All Chapters of His Pet Nanny: Chapter 31 - Chapter 40

100 Chapters

Kabanata 31

“My heart, dahan-dahan lang,” sabi ko, habang inalalayan siya palabas ng kotse. Tinakpan ko pa ng palad ko ang sugat niya sa ulo. Ngiti naman ang sagot nito, pero ang tingin ay na kay Aka na ewan at ngising-ngisi rin . Maging si Manang Goding at ang ibang kasambahay ay nakangiti rin habang bitbit ang mga gamit namin. “Ano ba ang mayro’n at gano’n sila ka saya?” pabulong kong tanong habang inalalayan ko pa rin si Sir Danreve, paakyat ng hagdan. “Natutuwa lang ang mga ‘yon. Na miss tayo. tatlong araw din kaya tayong nanatili sa hospital,” sagot naman ni Sir Danreve na hindi pa rin nawala ang ngiti. “Sana nga po, hindi ka na muna lumabas ng hospital, sir, para lagi ko pa ring nakikita si Nanay,” malungkot kong sabi. “Pwede mo naman siyang dalawin, kahit araw-araw pa.” Biglang napalingon naman ako sa kanya. “Totoo? Pwede kong gawin ‘yon?” Hindi makapaniwalang tanong ko. “Oo, pwede mong gawin ‘yon, basta kasama ako.”Mapakla akong tumawa. “Para kang sira Sir Danreve. Hindi pa nga ma
Read more

Kabanata 32

“Sir Dandreve! Ulo mo po.”Matapos kong mapatili dahil sa biglang pagbuhat sa akin ni Sir Danreve ay bigla naman akong nag-alala. Bawal nga siyang magbuhat ng mabigat. Isa ‘yon sa bilin ng doctor.Kahit ang liit kong babae. Alam kong mabigat pa rin ako.“Ibaba mo na po ako, Sir Danreve,” sabi ko pa habang karga pa rin niya ako, papunta sa kama. “Awww…” daing niya, at napahawak sa ulo niya matapos akong ilapag sa tabi ni Picca. Agad na rin siyang umupo sa tabi ko, habang hawak-hawak ang ulo niya.“Ayan na nga ba ang sinasabi ko, Sir Danreve. Bakit mo ba ‘yon ginawa? Kung ayaw mo akong humiga ro’n, sana sinabi mo. Hindi ‘yong pabigla-bigla ka ng kilos,” sabi ko na daing pa rin ang sagot niya.“Sir Danreve, naman e! Ano ba ang pumasok sa utak mo? Para ka namang bata. Hindi mo ba narinig, o naintindihan ang sinabi ng doctor kanina? Hindi porket, hindi nabasag ang bungo mo ay hindi na delikado ang nangyari sa’yo!” talak ko pa, pero panakanaka na hinihipan naman ang ulo nito. Nilingon niy
Read more

Kabanata 33

((Danreve))“Pahinga ka na po, bihis lang ako,” paalam ni Charmaine, matapos niya akong tulungan na umupo sa kama.Hindi ako sumagot, pero puso ko, kumakabog-kabog naman. Masaya kasi ako. Ang saya-saya ko, kasi dahil hindi na niya ako iniiwasan. Hindi ko tuloy mapigil ang mapangiti habang nakatingin sa saradong pinto ng walk-in closet.Ang bait-bait na kasi niya sa akin ngayon, hindi na siya nagsusungit, at ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya sa kalagayan ko, hindi lang dahil guilty siya at boss niya ako, kung hindi, dahil asawa niya ako. “Sir Danreve, tawag ka lang kung kailangan mo ako. Puntahan ko lang si Picca,” sabi ni Charmaine, paglabas nito ng walk-in closet.Bahagya pa akong nagulat. Hindi ko sadyang na pahawak sa dibdib kong biglang kumabog. Muntik nga kasi niya akong nahuling ngumingiti. “Dalhin mo rito si Picca, na miss ko ‘yon,” sabi ko nang makabawi sa pagkagulat na ikinangiti naman nito. Napabuga naman ako ng malakas na hangin paglabas niya. Ewan ko ba. Hindi n
Read more

