Inaamin ko, hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Ate kay Mama at Papa pero minsan kasi, sumosobra na rin sila. Sa aming tatlo, siya lang ang hindi sumusunod kayna Papa. She’s strong, brave, has principles, and most importantly, she knows what she wants and what she doesn't want. Madalas din kaming nagtatalo ni ate, pero sa kanilang lahat, siya ang kakampi ko.Kahit matalino si Ate at may scholarship, hindi pa rin maiwasan na mahirapan sina Mama dahil malaki pa rin ang gastos niya lalo na't nagdodorm pa siya. Sabay kami ni Ate na nasa kolehiyo kaya't ganon na lamang ang kayod ng mga magulang ko. May trabaho na si Kuya pero dahil matagal na silang engaged ni ate Aya, nag-iipon na siya para sa kasal nila. Mama and Papa promised to him naman na kapag nahihirapan na sila, saka sila hihingi ng tulong sa kanya.Bahagya akong
Natapos ang klase ko at wala akong ginawa kundi isipin si Lucas at ang kapatid ko. Sa totoo lang, wala akong ideya kung anong meron sa kanilang dalawa. Mabilis akong makabasa ng tingin ng isang tao. And I’m sure that there’s something wrong between Kuya Vern and Lucas. I wanted to ask Lucas earlier, pero mukhang hindi siya interesado na pag-usapan. Hindi ko naman gugustuhin na magtanong kung hindi ganoon ang trato nila sa isa’t isa kanina at kung hindi nabanggit ni Ms. Paola na magkaibigan sila noon.Bilang babae na nililigawan ni Lucas at bilang kapatid, gusto kong malaman kung may problema ba sila sa isa’t isa. Lalo na ngayon na unti-unti na ‘kong nahuhulog kay Lucas at isa na ring rason ang pagiging close namin ni Kuya. He never mentioned it to me about Lucas and his friendship. Kahit nga sina Sir Patrick ay hindi niya nabanggit sa’kin. Hindi niya
Hindi ako nagsalita buong byahe. I remained quiet because of the tension between me and Kuya. Hanggang ngayon umuulit pa rin sa isip ko kung paano lumapat ang kamao niya sa labi ni Lucas. I don't want to talk to him or even look at him. Galit ako sa kanya, galit na galit. Hindi dahil gusto niyang layuan ako ni Lucas, kundi dahil umabot sa pisikalan ang bagay na maaari naman pag-usapan nang maayos.I don’t know what’s on his mind earlier, but no matter what his reasons are, there's no valid reason to hurt someone physically. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kanina at sa tingin ko ay kinakailangan ko munang mapag-isa para huminahon ako. I was shocked and until now I couldn’t breathe because of what happened. Nahihiya ako sa mga taong nakakita sa nangyari kanina. Pero mas nahihiya ako kay Lucas.Unti-unt
I was stunned. Kahit mga labi ko ay hindi ko magawang igalaw nang makita ko si Lucas. Nakaupo siya sa swivel chair ni Ms. Paola at nakatingin din sa akin, tila ba sabik na sabik siya nang makita ako. Parang kanila lang, nagagalit ako sa kanya dahil pagkatapos nung nangyari, hindi na siya nag-text, tumawag, o kahit palihim na nakipagkita sakin. Para sana mapag usapan namin iyong sa amin dalawa, para hindi ako umaasa kung may dapat pa ba akong i-expect sa kanya. Lalo na ngayon na marami akong gustong itanong sa kanya dahil sa mga nalaman ko tungkol sa kanilang dalawa ni Kuya.Malamig naman sa opisina ni Ms. Paola pero namamawis ang mga braso ko na nakahawak sa ilang envelope na pinakuha niya sa akin kanina. Nanatili pa rin akong nakatayo at nananatili pa rin ang mga mata ko kay Lucas. Hindi ko alam kung bakit tila ba nawala ang galit ko sa kanya nang makita ko siya. Pakiramdam ko ay maayos na a
