Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay nakarating din kami sa venue. "Miss Ma'am! Pasok na po tayo." Tila nagmamadaling lakad nito patungo sa paanan ng hagdanan para alalayan ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin."Oh, oh. Huwag mo naman akong tignan ng ganiyan, Miss Klare. Nagtatrabaho lang 'yong tao, eh." He pouted, averting his gaze while whistling.Gagi, trabaho nga, pero mahihimatay naman ako."Alas-otso pa naman 'di ba? Eh, alas-siyete pa nga noong umalis tayo sa bahay.""Eh, kasi po. Sa orasan ni Boss Xavier iyong alas-otso ay alas-siyete."Napa-ha naman ako sa sinabi niya. Napakamot naman siya sa ulo niya at inabot ang kamay niya."Tara na?" Aya niya. Bumuntong-hininga ako at inabot din ang kamay niya. He straightened his back. "Ready ka na ba maging Mrs. Sarmiento?""As if may choice ako?" Humalakhak naman siya.Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pintuan. Halos naman mangatog ang mga binti ko sa namataan. May mga armadong lalake sa gilid ng premise. Mayroon ding mga nak
"Tita Solenn?" Bulong ko habang hinahayaang bumuhos ang luha ko. Hindi naman kami close, hindi nga niya ako gusto, eh. Gayunpaman, hindi ko mapigilang mapaluha. At last may pamilyar na tao rin akong nakita ngayon. Parang lahat ng nararamdaman ko na tinatago ko kahapon ay kumakawala na ngayon. "Klare!!" Dramatikong sigaw niya habang akmang tatakbo sa aisle pero may nagpaputok eksakto sa harapan ni tita Solenn. Napasinghap naman ako at tiningnan si Xavier na walang buhay na tumingin sa may pintuan."Dad?" Bulong ko. "Klare!" Sigaw niya na nagpatigil sa akin.Klare? Both of them called me Klare. Ano nagka-amnesia ba sila at tinatawag nila akong Klare? I mean, I was planning to live as Klare para malaman ang katotohanan sa likod ng aksidente kuno, pero natatakot na rin ako. I think I can't do this. Hindi ko 'ata kayang magtagal sa pamamahay ng Sarmiento. Ilang patayan pa ba ang masasaksihan ko? Please, tita Solenn and dad. Please get me out of here. Please.Kahit abusuhin ninyo ako sa
"Listen, Leigh... Ipagpapatuloy mo ang pagpapanggap na ikaw si Klare. Because it's the only way we can gather evidence. Evidence that would ensure himself a lifetime imprisonment," he added."May kinalaman ba talaga si Xavier sa pagkakaaksidente kay Klare? Siya...siya ba ang pumatay kay Klare?" Nag-aalinlangan kong tanong.Napansin ko ang tahimik na pagtitigan nilang dalawa. Bumuntong-hininga si Tita Solenn."The investigation led us to him. Pero alam namin na he could manipulate everything. Kaya hindi na namin isinapubliko ang mga nalalaman namin kahit sa mga pulis. Dahil we know that he has a connection. At kung magsumbong kami we might end up dead. Hindi siya basta-basta and I know you know already what I mean?" Makahulugang saad ni Tita Solenn. Napalunok naman ako."So, anong gagawin ko?" Mahina kong saad."Marry him. Care for him. Make him believe that you are a person whom he can trust. If you could take a video as an evidence, then better. There would be times that he needs to
"You're getting married?!" Agad kong tinakpan ang bibig ko nang mapagtantong napalakas pala ang boses ko. While she just looked at me, amused. She elegantly put the coffee down at mahinhin na tumawa. "Alam ba 'to ni dad? How about your mom? Sumang-ayon ba siya riyan?" I asked. Alam ko kasi kung gaano kamahal ni Tita Solenn si Klare. Halos hindi nga ito makaalis ng bahay kung hindi niya nakikita si Klare na maayos ang kalagayan. Kahit konting init lang ng kaniyang noo ay para bang kung ano ng klaseng sakit ang dumapo sa kaniya at pagbabawalan ng umalis ng bahay. She's my half-sister, Klare Cabrera, the one and only daughter of Richard and Solenn Cabrera. At least iyon ang sabi ng media. Dahil iyon naman ang pinalabas nila. Ang totoo ay may isa pang anak si Richard Cabrera. His child out of wedlock. At, oo, ako iyon. Nakakahiya naman kung ipalabas pa nila na may anak si dad sa labas 'di ba? Lalo pa na isa sila sa mga prominenteng pamilya sa bansa. It would only taint their name
