Share

Chapter 6

Buong gabi akong hindi nakatulog. Hindi kasi mawaglit sa isip ko ang huling sinabi ni Xavier kagabi. Sa dami kong iniisip, dumagdag pa iyong sinabi niya. Ikakasal na raw kami. Gagi, alam ko naman na ikakasal sila ni Klare—na ako na pala ngayon. Pero grabe naman iyong bukas na agad after niya akong kidnap-in. Ano 'to atat na atat?

Napaisip lang ako...

Pupunta kaya sila dad sa kasal? Kung ganoon mapapatunayan ko na hindi ako si Klare. Napatayo ako sa naisip ko, sakto namang may kumatok sa pinto. Tinignan ko ang orasan sa bedside table, alas-kwatro pa lang. Sino naman kaya itong maagang namumulabog? 

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang tatlong babaeng katulong. Whoa. Ngayon ko lang nalaman na may katulong pala sila rito. 

"Ahm...h-hello po." Nauutal kong saad. Yumuko rin ako para hindi nila makita ang hitsura ko ngayon. Alam ko kasi na mukha akong ewan every morning. Hindi pa ako naliligo, ni hindi pa ako nagto-tooth brush.

"Magandang umaga. Napakaaga mo iha, ah. Akala ko medyo mahihirapan kami sa paggising sa iyo." Nakangiting saad ng pinakamatanda sa kanila.

"Ako nga pala si Esang, ang mayordoma sa pamamahay na ito. Ikinagagalak naming makilala ka, Gng. Sarmiento." Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang ako nanginig sa sinabi niyang 'Gng. Sarmiento' kuno. Para bang ipinamumukha niya sa akin na matatali na talaga ako kay Xavier Sarmiento. 

"Ah, hehe. H-hindi pa naman po kami kasal, hehe. Ang aga niyo naman pong maglinis, manang. Ganitong oras po ba kayo nagtatrabaho?" Napakamot ako sa ulo ko. 

Bahagyang umawang ang bibig ni Manang Esang pero agad iyong pinawi at pinalitan ng malungkot na ngiti.

"Hindi ba pinaalam sa iyo ni Xavier na ikakasal kayo mamaya?" Mahinahon niyang tanong sa akin. Napakurap naman ako at napalunok nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. 

"N-nasabi na po..." Tila wala sa sarili kong saad.

Tumango siya. "Maaari ba kaming pumasok, iha?" Napatikhim ako sa sinaad ni manang. "Opo, opo! Tuloy po kayo. S-sensya na po. Ah, ano po kasi,ahm... Medyo hindi pa talaga nagsi-sink in itong nangyayari sa akin..." Mahina kong saad.

"Naiintindihan ko, iha." Pumasok siya at nagmuwestra sa mga kasamahan na ilagay ang mga gamit sa vanity table na agad naman nilang sinunod.

Lumapit siya sa dalawang babae. Mukhang hindi kasi niya nagustuhan ang arrangement nung isa kaya pinuna niya't nilagay sa tamang pagkakasunod. Hindi ko alam kung bakit need pang isunod-sunod. Baka trip lang ni manang.

"May kulang..." Suminghap siya habang ang mga mata ay nakatutok sa vanity table. "Wala rito ang foundation," nilingon niya ako, "Kukunin ko muna iyon, iha. Mas mainam siguro na maligo ka na para makapagsimula na tayo pagbalik ko." Tumango lang ako bilang tugon. Nagbuntong hininga ako at binuksan ang cabinet. Nakakahiya naman kasi na lumabas ako sa banyong nakatuwalya lang tapos may mga kasama pa ako rito and not to mention iyong camera'ng nakatutok sa akin. Nilingon ko ang camera at sinamaan ng tingin. Hindi naman sa feelingera ako pero feel ko kasi may nanonood talaga sa bawat galaw ko kahit nakatuwalya ako ay hindi niya iyon palalampasin. Bigla namang nag-init ang pisngi ko sa naisip na baka nanonood si Xavier. Agad kong inalis ang tingin ko sa camera at tumalikod.

