Nandito ako sa ilalim ng puno kung saan kami madalas na tumatambay ni Quen. Ilang oras na 'kong naghihintay dito pero wala pa ring paramdam 'yung babaeng 'yun. Hindi ko tuloy maiwasan isipin 'yung offer sa'kin si Sir Makatimbang. Sa totoo lang, hindi ko naman dapat pinoproblema iyon dahil hindi ko naman problema 'yun.
Malamig naman dito sa ilalim ng puno, at presko rin ang hangin pero hindi iyon sapat para mawala ang inip ko. Sanay na naman akong maghintay pero uwing-uwi na kasi ako at masakit din ang puson ko. Parang may hinihila na ugat down there, parang sinusuntok, at sinasaksak nang paulit-ulit.
"Hello!" agad kong tiningala ang boses na 'yun habang nakahawak ako sa kumikirot kong puson. Nilapag nito ang bag niya bago ako binigyan nang malawak na ngiti na agad ko rin naman iyong sinuklian nang masamang tingin.
Malakas kong hinampas ang bag ni Quen nang ibagsak niya ito sa tabi ko. Malakas ang pagkakahampas ko dahil binuhos ko ang inip, inis, at sakit ng puson ko ron.
"Gusto mo ba 'kong saktan?" tanong nito nang makaupo siya sa tabi ko.
"Medyo, pero mabait ako kaya 'yung bag mo na lang."
Tumawa siya.
"Tumayo ka na riyan at umuwi na tayo, Quenilyn!" Inis kong sabi bago ako tumayo pero muli niya lang din ako hinatak pabalik sa kinauupuan ko.
Napangibit ako sa sakit nang gawin niya iyon. Dahan-dahan na nga akong tumitindig tapos hinila pa 'ko.
"Punyet–"
"Shh! Masama ang nagmumura," aniya bago nakapikit na sumandal sa balikat ko. "Let me rest kahit ilang minuto lang. Galing kaya ako sa training," dagdag pa niya.
"Ang galing mo talaga, Quenilyn."
"Atsaka, may chika ako sa'yo, Nat."
Tila ba nabuhay ang dugo ko nang marinig ko iyon pero mas nangingibabaw pa rin ang sakit ng puson ko. Pakiramdam ko ay kahit na anong oras ay matutumba na lang ako sa sakit.
"Masakit ang puson ko–"
She cut me off, AGAIN.
"Anong meron sainyo ni Mr. CEO?" Nagdikit ang mga kilay ko nang marinig ko iyon kay Quen.
Sinong Mr. CEO?
Nanatiling nakakunot ang noo ko kaya't agad niya iyong naintindihan.
"Parang nung isang araw sinabi ko lang sa'yo na friend siya nina Sir Patrick at ex ni Kayla Elise tapos ngayon kaibigan mo na?" nakangising sabi ni Quen habang tinataas baba ang kanyang mga kilay.
Inalis ko sa aking balikat ang bag ko bago ko siya muling tapunan ng tingin.
"Ano bang sinasabi mo? Sinong Mr. CEO 'yan?" tanong ko.
"Si Lucas," aniya habang nakatingin sa malayo.
Muling nagdikit ang kilay ko.
"L-Lucas?"
"Oo, d'ba, na-kwento ko sa'yo. Siya yung ex nung magandang babae na nasa tarpaulin, 'yung inaalis nung mga maintenance nung isang araw, 'yung magna cum laude, yung beauty and brain!" gigil nitong pagpapaliwanag sa'kin.
Unti-unting nagiging malinaw sa'kin ang mga sinasabi ni Quen. Kaya't agad ko siyang nilingon nang mapagtanto ko na 'yung ex ng taong hinahangaan ko at ang lalaking nag ligtas sa'kin sa holdaper, ay iisa. Bahagya akong napasandal sa malapad na katawan ng puno bago ako humampas sa hangin.
"Bakit hindi ko napansin 'yun..." aniko.