Kabanata 34

Lalo pang uminit ang ulo ko nang humiga siya sa couch. Kaya kahit pinagbawalan ako ng doctor na magbuhat ng mabigat, binuhat ko siya. Sumakit nga ang ulo ko. Ang sakit-sakit. Pero natuwa naman ako sa naging reaction niya. Natutuwa ako dahil nag-aalala siya. Gago na kung gago. Pero ginamit ko ang nararamdaman ko para makuha ang gusto ko. Iyon ay makatabi siya sa pagtulog. “Charmaine,” pabulong kong sabi kasabay ang pagyakap sa kanya mula sa likod. Binaon ko rin ang mukha ko sa batok niya. Napangiti naman ako nang hindi siya nag-react. Nagkunwaring tulog, pero halatang nanigas naman ang katawan. Napigil rin yata niya ang paghinga. At ang kamay niya na humaplos-haplos sa tiyan ni Picca, ngayon ay kumuyom na.“Sir Danreve, bakit mo ba ‘to ginagawa?” maya maya ay tanong niya, pero nagtakip naman ng bibig pagkatapos. Siguro ay hindi niya intensyon na isatinig ‘yon. “Ginagawa ko ‘to, kasi mahal kita,” pabulong kong sabi na alam kong nagpadilat sa mga mata niya.Ramdam ko kasi ang pagga
Read more

Kabanata 35

((Charmaine))“Okay! tigilan na natin ‘to. Tigilan na natin ang pagpapanggap nating ‘to, Charmaine.” Nagpanting ang tainga ko nang marinig ang sinabing ‘yon ni Sir Danreve. May kurot akong nararamdaman dito sa puso ko. Masakit at hindi maganda sa pakiramdam. Parang maiiyak na nga ako.Dapat ay matuwa ako dahil pinapalaya na niya ako sa pagpapanggap namin. Pero hindi, e. May parte dito sa puso ko na hindi pumapayag sa gusto niyang mangyari. “Ang gusto kong tigilan mo ay ang sinasabi mong mahal mo ako, hindi ang pagpapanggap natin,” lakas loob kong sabi. Pero sira-ulo siya. Pinagpipilitan niya talaga na tapusin na ang pagpapanggap namin. ‘Yong lungkot at sakit na nararamdaman ko ay nauwi sa inis. Sabi niya mahal niya ako, tapos ang dali niya lang pala akong isuko. Nasaan ang pagmamahal do’n? Kasisimula niya pa lang, suko na siya agad. Ang babaw naman ng pagmamahal na sinasabi niya.“Matulog ka na,” utos niya na mas ikinainis ko pa. Paano pa ako makakatulog? Sira-ulo siya. “Paano s
Read more

Kabanata 36

Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang tanaw ang papasikat na araw. Parang ako lang, star na nagpakislap sa buhay ng asawa ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ganap kagabi. Parang hindi totoo; parang panaginip lang. Mahal ako ng boss kong walang modo at matandang masungit na si Danreve.Yes, Danreve na lang, o my heart ang tawag ko sa kanya. Tanggal na ang sir, kasi, official Mrs. Abrazaldo na nga ako; official Senyorita na ng my heart ko.Kaya heto, at parang lutang pa rin ako hanggang ngayon. Bukod kasi sa official na kami ng my heart ko, hindi pa mawala sa isip ko ang sagot niya sa tanong ko kagabi. Paulit-ulit pa rin na nag-play sa utak ko.Memoryado ko na nga ang mga linyahan niya.“Charmaine, my star. Kahit pa bumalik siya bukas, hinding-hindi na magbabago ang nararamdaman ko. Ikaw na ang mahal ko; ikaw na ang buhay ko, at hindi na siya.”Ahay! Gumalaw na naman ang mga insekto ko sa tiyan. Ang saya-saya ng umaga ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Para nga akong nakalutang sa e
Read more

Kabanata 37

“Mommy,” sabi ng asawa ko, matapos ang sandaling pagkagulat, pero nanatili namang umakbay sa akin.Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa biglang pagbisita niya? Simula no’ng tumira ako rito sa villa, ngayon lang nangyaring dumalaw si Mommy. Maging si Lolo Clam ay hindi rin kami binibisita rito.Anong mayro’n at biglang napasugod ang Mommy nitong asawa ko na imbes bumitiw sa sa akin, mas niyapos pa ako na parang gusto akong protekhan sa Mommy niya.Mas lalo tuloy nanlaki ang mga mata ni Mommy. Alam ko, nagulat din siya sa inaakto nitong Anak niya. Nasobrahan sa ka-sweet-an kasi.Oo, at madalas nga kaming maglambingan sa harap ng mga kasambahay na puro mata ni Lolo Clam, pero hindi umabot sa puntong, nagyayakapan, at parang hindi na mapaghiwalay. “Magandang umaga po, Mommy,” pabulong ko namang bati na may kasabay na sulyap kay Manang Goding na hindi rin maalis ang ngiti sa labi. Ang nakita pa rin yata niya kagabi ang naiisip nito. Kaya hanggang ngayon ay ngiting-ngiti pa rin na pa
Read more

