Maraming salamat, sa mga nag-aabang pa rin ng update at patuloy na nagbabasa nito. Medyo, nawalan lang ng motivation, kaya nagpahinga muna sandali.
“Tita Marie…” Pabulong kong nabigkas ang pangalan ng Mama ng mga kaibigan ko na ngayon ay umawang ang labi at nanlalaki ang mga mata. Hindi ko alam kung natutuwa, o naiinis siya na makita ako. Hindi ko kasi mabasa ang hitsura niya. Kitang-kita ko pa ang paghigpit ng paghawak sa supot ng slicebread na halos makuyumos na niya. Bumitiw ako kay Mommy, at saka, nilapitan ko si Tita Marie. Napako na lang kasi ito sa kinatatayuan niya. “Ikaw nga, Charmaine.” Hindi makapaniwalang naibulalas niya, at maya maya ay naitakip naman ang kamay sa bibig niya, habang sunod-sunod na pumapatak ang luha mula sa mga mata niya. Napayuko at natiim ko naman ang labi ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Napaangat na lang ako ng ulo nang lumapat ang kamay niya sa balikat ko, at bahagya akong niyugyog. “Saan ka ba nagpunta, bata ka?! Bakit ngayon ka lang bumalik? Alam mo ba na halos mabaliw na ang mga Anak ko sa paghahanap sa’yo? Saan ka ba nagtago, ha?!” “Sorry po.” Imbes na sagutin ang m
((Danreve))“Sir Danreve, I’m sorry, but you can’t leave,” mahinahong pagpigil sa akin ng assistant ko, kasabay ang pagharang nito sa daanan ko. Pinanliitan ko siya ng mga mata, pero hindi naman ito nagpatinag kahit napapalunok na sa takot. “Out of my way, Greg!” pabulong kong sikmat, sabay ang paglingon sa paligid. Marami na kasing tao, at kahit nanggagalaiti na ako sa galit, ayaw ko namang mapahiya itong assistant ko na ang lakas ng loob na pigilan akong umalis dito sa bulwagan ng isang kilalang hotel, kung saan ginaganap ang fundraising gala for a certain animal shelter.“Sir, ako po ang malilintikan sa Mommy mo kapag pinayagan kitang umalis.” Pahapyaw naman akong tumawa, at saka hinawakan ang balikat niya. Pinagpag-pagpag ko pa ang suot nitong suit, and then I smirked. “Takot ka sa Mommy ko, sa akin, hindi?” “Sir Danreve, naman.” Kamot-kamot na nito ang ulo. “ ‘Wag ka po sa akin magalit, sir. Sumusunod lang naman kasi ako sa utos. Sabi ng Mommy mo, hindi ka raw pwedeng umalis
"Charmaine Lazaro?" Kanina ay wala akong pakialam sa kung sino man ang guest speaker na ipinakilala ng host. Puro yuko at buntong-hininga lang ang ginagawa ko, pero ngayon, awtomatikong napaangat ako ng tingin nang marinig ang pangalang Charmaine. Parang malakas na kampana ang umalingawngaw sa bulwagan, at wala na akong ibang narinig pagkatapos no’n, kung hindi ang pangalan na lang ng asawa ko na ngayon ay nasa stage."Charmaine..." Kumurap-kurap ako ng ilang beses at kinusot ang mga mata ko, sinisiguro kung tama ba ang nakikita ko o kung namamalikmata lang ako. At totoo nga ang nakikita ko. "Sir Danreve, hindi ba, asawa mo—" Hindi na natapos ni Greg ang sinasabi. Napatitig na lang kasi siya sa akin habang tinuturo naman si Charmaine. Bigla naman akong napaluha—luha ng saya dahil sa wakas; sa tagal-tagal ng paghahanap at paghihintay ko sa kanya, ngayon ay nakita ko na siya.Tatayo na sana ako para lapitan siya, pero agad naman akong pinigilan ni Greg, kasabay ang maraming pag-iling
((Charmaine)) “Anak, cheer up!” Pinisil ni Mommy ang pisngi ko na agad ko namang inawat. Kanina pa kasi ako nakasimangot—actually, kahapon pa. Hindi ko naman kasi alam na kasama pala ako sa auction. Ang sinabi lang sa akin ni Ms. Mona, last part ng auction ay kailangan daw ang partisipasyon ko. Like a fool, I agreed without asking, kung anong klaseng partisipasyon ang gagawin ko. Kailangan ko tuloy e-cancel ang ibang engagement ko dahil sa weekend getaway na hindi ko na matanggihan. At heto nga, hinihintay ko na ang highest bidder ng auction kahapon. Dalawang million ang bid niya. Medyo shocking nga, hindi ako makapaniwala na maraming willing na gumastos makasama lang ako. “Mag-enjoy ka do’n, Anak. Puro ka kasi trabaho, kaya ang ibang tao na ang naghanap ng paraan para makapag-unwind ka naman.” “Mom, pwede naman akong mag-unwind na kayong family ang kasama ko at hindi ang ibang tao.” “ ‘Wag kang mag-alala, after two days, susunod naman kami sa inyo. For now, subukan mo munang ma