It’s past 6pm already, katatapos lang ng klase ko. Kanina ko lang din na-receive ‘yung text ni Kuya na hindi niya raw ako makakaon. They had a sudden dinner with Ate Aya’s family, and because I was still in class, they didn’t bother to wait for me. Malayo raw kasi iyong resto kung saan sila mag di-dinner kaya maaga silang umalis. Wala naman akong issue ron dahil hindi rin naman ako mahilig sumama sa mga gatherings. I will choose to lock myself in my room instead of socialising with a lot of people, lalo na sa mga toxic kong relatives.I decided to leave the building as soon as possible. Hindi ko alam kung bakit sobrang bigat ng katawan ko at gustong-gusto ko na agad ibagsak ang sarili ko sa malambot kong kama. Pero dahil nga wala namang kakaon sa’kin, wala akong choice kundi mag biyahe na lang. Sa totoo lang, mas gusto ko pa ngang nag bi-biyahe ako kaysa hinahati
Mas lalong tumindi ang kaba na nararamdaman ko nang bumaba ako ng sasakyan. The more I stayed with Lucas, the more I felt guilty about it. Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ko si Kuya, pakiramdam ko ay niloloko ko siya. As much as I want to love Lucas, I can't help but obey Kuya Vern. Despite the fact that I don't want to be disrespectful to Lucas, I also don't want to lie to my brother. I can be impolite to anyone, but not to Lucas. Siguro dahil ay ayoko rin naman ang lumayo siya sa'kin.Lucas opened the door for me before I entered the coffee shop. He always does that and he never fails even once. Ito ang unang beses na nakapunta ako sa coffee shop na 'to kahit malapit lang siya sa eskwelahan na pinapasukan ko. Matagal na namin gustong subukan ni Quen ang mga kape rito kaso pakiramdam namin ay hindi kami nababagay dito. Hindi kasi swak dito yung ganda namin. 3 in 1 coffee, ayos na sa'min.
We're sitting at the back of his car, watching the beautiful sky above us. We drove away far from that place when we saw Kuya Vern and Ate Aya. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung nahuli kami ng kapatid ko. When I saw him, I didn't feel anything but fear. I was so scared and I can't imagine myself explaining to him why I'm with the person he hates. Baka nga hindi ko pa magawang magpaliwanag sa takot. Kung nahuli nila kami, nasa bahay na 'ko ngayon, at baka kaharap ko na sina Mama at Papa.Hindi ko mapigilan na magalit sa tuwing naiisip ko lahat ng ginagawa ni Kuya. Minsan napapaisip na lang ako kung tama pa ba 'yung ginagawa niya sa'kin. If stopping me from seeing the person I love is still for me, or for his... ego. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang sundin kung magiging masaya naman ako kung susuwayin ko siya. Kung tama pa bang ipagdamot niya sa'kin yung bagay na alam ko naman
“Nasaan ka na ba? Akala ko ba manonood ka?” Ani Quen mula sa kabilang linya. Binagsak ko ang cellphone ko sa kama at mas pinagtuunan ng pansin ang basa kong buhok. Pinatuyo ko iyon sa harap ng electric fan at sa pamamagitan ng tuwalya ko. Ito kasing si Quen, may pagtawag pa. Eh kahit kailan naman hindi ko siya binigo. “Nat, nakakaasar ‘to!” singhal nito dahilan para umikot ang mga mata ko. “Malapit na ‘kong matapos. Manonood ako, promise!” aniko habang abala sa pagpapatuyo ng buhok. Mas lalo akong natataranta kapag alam kong may naghihintay sa’kin. At saka na-late rin kasi ako ng gising. Paano ba naman kasi, hinintay kong umalis ng bahay si Kuya Vern kagabi. Dahil kung umalis siya, eh ‘di nakipagkita siya kay Lucas. Pero inabot na ‘ko ng sibsib, hindi ko man lang narinig ang pag-alis niya. Sa totoo lang, umaasa akong magkakaayos sila dahil hindi gaano kataas ang pride ng mga lalaki sa mga kaibigan nila. Hindi tulad ng pride ng mga babae, mataas pa sa great wall of china! Aminado