Share

Chapter 2

"P-pinagsasabi mo riyan? Haha. A-anong wala? Eh, ikakasal pa nga siya, 'di ba? Jino-joke time mo naman ako, dzae. Kung joke 'to, puryagaba ang iyong joke. Kaya huwag kang magbiro ng ganiyan, ha?" Hinawakan ko ang mga kamay niya pero isang tingin nang pagsimpatya lang ang nakita ko sa mga mata niya.

"Leigh, dzae, h-hindi ako nagbibiro. Wala na talaga siya. Nagpunta ang mga pulis dito para ipaalam kina ma'am at sir iyon. Nasa hospital din sila ma'am at sir. At iyong mga pulis naman nagsimula ng mag-imbestiga."

May mga sinasabi pa si Luisa pero hindi ko na siya marinig dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi rin ako makapag-isip ng tama. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko ring pumunta sa hospital. Gusto kong makita kung siya nga ba iyon. Paano kung hindi? Paano kung nagkamali sila? Baka ibang tao iyon? 

Luminga-linga ako sa paligid, naghahanap ng masasandalan o makapitan. Dahil pakiramdam ko ay nanghihina na ang aking binti.

"Okay ka lang ba?" Rinig ko mula sa kung kanino. Umiling-iling ako at lumayo sa mga tao.

Ayaw kong marinig ang mga boses nila. Ayaw kong marinig ang usapan nila tungkol kay Klare. Hindi iyon totoo. Dahil imposibleng patay siya. Imposible.

Hindi ko na makita nang mabuti ang dinadaanan ko. Dahil malabo na ang mata ko dahil sa pag-iyak. Hindi ko na nga alam kung saan ako papunta. Ang narinig ko na lang ay ang matinis na sigaw ni Luisa at ang sakit dahil sa pagkakauntog ng noo ko sa kung anong matigas na bagay. And the next thing I knew was that I was barely breathing or should I say drowning.

***

"Gising ka na ba?" bungad ni Luisa sa akin. Dahan-dahan akong umupo sa kama. Mabigat ang pakiramdam ko at parang may bumabara rin sa lalamunan ko. Mukhang lalagnatin nga ako. Dinapo ko ang aking palad sa noo ko nang may makapa ako roon.

"Hala! Ano 'to?" Tanong ko sa kaniya habang mahinang hinawakan ang bukol na nasa noo ko.

"Bigla kang nag-panic kanina tapos nahimatay malapit sa pool nang...ahm...malaman mo 'yong nangyari kay ma'am Klare," sagot nito.  Tila binuhusan naman akong ng isang baldeng malamig na tubig. Napabalikwas ako nang maalala ang nangyari kay Klare. Tila dumilim pa nga ang paningin ko dahil sa biglang pagtayo ko, kaya inalalayan ako ni Luisa.

"Dzae, magpahinga ka muna," pigil niya sa akin.

"Hindi... Si...Klare...," nanghihina kong saad. Pinaupo ulit ako ni Luisa sa kama at dahil masama ang pakiramdam ko ay napaupo nga ako roon. 

"Si Klare..." Hikbi ko habang kinukulong ang mukha ko sa aking mga palad.

"Leigh, dzae. Magpahinga ka muna. Nandoon naman sila madame at sir, eh," pag-alo niya sa akin habang mahinang hinahagod ang likod ko. "Balita ko rin, hindi raw iyon si ma'am Klare. Hindi naman sa binibigyan kita ng false hope—"

Mabilis ko siyang nilingon. "Hindi... Hindi si Klare iyon?" 

"H-hindi pa ako sure. Iyon lang ang narinig ko kanina. Wala raw kasi iyong bracelet na ibinigay ni ma'am Solenn kaya nagpa-request na magsagawa ng test." 

Guminhawa naman ang pakiramdam ko sa sinabi ni Luisa. Wala pa man ang resulta pero sigurado akong hindi iyon si Klare. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na buhay pa siya, buhay pa si Klare.

