Share

Chapter 3

A sudden movement woke me up.

"Shit! Ba't ba kasi lubak-lubak ang daan dito?! Sana pinagawa na lang talaga ni boss Xavier 'to, eh. Kuripot talaga!" Reklamo ng lalake nang umuntog na naman ang sasakyang minamaneho niya.

Gusto ko sana siyang murahin pero nanghihina pa rin ako. May pinaamoy kasi siya sa akin kanina dahilan para makatulog ako. Ang ingay ko raw kasi. Eh, na-kidnap ako, paanong hindi mag-iingay? 

Imumulat ko na sana ang mata ko nang biglang tumunog ang cellphone niya kaya muli akong pumikit. Mainam na magtulog-tulugan muna ngayon at maghintay ng pagkakataong makawala rito.

"Where are you? Did you bring her with you?" Untag ng nasa kabilang linya.

The guy sighed, " Atat na atat, boss, ah. Chill ka lang diyan. Kasama ko na mapapangasawa mo. Tulog pa nga lang sa ngayon," sagot nito.

Mapapangasawa? Ito ba ang mapapangasawa ni Klare?

Ilang minuto silang nanahimik. Akala ko nga noong una ay pinatay niya na ang selpon, ngunit hindi naman pala. 

"Okay. Just make sure that she won't escape again." Then it beeped.

Escaped? Bakit? Nagkita na ba—Shems! Oo nga pala. Papauwi na si Klare nang maaksidente siya. Pero impossible naman iyon. Klare is his soon-to-be wife.  Kaya bakit sinabi niyang tumakas si Klare? Possible kayang may kinalaman sila kung bakit naaksidente si Klare? Baka kaya nagpunta si Klare sa bahay ng lalake ay para sabihing ayaw niyang magpakasal sa kaniya? Pero umayaw ang lalake? Pwinersa kaya siya? Kaya wala siyang choice but to run away? Pero... Why would this handsome looking butler guy would mistaken me as Klare kung ganoon ang nangyari. I mean, we have similarities pero hindi naman kami identical twin na ganoon na lang kapareho. We're not twins to begin with. At hindi ba sila informed sa balita? 

Iminulat ko nang kaunti ang aking mata para tignan kung ano na ang ginagawa niya.

"Tsk. Napaka-cold talaga ng lalakeng 'to, oo, saan kaya siya ipinaglihi? Nako, miss, kawawa ka talaga sa asawa mo. Mukhang araw-araw ka lalamigin," biro nito sabay humalagapak ng tawa. Napalunok naman ako ng laway nang marinig iyon. Alam kaya niyang gising na talaga ako? Ah, bahala na. Hindi ko siya kikibuin.

"Alam kong gising ka na Miss Klare. You don't have to act," bumuntong-hininga siya. "And I'm not gonna lower my guard, Miss Klare. If you're thinking that you can escape any time soon, then you are mistaken. I'll be fucked up if I'll let you escape again. Hays, mapapatay na talaga ako ni Xavier kapag naulit pa iyon," napangiwi pa siya na para bang may inaalala." So, Miss Klare—"

"Hindi ako si Klare..." I mentally slapped myself when I finally gave in. Tinignan lang ako ng lalake sa rear-view mirror. "I don't know kung alam niyo ba pero may isa pang anak si Congressman Cabrera at ako iyon... Hindi ako si Klare. Kung siya iyong hinahanap niyo, naaksidente siya. Pero s-sabi nila hindi raw iyon si Klare kaya... "

"I know."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Alam niya but he still addressed me as Klare. 

"I think may hindi pagkakaintindihan dito. Kailangan kong makausap ang amo mo."

He looked at me and sighed. "Doon naman talaga tayo papunta."

*****

I was looking at the huge entrance door of his so-called room. Nakaupo ako ngayon sa lounge kung saan nasa labas ng kwarto ng mapapangasawa ni Klare. I sat quietly there while my eyes were exploring everything inside. May mga pigura rin sa bawat sulok dito, pigura ng mga tao pero parang hindi naman sila bantog. Hindi rin naman ito isa sa mga gods and goddesses kaya wala akong ideya kung sinu-sino sila. 

