Home / Romance / Hidden Heir Of The Billionaire / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Hidden Heir Of The Billionaire : Chapter 11 - Chapter 20

34 Chapters

Chapter 10

Umalis ako saglit para bumili ng pagkain namin ni Nathalie, I'm sure she's hungry. Sakto lang ang dating ko dahil ngayon pa lang naglalabasan 'yung mga contestant sa loob. Lumapit ako sa pintuan para salubungin siya. Nang mapansin niya ako ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin. "Hinintay mo 'ko?" bakas sa mata niya ang gulat nang sabihin niya iyon. Tumawa ako. "Bakit naman kita iiwan?" nakangiti kong sabi. "Hindi mo naman ako kailangan hintayin. Ayos lang naman ako dito," aniya bago siya pilit na ngumiti. "Let's just eat, ang dami mong sinasabi." Hinawakan ko siya sa kanyang pulsuan para hilahin nang mapansin kong may hawak siyang lunch bag. "May lunch kang dala?" aniko. Tinapunan niya ng tingin ang hawak ko at nang mapagtanto niyang nagdala ako ng pagkain ay bahagya siyang natigilan. Tinago niya iyon sa likod niya at bahagyang napa-iling. "Binilhan mo rin ako ng lunch?" tanong niya. Namilog ang mga mata niya nang sinagot ko siya ng pagtango. "Come on, let's eat." Hinila ko
Read more

Chapter 11

"Nathalie Rose! It's already 7:30 am! You're late!" rinig kong sigaw ni Mama galing sa ibaba. Agad kong kinapa ang cellphone ko– hindi na naman nag-alarm. Wala talagang silbi ang phone na 'to. "Don't make me come up there!" dagdag pa ni Mama."Gising na ako! Gising na gising na!" I talked back. Agad akong bumangon at tumindig.Bakit ko nga ba kasi inaasa pa rin sa lintek na phone na 'to ang alarm ko kung hindi naman tumutunog. Napasampal na lang ako sa aking noo bago ako labag sa loob na bumangon mula sa aking pagkakahiga. Masyadong napasarap ang tulog ko dahil pagod na pagod ako kahapon.Nang matapunan ng mata ko ang wall clock na nakasabit sa aking kwarto ay halos mahulog ako sa aking kinauupuan. 7:30 na! langya. Agad kong dinampot ang aking tuwalya bago pumasok ng banyo. I need to move quickly– kung hindi, bengga na naman ako kay Sir.Agad akong bumaba pagkatapos kong mag-bihis. Sumulyap ako sa aking relos– at halos masambit ko na yata lahat ng mura nang mapansin kong 8:30 na. Oo,
Read more

Chapter 12

"We're here," ani Lucas.Tumigil ang sasakyan namin sa tabi ng ilang mga sasakyan na nandito rin sa parking. Wala akong ideya kung nasaan kami kaya't agad kong kinuha ang cellphone ko para picturan ang paligid at agad na sinend kay Quen dahil baka sakaling maisipan niyang sumunod. Alam ko naman na madalas silang inaabot ng gabi sa pag-te-training pero umaasa pa rin akong susunod siya.Ito rin kasi ‘yung unang beses na pupunta ako sa isang lugar para lang magpinta. Madalas kasi akong nagpipinta sa bahay at sa school lang kaya siguro naninibago ako. Kaya masaya akong in-invite ako ni Lucas.Agad na hinubad ni Lucas ang seat belt niya at binuksan ang pinto na nasa gilid niya. Alam kong baba na naman siya para pagbuksan ako kaya nang makababa siya ay agad kong binuksan ang pinto sa gilid ko at agaran na bumaba. Nakaramdam ako ng kirot mula sa aking tuhod pero nakayanan ko pa rin na tumayo.Ngumisi sa akin si Lucas nang makita niya akong nasa labas na ng sasakyan. Napahawak siya sa kanyang
Read more