"P-pinagsasabi mo riyan? Haha. A-anong wala? Eh, ikakasal pa nga siya, 'di ba? Jino-joke time mo naman ako, dzae. Kung joke 'to, puryagaba ang iyong joke. Kaya huwag kang magbiro ng ganiyan, ha?" Hinawakan ko ang mga kamay niya pero isang tingin nang pagsimpatya lang ang nakita ko sa mga mata niya."Leigh, dzae, h-hindi ako nagbibiro. Wala na talaga siya. Nagpunta ang mga pulis dito para ipaalam kina ma'am at sir iyon. Nasa hospital din sila ma'am at sir. At iyong mga pulis naman nagsimula ng mag-imbestiga."May mga sinasabi pa si Luisa pero hindi ko na siya marinig dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi rin ako makapag-isip ng tama. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko ring pumunta sa hospital. Gusto kong makita kung siya nga ba iyon. Paano kung hindi? Paano kung nagkamali sila? Baka ibang tao iyon? Luminga-linga ako sa paligid, naghahanap ng masasandalan o makapitan. Dahil pakiramdam ko ay nanghihina na ang aking binti."Okay ka lang ba?" Rinig ko mula sa kung kanino. U
A sudden movement woke me up."Shit! Ba't ba kasi lubak-lubak ang daan dito?! Sana pinagawa na lang talaga ni boss Xavier 'to, eh. Kuripot talaga!" Reklamo ng lalake nang umuntog na naman ang sasakyang minamaneho niya. Gusto ko sana siyang murahin pero nanghihina pa rin ako. May pinaamoy kasi siya sa akin kanina dahilan para makatulog ako. Ang ingay ko raw kasi. Eh, na-kidnap ako, paanong hindi mag-iingay? Imumulat ko na sana ang mata ko nang biglang tumunog ang cellphone niya kaya muli akong pumikit. Mainam na magtulog-tulugan muna ngayon at maghintay ng pagkakataong makawala rito. "Where are you? Did you bring her with you?" Untag ng nasa kabilang linya. The guy sighed, " Atat na atat, boss, ah. Chill ka lang diyan. Kasama ko na mapapangasawa mo. Tulog pa nga lang sa ngayon," sagot nito. Mapapangasawa? Ito ba ang mapapangasawa ni Klare? Ilang minuto silang nanahimik. Akala ko nga noong una ay pinatay niya na ang selpon, ngunit hindi naman pala. "Okay. Just make sure that sh
Klare Cabrera has never been interested in being a politician or an actress. As she dislikes being in a spotlight. Hindi rin siya pinapalabas noong mga bata pa kami, kung lalabas man ay parati siyang nagsusuot ng shades. Hindi rin naman nagrereklamo ang mga magulang niya, bagkus ay inirerekomenda pa nga iyon ni dad. Noong bata pa kasi kami ay grabe ang mga death threats na pinapadala kay papa. He's worried about Klare. Kaya as much as possible hindi niya talaga pinapalabas si Klare. Umabot pa nga sa ibang events ay ako ang dinadala nila at pinapasuot lang nila ako ng shades. Kuhang-kuha ko naman ang tindig at halos lahat ng galaw ni Klare. Siguro ang hindi ko masyadong makuha ay kung gaano kahinhin ang boses niya. Hindi tulad sa akin na para bang may built in microphone ang bibig. Noong una natutuwa pa ako dahil akala ko hindi na niya ako ikinakahiya. I was happy because finally he's being a good father to me. Kasi nga ay pinapalabas na niya ako kasama siya. Pero kalaunan ay napagta
Sa gabing iyon ay hindi ako makatulog. Bukod sa nasa ibang pamamahay ako at masasamang tao ang kasama ko. Hindi ko rin maiwasang mabagabag sa mga narinig ko kanina mula sa butler. Base sa sinabi niya ay wala naman 'ata silang balak na saktan ako which is good news sa akin. Akala ko magiging battered wife ako. Teka lang! Hindi pa naman kami kasal. Umiling-iling ako sa naisip saka nagtaklob sa kumot. Nakaka-distract din kasi iyong pulang umiilaw sa kamera. Ang sabi niya kanina ay kailangan ko lang daw manahimik sa anim na buwan. Ano bang meron sa anim na buwan? Ba't anim na buwan pa? Ba't hindi na lang bukas makalawa nila ako palayain? Tsk. Bakit?! At bakit parang ang issue naman nila kay dad. Binibilog daw sila. Eh, sila mismo ang bumibilog sa mga ulo nila. Ayaw nilang maniwala sa aking hindi ako si Klare. Argh! Kainis! Mukhang masta-stuck pa 'ata ako rito ng anim na buwan. Ano rin kaya ang relasyon o koneksiyon meron si dad sa pamilyang ito? Utang? Utang lang naman ang dahilan kun