"Ms. Zakin, can you explain to this court how the suspect, Mr. Zelliam, was able to freely enter the victim Mr. Matthew's house?" Seryosong tanong ko sa witness na si Ms. Zakin. Tanging ito lang ang witness sa nangyaring krimen ngunit kalaunan ay itinuring na rin ito na may personal interest sa pagkakapatay sa yumaong si Mr. Matthew sa loob mismo ng sarili nitong tahanan—may dalawang buwan na ang nakalipas. Unang napansin ko ay ang mabilis na pagsulyap ni Ms. Zakin sa direksyon ng kanyang among babae. Makikita rin ang pag-aalinlangan sa kanyang mga matang. Ito ang huling hearing ng kaso ni Mr. Matthew at sadyang ibayong kabâ ang nararamdaman ng bawat isa sa amin. "Ms. Zakin, answer my question. Everyone needs to know what really happened that night when the victim was killed. What happened on the Saturday before the victim, Mr. Matthew, died?" Seryoso, ngunit makapangyarihan kong tanong habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata. Mabilis na binabasa ko ang bawat ekspresyon
Last Updated : 2024-07-10 Read more