Share

Chapter 03

"Why don't you try it? You have potential. I saw your works and I'm so amaze na meron pa palang estudyante ang university na 'to na magaling sa arts."

Hindi ko alam kung binobola ba 'ko nitong si sir, o tunay ang mga sinasabi niya. Baka kasi kaya niya lang sinasabi sa'kin 'to dahil kailangan nila ako.

Masyado akong napre pressure dahil bukod sa kanya, dalawang guro pa ang naririto sa harap ko to convince me. Injured kasi ang panlaban namin sa contest kaya ganito nalang sila ka desperado para makuha ang 'oo' ko.

"Pag iisipan ko ho, Sir, Ma'am."

Pilit na lang akong ngumiti nang sabihin ko iyon.

Kung tatanggapin ko man ang offer nila, okay lang naman siguro 'yun kahit iba ang course ko. Hindi naman siguro nila iaalok sa'kin kung bawal. Napaka layo kasi ng Business Ad sa Fine arts. Kung hindi naman makakaabala sa schedule ko, baka sakaling pumayag ako.

"Pasensya ka na ha. Marami rin kasing students ang nag recommend sa'yo. Sabi nila, magaling ka raw. Tama naman sila dahil nakita naman namin 'yun sa mga works mo. Nakakahiya naman kung mag ba-back out ang school natin sa contest. We already confirmed na kasi na kasali tayo kaso bigla naman na injured si Erik," Ani Ms. Paula.

"It's okay, Ms. Paola. I'll update you po as soon as possible." sabi ko bago ko sila muling bigyan ng pilit na ngiti. "Excuse po."

I quickly left the room bago pa 'ko nila muling kulitin. Agad akong tumakbo sa library para kitain sa Quenilyn. Sana nabasa niya 'yung text ko kasi kung hindi, uuwi ako mag isa at kapag umuwi ako mag isa, paniguradong iisipin ko 'yun buong byahe.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay mama ang tungkol sa contest na 'to kasi for sure, magagalit na naman s'ya sa'kin. Gusto niya kasing mag-focus ako sa course na kinuha ko at hindi sa walang kwenta ko raw na passion. Kung walang problema kay mama, at kung maayos naman sa sched ko, talagang papayag ako sa offer nina sir sa'kin.

Kaso mukhang mahihirapan yata ako mag paalam kay mama.

Nang makarating ako sa library, agad kong hinanap si Quen sa bawat pagitan ng bookshelf ng library na 'to. Ilang minuto na 'kong naghahanap pero hindi ko pa rin makita ang walanghiya kong kaibigan.

Siguro umuwi na 'yun o nasa training pa. Volleyball player kasi si Quenilyn, busyng tao rin.

Agad na bumagsak ang balikat ko nang hindi ko s'ya makita, marahan kong hinila ang upuan para ibagsak ang aking sarili doon.

"Huy, Nat."

Pabulong iyon pero sapat ang lakas para marinig ko.

Si Quen.

"Hoy! Tangina ka. San ka ba nanggaling?" tanong ko sa kanya bago siya samaan ng tingin.

"May sinilip lang akong gwapo na naglalaro sa gym. Oh, uminom ka muna nang lumamig 'yang ulo mong walang laman."

Ini-slide ni Quen iyong paborito kong inumin na may nata kaya't agad ko naman iyong sinalubong gamit ang kamay ko.

"Ang kapal mo-" naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses ng librarian namin.

"Hey, both of you. Drinks are strictly prohibited inside the library!"

Pabulong nitong sigaw sa'min. Kaya't mabilis kong dinampot ang inumin na bigay ni Quen bago kami mabilis na tumakbo palabas ng library.

"All of you, never imitate those students! Alam na bawal, ginagawa pa rin!" dinig pa naming sigaw ng librarian.

"Ang tanga mo," sabi ko kay Quen nang tumigil kami habang hingal na hingal dahil sa pagtakbo. "May pag dala ka pa ng inumin," dagdag ko.

