Sa gabing iyon ay hindi ako makatulog. Bukod sa nasa ibang pamamahay ako at masasamang tao ang kasama ko. Hindi ko rin maiwasang mabagabag sa mga narinig ko kanina mula sa butler.
Base sa sinabi niya ay wala naman 'ata silang balak na saktan ako which is good news sa akin. Akala ko magiging battered wife ako. Teka lang! Hindi pa naman kami kasal. Umiling-iling ako sa naisip saka nagtaklob sa kumot. Nakaka-distract din kasi iyong pulang umiilaw sa kamera.
Ang sabi niya kanina ay kailangan ko lang daw manahimik sa anim na buwan. Ano bang meron sa anim na buwan? Ba't anim na buwan pa? Ba't hindi na lang bukas makalawa nila ako palayain? Tsk. Bakit?! At bakit parang ang issue naman nila kay dad. Binibilog daw sila. Eh, sila mismo ang bumibilog sa mga ulo nila. Ayaw nilang maniwala sa aking hindi ako si Klare. Argh! Kainis! Mukhang masta-stuck pa 'ata ako rito ng anim na buwan.
Ano rin kaya ang relasyon o koneksiyon meron si dad sa pamilyang ito? Utang? Utang lang naman ang dahilan kung bakit may pa-arrange marriage pa 'di ba? Magkano naman kaya?
Argh! Gumulong-gulong na ako sa kama dahilan para mawaksi ang kumot.
Ba't ko ba iniisip kong magkano ang utang? May pera ba akong pambayad? Gagi! Naii-stress na ako! As if naman kung makabayad ako ay papalayain na nila ako. Need ko pa raw mag-stay ng anim na buwan rito. Anim na buwan? Kaya ko kaya 'yon? Paano kung araw-araw may ganoon? Mafia sila kaya hindi natin alam baka araw-araw may dalhin sila rito para i-torture o baka rito na rin patayin, gaya noong lalake kanina.
Kailangan kong umalis. Kailangan kong makatakas dito. Pero paano? Possible kayang makatakas ako rito?
Ginulo ko ang buhok ko saka gumulong ulit. I stayed still for a while hanggang sa mapagtantong wala naman bodyguards dito. Kanina kasi ay wala naman akong mahagilap ni isa maliban sa butler na kumidnap sa akin. Pero paano itong kamera? May nagbabantay kaya sa akin? O baka eme-eme lang din 'to?
Lihim akong napangiti. Dahan-dahan akong umalis sa kama at gumapang papuntang pintuan. Hindi na 'ata gaanong kita ang parteng ito sa kamera kaya tumayo na ako. Pinihit ko ang seradura habang tahimik na nagdarasal na sana ay walang tao sa labas nitong pinto.
Nang makumpirma kong wala ngang tao sa tapat ng pinto ay nilakihan ko na ang siwang. The hallway was empty. At tanging ang ilaw lamang ng buwan na lumalagpas sa bintana ang nagsisilbing ilaw rito. Maingat ang ginawa kong hakbang. Hindi naman ganoon ka luma ang bahay at hindi naman gawa sa kahoy ang sahig. Ngunit mainam na mag-ingat pa rin. Hindi pa naman basta-basta ang mga kasama ko rito. I know there's only two pero lalake sila; bukod sa mas malakas sila sa akin, halang pa rin ang kaluluwa nila. Habang naaalala ko ang malamig na mukha nung Xavier habang pinaputok ang baril ay nangingilabot ako. Hindi ko man lang mabakas sa mukha niya ang kaunting guilt. May ganoon pala talagang mga tao, nuh? Iyong kayang-kayang gumawa ng masama na hindi nakokonsensiya.
Suminghap ako. Kaya kailangan ko na talagang umalis dito. Isa pa, kahit sinabi nilang narito noon si Klare pero tumakas dahil natakot sa nasaksihan niya ay nagdududa pa rin ako. Parang hindi ko sila kayang paniwalaan. Paano kung nagsisinungaling lang sila? Paano kung may kinalaman sila sa aksidente ni Klare? Takot silang magsumbong si Klare, kaya they disposed her?