Chapter 13

“Masasaktan si Ms. Paola kapag nalaman niya ‘to.” Diretso ko siyang tiningnan sa kanyang mga mata, bakas ang takot at kaba. Kahit naman sino ay hindi gugustuhin na makasakit ng kahit na sino. Sa totoo lang, mas tatanggapin ko pang ako ang masaktan kaysa makasakit ako ng iba. At saka, paano nangyari na gusto niya rin ako? Hello, I’m too young to be a third party. Dahil sa mga sinasabi niya, ang daming pumapasok sa isip ko ngayon. Baka naman may iba pang paraan para mawala ang nararamdaman niya sa akin? Baka naman infatuation lang lahat ng ‘to. Bumitaw ako sa kanya at bahagya akong napaatras. Hindi ko alam. Naguguluhan ako.Umiwas ako ng tingin sa kanya at tinapunan ng tingin ang painting na nasa harap ko. Wala akong ideya sa ginagawa niya. Ang alam ko lang ay pumunta kami rito para mag pinta, para mag saya at hindi para marinig ang confession niya sa akin. Nilampasan ko si Lucas at pumunta sa mga gamit ko. He’s unbelievable. Nagmamadali akong inayos ang mga ‘yon hanggang sa makara
Read more

Chapter 14

Marahan kong nilapag sa lamesa ang gamit ko bago ko binagsak ang aking sarili sa upuan. The wind has been hugging me since earlier, and my fingers are starting to freeze. I would've brought a jacket if I knew that it would be this cold. Naiwan kami ni Ms. Paola dito sa taas dahil nagka problema raw ang sasakyan. Kanina pa ‘ko walang kibo at pareho lang kaming nakatitig sa ipininta ni Lucas na mata ko. Lumakas kasi ang ulan kaya aksidenteng na-stuck sa putikan iyong sasakyan namin. “I knew from the beginning that he liked you,” Basag ni Ms. Paola sa katahimikan. Mabilis ko siyang nilingon nang sabihin niya iyon. Nakatitig pa rin siya sa painting ni Lucas nang sabihin niya iyon. Nang makita ko siyang ngumiti ay sumilip na rin ang ngiti sa aking mga labi. “He planned all of this and did everything just to gather the courage to tell you that he likes you.” Tinapunan niya ako ng tingin at ngumiti sa akin. Hindi ko inakala na siya pala ang nagplano ng lahat ng ‘to at lahat ng iyon ay d
Read more

Chapter 15

Lucas’ P.O.V. It’s a rainy day, everyone is wearing a sweater and trying to let their clothes dry. Tulala ako sa harap ng bintana ng office ko, thinking of her again. I called for a meeting this early morning because I needed to tell my employees that we need to finish our works because Mr. Kimoto extended his stay here in the Philippines for this project. Iyon ang rason ko kaya hindi ko nagawang sunduin si Nat ngayong umaga. Nag-aalala tuloy ako kung nakapasok ba siya nang safe.“Mr. Parquez,” narinig ko ang boses ng assistant ko pero hindi ko siya nilingon, nanatili pa rin ang atensyon ko sa mga tao at sasakyan na natatanaw ko mula sa office ko. “Here’s your coffee. Also, Mr. Kimoto called earlier and wanted to video call you at 1pm.”Pinihit ko ang katawan ko papunta sa aking lamesa bago ako umupo sa swivel chair ko. Tinapunan ko ng tingin ang orasan na nasa aking pulsuan para tingnan kung ilang oras na lang ang natitira. Nagyaya kasi sina Jus (Jas) na mag-lunch dahil busy kaming
Read more