Napatayo ako sa gulat nang bumukas ang pinto. And reveals a man with his stoic expression. Binagtas niya ang espasyo sa pagitan namin. Napalunok naman ako ng laway nang mapagtanto kung gaano katangkad ang lalakeng ito. He's actually towering over me. 

Walang buhay niya akong tinitigan. Tinitigan ko naman siya pabalik. Akala niya matatakot niya ako, hindi. Titigan challenge pala gusto nito, eh. Pero wala pa nga lang segundo ay parang nalulula na ako. Wala naman siyang ginawa pwera sa pagtitig sa mga mata ko pero hindi ko alam para bang nahihirapan ako sa paghinga habang tinitigan din siya pabalik. Sobrang lalim ng kaniyang mata ngunit wala namang kung anong emosyong mababakas roon. Nakaka-intimidate.

"Siya si Klare, boss." Parang nabunutan ako ng tinik nang magsalita iyong butler.

Lumingon naman ang lalake sa kaniya. "Pero sabi niya hindi raw siya si Klare," dagdag pa ng butler. 

Huminga ng malalim ang lalake saka binagsak ang sariling katawan sa couch. " Now, tell me... What's your reason this time, milady?"

Ihhhhhh!!! My lady?! Gagi! Milady, milady?!

Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"H-hindi ako si Klare. Nagkakamali kayo. Hindi ako si Klare, dahil ako ang kapatid ni Klare. Anak ako sa labas, okay? At si Klare naaksidente siya. Hindi ba ninyo iyon napanood sa balita?" Nakita ko ang pagtagilid ng ulo ng butler, animo may iniisip. "Naibalita na 'ata iyon ngayon. Our dad, Mr. Cabrera, is a well-known and respected politician dito sa Pilipinas kaya I'm sure hindi nila palalampasin ang nangyaring ito. You can check the television." Nahuli kong bahagya siyang natawa sa parteng tanyag at nirerespeto si dad sa bansa.

"We don't have television," simple niyang sagot.

Napamaang naman ako sa sinabi niya. Ha? Ano raw? Wala silang TV dito. Sabagay wala nga akong nakitang telebisyon doon sa sala nila. Pero seryoso? Bakit?Sa laki ng bahay na ito ay walang TV?! 

"I have my assistants to deliver important information to me." Nakatitig niyang saad sa akin as if sinasagot ang tanong sa isipan ko. "Why the need of television when most of the informations are manipulated?"

Wow, grabeng trust issues din pala ang mayroon ang lalakeng ito.

Tumikhim ako.

"Ask your assitants to do background check,then."

"We did. Several times."

"Oh, ibig sabihin alam niyo na? Alam niyo na may ibang anak si Mr. Cabrera? At hindi ako si Klare."

"Yes."

"Yes?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Yes? O tapos? Bakit pa rin nila ako kinuha?

"Ano?!"

Desperado kong saad ngunit parang hindi naman siya nakikinig. He's looking at me but I know his not paying attention to what I am saying.

"I know. And I know what you are trying to do. You are trying to fool us. Kahit ang totoo ay ikaw naman talaga ang totoong Klare. The lady who died in the accident was no other than your half-sister. He would go that far. I know 'cause he's a monster. I have witnessed it. At hindi na rin ako magtataka kung pumayag ka sa plano ng ama mo. After all, it runs on your blood."

Hindi niya naman kailangang ipamukha sa akin na walang halaga ang buhay ko. Dahil alam na alam ko na noon. Sanay na ko. Gayunpaman, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng inis sa sinabi niya.  Hindi lang dahil ipinamukha niyang wala akong halaga sa buhay ng ama ko. Pero dahil hind siya nakikinig sa paliwanag kong hindi ako si Klare.

"And if you'll run your mouth again saying that you are not Klare. Then, I'd be forced to punish you, milady."

"You don't have to worry, though. I'm good at giving punishment." Bigla siyang ngumisi at agad din namang sumeryoso ang mukha niya. Kinilabutang tuloy ako bigla.

Argh! Bakit ba 'to nangyayari? Paano ba at nasa ganitong sitwasyon ako ngayon? Ano bang dapat kong gawin para paniwalaan nila ako?! Shemayyy!!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status