Napakuyom ako sa naisip. Kung may katuturan talaga ang pagdududa ko, hindi ko sila mapapatawad. Hinding hindi.
"Where are you going?" Shit! Shit! Shit! Anong ginagawa niya sa likuran ko? Sure naman akong walang tao roon, ah? O baka hindi ko lang napansin dahil sobrang dilim na rin sa parteng kinalalagyan niya.
"Ahh...n-na...ano..." Mabilis kong itinikom ang bibig ko nang hindi man lang ako makabuo ng pangungusap. Ni hindi ko siya kayang lingunin. Shit! Napakalakas ng tambol ng dibdib ko. Pinagpapawisan na rin ako kahit sobrang lamig naman ng hangin ngayong gabi. Katapusan ko na ba? Mahigpit pa namang bilin nunh butler na manahimik lang ako sa isang tabi for six months. Mukhang hindi 'ata ako aabot ng six months.
"I said, where are you going?" Medyo lumakas ang boses niya at hindi ko iyon gusto. I can also hear his footsteps approaching.
Shit! Kailangan ko talaga maka-come up ng rason.
Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko at hinarap siya. Pero wrong move dahil sobrang lapit na niya pala sa akin. Nasa tapat kami ng bintana kaya kitang-kita ko kung gaano katalim ang tingin niya sa akin.
He's towering me. And I can't breathe. Sobrang nai-intimidate ako sa presensiya na. Lalo pa ngayon na ilang dangkal lang ang pagitan namin. Bahagya siyang yumuko para matignan ako. Pero hindi ko siya tinignan. Bagkus ay dumikit ang tingin ko sa mga kamay niyang nakapaloob sa bulsa ng kaniyang pantalon. Lumunok ako ng ilang beses, kinakabahan na baka bigla na lang siyang bumunot ng baril doon. Hindi naman siguro niya iyon itatago sa bulsa niya, 'di ba? Baka nasa bewang niya? Pero naka-tuck in ang white polo niya. Ah! Nag-o-overthink na naman ako. Pero sino bang hindi?! He's dangerous after all!
"You really won't speak? Should I cut your tongue as a punishment? I'll give you another chance, Klare..." Napahigpit ang tikom ko sa aking bibig.
"Where are you going? Are you...trying to esca—"
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang tiyan ko. He straightened his back, at ramdam ko ang tingin niya sa akin.
Gagiiii!! Nakakahiya!!
Bumuntong-hininga siya.
"Sorry—"
"I see." Huh?
"You did not eat your dinner earlier. So you sneaked your way out to the kitchen?" Kitchen? Nilabas niya ang kung ano sa bulsa niya. Napahakbang pa ako palayo sa kaniya ngunit cellphone lang pala iyon. May kinalikot siya roon at bigla na lang nagsi-ilawan ang mga ilaw. At ngayon ko lang nalaman na sa 'di kalayuan ay kusina na pala. Kung sinusuwerte ka nga naman! Hays! Buti na lang talaga hindi ako kumain kanina.
He went inside the kitchen. Tahimik naman akong sumunod sa kaniya.Nagtungo ako sa counter at tahimik na umupo roon. Nilibot ko ng tingin ang malawak nilang kusina. Doble 'ata ang sukat nito kung ihahambing sa kusina nila dad.
Napabaling ako sa kaniya nang marinig ang tila pag-crack niya ng itlog. Hala! Lulutuan niya ba ako ng pagkain? Marunong siya magluto? Eh, nasaan kaya 'yong pagkain ko kanina? Hindi ko naman ginalaw iyon, eh. Okay pa naman iyon.
"Your food was given to the dogs." Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Nababasa niya ba ang naiisip ko?
" In case you are wondering where's the food earlier and why did I bother to cook new food for you." Paliwanag pa niya. Wow! Mabait naman pala siya, eh.