"Masyado ka kasing nabulag sa kagwapuhan niya," ani Quen.
"Totoo– este, hindi 'no! Ang common kaya ng mukha niya. Baka s'ya talaga ang problema kaya iniwan s'ya nung Kayla. Ang presko kaya niya," dagdag ko pa.
"Ang judgmental mo. Ganyan ba kasama ang tingin mo sa mga lalaki? Na porket may relationship na hindi nag work, sila agad ang may kasalanan?" patol ni Quen sa sinabi ko.
Sandali akong natigilan. Oo nga naman, may point si Quen. Ewan ko ba, siguro dahil naiinis lang ako sa kanya kaya ganun ko na lang siya husgahan.
"Hindi nga kasi natapos nang maayos 'yung relationship na meron sila. They both okay naman daw but Kayla suddenly left and didn't talk to him for months. Narinig ko pa nga na kahit isang taon na raw hindi pinapansin ni Kayla si Lucas, nag re-reach out pa rin si Lucas at gusto pang sumunod sa States. Siguro nakaramdam na si Sir Lucas na hindi na siya mahal ni Kayla kaya tinigilan na niya."
"Saan mo ba naririnig ang mga chismis na 'yan? Lakas talaga ng radar mo..." asar ko sa kanya.
"Kay Sir Patrick nga. Paano ba naman kasi masyadong nahusgahan si Sir Lucas dito sa campus noon kaya to the rescue si Sir Patrick para protektahan siya. Kaloka talaga si Kayla... walang heart."
Nagloko man si Lucas o hindi. Umalis man nang walang paalam si Kayla o hindi. Still, this is not our story to tell.
Sikat sila sa university na ito kaya't ganun na lang kaingay ang mga pangalan nila. Maybe because they're good looking people o di kaya maganda ang records o naiambag sa eskwelahan na 'to. But still, we have no right to talk bad about them. Hindi ko na gusto pang magsalita tungkol sa relasyon ng iba at saka matagal na raw iyon. Pero may isa lang akong tanong.
Sino si Ms. Paola sa buhay ni Lucas?
"O?" Nilingon ko si Quen. "Kanino 'yang coat?" she added.
"O, ito, kay Lucas." Muli ko iyong binuklat at muling ipinatong sa mga hita ko.
"Umamin ka nga sa'kin, Nat-"
"Wala akong dapat aminin sa'yo, Quen. Alam ko ang takbo ng utak mo kaya ngayon pa lang sasabihin ko na sa'yo na walang meron sa amin ni Lucas. Niligtas n'ya lang ako noong gabing muntik na 'kong ma-holdap, tapos iniwan naman niya itong coat sa'kin dahil nasisilipan na 'ko kanina kahihintay sa'yo."
Hindi ko alam kung paano ko nasabi ang lahat ng iyon sa loob ng kinse segundo. Wala nang nagawa si Quen at tumango na lang pero napansin ko pa rin ang palihim niyang pagtuptop sa kanyang mga labi. Ma-issue itong si Quen kaya ngayon pa lang sinabi ko na na walang meron sa'min. Mas mabuti na iyong sinabi ko na agad.
"O, si Lucas, oh."
Automatic na umikot ang mga mata ko nang marinig ko 'yun. Pinagtritripan na naman ako nitong si Quen. Akala niya siguro agad akong lilingon kapag narinig ko ang pangalan ng preskong 'yon pero nagkakamali s'ya.
"Huy, sabi ko, si Lucas!" ibinangga nito ang balikat sa akin bago ko s'ya tapunan ng tingin. "Ah, bahala ka d'yan." Nang mapagtanto kong seryoso ang bruha ay agad kong nilingon ang direksyon kung saan nakatuon ang atensyon niya.
And then I saw him, walking towards us.
"Lucas!"
Nang maisigaw ko ang pangalan niya ay agad kong inangat ang kanyang coat at agad naman itong napangiti nang matapunan ako ng tingin. Agad akong tumayo at tumakbo palapit sa kanya. Nakakahiya naman at naka-abala pa 'ko.