Kabanata 38

Matapos kong mapigil ang paghinga ko, napayuko naman ako. Hindi ko na kasi matagalan ang tingin ni Mommy. Hindi ko na matagalan ang parang nag-aapoy na tingin niya na parang sumusunog sa kaluluwa ko.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Dapat ba akong magpaliwanag o hindi?Pakiramdam ko ngayon ay nasa loob ako ng kahon, nakakulong. Hindi makakilos at kinakapos ang hininga. Kinakain na rin kasi ako ng guilt. Bakit kasi, nagpadala ako sa ka sweet-an ng asawa ko? Bakit hinayaan kong maging totoo ang relasyon namin na dapat ay pagpapanggap lang. Paano na ‘to ngayon? Paano kung sapilitan niya akong palayasin sa buhay ng anak niya?“Magsalita ka, Charmaine. Ang tapang-tapang mo noon na ipaglaban ang kasinungalingan n’yo ni Danreve, tapos ngayon ay na tameme ka na?”Matapos ang sandaling pananahimik, at titig sa akin ay nagsalita ulit si Mommy na lalo namang nagpatameme sa akin.Tama kasi ang sinabi niya. Ang tapang-tapang ko nga na sumag
Read more

Kabanata 39

((Danreve))“Picca, bakit gano’n si Mommy? Ano ang pumasok sa utak niya?”Ilang oras na ang dumaan mula nang umalis sina Mommy at Charmaine. Pero ang simpleng bilin ni Mommy na magpahinga ako ay hindi ko magawa. Kanina pa nga ako rito sa pool area. Hindi ako mapakali. Kaya pati si Picca ay kinakausap ko na. Hindi ko naman kasi pwedeng kausapin si Manang Goding, sigurado kasing makararating kay Lolo Clam ang pinag-usapan namin. Si Onse naman, ewan at bakit hindi sinagot ang tawag ko. Umasta lang kasi ako na ayos lang umalis sina Mommy at Charmaine na hindi ako kasama, pero ang totoo, nag-aalala ako. Nag-aalala ako para sa asawa ko.Nagtataka nga kasi ako kung bakit biglang bumait si Mommy sa asawa ko. Pakiramdam ko may mali.Kaya hindi ko mapigilan ang sarili na kabahan. Hindi ko alam kung ano ang laman ng utak ni Mommy. Hindi ko alam kung may pina-plano siya o wala. Bakit bigla siyang napadalaw ngayon? Bakit niya sinama si Charmaine?“Picca, nag-aalala ka rin ba?” tanong ko naman k
Read more

Kabanata 40

Hindi na naman agad ako nakapagsalita. Nagulo ang utak ko. Nagulat ako sa sinabi ni Mommy; alam na niya ang lahat. Pero mas nagulat at naguguluhan ako sa sinabi niyang ginagamit ko si Charmaine para umuwi si Golda. “Alam mo na Mommy? How? When?” putol-putol kong tanong. Hindi ko na ma-express ng mabuti ang nilalaman nitong utak kong ang gulo-gulo na. Kagagawan ko ‘to. Ginusto ko ‘to, at alam ko sa simula palang, kung gaano ka komplikado ang pinapasok ko. At ngayong ramdam ko na ang epekto ng kalokohang pinaggagawa ko, parang hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung paano masosolusyonan ‘to. Hindi ko na nga alam kung paano ako mag-explain.“Ang bata-bata ng babaeng pinakilala mo sa amin na asawa mo, Danreve. Akala mo talaga, hindi kami magdududa? Akala n’yo mapapaniwala mo kami sa acting n’yo?” tanong nito na kamot na lang sa ulo ang sagot ko.“Kaya namin kayo sapilitang ipinakasal, para magtanda ka, Danreve! Para tigilan mo na ang kahibangan mo sa girlfriend mo, at hindi pa
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status