Share

Chapter 06

"Anong nangyari dito?" bungad na sabi ni Quen nang ibigay ko sa kanya 'yung suit coat ni Lucas.

Aksidente iyong nalagayan ng acrylic paint kaya't gano'n na lamang ang reaksyon niya. Hindi naman sobrang lala nung nangyari sa coat ni Lucas, nalagyan lang ng acrylic 'yung dulo ng sleeve pero nakakahiya pa rin lalo na't hiniram ko lang ito sa kanya.

Hindi ko napansin na nalagyan 'yun ng acrylic paint dahil drama queen ako that time, kaya paano ko mapapansin? Busy ako sa pag-iyak, hello.

"Ano... may pag-asa pa bang maalis 'yan?" aniko bago ako mapakagat sa aking ibabang labi.

"Volleyball player ako, hindi painter. Anong alam ko d'yan?"

"Quen naman, e!"

"I'm serious," natatawa nitong sabi. "Hindi basta-basta ang suit nitong si Lucas kaya I'm sure mahal 'to."

Dagdag pa ni Quen habang pinagmamasdan ang kaburaraan ko. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Sa halip na pagaanin niya ang loob ko, she just made it worse! Kaloka.

"Baka naman makakaya kong bayaran? Ano kayang klasing suit 'yan? Anong brand?" sunod-sunod kong tanong.

Alam kong bakas sa boses ko ang kaba dahil sa mga tanong na lumabas sa aking bibig.

"Baka sakaling sapat 'yung ipon ko..." I added.

Agad na napa-iling si Quen, halatang namomroblema rin sa nagawa ko. Hindi ko naman kasi sinasadya na malagyan ng acrylics paints ang suit coat niya. Tapos iba't ibang kulay pa ang nalagay sa dulo ng sleeve.

Pwede bang kainin na lang ako ng lupa?

Pinaikot-ikot ni Quen ang suit coat, hinahanap ang brand nito.

Pinapanood ko lang siya habang nakakunot ang noo niya habang ginagawa iyon.

"Tang-" Agad kong pinutol ang pagmumura ni Quen nang mabilis kong hablutin iyon sa kanya. Agad kong sinilip iyong papel na nakatahi ron at halos mawalan ako ng dugo nang makita ko ang brand ng suit coat ni Lucas.

"Gucci..." bulong ko.

Agad kong hinagis kay Quen ang coat na iyon bago ko niyakap ang aking mga tuhod at sumubsob doon.

"Hoy, paano 'to, anong plano mo?"

"Sabihin ko na lang kaya na naiwala ko?"

"Paano kung ipahanap niya? Ipagtanong niya? Nakakaawa naman kung ipapahanap mo 'yung bagay na alam mo kung saan nakatago."

"Kumuha ka na lang ng shovel," aniko.

"Shovel? Pala? Aanhin mo ang pala, Nathalia?"

"Simulan mo nang maghukay at ilibing mo na 'ko ng buhay. Wala akong pambayad diyan..." sabi ko sa kanya habang nakasubsob pa rin sa aking mga tuhod.

Paano pa kapag nalaman 'to ni Mama? Siguradong sermon na naman ang matatanggap ko ron. Atsaka, biruin mo ba naman ang brand ng suit coat nitong si Lucas. Eh mukhang tuition fee ko na ata ng ilang taon iyong coat niya. Wala naman akong ganun kalaking pera, 'yung scholarship na natatanggap ko buwan-buwan e para din dito sa pagkokolehiyo ko.

"Bakit hindi mo subukang magtanong sa mga kasamahan mo sa art studio? Malay mo, alam nila kung anong pwedeng makatanggal d'yan."

Naramdaman ko ang pag-abot sa'kin ni Quen nung suit coat kaya't agad akong tumunghay. Tinanggap ko iyon bago ako huminga nang malalim at tumayo. Wala talaga akong pambayad dito, at wala rin akong alam na dahilan para hindi na 'to makita ni Lucas. Ingat na ingat pa naman ako nung nilabhan ko tapos malalagyan lang ng acrylic.

Napaka-tanga ko naman kasi!

Iniwan ko 'yung bag ko kay Quen bago ako dumiretso sa building C.

Hindi ko alam kung may tao pa ron dahil kadalasan ay hanggang ala-singko lang ang mga students sa 4th floor, sa art studio.

Halos lumawit na ang dila ko nang maabot ko ang pang apat na palapag ng gusali. Hindi ko maintindihan kung bakit naglagay pa sila ng elevator sa building na 'to kung hindi naman para sa lahat. They said that elevators are for our professors only, no students allowed, depende kung emergency.

Nang makarating ako sa pinto ng studio, agad akong kumatok bago ko iyon binuksan. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sakin si George. Dahan-dahan akong pumasok nang makita ko siya, pero agad niya rin akong nilingon nang marinig niya ang pagsara ng pinto.

"N-Nathalie?" aniya.

"Uy, George. U-Uhm, kumusta?" utal kong sabi nang binati niya ako.

Bumaba ang tingin ko sa braso niya at kahit mahaba ang sleeve ng damit niya, pansin ko pa rin ang benda na nakabalot sa braso niya. Napansin ko rin na may hawak na paint brush ang injured niyang kamay.

Hindi ko alam kung alam na niya na ako ang pinili ng school na pumalit sa kanya kaya't ganun na lang ang naging reaksyon ko.

