"You're getting married?!"
Agad kong tinakpan ang bibig ko nang mapagtantong napalakas pala ang boses ko. While she just looked at me, amused.
She elegantly put the coffee down at mahinhin na tumawa.
"Alam ba 'to ni dad? How about your mom? Sumang-ayon ba siya riyan?" I asked.
Alam ko kasi kung gaano kamahal ni Tita Solenn si Klare. Halos hindi nga ito makaalis ng bahay kung hindi niya nakikita si Klare na maayos ang kalagayan. Kahit konting init lang ng kaniyang noo ay para bang kung ano ng klaseng sakit ang dumapo sa kaniya at pagbabawalan ng umalis ng bahay.
She's my half-sister, Klare Cabrera, the one and only daughter of Richard and Solenn Cabrera. At least iyon ang sabi ng media. Dahil iyon naman ang pinalabas nila. Ang totoo ay may isa pang anak si Richard Cabrera. His child out of wedlock. At, oo, ako iyon. Nakakahiya naman kung ipalabas pa nila na may anak si dad sa labas 'di ba? Lalo pa na isa sila sa mga prominenteng pamilya sa bansa. It would only taint their name.
At paano naman ako napunta rito sa mansiyon nila. It is because of my mother. She blackmailed my dad; kung hindi niya ako patitirahin at papaaralin ay ipagsisigawan niya raw sa buong mundo na he cheated and had a child. Napakasama ng ugali, hindi ba? Dahil ayaw niya sa responsibilidad ay ibinigay niya ako sa ama kong hindi rin naman ako tanggap. Pero wala rin siyang choice dahil pangalan na niya ang nakataya kaya he agreed. Pero hindi kailan man sumang-ayon ang asawa niya, ang legal na asawa niya. Pero wala rin itong nagawa sa huli. Kaya ngayon nandito ako sa magarbong garden ng Cabrera, nagkakape kasama ang half-sister ko.
"They were the ones who arranged this marriage," she sipped. "At least that's what I heard."Tahimik lang akong naghihintay. Baka kasi may idudugtong pa siya. Napahalakhak tuloy siya nang makita ako.
"Anong nakakatawa?" tanong ko.
"Your reaction. Hahaha. It's hilarious!" Tumawa pa siya ulit.
"Hilarious, hilarious ka riyan! Seryoso kasi. Anong sila ang nag-arrange? You mean, arranged marriage? Iyong katulad sa mga telenovela?" Sunod-sunod kong tanong. Kinalma muna ni Klare ang sarili bago nagsalita.
"Yes, alam muna merging ng business," suminghap siya. "In this field, Lei. If you want to expand your business, marriage is one of the key," seryoso niyang saad.
"Expand? Hindi pa ba sapat mga business niyo rito sa Pinas? Iyong mama mo naman kahit may edad na ay sikat pa rin naman at active pa rin sa showbiz. So, hindi ko nakikita kung saan kayo nagkulang ng pagkukunan ng pera." Kuryoso kong tanong. A frown crosses her lips pero agad din naman siyang ngumiti para itago iyon. Malas lang niya dahil malaki mata ko. Kitang-kita ko iyon.
"Hindi mo siguro 'to paniniwalaan, Lei. Pero there was a time na halos ma-bankrupt na kami. Humiram si dad ng pera sa friend niya. Hindi sila nag-demand na bayaran agad. Hindi rin nila kami pine-pressure noon. Kaya nag-assume sila mom and dad na maaari lang nila bayaran kung kailan nila gusto. Pero..."
"Pero?" tanong ko.
"Last month, nakipagkita ang anak ng friend ni dad at doon lang nalaman ni dad na sobrang laki na ng utang namin dahil na rin sa interest. The jerk demanded that we should pay it in full, as soon as possible. Pero kahit ibenta pa namin lahat ng ari-arian namin, hindi talaga kaya. Kailangan pa naming umutang sa iba para mabayaran ang utang namin. That jerk knew na hindi namin kaya. So he proposed that he'll marry me instead."