"Naiwan mo," sambit ko bago ko iyon inabot sa kanya.
"Actually, I came back cause Ms. Paola forgot something. You can keep that, masyadong maikli ang palda mo."
Marahan niyang tinulak ang kamay ko kaya't dumikit iyon sa aking dibdib.
"Pauwi na rin kami ni Quen, e. 'Wag ka mag-alala, hindi naman masyadong nadumihan kasi pinatong ko lang s'ya sa hita ko. Thank you ha," sagot ko.
Muli ko iyong inabot sa kanya at dun niya lang ito saka tinanggap.
Tumango ito at ngumiti sa akin kaya't pinihit ko na ang katawan ko patalikod sa kanya bago ako naglakad sa kanya palayo. Natanaw ko na rin si Quen na palapit sa amin at bitbit na rin ang bag ko.
"Nathalie..."
My lips parted when I heard him say my name. Mahinahon ang pagkakasabi niya kaya't dahan-dahan ko siyang nilingon.
"K-Kanino mo nalaman ang pangalan ko, aber?" masungit kong sabi sa kanya.
His face remained serious. Nagsimulang kumunot ang noo ko nang mapansin ko iyon. Nagulat na lang ako nang bigla niyang ilagay ang coat niya sa likod ko at pinulupot ang manggas ng coat niya sa bewang ko.
"Anong gina–"
"You have stain. Saan ka sasakay pauwi?" he asked.
Hindi ko alam kung anong reaksyon ang maibibigay ko sa kanya dahil ultimo pagsasalita ay hindi ko magawa. Napahawak na lang ako sa puson ko dahil hanggang ngayon ay kumikirot iyon.
Sumulpot na lang bigla si Quen sa gilid ko bago nagsalita, "Girl, may tagos ka."
"Saan kayo sakay pauwi?" he asked Quen.
"Mag-dyi-jeep lang kami, ganern."
"Sa akin na kayo sumabay." Tinapunan ako ni Lucas ng tingin at hinawakan ako sa balikat. Bahagya siyang tumungo at sinilip ang mga mata ko. "Nathalie, are you okay? Sa'kin na kayo sumabay, okay?" he added.
Hindi ko magawang magsalita o kahit tumango man lang sa sinasabi niya. Wala akong maramdaman ngayon kundi kahihiyan. Hindi ko naman inakala na magkakaroon ako ngayon. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa ngayon din.
"Kaya mo ba?" he asked. "Do you want me to carry you?" he added.
"Kaya ko."
That's the only thing that came out of my mouth. Nakita na niya ang stain sa likod ko tapos magpapabuhat pa 'ko. Hell no.
Parang paulit-ulit na sinusuntok ang puson ko at parang kahit na anong oras ay babagsak ako sa lupa at mamimilipit dahil sa sakit. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin valid na reason ang pananakit ng puson.
This shit is killing me.
Alam kong halatado sa aking lakad ang nararamdaman ko kaya't hindi na 'ko nagulat nang hawakan ni Lucas ang bewang ko para alalayan ako. Ang ibang estudyante ay hindi na naiwasan ang tapunan kami ng tingin. Gusto ko na lang humiga at mamilipit pero masyado pa 'kong malayo sa bahay. Pakiramdam ko ay namumutla na 'ko at kahit ang mga nangyayari sa paligid ay hindi ko na mabigyan ng pansin.
Sa isang iglap lang ay napagtanto kong nasa loob na 'ko ng sasakyan. Hawak-hawak ni Quen ang kamay ko at natatanaw ko si Lucas na seryoso sa pagmamaneho. Normal sa'kin na nagkakaganito ako sa tuwing nagkakaroon ako, kahit unang araw ko. Hindi ko lang talaga magawang kumibo nang maayos dahil nahihiya ako kay Lucas.
