak ng luha ko.“Okay na ang Nanay mo, stable na siya,” dagdag sabi pa nito na mapait na ngiti naman ang sagot ko.“Tahan na, Apo. Dapat ay masaya ka, kasi nagising na si Nanay mo. Nakaus
“Anak, magpahinga na kayo.” Nanghihina, ngunit nakangiting sabi ni Nanay. Ako man ay hindi rin mawala-wala ang ngiti sa labi. Syempre, bumuti na kasi ang kalagayan ni Nanay. Matapos ang tatlong araw mula ng nagkamalay siya, tuluyan nang naalis ang ventilator, at ngayon ay nandito na nga siya sa private room niya. Kaya lang, hindi ko naman matupad ang sinabi ko sa kanya na ilalabas siya rito, kapag nagising na siya. Ayaw kasi pumayag ng doctor. Delekado pa rin kasi ang kalagayan niya. Minsan ay nahihirapan pa rin siyang huminga, kaya kailangan pa rin niya ng oxygen. Kailangan pa rin na e-monitor ang kalagayan niya.“Danreve, sige na. Iuwi mo na si Charmaine. Kasama ko naman si Magi. Hindi niya ako pababayaan,” sabi nito, habang hawak ang kamay ng asawa ko na kanina ay nakatikim ng marami-raming salita, mula kay Nanay. Hindi naman siya napagalitan; hindi kami sinumbatan; napagsabihan lang. At syempre, may kasama na ring pangaral. Kung alam ko lang na matatanggap din naman pala aga