"Tinanggap mo naman," sagot nito sa'kin.

Agad kong binuksan 'yun inumin na bigay niya at agad itong ininom.

"Tara umupo muna dun!" agad ko siyang sinundan para umupo sa ilalim ng puno dahil hiningal ako sa pagtakbo.

Napaka-taray kasi ng librarian na yun kaya ganun nalang kami kabilis tumakbo ni Quen dahil baka kung ano ano pa ang sabihin sa aming dalawa. Sa lahat ng library na napuntahan ko sa buong buhay ko, yung librarian na 'yun yung pinaka matapang at mahigpit.

"Nanakit paa ko ron, ah."

Bulong ko bago ko marahan na inunat ang paa ko sa damuhan. Bahagya naman akong nagulat nang dumikit ang mga malamig na damo sa aking binti, naka palda kasi ako ngayon dahil nabutas ang slacks ko. Muli akong uminom at inubos na ito bago ko ilagay ang bote sa bag ko.

"Kamusta pala? Anong sabi nila? Bakit daw naghahanap sila ng bagong sasali sa contest? Hindi ba nila naisip na gahol na sila sa oras? Dalawang araw nalang, contest na."

Pag iiba ng usapan ni Quen. Nabanggit ko kasi sa kanya na kinausap ako ni Sir about sa contest na mangyayari ngayong Thursday. Alam din niya na hindi papayag si Mama dahil simula palang nung bata kami ni Quen, palagi niya kaming pinapagalitan kapag hindi kami nag fofocus sa talagang gusto namin in the future.

Dahil sa pagiging mahigpit niya pagdating sa magiging future ng anak niya, heto ako, naguguluhan kung dapat ba 'kong mag shift ng course o sundin ang gusto nilang trabaho para sa'kin.

"Injured si Erik," sabi ko bago ko isandal ang sarili sa puno. "Kaya pinipilit nilang ako na lang ang umattend sa contest," dagdag ko pa.

"Paano si Tita?" tanong niya na agaran ko ring sinagot ng kibit balikat.

"Quen!" napalingon kami pareho nang marinig namin si Coach.

'Yun lang madalas ang tawag sa kanya ng mga students dito kaya naka sanayan na rin namin na 'yun ang itawag sa kanya.

Agad na tinapik ni Quen ang hita ko bago tumayo para lapitan si Coach. I'm sure tungkol na naman 'yun sa laban nila next week.

Magaling na manlalaro si Quen. Ramdam na ramdam ko kung gaano niya kamahal ang ginagawa niya sa tuwing nasa loob siya ng court. Sana kasing supportive ng Mama niya ang Nanay ko. Para kasi kay Tita, kung anong gusto ni Quen ay susuportahan niya lang. Sana all.

"Nat, may kakausapin lang kami ni Coach. Dyan ka muna, babalik ako."

Tumango ako bilang tugon. Kumaway at ngumiti rin ako kay Coach nang ngitian niya ako at kawayan. Iniwan din sa'kin ni Quen ang cellphone at bag niya kaya sure akong babalik s'ya.

Naalala ko na naman 'yung problema ko.

Dalawang araw nalang bago ang art contest. Hindi ko alam kung ngayon ba 'ko magpapaalam kay Mama o bukas na. Hapon na rin kasi kaya baka hindi na maganda ang mood ni Mama paguwi ko.

Minsan talaga, napapaisip nalang ako kung ano ba talaga 'yung rason kung bakit ayaw akong hayaan ni Mama na ipagpatuloy ang passion ko. Hindi ko alam kung gusto niya lang ba talaga akong mag focus sa course ko ngayon o baka may past siya tungkol sa passion ko kaya ayaw niyang ipagpatuloy ko.

Baka isang painter si Mama noon tapos may biglang dumating sa buhay niya na naging dahilan kung bakit niya naging hate ang art ngayon.