Bakit siya pa ang kailangang makakita ng nangyari sa akin? Bakit siya pa, na hindi ko pa lubos kilala? Kung pwede lang ay magpapalamon na 'ko sa lupa.
Tapos coat niya pa ang ginamit niya para takpan ang likod ko.
"Pasensya ka na ha, ganito talaga si Nat kapag sumasakit yung puson niya. Sabi ko nga, magpacheck up na siya e pero siya itong makulit."
Iyon ang huli kong narinig bago ko napagtanto na nasa loob na 'ko ng kwarto ko. Masyadong masakit ang puson ko para pilitin pa ang sarili kong imulat ang aking mga mata.
"Pasensya na kayo kung naabala kayo ng anak ko. Ganyan talaga 'yang si Nathalie sa tuwing nagkakaroon siya. Palagi ko ngang sinasabi sa kanya na magpa-check up pero ayaw makinig," boses ni Mama.
"Nako, Tita! Palpak na nga rin po ang bibig ko d'yan sa anak n'yo. Tinatakot ko nga po na kapag hindi siya nagpacheck up, baka hindi na niya kayo mabigyan ng apo."
"Manahimik ka, Quen, mahiya ka sa bisita." boses muli ni Mama.
"It's okay po. My auntie is an Obstetrician, maybe I can convince her."
Kung hindi ako nagkakamali, boses iyon ni Lucas. Naririnig ko silang tatlo pero wala akong lakas para makipag-usap sa kanila. Hindi talaga biro ang pananakit ng puson ko sa tuwing nagkakaroon ako. Madalas kong sinasabi na siguro dahil dalawang buwan ako bago magkaroon.
It's been one week since I talked to Lucas. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nagagawang isoli sa kanya yung coat na pinahiram niya sakin. Pumapasok naman ako at pumupunta sa madalas kong tinatambayan tuwing hapon pero hindi ko pa rin siya nakikita. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba 'ko dahil sa nangyari at nandiri siya sakin.Wala talaga akong ideya na magkakaroon ako sa araw na 'yun. I always have my period every two months, minsan nga ay nakakalimutan ko na babae rin ako. My period is erratic, and I'm not sure what to do about it. Hindi ko naman gustong magpa-check up dahil natatakot ako.Tulad dati, sa ilalim pa rin ako ng puno naghihintay. Baka sakaling makita ko siya ulit, baka kakaunin niya ulit si Ms. Paola, o di kaya baka sakaling maalala niya itong coat niya sa akin.Katatapos lang namin magpinta ng mga kaibigan ko sa ibang section. Madalas namin itong ginagawa kapag masyado na kaming nalulunod sa mga gawain, pang tanggal stress lang namin. Dumidiretso kami sa studio dito s
"Anong nangyari dito?" bungad na sabi ni Quen nang ibigay ko sa kanya 'yung suit coat ni Lucas.Aksidente iyong nalagayan ng acrylic paint kaya't gano'n na lamang ang reaksyon niya. Hindi naman sobrang lala nung nangyari sa coat ni Lucas, nalagyan lang ng acrylic 'yung dulo ng sleeve pero nakakahiya pa rin lalo na't hiniram ko lang ito sa kanya.Hindi ko napansin na nalagyan 'yun ng acrylic paint dahil drama queen ako that time, kaya paano ko mapapansin? Busy ako sa pag-iyak, hello."Ano... may pag-asa pa bang maalis 'yan?" aniko bago ako mapakagat sa aking ibabang labi."Volleyball player ako, hindi painter. Anong alam ko d'yan?""Quen naman, e!""I'm serious," natatawa nitong sabi. "Hindi basta-basta ang suit nitong si Lucas kaya I'm sure mahal 'to."Dagdag pa ni Quen habang pinagmamasdan ang kaburaraan ko. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Sa halip na pagaanin niya ang loob ko, she just made it worse! Kaloka."Baka naman makakaya kong bayaran? Ano kayang kla
