Salamat sa gems, at nag-iiwan ng komento.
((Danreve))“Bro! Gusto mo raw akong makausap?” nakangiting bungad ni Onse, kasabay ang pagbubukas ng pinto na ikinagulat ko pa. Hindi ko kasi in-expect na darating siya. Ayaw nga niyang sagutin ang mga tawag ko. Kaya inutusan ko na lang si Charmaine na tawagan siya at papuntahin rito sa opisina. Oo, nakabalik na ako sa trabaho. Ayaw ko pa man sana dahil gusto kong laging kasama ang asawa ko, hindi naman pwede. Ang dami nang na antalang projects dahil sa akin. Ayaw ko namang maapektuhan ang kompanya, dahil in love ako. Kaya tiis-tiis na lang muna ako ng ilang oras na hindi kasama ang mahal ko.“Sabi ni Charmaine, may sasabihin ka raw, bro,” sabi na naman nitong kaibigan ko na hindi ko nga nagawang sagutin agad. Lumipad na naman kasi ang utak ko. Laman na naman ng utak ko si Charmaine. “Ibang klase, ah! Mga tawag ang messages ko, hindi mo masagot-sagot, pero isang tawag lang ni Charmaine, agad kang sumunod,” umiiling kong sabi, kasabay ang pagtayo at lalapitan na sana siya, pero s
Sandali akong napatitig sa kaibigan kong si Onse na ngayon ay nagtangis na ang bagang at parang gusto na akong sapakin. Ramdam ko rin na seryoso siya sa banta niya. Pero imbes na matakot ako sa naging banta niya. Tinampal ko lang ang daliri niya. Hindi ko nagustuhan ang klase ng pagsasalita niya kanina na parang pinagpantasyahan ang asawa ko. Pero gusto ko ng kompermasyon. Gusto kong alamin kung tama ba ang hinala ko. Gusto niya rin ba ang asawa ko, kaya ang lakas ng loob niya na pagbantaan ako?“Gano’n ba katindi ang nararamdaman mo para sa kaniya, at pati ako na matalik mong kaibigan ay nagawa mong pagbantaan?” Nag-aalburuto na itong kalooban ko, pero pinili kong maging kalmado. Gusto kong matapos ang usapan namin sa maayos na pag-uusap at hindi sa pisikalan. At saka, nasa opisina kami. Kung magkagulo kami rito, siguradong aabot ito sa mga magulang ko.“Ano ngayon kung may nararamdaman nga ako kay Charmaine?” Pagtayo ang kasabay ng sinabi niya, at hinarap ako na may pagyayabang.
((Charmaine))Gusto ko lang naman sanang e-surprise ang asawa ko, kaya naglakas loob ako na magpunta rito sa opisina niya, kahit nahihiya akong makita ng mga emplayado niya.Bukod sa pamilya ni Danreve at mga kaibigan namin, wala pa kasing ibang may alam na may asawa na itong my heart ko na may edad na nga, pero ngayon pa umastang bata. Ang expected kong makita ay matamis niyang ngiti dahil sa pag-surprise ko sa kanya. Kaya lang, ako pala ang ma-su-surprise dahil sa naabutan kong away nila ni Sir Onse. Hindi nga agad ako naka-kilos. Nagulantang ako. Nagpalipat-lipat na lang ang tingin ko sa kanila habang um-acting naman ang dalawa na okay sila at nagka-katuwaan lang sila na magsakalan.Pero kahit anong acting pa ang gagawin nila, hindi nila ako maloloko. Alam kong may problema sila; alam kong nag-aaway sila. Nakakaasar nga lalo, ang todo ngiti nitong asawa ko. Ngumingiti lang naman kasi siya, para pagtakpan ang galit nito kay Sir Onse. Takot kasi siyang matulog sa ibang kwarto. Kay
“Susugal ka ba talaga sa lalaking alam mong may ibang mahal?” Susundan ko na sana ang asawa ko, kaya lang, nahinto ang paghakbang ko dahil sa tanong ni Sir Onse na ang lungkot pakinggan. Dahan-dahan akong lumingon, at ngayon ay hindi lang pala boses niya ang malungkot. Pati mukha niya ay bakas din ang lungkot. Hindi ko na tuloy alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Napatitig na lang ako sa kanya. “Charmaine, gamitin mo ang utak mo. Pag-isipan mo muna ang bagay na ‘to ng ilang beses bago ka magdesisyon,” dagdag niya pa, kasabay ang dahan-dahan na paglapit sa akin. “Ano, sigurado ka na ba talaga? Nakapag-isip ka na ba?” tanong na naman niya, ngayong nasa malapit ko na siya. Kung kanina ay hindi ko alam kung paano siya sasagutin, ngayon ay tumango-tango na ako ng maraming beses, at saka, mapait na ngumiti. “Ilang beses ko po sinubukan na iwasan siya, Sir Onse. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi siya para sa akin. Ilang beses ko nga ring tinampal ang ulo ko