"Aysh! Ano na naman ba 'tong iniisip ko," bulong ko sa aking sarili.

"Are you okay?" hindi ako nag abalang tingalain si Coach at marahan na tinakpan ang mukha ko gamit ang aking mga palad. Bakit ba halata agad sa kilos ko kapag may iniisip ako? Bakit ang bilis nilang maramdaman kapag malungkot at galit ako? Aysh.

Bahagya akong huminga ng malalim bago ko alsin ang aking mga kamay sa aking mukha.

"Wala 'lang 'to, Coach. Stress lang po sa school works," sabi ko bago tumingin sa malayo.

"Do I look like a Coach to you?"

Nang muli kong marinig ang boses na 'yun ay agad na nanlaki ang aking mga mata. Dahan-dahan akong tumingin sa sapatos nito at bumungad sa'kin ang isang brown na derby shoes na kalimitan kong nakikitang suot ng mga teachers at mga taong nagtatrabaho sa office. Marahan ko muling inangat ang mata ko at bumungad naman sa'kin ang blue slacks niyang suot na sa bawat pag angat ko ng aking paningin ay sa pagsikip naman nito sa kanya. Maayos naman na naka tuck in ang puting longsleeve nitong polo.

Teka, hindi naman ito ang suot ni Coach kanina ah?

Dahan-dahan akong nagpatuloy sa pag tingala hanggang sa bumungad sa'kin si Lucas. Ang lalaking nagligtas sa akin noong isang gabi. Hindi ko inakalang ganito pala siya ka gwapo kapag naka suot ito ng formal.

Napalunok nalang ako bigla nang makita ko ng buo ang kanyang mukha. Nang mapansin kong bukas ang dalawang butones nito sa dibdib ay agad akong napatungo.

"Ang bata-bata mo pa, ulyanin ka na agad. Bukas 'yung dalawang butones ng polo mo, baka gusto mong isara." Sabi ko habang nakatungo at tinatakpan ang mata gamit ang aking mga palad.

Napatawa ito sa sinabi ko bago ko maramdaman ang pagtabi niya sa'kin.

Bakit ang ganda ng boses niya? Pakiramdam ko ay kahit na anong oras ay mawawala ang taray ko sa kanya.

"Mabanas kasi kanina kaya binuksan ko," aniya.

Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko kaya't marahan kong inalis ang kamay ko sa aking mata bago ako huminga nang malalim. Masyadong nagkakasala ang mga mata ko!

"May naiwan ba 'ko sa'yo last night? O di kaya, may utang ba 'kong dapat bayaran?" tanong ko nang hindi man lang tumitingin sa kanya.

Binibigyan ko lang ng pansin ang mga batang nagtatakbuhan sa aming harapan dahil wala naman akong ibang pagbabagsakan ng aking tingin. Wala talaga.

"Wala naman. Bakit?" tanong niya.

"Eh bakit sinusundan mo 'ko?" agad ko siyang nilingon at nang nagtama ang aming mga mata ay agad akong umiwas at humalukipkip. But this time, hindi na 'ko napatingin sa kanyang mata. Kundi sa bukas na butones na naging bintana ng kanyang dibdib. Tumutulo ang kanyang pawis at para ba 'kong inaakit nitong punasan ko s'ya.

Hanggang sa bigla ko nalang maramdaman ang kanyang hintuturo sa aking baba. Inangat niya ang aking mukha dahilan para magtama ang aming mga mata.

"I'm not stalking you, Ms. Suplada."

Nang sabihin niya yun ay agad ko siyang sinamaan ng tingin at galit na binawi ang aking baba sa kanya.

"Then, why are you here?" marahan kong tanong. Napansin ko naman na bigla niyang kinuha ang coat niya sa kanyang tabi at agad itong inilagay sa aking mga hita.

"Nasisilipan ka na," sabi nito dahilan para kabado akong napatingin sa paligid.