"Hala...baka stalker mo 'yan?""Right?" Bahagya siyang natawa sa sinabi ko pero agad ding sumeryoso.
"Pero you know naman ayaw ni mom na mahiwalay ako sa kaniya, 'di ba? Pero dad told mom na mame-merge raw ang business namin, which is p-pabor naman sila. K-kaya ganoon...agad nila in-arrange iyong date ng kasal namin."
Tumikhim siya saka sumimsim sa kape niya.
Kung hindi ko lang talaga kilala itong si Klare, aakalain kong chill lang siya sa nangyayari. When in fact she's a big coward. Alam kong natatakot siya, I mean hindi pa nga niya kilala iyong mapapangasawa niya, eh.
"Ha?? Ganoon lang? Hindi ba sila nagtanong kung bakit atat na atat iyong lalakeng ikasal kayo?" Naguguluhan kong saad.
"At paanong hindi alam ni dad na may interest pala? Wala ba silang kontrata? Di ba mayroon namang ganoon?" Naguguluhan kong tanong.
"I don't know, actually. Anyway, hayaan mo na! Ikakasal lang naman ako sa kaniya. Hindi naman namin mahal ang isa't isa. Sure ako roon.""Hala! Paano mo nasabi na hindi niyo mahal ang isa't isa? O, sige, sabihin na natin na hindi mo siya. Pero paano kung mahal ka niya? At huwag mo ngang ni-la-lang ang kasal," nginitian niya lang ako.
"Ano ka ba, huwag mo ng i-stress-in sarili mo. Ako nga hindi naii-stress." Tila proud pa niyang saad.
"Tsk. Iyan nga ang ikinakabahala ko eh. Chill, chill ka lang diyan. Baka may hindi ka pa sinasabi sa akin, ha?"
That's what I thought. She's actually acting weird and it's scaring me.
"Hahaha. Ano naman ang ililihim ko? You're not just my sister, you are also my best friend." Inilapit niya bahagya ang upuan niya para magkalapit kami saka niya ako yinakap.
"Sobrang suwerte ko talaga sa 'yo. Kahit magkapatid lang tayo sa ama ay itinuturing mo pa rin akong totoong kapatid." Kumalas siya at tinignan ako. "What do you mean 'totoong kapatid', ha? Kasi totoo naman talaga kitang kapatid. Tsk," nag-pout pa siya.
"Oo na. Hindi ko lang maiwasang ma-compare. Iyong mama mo kasi hindi pa rin ako tanggap."
"Hays. Unawain mo na lang, okay? She's just hurt," tumango-tango ako sa sinabi niya.
Yinakap niya ako ulit. Yinakap ko rin siya pabalik pero agad din kaming kumalas ng marinig namin ang isang pamilyar na boses sa likod namin.
"Klare, 'di ba ngayon kayo magkikita ni Xavier?"
Xavier? Siguro iyon ang pangalan ng magiging asawa niya.
"Ah, yes, mom. I'm almost done naman with my coffee. I'll be off na. Give me a minute to fix," she smiled.
"Okay, dear. Call me, ha, if you arrived na sa house niya. Hays. Are you sure ba na ayaw mong magpahatid sa akin?" malumanay niyang tanong sa anak na tinanguan lang ni Klare.
"Mom, just focus sa activities mo. You have shooting today 'di ba? And isa pa, I'm not a child anymore, mom. I'm going to be married soon, 'di ba? Atleast let me drive for now."