Chapter 16

Hila-hila ko ang kamay ni Lucas habang naglalakad kami papunta sa playground na sinasabi ko. Hindi naman talaga ‘to bukas para sa lahat noon, pero dahil inabanduna nung may-ari, ‘yung mga tao na lang dito ang nag-aalaga at gumagamit. Nang makarating kami ron ay agad akong umupo sa duyan bago ko nahuli ang palihim na pag ngiti ni Lucas. “Bata pa lang ako, nakatayo na ‘tong playground na ‘to dito. Noon kasi, may malaking bahay sa tabi nito noon. Giniba at binenta ang lupa. Tapos may bumili, pinatayuan ng bahay at apartment,” kwento ko kay Lucas bago ko nginuso sa kanya ‘yung dalawang bahay na nasa tabi ng playground. “Pinagawa raw nung asawang lalaki ‘tong playground para sa anak niya pero dahil hindi siya nagawang bigyan ng asawa niya, madalas na raw nag-aaway ‘yung mag-asawa hanggang sa napag desisyunan na maghiwalay. Pinatibag ‘yung mansion at binenta ang lupa, pero hinayaan nilang nakatayo itong playground na ‘to rito.” Dagdag ko habang dinuduyan ang sarili.“Ang sakit naman nun,”
Read more

Chapter 17

Inaamin ko, hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Ate kay Mama at Papa pero minsan kasi, sumosobra na rin sila. Sa aming tatlo, siya lang ang hindi sumusunod kayna Papa. She’s strong, brave, has principles, and most importantly, she knows what she wants and what she doesn't want. Madalas din kaming nagtatalo ni ate, pero sa kanilang lahat, siya ang kakampi ko.  Kahit matalino si Ate at may scholarship, hindi pa rin maiwasan na mahirapan sina Mama dahil malaki pa rin ang gastos niya lalo na't nagdodorm pa siya. Sabay kami ni Ate na nasa kolehiyo kaya't ganon na lamang ang kayod ng mga magulang ko. May trabaho na si Kuya pero dahil matagal na silang engaged ni ate Aya, nag-iipon na siya para sa kasal nila. Mama and Papa promised to him naman na kapag nahihirapan na sila, saka sila hihingi ng tulong sa kanya.  Bahagya akong
Read more

Chapter 18

Natapos ang klase ko at wala akong ginawa kundi isipin si Lucas at ang kapatid ko. Sa totoo lang, wala akong ideya kung anong meron sa kanilang dalawa. Mabilis akong makabasa ng tingin ng isang tao. And I’m sure that there’s something wrong between Kuya Vern and Lucas. I wanted to ask Lucas earlier, pero mukhang hindi siya interesado na pag-usapan. Hindi ko naman gugustuhin na magtanong kung hindi ganoon ang trato nila sa isa’t isa kanina at kung hindi nabanggit ni Ms. Paola na magkaibigan sila noon.  Bilang babae na nililigawan ni Lucas at bilang kapatid, gusto kong malaman kung may problema ba sila sa isa’t isa. Lalo na ngayon na unti-unti na ‘kong nahuhulog kay Lucas at isa na ring rason ang pagiging close namin ni Kuya. He never mentioned it to me about Lucas and his friendship. Kahit nga sina Sir Patrick ay hindi niya nabanggit sa’kin. Hindi niya
Read more

Chapter 19

Hindi ako nagsalita buong byahe. I remained quiet because of the tension between me and Kuya. Hanggang ngayon umuulit pa rin sa isip ko kung paano lumapat ang kamao niya sa labi ni Lucas. I don't want to talk to him or even look at him. Galit ako sa kanya, galit na galit. Hindi dahil gusto niyang layuan ako ni Lucas, kundi dahil umabot sa pisikalan ang bagay na maaari naman pag-usapan nang maayos.  I don’t know what’s on his mind earlier, but no matter what his reasons are, there's no valid reason to hurt someone physically. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kanina at sa tingin ko ay kinakailangan ko munang mapag-isa para huminahon ako. I was shocked and until now I couldn’t breathe because of what happened. Nahihiya ako sa mga taong nakakita sa nangyari kanina. Pero mas nahihiya ako kay Lucas.  Unti-unt
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status