"P-pinagsasabi mo riyan? Haha. A-anong wala? Eh, ikakasal pa nga siya, 'di ba? Jino-joke time mo naman ako, dzae. Kung joke 'to, puryagaba ang iyong joke. Kaya huwag kang magbiro ng ganiyan, ha?" Hinawakan ko ang mga kamay niya pero isang tingin nang pagsimpatya lang ang nakita ko sa mga mata niya."Leigh, dzae, h-hindi ako nagbibiro. Wala na talaga siya. Nagpunta ang mga pulis dito para ipaalam kina ma'am at sir iyon. Nasa hospital din sila ma'am at sir. At iyong mga pulis naman nagsimula ng mag-imbestiga."May mga sinasabi pa si Luisa pero hindi ko na siya marinig dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi rin ako makapag-isip ng tama. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko ring pumunta sa hospital. Gusto kong makita kung siya nga ba iyon. Paano kung hindi? Paano kung nagkamali sila? Baka ibang tao iyon? Luminga-linga ako sa paligid, naghahanap ng masasandalan o makapitan. Dahil pakiramdam ko ay nanghihina na ang aking binti."Okay ka lang ba?" Rinig ko mula sa kung kanino. U
Read more