Mukhang rerebate pa sana si tita Solenn pero pinigilan ang sarili at nagpaalam na lang sa amin. Or should I say sa anak niya lang. Tinignan pa nga ako ng masama ni tita bago umalis."Eyy! I'm done. Alis na ako, ah. And you take care. Huwag mo masyadong gugulin ang oras mo sa paglilinis, okay?" Tumango lang ako kahit ang totoo ay on my way na ako kanina para maglinis, inuna ko lang talaga iyong kotse niya dahil aalis daw siya. Nakita lang niya talaga ako kanina at inanyayaang magkape rito sa garden. Sino ba naman ako para umayaw 'di ba?She fixed her sunglasses. Hanggang ngayon talaga ay nagsusuot pa rin siya ng eyeglasses sa tuwing lalabas siya. She despises daw kasi ng attention. Eh, mas makukuryoso pa nga ang mga tao, 'di ba? Kapag nakasalamin ka ng napakalaki, iisipin nila baka artista or something.
"Lei..."tawag niya sa akin.
"Mmm?"
"You know I love you, right? And whatever I do, you'll forgive me, right?"
"Ha?" Naguguluhan ko siyang tinignan. She's wearing her sunglasses kaya hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.
"Wala! Hahaha. Nevermind. Alis na ako, okay?"
Ngumiti lang ako habang tinatanaw siya palabas ng gate. Nang makaalis ay agad naman akong kumilos para maglinis. Nang matapos ako sa loob ay bumalik ako sa garden para maggupit sa bermuda. Naudlot nga lang dahil umulan kalaunan. Naulanan pa nga ako.
The following day, I woke up late. Iba kasi ang pakiramdam ko, parang nahihilo ako. Lalagnatin yata ako. Pero sandaling nawala ang pagod sa katawan ko nang mapagtantong parang nagkagulo sa bahay. "Hoy! Ano'ng nangyari? Ba't may pulis?!" Natataranta kong tanong kay Luisa, isa sa mga kasamahan ko rito. Tumatambol din ang dibdib ko na para bang hindi na ako makahinga sa sobrang kaba."Hoy, dzae! Ba't ngayon lang kita nakita?!"
"Hala! B-bakit? Bakit ang daming pulis? May nangyari ba? Ano bang meron?!"
"Si Inday Klare!""Bakit? Anong mayroon kay Klare?"
"Naaksidente. Tapos hindi na raw makilala i-iyong k-katawan...""Ha?"
"P-pinagsasabi mo riyan? Haha. A-anong wala? Eh, ikakasal pa nga siya, 'di ba? Jino-joke time mo naman ako, dzae. Kung joke 'to, puryagaba ang iyong joke. Kaya huwag kang magbiro ng ganiyan, ha?" Hinawakan ko ang mga kamay niya pero isang tingin nang pagsimpatya lang ang nakita ko sa mga mata niya."Leigh, dzae, h-hindi ako nagbibiro. Wala na talaga siya. Nagpunta ang mga pulis dito para ipaalam kina ma'am at sir iyon. Nasa hospital din sila ma'am at sir. At iyong mga pulis naman nagsimula ng mag-imbestiga."May mga sinasabi pa si Luisa pero hindi ko na siya marinig dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi rin ako makapag-isip ng tama. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko ring pumunta sa hospital. Gusto kong makita kung siya nga ba iyon. Paano kung hindi? Paano kung nagkamali sila? Baka ibang tao iyon? Luminga-linga ako sa paligid, naghahanap ng masasandalan o makapitan. Dahil pakiramdam ko ay nanghihina na ang aking binti."Okay ka lang ba?" Rinig ko mula sa kung kanino. U
