((Charmaine))Hindi ko alam kung ano ang mayro’n sa araw na ‘to. Ang daming ganap. Halo-halo na nga ang emosyon na nararamdaman ko. At ngayon naman, biglang nag-propose naman itong asawa ko; lumukso ang puso ko. Hanggang ngayon nga ay ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.Ang saya-saya ko, sa totoo lang. Kaya lang, ‘yong saya nararamdaman ko ay na daig naman ng pangamba.Pangamba na baka, ayaw pumayag ni Nanay. Pangamba na baka magalit siya, at imbes na happy na kami ng asawa ko ay mauuwi na naman sa problema. Ayaw nga kasi ni Nanay sa mayaman. Hindi ko alam kung bakit o kung ano ang dahilan. Ayaw ko na rin kasing magtanong. Sumuko na ako, matagal na dahil sa tuwing susubok ako, hindi naman niya sinasagot, o hindi kaya ay iniiba niya ang usapan. Naisip ko na lang na baka, nagmahal siya ng mayaman noon, pero sinaktan at iniwan lang siya sa huli. “Ako ang na bahala kay Nanay, my star. Liligawan ko siya. Susuyuin hangga’t matanggap niya ako. I’ll do anything to prove to her that I lo
“Si Nanay… Nanay ko…” Kapos at hindi na halos maintindihan ang mga sinasabi ko habang tanaw ang mga doctor at nurses na um-attend kay Nanay. “I’m sorry, Sir Danreve, Ms. Charmaine, hindi ko po talaga naisip na hindi na pala maayos ang pakiramdam ni Ma’am,” umiiyak na sabi ng caregiver. Kanina pa siya humihingi ng tawad habang nagpapaliwanag sa kung ano ba talaga ang nangyari na hindi man lang niya napansin na masama na pala ang pakiramdam ni Nanay. Siya ang caregiver na assign kay Nanay sa umaga. Ang sabi niya, mula raw kanina pagdating niya ay matamlay na ito. Pero kumain naman daw. After mag-breakfast, panay na raw ang tulog. Sa lunch naman ay kumain pa raw si Nanay, pero kaunti na lang at humiga na rin agad. Kinakausap pa nga raw niya at sumasagot naman daw kahit tiim ang mga mata. Uminom pa raw ng gamot, bago ulit natulog. Kaya naisip niya na baka pagod lang, at nanghihina dahil dialysis nga niya kahapon. Hanggang nitong hapon na nga, matapos may kumuha ng blood sam
Sandali akong nanigas at hindi nakakapagsalita, habang yakap-yakap ng lalaki na ngayon ay marahan na humaplos-haplos ang kamay sa likod ko. “Sorry, Charmaine, wala ako sa panahon na kailangan mo ng karamay." Umawang naman ang labi ko, hindi lang dahil sa mahigpit na yakap nitong lalaki na hindi ko pa rin magawang awatin, kun’di dahil sa sinabi niya na gumulo sa utak ko."Pinagsasabi mo? Sino ka ba?” tanong ko at itutulak na sana siya. Nahimasmasan na kasi ako. At ngayon ay si Danreve na ang inaalala ko. Natatakot ako na baka makita niya kami, at dumagdag na naman ‘to sa problema na pasan ko ngayon. Oo, lutang nga ako, malungkot, at balot ng pag-aalala ang utak at puso ko dahil sa kalagayan ngayon ni Nanay, pero matino pa rin naman ang pag-iisip ko.“Bitiwan mo muna ako, please,” pakiusap ko sa lalaki, habang nag-iisip kung bakit ang lakas ng loob nito na yakapin ako. Ramdam ko kasi na kilala nga niya ako. May pamilyar akong nararamdaman habang yakap niya.Pero imbes na bitiwan a
“Cha, saan ka pupunta? Ngayon nga lang ulit tayo nagkita, iiwan mo pa ako agad?” Tampong sabi ni Reynan. Susundan ko na kasi sana ang asawa kong sinumpong na naman ng kasungitan.Nakakainis din talaga siya. Alam niya na malungkot ako ngayon. Alam niya na nag-aalala ako sa kalagayan ni Nanay; dumagdag pa siya. “Cha, akala ko ba na miss mo ako?” dagdag pa ni Reynan. Napabuntong-hininga na lang ako at napayuko. Hindi ko akalain na magagawa akong iwan ni Danreve ngayon. Talagang nagpatuloy siya sa paglalakad, at ni ang lumingon ay hindi niya ginawa. Bakit ba siya gano’n? Siya dapat ang higit na nakakaalam na kailangan ko ng karamay. Kailangan ko ng may magpapagaan sa loob ko, at kasama siya sa mga tao na kailangan ko sa tabi ko. Ang labas ay gusto niya pa akong ilayo sa mga taong handang damayan ako. “Besty, ‘wag ka nang malungkot,” sabi ni Daisy na ngayon ay haplos-haplos na ang likod ko. Nasa asawa ko na rin ang tingin niya. “Hayaan mo muna ‘yon. Gulat lang ‘yon sa inasta ni Kuya