Nang makita kong wala namang nakapansin ay agad ko itong inayos. Naramdaman ko rin ang pag init ng aking pisngi kaya agad akong umiwas ng tingin para hindi niya mahalata. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa ito ng lalaki sa'kin pero bakit nakakaramdam ako ng kilig sa kanya?

Marahan niyang sinara ang kanyang polo bago ito sumandal sa puno na agaran ko ring ginaya. Tahimik lang kaming nakatingin sa mga batang naglalaro sa harapan namin at tila ba nakikiramdam kung sino sa amin ang unang magsasalita.

"Hindi mo sinasagot yung tanong ko," basag ko sa katahimikan. "Why are you here?" sabi ko na may halong konting pagtataray.

"May kinakaon ako rito every five in the afternoon. Tapos, I saw you. You look familiar kaya agad kitang nilapitan."

Sabi nito na agaran ko ring sinagot ng pagtango. Pero para bang hindi nasiyahan ang tainga ko nang marinig ko na may kinakaon s'ya rito. Kung girlfriend niya man 'yon, mukhang hindi tama yung naramdaman ko kanina.

Kapag may girlfriend, stop na.

"So, you're not single?" nahihiya ko pang tanong sa kanya.

Hindi raw dapat iyon tinatanong sa mga lalaki dahil iisipin nilang interesado ang isang babae tungkol sa bagay na iyon at pwede nilang isipin na may gusto sa kanila ang nagtatanong.

Pero wala akong pake. Hindi ko siya gusto. Chismosa lang ako.

Bahagya itong umiling bago ako tapunan ng tingin habang nakangisi sa sakin. Tumango lamang ako sa kanyang pag iling bago ko muling marahan na sinandal ang sarili sa puno.

"Joke lang," bawi niya.

Bahagya ko siyang inirapan bago ako magsalita, "Ang gulo mo."

"Bakit ba kasi gusto mong malaman?" tanong niya.

Dalawang beses nang nagtatama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung bakit palaging napupukaw ang atensyon ko ng labi na iyon. Ang labing ilang gabi kong inisip simula noong magkita kami.

Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya nang mapagtanto kong napatitig na 'ko sa labi niya.

"Wala lang. Masama ba magtanong?" mataray kong sabi.

Ilang minuto kaming naging tahimik bago ko maramdamanan ang pagtindig niya.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya nang makatayo siya. "Baka gusto mong sumabay sa'min?" dagdag pa niya.

Tumingala ako sa kanya.

Hindi ko alam kung sadya bang ganun ang mata niya, o sinasadya niyang pagandahin– Ano ba!

"No thanks. Sapat na 'yung paghatid mo sa'kin last night," mataray ko muling sabi sa kanya.

Maarte kong sinandal ang sarili sa puno bago ako humalukipkip. Narinig ko ang mahina pero nakakaasar niyang tawa. Hanggang sa mapagtanto kong naglalakad na pala siya palayo sa'kin. Napansin ko na rin na may kasama siyang naglalakad, at tumatawa pa sila.

Nanliit ang mga mata ko para kilalanin kung sinong kasama niya.

Teka.

Si Ms. Paola ba 'yung kasama niya?

Girlfriend siya ni Lucas?

Umismid na lang ako dahil sa nakita ko. Ano bang pakialam ko sa kanilang dalawa. Ano naman kung girlfriend niya si Ms. Paola? Hindi naman totoo ang pag-ibig na 'yan. Lahat naman sila nagloloko. Kung hindi nagloloko, madaling nagsasawa. Kung gano'n lang din naman, 'wag na lang.

Inayos ko ang coat na nakapatong sa hita ko dahil baka nga nasisilipan na 'ko. Teka— Naiwan ni Lucas!

Agad akong tumindig at tinanaw sila pero huli na. Nakaalis na sila.

Mukhang magkikita pa kami ng preskong 'yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status