A sudden movement woke me up."Shit! Ba't ba kasi lubak-lubak ang daan dito?! Sana pinagawa na lang talaga ni boss Xavier 'to, eh. Kuripot talaga!" Reklamo ng lalake nang umuntog na naman ang sasakyang minamaneho niya. Gusto ko sana siyang murahin pero nanghihina pa rin ako. May pinaamoy kasi siya sa akin kanina dahilan para makatulog ako. Ang ingay ko raw kasi. Eh, na-kidnap ako, paanong hindi mag-iingay? Imumulat ko na sana ang mata ko nang biglang tumunog ang cellphone niya kaya muli akong pumikit. Mainam na magtulog-tulugan muna ngayon at maghintay ng pagkakataong makawala rito. "Where are you? Did you bring her with you?" Untag ng nasa kabilang linya. The guy sighed, " Atat na atat, boss, ah. Chill ka lang diyan. Kasama ko na mapapangasawa mo. Tulog pa nga lang sa ngayon," sagot nito. Mapapangasawa? Ito ba ang mapapangasawa ni Klare? Ilang minuto silang nanahimik. Akala ko nga noong una ay pinatay niya na ang selpon, ngunit hindi naman pala. "Okay. Just make sure that sh
Klare Cabrera has never been interested in being a politician or an actress. As she dislikes being in a spotlight. Hindi rin siya pinapalabas noong mga bata pa kami, kung lalabas man ay parati siyang nagsusuot ng shades. Hindi rin naman nagrereklamo ang mga magulang niya, bagkus ay inirerekomenda pa nga iyon ni dad. Noong bata pa kasi kami ay grabe ang mga death threats na pinapadala kay papa. He's worried about Klare. Kaya as much as possible hindi niya talaga pinapalabas si Klare. Umabot pa nga sa ibang events ay ako ang dinadala nila at pinapasuot lang nila ako ng shades. Kuhang-kuha ko naman ang tindig at halos lahat ng galaw ni Klare. Siguro ang hindi ko masyadong makuha ay kung gaano kahinhin ang boses niya. Hindi tulad sa akin na para bang may built in microphone ang bibig. Noong una natutuwa pa ako dahil akala ko hindi na niya ako ikinakahiya. I was happy because finally he's being a good father to me. Kasi nga ay pinapalabas na niya ako kasama siya. Pero kalaunan ay napagta
Sa gabing iyon ay hindi ako makatulog. Bukod sa nasa ibang pamamahay ako at masasamang tao ang kasama ko. Hindi ko rin maiwasang mabagabag sa mga narinig ko kanina mula sa butler. Base sa sinabi niya ay wala naman 'ata silang balak na saktan ako which is good news sa akin. Akala ko magiging battered wife ako. Teka lang! Hindi pa naman kami kasal. Umiling-iling ako sa naisip saka nagtaklob sa kumot. Nakaka-distract din kasi iyong pulang umiilaw sa kamera. Ang sabi niya kanina ay kailangan ko lang daw manahimik sa anim na buwan. Ano bang meron sa anim na buwan? Ba't anim na buwan pa? Ba't hindi na lang bukas makalawa nila ako palayain? Tsk. Bakit?! At bakit parang ang issue naman nila kay dad. Binibilog daw sila. Eh, sila mismo ang bumibilog sa mga ulo nila. Ayaw nilang maniwala sa aking hindi ako si Klare. Argh! Kainis! Mukhang masta-stuck pa 'ata ako rito ng anim na buwan. Ano rin kaya ang relasyon o koneksiyon meron si dad sa pamilyang ito? Utang? Utang lang naman ang dahilan kun
Buong gabi akong hindi nakatulog. Hindi kasi mawaglit sa isip ko ang huling sinabi ni Xavier kagabi. Sa dami kong iniisip, dumagdag pa iyong sinabi niya. Ikakasal na raw kami. Gagi, alam ko naman na ikakasal sila ni Klare—na ako na pala ngayon. Pero grabe naman iyong bukas na agad after niya akong kidnap-in. Ano 'to atat na atat?Napaisip lang ako...Pupunta kaya sila dad sa kasal? Kung ganoon mapapatunayan ko na hindi ako si Klare. Napatayo ako sa naisip ko, sakto namang may kumatok sa pinto. Tinignan ko ang orasan sa bedside table, alas-kwatro pa lang. Sino naman kaya itong maagang namumulabog? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang tatlong babaeng katulong. Whoa. Ngayon ko lang nalaman na may katulong pala sila rito. "Ahm...h-hello po." Nauutal kong saad. Yumuko rin ako para hindi nila makita ang hitsura ko ngayon. Alam ko kasi na mukha akong ewan every morning. Hindi pa ako naliligo, ni hindi pa ako nagto-tooth brush."Magandang umaga. Napakaaga mo iha, ah.