"Yes, I like it."My forehead creased.Ilang beses na kumurap ang mga mata ko nang magustuhan niya pa iyong nangyari sa coat niya. Hindi ko in-expect na mas matutuwa pa siya. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Baka naman kaya niya lang nasabi na nagustuhan niya ay dahil wala na rin naman siyang nagagawa?Hala, sige, mag o-overthink na lang ako magdamag."You know what, let's go downstairs. I'm sure Quen will like this as well. Let's go?" Aya niya sa akin pababa.Tinahak namin ang hagdan pababa. Nagulat na lang ako nang ipatong niya ang braso niya sa aking balikat."Bigay sa'kin 'to ni Mom. Binili niya nung nagpunta siyang london," kwento niya habang naka akbay sa akin.Hindi ako sanay nang inaakbayan ng lalaki kaya't pakiramdam ko ay pinapaso ang pareho kong balikat. Pakiramdam ko ay bigat na bigat ako sa braso niya.Hindi talaga ako komportable.Isa ako sa mga naka-like sa page ng NBSB dahil hindi pa 'ko nagkaka boyfriend. Hindi ko alam kung bakit hindi ako kiniki
Habang tumatagal ang oras na magkasama kami ni Lucas, mas nagiging close kami at mas nagiging open sa isa't isa. Madalas ay hindi na 'ko nakakaramdam ng hiya kaya't minsan ay napapakita ko sa kanya ang pagiging kwela ko. Minsan naman ay umaatras din ang pagiging kalog ko at nahihiya rin naman kahit konti.He's a good person and I already see it while being with him for days.Nagtataka nga rin ako noong una. Paano ba naman kasi, sobra akong na-wi-weirduhan sa kanya at nagsimula iyon lahat nang iligtas niya ako noong gabing muntik na 'kong ma-holdap. Hindi ko naman kasi siya kilala, kahit pangalan at mukha niya ay hindi pamilyar sa akin noong gabing iyon. Na-pre-preskuhan ako sa kanya at sa tingin ko ay babaero siya, pero nagbago lahat iyon nang hayaan niya akong makilala siya. Napagtanto kong ang lalaking akala ko'y presko at babaero, ay mabait naman pala.Malayo pa lang kami ay natatanaw ko na agad ang pag kaway sa amin ni Ms. Paola. She's carrying her bag and some of her folders. Mal
“She’s prettier than-” naputol ang sasabihin nito nang mabilis siyang hinampas ni Lucas sa kanyang tiyan. Natigilan ito at bahagyang napatawa bago ako tapunan ng tingin. Naunang maglahad ng kamay si Lucas na agad ko ring tinanggap, marahan niya akong hinila palapit sa kanilang dalawa ng kaibigan niya. Bago ilahad ni Jas ang kamay niya ay tumingin muna siya kay Lucas na tumango lang sa kanya. “Hello. I’m Jaser, Jas nalang.” aniya.“Hi,” tipid kong sabi bago ako ngumiti.“Pasensya ka na, Nathalie, loko-loko lang talaga itong si Jas.” Tinapunan niya ng tingin si Jas na para bang may sinasabi ito pero dahil hindi sapat ang lakas nun ay hindi ko magawang marinig. “We should go, Pre, baka mahuli itong si Nathalie.” Nag-apir silang dalawa at muling pinagbangga ang kanilang mga balikat. May kung ano pala silang sinabi sa isa’t isa na hindi ko na binigyang pansin pa.Kung kasama ko si Quen sigurado akong laglag na ang panty nun dahil sa kaibigan ni Lucas. Baka nga natanong niya agad kung
