Kasabay nang pagpasok ko sa pintuan ng exhibit ang pagbuhos ng ulan sa labas. Hindi na 'ko nabigla dahil halata naman sa ulap na magbubuhos ito nang malakas na ulan at magbibigay ng malakas na hangin."It's nice to see you, Nat!" bati sa'kin ng isang kilalang local artist dito sa Pilipinas.Hindi naman sa pagmamayabang pero kaibigan ko s'ya."Lia!" pasigaw kong bati sa kanya bago ako nagmadaling lumapit para yakapin siya at mahigpit naman niyang tinanggap ang yakap ko. "Infairness ha, ang ganda ng venue na nakuha mo," sabi ko sa kanya nang kumalas ako."Nako, sinabi mo pa. Hindi naman kasi talaga dapat ito yung venue natin, kaso nagka problema. Buti na lang nahanap 'to agad ng asawa ko," aniya."I'm so proud of you! Proud ako sainyong dalawa ni David," dagdag ko pa bago ko siya muling yakapin.Nakasama ko si Lia sa isang contest noon, nung college pa lang kami at isa s'ya sa mga nakilala kong tinuloy pa rin ang passion niya pagdating sa arts. Isa sa mga taong kinaiinggitan ko. Until n
Read more