Share

Chapter 02

"Asaan na kaya si Papa?" bulong ko sa aking sarili nang makita ko ang oras mula sa relos ko. Marahan na umikot ang mga mata ko bago ako lumingon-lingon dahil sa inis.

He promised me. Sabi niya, kakain kami ngayon pagkatapos ng klase ko.

Hindi kami madalas nagkikita ni papa dahil sa malayo siya nag tatrabaho kaya gano'n na lamang ako kasabik na makita s'ya. Papa's girl ako noon, pero nang magtrabaho si Papa sa malayo, medyo lumayo ang loob ko sa kanya. Madalas na rin kasi siyang masungit sa akin. Hindi tulad noon na palaging ako ang tama sa paningin n'ya.

Mag aala-syete na at hindi pa rin sumusulpot si papa. Malapit na rin magsara itong kakainan namin dahil hanggang ala-otso lang ito tuwing lunes.

"Miss, oorder na po ba kayo?" tanong sa'kin nung waiter. Marahan akong umiling bago siya ngitian.

"Hindi pa kasi ako sigurado kung dadating 'yung kasama ko. Tatawag nalang po ako kapag dumating na s'ya." Ngumiti ako. "Salamat," dagdag ko pa.

"Sige po," tugon niya.

Ayokong pinaghihintay ako. Alam ni papa iyon dahil sa kanya ko iyon namana. Higit pa ron, ayokong bibigyan ako ng sagot na 'oo' ng wala namang kasiguraduhan. Oo, aaminin ko, hindi na ako ang paboritong anak ni papa. Madalas na ako ang napag bubuhusan niya ng galit dahil alam niyang sasaluhin ko lang ang lahat ng iyon.

Naghintay pa 'ko ng ilang minuto hanggang sa napansin kong nag aalisan na ang mga tao, tanging ako nalang ang natitira rito. Mukhang ako nalang ang rason kung bakit hindi pa sila nagsasara.

"Mag aalas-otso na," basa ko sa aking orasan.

Bahagya akong napahinga nang malalim bago ako tumayo at damputin ang bag ko. Sapat na naman siguro ang ilang oras na paghihintay. Bago ko pa maabot ang pinto ay agad akong pinagbuksan ng waiter, "Thank you for coming! See you again."

Sinimulan ko nang tahakin ang madilim at malayong lakaran.

Hindi na masyadong malapit ang loob namin ni Papa sa isa't isa, kaya labis ang naging tuwa ko nang pumayag siya sa alok ko na kumain kami sa labas pagkatapos ng klase ko.

Hindi naman na ito ang unang beses na binalewala niya ako, maraming beses na.

Hindi na bago sa'kin at hindi ko pa rin kayang itago na nasasaktan at napapagod na 'ko. Maayos naman ang pakikitungo niya sa mga kapatid ko pero bakit sa'kin ay hindi? Maayos naman ang grades ko at mabait na anak naman ako sa kanila kaya wala talaga akong ideya kung bakit.

Mas nadagdagan ang tanong sa'king isip dahilan para tumulo ang aking mga luha. Agad ko rin naman itong pinawi pero hindi talaga nagpapatalo ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong mali sa'kin, hindi ko alam kung may pagkukulang ba ako bilang anak.

Mas bumigat ang dibdib ko nang mapansin kong may lalaking sumusunod sa'kin.

Bahagya ko siyang nilingon, at nang lingunin ko siya at tumigil ito sa paglalakad dahilan para mas bumilis ang tibok ng puso ko. Normal akong naglakad palayo sa kanya pero patuloy pa rin ang pagsunod niya sa'kin.

Bahagya kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa ko at pilit na tinatawagan si Papa. Ilang minutong nag ring ang telepono niya pero wala pa rin.

Dinial ko ang number ni Quen at kahit siya ay hindi rin sumasagot.

Kahit binilisan ko ang lakad ko ay nasusundan niya pa rin ako.

"Lord, Lord, Lord, Lord." paulit-ulit kong sabi habang nililingon ang lalaking sumusunod sa'kin.

Nagtataasan ang mga balahibo ko sa takot.

Hindi pa 'ko handang mamatay, hindi pa 'ko handa.

Payag akong ibigay sa kanya ang buong allowance ko at pati na rin itong cellphone ko, 'wag niya lamang akong saktan.

Hanggang sa maramdaman ko ang mga kamay na humawak sa'king braso.

"Miss,"

Dahan-dahan ko itong nilingon at siya nga ang lalaking sumusunod sa'kin kanina. Nagsimula na 'kong humagulgol nang marinig ko malago niyang boses.

"Studyante palang po ako, kuya."

'Yun na lamang ang aking nasabi habang umiiyak at nanginginig sa takot.

"Wala akong pakialam. Ibigay mo sa'kin ang wallet at cellphone mo, dali!"

Halos iwanan ng kaluluwa ko ang katawan ko nang sigawan ako ng holdaper sa harap ko.

"Bilisan mo!"

Ibibigay ko na sana ang wallet at cellphone ko nang may marinig akong isa pang boses.

"Babe, nandito ka lang pala."

Agad ko s'yang nilingon at bumungad sa'kin ang isang lalaki na nakasuot ng puting hoodie.

Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito dahil sa mga luhang humaharang sa aking mata, at dahil sa hoodie na nagdadagdag ng dilim sa mukha niya at dahil na rin sa madilim na paligid.

Hinawakan nito ang kamay ko at pinaling ang kanyang atensyon sa holdaper na nanlalaki ang mga mata ngayon.

"Oh, babe? Sino siya? Bakit mo kinukuha ang mga gamit ng girlfriend ko ha?"

Maangas nitong tanong bago hablutin ang mga wallet at cellphone ko sa lalaki. Agad na tumakbo palayo ang holdaper na parang walang nangyari.

Inabot niya ang mga gamit ko sa'kin at akmang hahabulin ang holdaper pero agad ko rin siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.

"Hayaan mo na siya. Ang mahalaga ay hindi niya tayo sinaktan at hindi niya tuluyang nakuha ang gamit ko," Mahinahon kong sabi bago ko pawiin ang mga luha ko.

"Halika ka na, ihahatid na kita." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila pero tinigasan ko ang aking mga binti dahilan para matigilan siya. "Bakit?" tanong nito.

Napaisip tuloy ako. Hindi niya ako kilala kaya napaka-imposibleng tinaya niya yung buhay niya ng para lang sa wala. Baka naman pinagtanggol niya lang ako dahil may kailangan lang siya sa'kin?

O di kaya, kasagpi niya yung holdaper kanina?

Huminga ako nang malalim at humugot ng lakas ng loob para diretsuhin na siya, "Paano kung niligtas mo lang ako ron para ikaw ang makinabang ng mga gamit ko?"

Binitawan nito ang kamay ko bago ako bahagyang tawanan.

"I won't do that," sabi nito sa'kin dahilan para mapa-irap ako.

Umayos ako ng tindig bago ako humalukipkip. Umiling-iling ito sa harap ko bago siya may kunin sa pocket ng hoodie niya. Nang maaninag ko ito ay napagtanto kong wallet ang kinuha niya, binuksan niya ito at pinakita sa'kin ang ilang one thousand bills na mas marami pa sa pera ko. Hinugot din nito ang cellphone niya sa harap ko at naaninag kong maganda ang cellphone niya. Hindi ako sigurado kung anong cellphone iyon pero bagong labas iyon at maganda rin ang presyo.

Mukha ngang hindi niya gagawin ang ginawa nung lalaki sa'kin kanina.

"Sasama ka ba o iiwan kita rito? Bahala ka kapag binalikan ka pa ng lalaking 'yon."

Tiningnan ko lang siya at hindi pinakitang interesado ako sa inaalok niya.

"Look, matino akong tao. Marunong akong rumespeto ng babae, may nanay at dalawang babae akong kapatid. Nag-aalala ako sa'yo kaya I insist na ihatid na kita sainyo."

Bahagya nitong nilagay ang kanyang kamay sa kanyang mga bulsa bago muling magsalita,

"Okay, fine. Hindi ko hahawakan ang kamay mo, basta sumunod ka lang sa'kin bago pa tayo balikan ng holdaper na yun kasama ang agaw bag squad niya."

Nang talikuran niya ako ay agad kong nilingon iyong direksyon kung saan tumakbo 'yung lalaki. Tama siya, paano kung nagtawag lang ng kakampi iyong lalaki?

"Sandali!" sigaw ko.

Binuksan niya ang pintuan ng isang kotse bago ako senyasan na lumapit ako ron. Inilahad nito ang kamay niya kaya agad na 'kong pumasok ng sasakyan. Bahagya kong kinurot ang aking sarili dahil baka isang maligno lang ang kausap ko.

Bakit ba naman hindi ko pag iisipan ng masama, e hindi ko pa nakikita ang mukha niya? Paano kung isang hangin o ritwal lamang ang nagpapagalaw sa mga damit nito at nagbibigay ng boses sa kanya.

"Wear your seatbelts," sabi nito nang makapasok siya sa sasakyan.

Mabilis nitong tinanggal ang hoodie niya at mabilis na binuksan ang ilaw.

Bumungad sa'kin ang makakapal na kilay at pilik ng kanyang mata. Matangos na ilong at mukhang malalambot na labi.

Kinindatan ako nito bago ako bahagyang ngitian, "Huy! Sabi ko isuot mo yung seat belts mo." nagising nalang ang diwa ko nang sabihin niya yun sa'kin.

Hindi ko inakalang makikilala ko ang lalaking ito, hindi ko inasahang sa gabing kay lungkot ay may sisilip pa ring saya. Kung ikukwento ko 'to kay Quen, siguradong sasabihin nun na gumagawa na naman ako ng istorya at aasarin ako nun na masyado akong nagpapadala sa mga libro na binabasa ko.

"Ako si Lucas. Ikaw?"

Hindi pa 'ko handang ibigay sa kanya ang pangalan ko dahil hindi ko pa siya lubos kilala. Hindi porket iniligtas niya ako at may itsura siya ay papayag na 'kong malaman niya ang pangalan ko.

Teka.

Hindi niya nga alam yung pangalan ko tapos malalaman naman niya 'yung address ko? Parang mas delikado naman yata yun?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status