Nakatalikod siya sa akin. At doon ko lang napansin na ang wide pala ng balikat niya. Teka, ba't parang galing siyang office? May office ba siya? Kompanya or something?
"Galing ka bang trabaho?" Lihim akong napamura nang hindi ko na napigilang magtanong sa kaniya. Kahit kailan talaga, ang chismosa ko! Hindi naman siguro masama iyon 'di ba? Okay lang naman na kilalanin siya ng very slight? Mukhang mabait naman siya eh. Hays, dahil ipinagluto lang ako, mabait na? Pero hindi ba may kasabihan na first impression doesn't last? May ganoon ba?
"Yes." Yes? Yes lang? Can you elaborate? Tumikhim ako nang wala pa rin siyang isinunod na explanation.
"Akala ko... Uhm... Ano? Mafia ba kayo?" Bahagya siyang napatigil sa kaniyang ginagawa.
"You mean we sell drugs and do some dirty works?" Hindi ba 'yon dirty work? Iyong pagbaril sa lalake?
"Earlier... I have to do that. If I don't do anything, I'd be a corpse now." He said as he expertly flipped the egg.
"My grandfather was. But not now. Thanks to your dad who betrayed him." Napamaang ako sa sinabi niya.
My dad betrayed his grandfather? Hindi ko alam iyon, ah? Ano bang nangyari?
Nang matapos siya sa pagluto ay hinarap niya ako. Handa na pala sa isang malaking plato ang kanin at scrambled eggs. Pero ba't parang ang dami naman. Inilapag na niya ito sa mesa. Tumingala ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na may suot pala siyang eyeglasses. Matangos ang kaniyang ilong. Bumabagay rin ang makapal niyang kilay sa mala-westernized niyang mukha. Inayos niya ang eyeglasses niya saka pagod akong tinignan. Nagi-guilty tuloy ako. Pagod pa siya tapos pinagluto niya pa ako.
"I know you have a lot of questions. But it's better you don't know anything. You better know nothing. I'm not a guy who would despise a daughter for an act that her father did. Or at least I'm trying not to become an asshole. Don't misunderstand this as kindness. I'm forced to do this after all." Suminghap siya't nagpatuloy. "Eat. You have to eat it all. I don't want my bride to pass out tomorrow."
"Ha? Bakit a-ano bang mayro'n bukas?" Kumunot ang noo niya.
"What do you mean? We're getting married. Remember?"
Buong gabi akong hindi nakatulog. Hindi kasi mawaglit sa isip ko ang huling sinabi ni Xavier kagabi. Sa dami kong iniisip, dumagdag pa iyong sinabi niya. Ikakasal na raw kami. Gagi, alam ko naman na ikakasal sila ni Klare—na ako na pala ngayon. Pero grabe naman iyong bukas na agad after niya akong kidnap-in. Ano 'to atat na atat?Napaisip lang ako...Pupunta kaya sila dad sa kasal? Kung ganoon mapapatunayan ko na hindi ako si Klare. Napatayo ako sa naisip ko, sakto namang may kumatok sa pinto. Tinignan ko ang orasan sa bedside table, alas-kwatro pa lang. Sino naman kaya itong maagang namumulabog? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang tatlong babaeng katulong. Whoa. Ngayon ko lang nalaman na may katulong pala sila rito. "Ahm...h-hello po." Nauutal kong saad. Yumuko rin ako para hindi nila makita ang hitsura ko ngayon. Alam ko kasi na mukha akong ewan every morning. Hindi pa ako naliligo, ni hindi pa ako nagto-tooth brush."Magandang umaga. Napakaaga mo iha, ah.