"Medyo ayos na," malamig niyang sagot sa akin bago niya tapunan ng tingin ang sariling braso.

I gave him a forced smile, bago ako nagpanggap na may hinahanap sa lamesa na nasa unahan.

"U-Uh Nathalie," dagdag niya.

"Hm?" Tumaas ang pareho kong kilay at ngumiti sa kanya.

"I heard that you're the one who'll represent our school in the upcoming competition. Akala ko nga hindi ka papayag..." aniya.

"Hindi pa rin naman ako sigurado, George, 'yung list na nasa ibaba, hindi pa sigurado 'yon."

Kumunot ang noo niya at dahan-dahan na tumayo. Humigpit ang hawak ko sa coat ni Lucas bago ako bahagyang tumawa.

"Wag kang mag-alala, may isang araw pa 'ko para magdesisyon, susubukan ko naman makapunta."

Nilingon niya ako.

"Mahalaga ang competition na 'to sa school natin, Nat. Save our reputation the way I save it when you chose to leave us," he said, with teary eyes.

Natigilan ako. Hindi ako nakapagsalita at tila ba umatras ang dila ko. Bakas sa mga mata niya ang pagsisisi, at alam kong nagulat din siya sa salitang nabanggit niya.

Tama naman siya.

Siguro kaya bigla akong natahimik kanina ay dahil tama naman ang sinabi niya. Ako talaga ang representative ng university na 'to ng ilang taon pero nang malaman iyon ni Mama ay agad akong umalis bilang representative at si George ang sumalo sa pwesto ko.

Wala akong choice nung mga panahon na yon, kailangan kong sundin ang gusto ni Mama.

Nagulat ako nang ilahad niya ang kanyang palad sa harap ko, hawak ang isang paint brush.

"Goodluck to you," ani George.

Agad kong tinanggap yung paint brush na inaabot niya at balak ko sanang makipagkamay at magpasalamat pero agad din niyang nilisan ang silid.

Nang nilisan niya ang silid ay agad na lumuwag ang lalamunan ko, nawala ang paninikip ng dibdib ko.

Matagal kaming hindi nag-usap ni George, simula nung tumigil ako sa pagsali sa competition. Kapag nagkakasabay kami dito sa studio, kahit pagtatama ng aming mga mata ay hindi ko nagawa.

Dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa brush na binigay niya sakin bago ko iyon nilapag sa lamesa na nasa harap ko. Mas importante sa'kin si Mama, matalo na ang university namin pero hindi ko kakayaning mas tumagal pa ang hindi namin pag-uusap ni Mama.

Tinapunan ko ng tingin ang suit coat ni Lucas, wala na 'kong mapagtatanungan dahil ako na lang ang laman ng kwartong ito. Lalabas na sana ako nang may biglang humarang sa daan ko. Bumungad sa'kin ang itim na sapatos at habang iniaangat ko ang paningin ko ay pa-formal nang pa-formal ang suot niya.

"L-Lucas!?"

He chuckled.

"Bakit gulat na gulat ka?" nakangiti niyang tanong pero hindi ko magawang makasagot.

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakataas ang mga kilay ko.

"Anyway, Quen told me you're here. Dala mo ba 'yung coat ko?" dagdag pa niya.

Nang marinig ko 'yun ay agad ko iyong tinago sa aking likuran at muling nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Kumunot ang noo niya bago siya lumapit pero umatras ako at mas tinago pa iyon sa likod ko.

"Nathalie..."

"Lalabhan ko pa kasi siya. Nakakahiya naman kung isosoli ko sa'yo nang marumi," palusot ko.

"It's okay, ako na ang bahala."

Hahablutin na sana niya iyon nang bigla akong umatras.

"Isosoli ko kaagad sa'yo bukas na bukas. Kailangan ko lang talaga siyang malabhan mamaya," muli kong palusot.

"You don't have too," he chuckled. Muli niya iyong hinablot sa akin and this time, he succeeded.

"Lucas—"

Wala na 'kong nagawa at basta na lang natigilan nang makuha niya iyon sa'kin. Saglit niya lang iyon tinapunan ng tingin bago ako tingnan.

"Ayos ka na ba? Do your cramps still bother you?"

Hindi ko magawang pansinin ang gwapo niyang boses at mukha dahil sa takot na baka makita niya 'yung stain sa suit coat niya.

"Ano bang tinitingnan mo?"

"Ah wala, wala." Aniko.

Lalong nanlaki ang mga mata ko nang inangat niya iyon at pinagmasdan ang buong parte ng coat niya.

"Ang ganda kasi ng tela kaya—" he cut me off.

"What's this? Is this paint?"

Mariin akong napapikit bago ako napakagat sa aking labi. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tinapunan siya ng tingin. Seryoso siyang nakatingin sa'kin habang nakaangat ang suit at pinapakita sa akin.

"Lucas, sorry, hindi ko talaga sinasadya na malagyan ng paint 'yung suit mo. Hayaan mo't pagiipunan ko para mabayaran ko sa'yo," nangangatal kong sabi.

Mukhang sa murang edad ay mababaon na agad ako sa utang. Agad niya akong tinawanan bago siya lumapit at akbayan ako.

"Actually, I like it."

Nang marinig ko iyon at tila ba sumigla ang mga mata ko pero hindi pa 'ko kontento sa sinabi niyang yun.

"Y–You like it?" sambit ko, nakangiti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status