((Danreve))"It looks like we've covered everything; let's wrap up here,” sabi ko kasabay ang pagtayo, at nagmamadali na lumabas ng conference room.Kanina ko pa kasi gustong matapos ang meeting na tungkol lang naman sa mga issues ng bagong mall branch na itatayo. Hindi pa kasi tapos ang pag-process ng mga construction permit, kaya hanggang ngayon ay hindi pa nasisimulan ang trabaho.Mainit na nga ang ulo ko dahil sa panghihimasok ni Onse sa relasyon namin ng asawa ko. Dumagdag pa ang problema sa construction.Kung hindi nga lang inuukupa ni Charmaine ang utak ko, siguradong sermon ang inabot sa akin ng mga department na responsible sa construction. Ang babagal kumilos. “Sir Danreve—” “Cancel all my appointments for today,” agad kong putol sa pagsasalita ng secretary ko na pilit sumasabay sa mabilis kong paglalakad, pero bumagal naman nang marinig ang utos ko. Gusto ko na kasi agad na bumalik sa opisina. Gusto ko nang makita si Charmaine. I want to say sorry sa inasal ko kanina. At
“My star, tama ang nga pag-iisip, kalimutan mo ang nangyari kanina,” mahinahon kong kausap kay Charmaine. Sakay na nga kasi kami ng kotse, at papunta na sa hospital para bisitahin si Nanay, pero siya, tulala at tahimik pa rin.Kanina ko pa naririnig ang paulit-ulit niyang buntong-hininga na para bang ang bigat-bigat ng problema niya.Sabagay, hindi naman kasi madaling kalimutan ang nangyaring gulo kanina. Hindi madaling kalimutan ang mga salitang binitawan namin sa isa’t-isa ng kaibigan kong si Onse. Oo, at nagkaayos din kami kaagad, but still, ang hirap pa rin tanggapin sa loob ko na mahal din pala ng kaibigan ko si Charmaine. Ngayon, pakiramdam ko parang ang hirap gumalaw. Nakakatakot magkamali, dahil alam kong may isang tao na nag-aabang lang sa tabi-tabi; naghihintay na magkaproblema kami ng asawa ko, at siya naman ang papasok.“My star, cheer up, okay? Sige ka, alam mo naman si Nanay, kahit may sakit ‘yon, matalas pa rin ang pag-iisip. Tiyak na malulungkot ‘yon kapag nakita
Matiim ko siyang tinitigan. Binabasa ko ang mukha niya kung totoo ba na nakalimutan niya ang sinabi ko kanina, o kung tama ba ang naisip ko na sinabi niya lang ‘yon para pigilan ang away namin ni Onse.“Anong sinabi ko?” naguguluhan niyang tanong na nagpabagsak sa balikat ko. Nahagod ko pa ang buhok ko. “ ‘Wag mo na lang itanong. Hindi nga siguro totoo ‘yong sinabi mo, kasi hindi mo na maalala, o baka, ayaw mo lang na masapak ko si Onse, kaya sinabi mo ‘yon.” “My heart, hindi ko nga maalala. Sabihin mo na lang kasi, para maalala ko,” sabi niya na sumimple naman ng sulyap sa rear-view mirror. Hindi ako imimik, tumitig lang ako sa kanya.“Hoy, ito naman, tampo agad. Bawal na ba makalimot ngayon?” sabi niya, at niyugyog-yugyog pa ako. “Ano ba kasi ‘yong sinabi ko kanina. Ang dami ko ngang sinabi, hindi ba? Hindi ko na ‘yon maalala lahat,” bumagal ang pagbigkas niya sa mga huling salitang sinabi niya. Parang naalala na yata niya. Napapalunok na rin kasi. “Alin ba do’n, my heart?” tano
(((CHARMAINE))) “Charmaine, lakad na! Ano ka ba naman! Sabi ko naman sa’yo, ako na ang bahala kay Nanay,” apura sa akin ni Daisy. Matalik kong kaibigan. Kapapasok lang nito sa bahay, at heto tumalak agad. Alam niya kasi na may job interview ako ngayon. Mama nga kasi niya ang nag-recommend sa akin sa trabahong ‘yon. Mabuti na lang at nagkataon naman na wala siyang pasok sa eskwela, kaya siya ang nagpresenta na magbantay kay Nanay habang wala ako. Medyo inggit nga ako sa kanya, dapat kasi ay nag-aaral din ako gaya niya. Pareho na sana kaming first-year college ngayon. Pero dahil nagkasakit si Nanay, kailangan ko munang huminto sa pag-aaral para maghanap ng trabaho. “Akin na nga ‘yan!” Binawi pa nito ang mangkok ng lugaw na ibibigay ko pa sana kay Nanay, at saka, tinulak ako papunta sa pinto. “Bilis na! Mahuhuli ka na!” Tipid na lang akong ngumiti, pero ang tingin ko ay na kay Nanay na. Kahit ngumingiti siya, bakas pa rin ang pananamlay. Bakas ang panghihina. Nadudurog a