Umalingawngaw ang putok ng baril sa silid. Natuod din ako sa kinalalagyan ko habang ang noo'y balot ng malalamig na pawis. Ilang segundo pa ay narinig ko ang pagkahulog ng kutsilyo sa sahig. Kasunod noon ay ang pagbagsak ng katawan ng umatake sa akin. Bumukas ang ilaw at tumambad sa akin ang katawan ng babaeng nakasalampak sa katawan ko. Halos mahugot ang hininga ko sa nakitang dugong umaagos mula sa ulo nito. Agad ko siyang tinulak 'tsaka nanghihinang napaupo. Sa nasaksihan ko kahapon, hindi na ako magugulat pa na may ganitong mangyayari. Pero hindi ko naman inaakalang sa harapan ko pala mamamatay. Nakakatakot pala. Nakakanginig ng kalamnan. Nanlalamig din ako tila nawalan ako ng dugo sa nasaksihan. Sa bilis ng pangyayari, hindi ko alam kung anong gagawin.Tila kani-kanina lang ako iyong nasa bingit ng kamatayan pero ngayon nasa sahig na ang malamig na katawan ng babaeng umatake sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakaligtas ako o malulungkot dahil sa nangyari rito."Ok
"Wahh! Kawaii!" Puri ni Iwa. May dinala kasi si Manang Esang na professional makeup artist para mag-ayos sa akin. Si Manang Esang naman ay nasa gilid lang, tahimik na nagmamasid sa amin. "Good to go na siya, dam. Hindi na ako makaka-attend sa wedding ni Xavier. May kliyente kasi ako later, eh." Tumango si Manang Esang sa kaniya. At totoo nga. Iyong makeup ko ay sobrang light lang naman. Pero it really made me looked so different compared to my usual look. Napatitig ako sa repleksyon ko. Hindi ko alam na puwede pala akong gumanda ng ganito. Hindi ko tuloy mapigilang bahagyang ngumiti at maging confident bigla sa gandang 'to! I stared for a few minutes ngunit napawi ang ngiti ko nang mahagilap ko ang sahig na kani-kanina lang ay may dalawang katawan na nakahandusay. "At ikaw bebegurl! Please, alam ko na kahit sobrang gwapo na ni Xavier pero kung ganito naman mangyayari—Ehem! I mean, hindi naman everyday may ganoon. Medyo naging mapangahas lang talaga iyong iba sa kadahilanang medyo
Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay nakarating din kami sa venue. "Miss Ma'am! Pasok na po tayo." Tila nagmamadaling lakad nito patungo sa paanan ng hagdanan para alalayan ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin."Oh, oh. Huwag mo naman akong tignan ng ganiyan, Miss Klare. Nagtatrabaho lang 'yong tao, eh." He pouted, averting his gaze while whistling.Gagi, trabaho nga, pero mahihimatay naman ako."Alas-otso pa naman 'di ba? Eh, alas-siyete pa nga noong umalis tayo sa bahay.""Eh, kasi po. Sa orasan ni Boss Xavier iyong alas-otso ay alas-siyete."Napa-ha naman ako sa sinabi niya. Napakamot naman siya sa ulo niya at inabot ang kamay niya."Tara na?" Aya niya. Bumuntong-hininga ako at inabot din ang kamay niya. He straightened his back. "Ready ka na ba maging Mrs. Sarmiento?""As if may choice ako?" Humalakhak naman siya.Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pintuan. Halos naman mangatog ang mga binti ko sa namataan. May mga armadong lalake sa gilid ng premise. Mayroon ding mga nak