“Kilala mo, ang babae na gusto niya?” Inosenteng tanong ko kay Daisy na sumabay ang pagngiwi at paglayo niya sa kuya niya. Sekreto yatang kinurot ni Reynan ang kapatid niya na madaldal. “Hindi… hindi ko kilala, pero may hinala ako kung sino,” ngiting-aso ang kasabay ng sagot nito. Nanliit ang mata at kagat-kagat naman ni Reynan ang pang-ibaba niyang labi, habang tanaw ang kapatid na nauna nang umupo, at nag-peace sign sa kaniya.“Ang daldal mo talaga, ‘no!”Gigil na sabi ni Reynan na ngiti pa rin ang sagot ni Daisy. Napailing-iling na lang din ako. Ang saya talaga nilang kasama. Parang bumalik kami sa dati. Kahit kasi limang taon ang agwat ng edad namin, sumasabay pa rin siya sa mga trip namin ni Daisy. Mabait siyang kuya at kaibigan. Kaya nga, crush ko siya dati. “Puntahan mo na nga lang si Mama,” madiing utos naman ni Reynan sa kapatid na nagkakamot ng ulo, pero agad namang tumayo.“Besty, sandali lang ha, susunduin ko lang si Mama, takot kasi bumaba, baka raw mawala siya,” sab
“R-Renan, pinagsasabi mo?” Nauutal kong tanong na may kasamang pag-iling. Hindi ko kasi in-expect ‘to. Kung noon lang sana niya sinabi na gusto niya ako, baka walang ano-ano, sinagot ko na siya. Baka nag-uumapaw ang saya ko. Pero ngayon, hindi na saya ang nararamdaman ko. Asiwa na. Naasiwa ako, kasi hindi ko na siya gusto. Kuya na lang ang tingin ko sa kanya. Gumalaw ako. Gusto kong ibaba na lang niya ako. Hindi na kasi ako komportable sa hawak niya. Feeling ko ay nagkakasala ako sa asawa ko. “Reynan, pakibaba na lang ako, pwede ba?” Lakas-loob kong sabi na sandaling sulyap lang ang sagot niya. Nakagat ko naman ang labi ko. Alam ko, ramdam na niya na hindi na ako komportable. Pero nagpatay malisya lang siya, at ngayon ay mapait na nga siyang ngumiti. Alam ko na nasasaktan siya, pero hindi kasi tama ‘to. Dapat ay hindi na ako nagpapahawak ng ganito sa ibang lalaki. Hindi pwedeng ganito ako kalapit sa isang lalaki. Kahit kaibigan ko pa ‘to si Reynan, dapat maglagay na ako ng bounda
“Are you sure, okay ka na rito?” tanong ni Sir Onse, pagkatapos niya akong tulungan na humiga sa hospital bed ni Nanay. Hindi ako sumagot, pero ang mga mata ko naman ay hindi maalis sa kanya. Kanina pa kasi siya hindi nagsasalita, matapos niyang sungitan si Daisy. Iniiwasan pa nga niya na mapatingin sa akin. Siguro ayaw niya na pag-usapan ‘yong sinabi niya kanina. Lalo na ‘yong inasal niya sa harap ng kuya at Mama ni Daisy.O, baka naman nakokonsensya. Kawawa kasi ‘yong kaibigan ko. Awtomatikong nawala ang ngiti at kislap sa mga mata. Parang nawalan ng mukha. Nawala din ang pagiging kalog. Napahiya nga kasi siya sa kuya at Mama niya. Ang masama, napagalitan din siya. Nakurot ang singit na parang bata. Ayon at lalong napahiya; nagmistulang toilet paper na nabasa ng tubig. Nalukot ang mukha at gumilid na lang.“Hindi ka pumapatol sa bata, Sir Onse?” Imbes na sagutin ko ang tanong niya, ‘yong sinabi niya kay Daisy, na kanina pa gumugulo sa isipan ko ang itinanong ko. Oo, at si Daisy
((Danreve))“Saan ka pupunta? Napilay ka na nga, gagala ka pa rin.” Malamig kong sabi nang pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Charmaine na naka-upo na sa wheelchair.Dapat ay hindi ako umasta ng gano’n. Dapat ay hindi ako nagsungit. Kaya lang, nadismaya ako. Ang in-expect kong makita ay nakahiga siya, nagpapahinga, malungkot habang hinihintay ako.Pero hindi nga iyon ang nadatnan ko. Imbes nga na ngumiti siya, magpaawa, magpalambing, parang galit pa. Hindi lang ‘yon. Parang nagulat pa siya sa pagdating ko. Kaya imbes na yakapin ko siya at humingi agad ng sorry sa pag-walkout ko kanina; malamig at busangot na mukha ang pinakita ko.Hindi niya ba alam na darating ako? Hindi ba sinabi ni Onse na nag-aalala ako?Ako kasi, nang tumawag si Onse, kabadong-kabado ako. Hindi naman kasi sinabi ng kaibigan kong ‘yon kung anong nangyari kay Charmaine. Ang sinabi niya lang, puntahan ko raw ang asawa ko sa hospital, kasi may nangyari. Kaya ayon at alalang-alala ako. Nag-beating the red light