Umalis ako saglit para bumili ng pagkain namin ni Nathalie, I'm sure she's hungry. Sakto lang ang dating ko dahil ngayon pa lang naglalabasan 'yung mga contestant sa loob. Lumapit ako sa pintuan para salubungin siya. Nang mapansin niya ako ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin. "Hinintay mo 'ko?" bakas sa mata niya ang gulat nang sabihin niya iyon. Tumawa ako. "Bakit naman kita iiwan?" nakangiti kong sabi. "Hindi mo naman ako kailangan hintayin. Ayos lang naman ako dito," aniya bago siya pilit na ngumiti. "Let's just eat, ang dami mong sinasabi." Hinawakan ko siya sa kanyang pulsuan para hilahin nang mapansin kong may hawak siyang lunch bag. "May lunch kang dala?" aniko. Tinapunan niya ng tingin ang hawak ko at nang mapagtanto niyang nagdala ako ng pagkain ay bahagya siyang natigilan. Tinago niya iyon sa likod niya at bahagyang napa-iling. "Binilhan mo rin ako ng lunch?" tanong niya. Namilog ang mga mata niya nang sinagot ko siya ng pagtango. "Come on, let's eat." Hinila ko
"Nathalie Rose! It's already 7:30 am! You're late!" rinig kong sigaw ni Mama galing sa ibaba. Agad kong kinapa ang cellphone ko– hindi na naman nag-alarm. Wala talagang silbi ang phone na 'to. "Don't make me come up there!" dagdag pa ni Mama."Gising na ako! Gising na gising na!" I talked back. Agad akong bumangon at tumindig.Bakit ko nga ba kasi inaasa pa rin sa lintek na phone na 'to ang alarm ko kung hindi naman tumutunog. Napasampal na lang ako sa aking noo bago ako labag sa loob na bumangon mula sa aking pagkakahiga. Masyadong napasarap ang tulog ko dahil pagod na pagod ako kahapon.Nang matapunan ng mata ko ang wall clock na nakasabit sa aking kwarto ay halos mahulog ako sa aking kinauupuan. 7:30 na! langya. Agad kong dinampot ang aking tuwalya bago pumasok ng banyo. I need to move quickly– kung hindi, bengga na naman ako kay Sir.Agad akong bumaba pagkatapos kong mag-bihis. Sumulyap ako sa aking relos– at halos masambit ko na yata lahat ng mura nang mapansin kong 8:30 na. Oo,
"We're here," ani Lucas.Tumigil ang sasakyan namin sa tabi ng ilang mga sasakyan na nandito rin sa parking. Wala akong ideya kung nasaan kami kaya't agad kong kinuha ang cellphone ko para picturan ang paligid at agad na sinend kay Quen dahil baka sakaling maisipan niyang sumunod. Alam ko naman na madalas silang inaabot ng gabi sa pag-te-training pero umaasa pa rin akong susunod siya.Ito rin kasi ‘yung unang beses na pupunta ako sa isang lugar para lang magpinta. Madalas kasi akong nagpipinta sa bahay at sa school lang kaya siguro naninibago ako. Kaya masaya akong in-invite ako ni Lucas.Agad na hinubad ni Lucas ang seat belt niya at binuksan ang pinto na nasa gilid niya. Alam kong baba na naman siya para pagbuksan ako kaya nang makababa siya ay agad kong binuksan ang pinto sa gilid ko at agaran na bumaba. Nakaramdam ako ng kirot mula sa aking tuhod pero nakayanan ko pa rin na tumayo.Ngumisi sa akin si Lucas nang makita niya akong nasa labas na ng sasakyan. Napahawak siya sa kanyang