"Tita Solenn?" Bulong ko habang hinahayaang bumuhos ang luha ko. Hindi naman kami close, hindi nga niya ako gusto, eh. Gayunpaman, hindi ko mapigilang mapaluha. At last may pamilyar na tao rin akong nakita ngayon. Parang lahat ng nararamdaman ko na tinatago ko kahapon ay kumakawala na ngayon. "Klare!!" Dramatikong sigaw niya habang akmang tatakbo sa aisle pero may nagpaputok eksakto sa harapan ni tita Solenn. Napasinghap naman ako at tiningnan si Xavier na walang buhay na tumingin sa may pintuan."Dad?" Bulong ko. "Klare!" Sigaw niya na nagpatigil sa akin.Klare? Both of them called me Klare. Ano nagka-amnesia ba sila at tinatawag nila akong Klare? I mean, I was planning to live as Klare para malaman ang katotohanan sa likod ng aksidente kuno, pero natatakot na rin ako. I think I can't do this. Hindi ko 'ata kayang magtagal sa pamamahay ng Sarmiento. Ilang patayan pa ba ang masasaksihan ko? Please, tita Solenn and dad. Please get me out of here. Please.Kahit abusuhin ninyo ako sa
"Listen, Leigh... Ipagpapatuloy mo ang pagpapanggap na ikaw si Klare. Because it's the only way we can gather evidence. Evidence that would ensure himself a lifetime imprisonment," he added."May kinalaman ba talaga si Xavier sa pagkakaaksidente kay Klare? Siya...siya ba ang pumatay kay Klare?" Nag-aalinlangan kong tanong.Napansin ko ang tahimik na pagtitigan nilang dalawa. Bumuntong-hininga si Tita Solenn."The investigation led us to him. Pero alam namin na he could manipulate everything. Kaya hindi na namin isinapubliko ang mga nalalaman namin kahit sa mga pulis. Dahil we know that he has a connection. At kung magsumbong kami we might end up dead. Hindi siya basta-basta and I know you know already what I mean?" Makahulugang saad ni Tita Solenn. Napalunok naman ako."So, anong gagawin ko?" Mahina kong saad."Marry him. Care for him. Make him believe that you are a person whom he can trust. If you could take a video as an evidence, then better. There would be times that he needs to
"You're getting married?!" Agad kong tinakpan ang bibig ko nang mapagtantong napalakas pala ang boses ko. While she just looked at me, amused. She elegantly put the coffee down at mahinhin na tumawa. "Alam ba 'to ni dad? How about your mom? Sumang-ayon ba siya riyan?" I asked. Alam ko kasi kung gaano kamahal ni Tita Solenn si Klare. Halos hindi nga ito makaalis ng bahay kung hindi niya nakikita si Klare na maayos ang kalagayan. Kahit konting init lang ng kaniyang noo ay para bang kung ano ng klaseng sakit ang dumapo sa kaniya at pagbabawalan ng umalis ng bahay. She's my half-sister, Klare Cabrera, the one and only daughter of Richard and Solenn Cabrera. At least iyon ang sabi ng media. Dahil iyon naman ang pinalabas nila. Ang totoo ay may isa pang anak si Richard Cabrera. His child out of wedlock. At, oo, ako iyon. Nakakahiya naman kung ipalabas pa nila na may anak si dad sa labas 'di ba? Lalo pa na isa sila sa mga prominenteng pamilya sa bansa. It would only taint their name
"P-pinagsasabi mo riyan? Haha. A-anong wala? Eh, ikakasal pa nga siya, 'di ba? Jino-joke time mo naman ako, dzae. Kung joke 'to, puryagaba ang iyong joke. Kaya huwag kang magbiro ng ganiyan, ha?" Hinawakan ko ang mga kamay niya pero isang tingin nang pagsimpatya lang ang nakita ko sa mga mata niya."Leigh, dzae, h-hindi ako nagbibiro. Wala na talaga siya. Nagpunta ang mga pulis dito para ipaalam kina ma'am at sir iyon. Nasa hospital din sila ma'am at sir. At iyong mga pulis naman nagsimula ng mag-imbestiga."May mga sinasabi pa si Luisa pero hindi ko na siya marinig dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi rin ako makapag-isip ng tama. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko ring pumunta sa hospital. Gusto kong makita kung siya nga ba iyon. Paano kung hindi? Paano kung nagkamali sila? Baka ibang tao iyon? Luminga-linga ako sa paligid, naghahanap ng masasandalan o makapitan. Dahil pakiramdam ko ay nanghihina na ang aking binti."Okay ka lang ba?" Rinig ko mula sa kung kanino. U