Umalingawngaw ang putok ng baril sa silid. Natuod din ako sa kinalalagyan ko habang ang noo'y balot ng malalamig na pawis. Ilang segundo pa ay narinig ko ang pagkahulog ng kutsilyo sa sahig. Kasunod noon ay ang pagbagsak ng katawan ng umatake sa akin. Bumukas ang ilaw at tumambad sa akin ang katawan ng babaeng nakasalampak sa katawan ko. Halos mahugot ang hininga ko sa nakitang dugong umaagos mula sa ulo nito. Agad ko siyang tinulak 'tsaka nanghihinang napaupo. Sa nasaksihan ko kahapon, hindi na ako magugulat pa na may ganitong mangyayari. Pero hindi ko naman inaakalang sa harapan ko pala mamamatay. Nakakatakot pala. Nakakanginig ng kalamnan. Nanlalamig din ako tila nawalan ako ng dugo sa nasaksihan. Sa bilis ng pangyayari, hindi ko alam kung anong gagawin.Tila kani-kanina lang ako iyong nasa bingit ng kamatayan pero ngayon nasa sahig na ang malamig na katawan ng babaeng umatake sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakaligtas ako o malulungkot dahil sa nangyari rito."Ok
"Wahh! Kawaii!" Puri ni Iwa. May dinala kasi si Manang Esang na professional makeup artist para mag-ayos sa akin. Si Manang Esang naman ay nasa gilid lang, tahimik na nagmamasid sa amin. "Good to go na siya, dam. Hindi na ako makaka-attend sa wedding ni Xavier. May kliyente kasi ako later, eh." Tumango si Manang Esang sa kaniya. At totoo nga. Iyong makeup ko ay sobrang light lang naman. Pero it really made me looked so different compared to my usual look. Napatitig ako sa repleksyon ko. Hindi ko alam na puwede pala akong gumanda ng ganito. Hindi ko tuloy mapigilang bahagyang ngumiti at maging confident bigla sa gandang 'to! I stared for a few minutes ngunit napawi ang ngiti ko nang mahagilap ko ang sahig na kani-kanina lang ay may dalawang katawan na nakahandusay. "At ikaw bebegurl! Please, alam ko na kahit sobrang gwapo na ni Xavier pero kung ganito naman mangyayari—Ehem! I mean, hindi naman everyday may ganoon. Medyo naging mapangahas lang talaga iyong iba sa kadahilanang medyo
Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay nakarating din kami sa venue. "Miss Ma'am! Pasok na po tayo." Tila nagmamadaling lakad nito patungo sa paanan ng hagdanan para alalayan ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin."Oh, oh. Huwag mo naman akong tignan ng ganiyan, Miss Klare. Nagtatrabaho lang 'yong tao, eh." He pouted, averting his gaze while whistling.Gagi, trabaho nga, pero mahihimatay naman ako."Alas-otso pa naman 'di ba? Eh, alas-siyete pa nga noong umalis tayo sa bahay.""Eh, kasi po. Sa orasan ni Boss Xavier iyong alas-otso ay alas-siyete."Napa-ha naman ako sa sinabi niya. Napakamot naman siya sa ulo niya at inabot ang kamay niya."Tara na?" Aya niya. Bumuntong-hininga ako at inabot din ang kamay niya. He straightened his back. "Ready ka na ba maging Mrs. Sarmiento?""As if may choice ako?" Humalakhak naman siya.Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pintuan. Halos naman mangatog ang mga binti ko sa namataan. May mga armadong lalake sa gilid ng premise. Mayroon ding mga nak