Kanina pa ako naiilang sa mga taong kasama ko. Hindi ako sanay makihalobilo sa mga taong hindi ko kilala pero wala akong choice kundi ngumiti at makipag-usap sa kanila. Nasanay akong sina Quen ang kasama ko kaya’t medyo nahihirapan ako sa mga ganitong sitwasyon. Ilang beses ko na nakakasama ang mga kaibigan ni Kuya at Lucas pero hindi ko pa rin maiwasan ang mailang.Lahat sila ay successful na’t may mga bigating negosyo. Bigla na lang ako nananahimik kapag nag u-usap sila ng tungkol sa mga career at pag a-asawa lalo na kapag tungkol sa negosyo ang usapan. Parang gusto kong mag walk out na lang at umuwi na lang. Parang bigla akong na-pressure sa buhay kasi successful na silang lahat, e. No one chose the wrong path. Walang kahit na isa sa kanila ang naligaw sa landas.Habang ako, nagtitiis sa kurso na hind
"Enough, Nathalie!" Singhal sa akin nung isa nilang kasama na hirap na hirap din sa pag pigil kay Niko. "Bakit hindi 'yang kaibigan niyo ang pag sabihan niyo? Masyadong affected sa mga sinabi ko," sabi ko bago ako bahagyang ngumiti at tapunan ng tingin ang mga kuko ko. Pilit nilang pinipigilan si Niko sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito habang nakatayo lang kami ni Quen sa harap nila. Kanina pa 'kong niyayaya ni Quen na umalis na lang pero nag matigas ako. Hindi naman ako ang nauna, hindi naman ako ang nagsimula ng gulo, at mas lalong hindi naman ako 'yung nauna na magsambit ng mga masasakit na salita. Malinaw na malinaw naman na payapa lang kaming naka-upo ni Quen kanina. Just minding our own business, but they ruined it. He looked so pissed. Wala naman akong sinabing mali o kasinungalingan para magalit siya ng ganito. Who would have thought that this guy in front of me, who looks like a gentleman, wants to punch a girl? "Pasalamat ka dahil babae ka!" sigaw sa akin ni Ni
“You see, I’m just concerned about your friend. Napansin ko rin kasi na napapadalas ang pagiging maliyuhin at pagsusuka niya,” dagdag pa niya. “I’m not forcing her to take the test. Pero kung makukumbinsi mo s’ya, much better.”“Susubukan ko po,” tipid kong sagot.“Hindi naman kita kakausapin tungkol dito kung hindi siya pa ulit-ulit na bumabalik dito dahil sa liyo at pagsusuka. Ang sa’kin lang kasi, baka mapasama sa kanya ‘yung mga gamot na naibigay ko last time, dahil nga humihingi siya sa akin at wala naman akong alam sa nararamdaman niya. If you can talk to her, kumbinsihin mo na lang na magpa check-up siya. Kasi iniiwasan naman n’ya ang mga tanong ko,” ani pa ni Nurse Georgia.
Tumahan din ako nang mapansin kong pinagtatawanan ako ni Lucas. Paano ba naman kasi, ilang minuto na ‘kong umiiyak at hindi na niya maintindihan ang mga sinasabi ko. Madalas kasing hindi ko masabi ang mga nararamdaman ko kaya’t sa pag iyak ko na lang naidaan."Salamat talaga, Lucas."He chuckled. "Can you stop thanking me? You already said that a thousand times," he said before kissing me on the head."Natutuwa lang ako kasi nagagawa mong posible ang mga bagay na inakala kong imposible," sabi ko sa kanya bago ako tumingala sa kanya at muling tapunan ng tingin ang mga kagamitan dito sa studio."Basta para sa'yo. I'll make everything possible," he added.