"Nakauwi na ba sila?" tanong ko.

"Oo, pero mukhang aalis ulit." Tumango ako sa kaniya at dahan-dahang tumayo. Hinawakan ni Luisa ang kamay ko para paupuin uli. 

"Okay lang, dzae. May itatanong lang ako sa kanila." Mahina kong tinapik ang kaniyang braso at ngumiti. Bumuntong-hininga naman siya at hinayaan na akong dumaan sa harap niya.

Hindi nakakonekta ang maid's quarter sa mismong bahay. Kaya kailangan ko pang maglakad ng ilang minuto bago makapasok sa bahay. Pagpasok ko sa sala ay tahimik na. Wala na rin ang mga pulis. Nasaan kaya sila ngayon? Mahina akong naglakad papunta sa office ni dad. Todo kapit pa ako sa hagdanan dahil medyo hindi pa talaga maayos ang pakiramdam ko.

Nasa ikatlong hakbang pa ako nang matanaw ko si dad sa tuktok ng hagdanan. 

"Dad," sambit ko.

"Anong ginagawa mo rito? Sabi nila, nag-collapse ka raw kanina." Concern ba siya? Ba't parang curious siya at tunog concern din.

"Ayos lang—"

"Buti na lang hindi ka nakita ng mga pulis. Nang mahulog ka sa pool ay si Luisa na ang tumulong sa iyo. Tsk. Baka ano pa ang isipin nila kapag nakita ka ng mga pulis," putol niya pa sa sasabihin ko. 

Ahh, ganoon pala 'yon. Iyon pala ang iniintindi niya. Hahaha. Ano pa nga ba? Hahaha. Gaga ka talaga, Lei. Syempre, iyon ang pinag-aalala niya. Lalo pa't halos lahat ng traits ko ay nakuha ko sa kaniya. Ang hugis ng mukha, ilong, bibig. Halos parang pina-carbon copy lang. Ang hindi ko lang naman nakuha sa kaniya ay iyong mata ko. Medyo singkit si dad, samantalang parang mala-manika naman iyong kay mama. Pero masasabi talaga kung sino mang  makakakita sa amin na anak niya ako. At iyon ang inaalala niya, ang may ibang makaalam na may iba pa siyang  anak. 

Bumuntong-hininga ako at tinignan siya sa mata.

"Don't worry, dad. Walang nakakitang pulis o ibang tao sa akin." Hindi nakaligtas sa akin ang pag-asim ng kaniyang mukha nang marinig ang salitang 'dad' mula sa akin. Ayaw naman talaga niyang tawagin ko siyang dad. Si Klare lang talaga ang nagpumilit na tawagin siyang dad. Ang rason ni Klare ay pareho naman daw kaming anak niya kaya dapat daw tawagin ko rin siyang dad. Dagdag pa niya na sa bahay lang daw naman ako naglalagi at tanging sina Manang Rosing at ang anak niyang si Luisa lang naman ang naririto. Alam na rin nila ang totoo at wala iyong kaso sa kanila dahil mapagkakatiwalaan naman sila.

"Nga po pala, si...si Klare. Balita ko po, hindi raw iyon si Klare?" Tanong ko nang dumaan siya. "H-hindi po iyon si Klare, 'di ba? Sabi ko na nga ba hindi—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bahagya itong natawa.

"Ba't po kayo natatawa?" Huminto siya sa pagtawa at tinignan ako ng masama.

"You think the heaven's on your side?" Humakbang siya pataas hanggang nasa iisa na kaming hagdan. Nalilito ko siyang tinignan.

"Ano pong—"

"Lihim ka sigurong nagdarasal na sana mamatay na ang anak ko, no? Kaya noong nabalitaan mo ang nangyari sa kaniya ay nahimatay ka sa tuwa?"

"Ha? Anong ibig niyong—"

"Tigilan mo ako sa pag-arte mo, Lei. Kapag lumabas na ang resulta ng imbestigasyon at may kinalaman ka. Sisiguraduhin kong ako mismo ang papatay sa 'yo," nangangalaiti niyang saad.