“Let go of me!” Matapos ang sandaling pagkagulantang at paninigas ng buong katawan ay nagawa ko ring magsalita kasabay ang tangkang pagbaklas sa mga kamay ni Danreve na lalong humigpit ang pagyakap sa baywang ko. “No, I won’t let you go ever again, my star.” "My star?" tanong ko sa sarili. Ang lakas naman ng loob niya na tawagin pa rin ako sa endearment niyang drawing. “Ano ba?! Hindi mo na ako, my star mo, sira-ulo ka!” Inipon ko ang lahat ng lakas ko, makawala lang sa mahigpit niyang yakap. Pero wala, walang silbi ang lakas ko, sa lakas niya. Parang ahas kasi na lumingkis ang braso niya sa katawan ko. Literal na ayaw na nga niya akong pakawalan. “Yes, hindi na nga ikaw ang dati kong my star. You’ve changed. Nakikita ko naman ‘yon. At alam ko, kasalanan ko. I’m sorry…” "Oh, please, spare me with your sweet talks, Danreve." Sinadya kong artehan ang pagsasalita ko. Sabi nga niya, I’ve changed. So, ipapakita at ipaparamdam ko sa kanya kung paano ako binago ng pananakit niya
“What do you mean, Charmaine? Anong masaya ka na sa bago mong buhay?” Naipikit ko sandali ang mga mata ko at mapait na ngumiti. Naiinis kasi ako sa hitsura niya na parang hindi maintindihan ang sinabi ko. Naiinis ako sa pagtanga-tangahan niya. “Seriously, Danreve, hindi mo maintindihan ang sinasabi ko? Hindi mo maintindihan na may kanya-kanya na tayong buhay ngayon?”Umiling-iling siya na muling nagpangiti sa akin ng mapait. “Hindi bagay sa’yo ang magmamaang-maangan at magpanggap na inosente ng ganito, Danreve! Alam kong naintindihan mo, dahil five years ago, ikaw ang unang nagkaroon ng bagong buhay kasama ang babaing pinakamamahal mo. Kaya tigilan mo na ‘to, please. Buksan mo na ang gate at hayaan mo na akong umalis.” Akala siguro niya, ako pa rin ang batang Charmaine na minahal siya; ang Charmaine na ang daling bumigay sa mga lambing at matamis niyang salita na kahit alam kong may ibang laman ang puso niya, umasa pa rin ako na totoo ang mga pangako niya. “Anong buhay kasama ang
((Danreve))“Onse...” Mahinang bigkas ni Charmaine sa pangalan ng matalik kong kaibigan na ngayon ay parang mabangis na hayop na nagwawala sa labas ng gate. Kulang na nga lang ay umakyat sa mataas na gate makapasok lang dito sa resort.“What is he doing here? Paano niya nalaman na nandito si Charmaine?" tanong ko sa sarili. Gusto ko siyang itaboy, pero para naman akong natuod sa kinatatayuan ko. Hindi na kasi ako makakilos, pero maya maya ay nagawa ko namang lingunin ang humihikbing si Charmaine na mas ipinagtaka ko.“Why are you crying? I didn’t do anything, para umiyak ka ng ganyan; hindi kita sinaktan, Charmaine. Ikaw pa nga ang nanakit sa akin ngayon.” Hindi siya umimik, pero ang talim naman ng tingin sa akin, at saka marahas na pinahid ang mga luha.Natutulalang napatitig naman ako sa kanya. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Onse dito sa private resort ng lola ko, pero mas nagulat ako na makitang umiiyak ng ganito si Charmaine na para bang nagmamakaawa na iligtas siya ni Onse.
“Hindi mo pa rin ba maintindihan, Danreve? Gusto mo ba ng mas malinaw pa?” Hinarap niya ako, at sinalubong ang nag-iinit ko nang mga mata. “Hindi na ikaw ang asawa ko, at hindi na ikaw ang mahal ko, si Onse na!”Paulit-ulit akong umiling-iling. Puso ko naninikip na. Utak ko parang sasabog na. Halos hindi na ako makahinga. Parang nabibingi na nga rin ako. Naintindihan ko na kanina pa. Hindi ko lang matanggap, at ngayong mas malinaw na niyang sinabi, pakiramdam ko parang namatay lahat ng sistema ko. Ang sakit-sakit na marinig mula mismo sa bibig niya na si Onse na ang mahal niya, at hindi na ako.“Open the gate, Danreve, bago pa ako tumawag ng pulis at ipakulong ka, for kidnapping." Madiing sabi ni Onse, pero ang tingin nito ay na kay Charmaine na ngayon ay tuluyan nang lumapit sa kanya. Hawak-hawak na rin nito ang kamay niya, at paulit-ulit na nilapat sa labi niya. Napaupo na lang ako sa sementadong daan na parang batang humagulgol. Nanghihina habang pinagmamasdan sila. Kung kanina