“Tumawag sa’kin si Kuya Vern tapos nag-cr naman ako pagkatapos.”“Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain ulit?” Bakas sa boses niya ang pag aalala sa akin. Pakiramdam ko ay alam niya kung bakit ako nawala sa paningin niya.“It’s okay. Nabusog naman ako kanina,” aniko bago ako pilit na ngumiti. Tumango siya at inalalayan akong umupo sa tabi niya. “Bakit ka umiinom?” Tanong ko.“Mom is stressing me out.”Humawak ako sa kanyang balikat at diretso siyang tiningnan sa kanyang mga mata. “Bakit? May nangyari ba?””Wala naman. Ayoko lang na nalalasing siya dah
I looked at myself in the mirror and realized na okay naman pala ‘tong damit na pinahiram sa akin ni Veronica. Medyo revealing nga lang siya kapag binaba ko ang zipper ng damit. Hindi kasi ako masyadong mahilig sa revealing na damit dahil hindi ako komportable at baka hindi ako makakilos ng maayos. Nag aalala siguro sa’kin si Veronica na baka matuyuan ako ng damit kaya nag insist siyang pahiramin ako. Hindi ko naman kasi napansin na halata pala na basang basa ang uniform ko. At inaamin ko naman na sobrang careless ko ngayon sa sarili ko. Hindi naman kasi sobrang lakas ng ulan kanina kaya hindi ko inakala na mababasa ng gano’n ang uniform ko. Hinigit ko pababa ang shirt na pinahiram sa akin ni Veronica at inaayos ang pagkaka lock ng zipper before I went out of the cubicle. “Tamang-tama lang pala sa’yo, Ate Nathalie. Buti na lang talaga may dala akong extra shirt sa car, kung wala, baka matuyuan ka pa at magkasakit.”Nasa harap ng salamin si Veronica at naglalagay ng lip gloss sa kan
"Ano ba kasi ang ginagawa natin dito?" Tanong ko nang makababa ako ng sasakyan. Isang malaking resto ang bumungad sa akin pero madilim at mukhang sarado na. Sinara ni Lucas ang pinto nang makababa ako. Hinawakan niya ang kamay ko bago niya 'ko bahagyang hinila palapit sa harap ng madilim na resto. "Sarado na sila, Lucas, sa ibang resto na lang tayo kumain."I was still looking at him, confused, when we reached the front door. The door was locked, the lights were already off, and there was no one inside. Nakauwi na ang mga empleyado. Marahan kong hinigit ang braso niya dahil baka mamaya ay kung ano ang isipin ng makakakita sa amin at ipagtabuyan kami ng gwardya dito pero makulit itong si Lucas. My forehead creased as Lucas took out a key and tried to unlock the glass door. Natatapunan kami ng tingin nung mga dumadaan dahil sa ginagawa ni Lucas tapos ang dilim-dilim pa dito sa resto. Alam ko kung anong tumatakbo sa isip nila. Hello, ano namang nanakawin namin sa resto? Mga rekado na
After the game, nagpahinga muna ang mga players. Kuya Vern and Lucas also sat on the bleachers to have a rest. Me and Quen offered them water and all because we know how nice that game was and how tired they are. Kasama rin namin nanood si Ms. Paola at Sir Patrick, magkasama sila sa bleachers na halos nasa dulo na ng court. Kasama rin nila sa dulo si Ate Aya, Kuya Vern’s fiancée. Takot daw silang mataamaan kaya pinili nilang doon na lang manood kanina. Kami ni Quen? Wala kaming pake sa bola. Maraming nanood sa biglaang game nina Kuya and all of them are their batchmates. Kami lang ni Quen ang saling kitkit dito. Ang saya lang talaga manood kapag sobrang galing ng mga players. Hindi ko na nga halos makita ang bawat galaw nung iba dahil focused ako kay Kuya and Lucas. Pero napansin ko naman na magaling
Tahimik kaming nagdadasal ni Lucas at hindi muna binibigyang pansin ang isa't isa. Bukod sa pagpapasalamat, at paghingi ng tawad sa Diyos, pinagdasal ko na rin Candice at Baron, at syempre iyong baby na nasa tiyan niya. Wala naman kasalanan iyong bata. At kayang-kaya naman iyong buhayin ni Candice dahil mayaman sila. Wala akong nakikitang mali para gawin niya 'yun sa baby niya. Kung hindi niya gustong alagaan, ipa-ampon na lang niya."If you ever find the right man for you, where do you want to share your vows together?" basag ni Lucas sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sasagot na sana ako nang bigla siyang magsalita muli. “Actually, the right man is already beside you.”“Wow ha,” sabi ko sa kanya dahilan para mapatawa siya. “You’re right. Where do I really want to get mar