"Tingin niyo may kinalaman ako sa nangyari?" Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko.

"Why not? Ikaw ang huling naglinis ng kotse ni Klare. Who knows? Habang naglilinis ka ay may kinakalikot ka na pala sa sasakyan niya. I would not be surprised kung ikaw man because ever since you've been the jealous child." Matapos niyang bitiwan ang mga katagang iyon ay umalis na siya. Tila natuod naman ako sa kinatatayuan ko. Ako? May kinalaman sa aksidente ni Klare? At bakit naman? Ang tanging ginawa lang naman niya sa akin ay bigyan ako ng pagmamahal. Kaya ba't ko ipagdarasal na mawala ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin. Kung may papatayin man ako, ikaw 'yon dad. 

Huminga ako nang malalim bago tuluyang bumaba sa hagdanan. Nang nasa baba naman ako ay may nag-doorbell naman. Si dad kaya iyon? Eh, kakalabas niya lang, ah? Impossible naman. Baka mga bata? Nilalaro ang doorbell? Napa-iling ako at akma na sanang aalis nang may nag-doorbell na naman. And now, it seems like whoever's ringing it is getting impatient. Kaya nagpasiya na lang ako na magtungo roon at pagbuksan ang kung sino man ang taong ito. A young man greeted me habang hawak ang telepono sa kaniyang tenga at may kinakausap mula rito. He paused, fixing his gaze on me. Pagkatapos ay ibinaba niya ang kaniyang tingin sa kaniyang dalang cellphone. Once satisfied sa kung ano mang itsineck niya sa phone, he then lifted his gaze sabay sabing, "She's here..."

Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. May kakaiba akong nararamdaman pero hindi ko na lang puwedeng pagsarahan siya ng pintuan. Hindi ko alam baka journalist pala ito or something? Journalist? Gagi, siyempre may magpupuntang media rito. Lalo pa ngayon na may nangyari kay Klare at dahil prominenteng pamilya sila ay normal lang na may mag-usisang media rito.

Agad kong tinakpan ang mukha ko. Baka makita ko na lang ang mukha ko sa newspaper dahil dito. Pashneya, baka mahalungkat pa nilang may isa pang anak si dad. O worst baka sabihin nilang nagsisinungaling sila ni dad dahil baka mapagkamalan nila akong si Klare. I mean we share a lot of similarities dahil halos magkamukha lang kami ni dad.  Ang kaibahan lang ay she's an exact copy of him while ako hindi naman lahat dahil hindi ko naman nakuha ang hugis ng mata ni dad.

Isasarado ko na sana ang gate. Bahala nang masabihang walang respeto basta huwag lang nilang malaman ang sikreto ng pamilyang ito. Paniguradong lagot pa ako 'pag nalaman 'to ni dad. Pero nang akmang isasarado ko ito ay bigla niya naman akong hinigit at marahas na tinulak sa loob ng sasakyan. Dahil sa gulat ay hindi ako nakakilos agad. Nakakilos lang ako nang malakas niyang isinara ang pinto ng sasakyan.

"Tulong! Tulong!" Natataranta kong binuksan ang pinto pero hindi ko ito mabuksan. Dahil sa sobrang kaba ay hinampas-hampas ko na ang salamin ng sasakyan. 

Hindi ba siya isang journalist o kasapi ng media?! Shems!! Maki-kidnap na ba ako nito?

"You're just wasting your energy, Miss Klare." 

Klare? Did he just call me Klare?

"Sino ka?! Anong kailangan mo sa akin?! Tulong! Tulong!!" Sigaw ko pa ulit.

"Wala akong kailangan sa iyo. But I know someone who needs you though."

"Sino?! Sabihin mo sa akin kung sino 'yan?! Ha?! Sinong nag-utos sa iyo?!"

"You'll find it soon." A smile crept into his lips and the next thing I knew was that I was kicking the behind of his chair while screaming on top of my lungs.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status