“N-No… p-pakiusap, ginoong Alistair, huwag mong gawin sa akin ‘to.” Nangangatal na ang mga labi ko sa pagsasalita habang patuloy sa pag-atras ang aking mga paa. “Oh, come on, Luise, ilang araw na kitang pinagbigyan, I think panahon na ako naman ang pagbigyan mo. Do your duty as my wife.” Seryoso niyang saad kaya mas lalo akong naguluhan. Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito? Wife? Paano kami naging mag-asawa gayung sa tanang buhay ko ay never pa akong ikinasal. Ni wala nga akong naging boyfriend since birth dahil ang buong atensyon ko ay nakatuon lang sa aking pag-aaral. Siraulo ba s’ya? Nagtatanong ang mga mata na tumitig ako sa kanyang mga mata bakas sa mukha ko ang labis na pagkalito. Napasinghap ako ng tuluyan siyang nakalapit sa akin kaya lalong lumakas ang panginginig ng aking katawan. Napaigtad pa ako ng simulang haplusin ng mga kamay nito ang aking balat saka idinikit ang kanyang sarili sa aking katawan. Nanindig ang lahat ng balahibo ko sa buong katawan ng maramdaman
Huling Na-update : 2024-07-03 Magbasa pa