Kailangan ko talagang magdala ng mga pagbibihisan. Sana lang talaga may damit sa closet. Nagtungo ako sa closet at binuksan ang pinto nito.

Nalaglag ang panga ko nang mabuksan ang closet. Dahil hindi lamang ito simpleng closet. Isa itong walk-in closet. Shemay! 

Dahan-dahan akong pumasok doon, mga mata ay naglalakbay sa iba't ibang uri ng damit at sapatos. May table pa sa gitna kung nasaan ang mga eyewear at headwear. May mga drawer doon kaya binuksan ko ang mga ito at bumati sa akin ang nagsisilawang mga jewelries. Tinakpan ko ang bibig ko, pakiramdam ko kasi papasukin na 'to ng langaw sa kakanganga. Hindi sa may langaw rito, sa sobrang kintab ng mesa nila, duda ako na may mga langaw o lamok dito. Possible pa siguro magnanakaw kaysa lamok at langaw. Pero mukhang walang magtatangkang pumasok sa mansyon, hindi kasi basta-basta. Maliban na nasa tuktok ito ng bundok, matayog naman ang pader at ang tarangkahan. 

Biglang may kumalabog sa labas dahilan para magising ang diwa ko. Kasal ko nga pala ngayon! Dali-dali akong namili sa mga nakasampay na mga damit. Ngunit naiilang naman akong mamili at magsuot ng mga damit dito. Mukha kasing walang pambahay, parang pam-party kasi ang mga ito. Dumako ang tingin ko sa isang Chanel silk dress sleveless. Familiar na kasi ang mga ito sa akin. Dahil ako naman ang nag-aayos sa mga damit ni Klare noon. Napahinto ako sa pag-abot sa dress nang maalala si Klare. Nagi-guilty rin ako. Dapat si Klare ang nandito, eh. At hindi ako. Hindi ko 'to deserve. Napailing ako. Nakita ko lang mga gamit sa loob ng closet parang nakalimutan ko na kung anong klaseng tao ako ikakasal.

Hindi deserve ni Klare 'to. Hindi namin deserve na ipakasal sa lalakeng hindi namin kilala at mamamatay tao pa.

Binaba ko ang kamay na aabutin sana ang silk dress at tinalikuran iyon. Buti na lang may nahagilap akong roba sa glass cabinet. 

"Okay na siguro 'to." Tugon ko habang pinagmamasdan ang ibang damit.

Isang kalabog na naman ang narinig ko sa labas pero hindi katulad noong una mas malakas ngayon. Naiinip na siguro sila manang dahil wala pa ako. Napangiwi ako sa naisip at kumaripas ng takbo papalabas sa walk-in closet. Ngunit nang makalabas ay naparahan ako sa paglalakad. Madilim kasi sa kwarto, hindi naman dahil sa nawalan ng kuryente dahil bukas naman ang ilaw sa closet. Hindi ko na sinirado ang pinto ng walk-in closet, para naman kahit papaano may ilaw.

"Aray!" Napasigaw ako nang may humarang sa dinadaanan ko dahilan para madapa ako. Tatayo na sana ako nang mapagtanto kong tila basa ang sahig. Baka may natapon na tubig dito? Iyon siguro ang narinig kong kumalabog kani-kanina lang? Kinapakapa ko ang sahig para tignan kung nasaan ang balde kung mayroon man. Bakit ba kasi sobrang closed naman nitong kwarto ko. May bintana naman pero naka-lock. Akala naman nila makakatakas ako rito. Eh, kung hindi ako nagkakamali nasa ikatlong palapag itong kwarto ko. Hays. Napatigil ako sa pagkapa sa sahig nang may nahawakan ako. Pero ang weird naman bakit parang hindi naman ito balde? Nanginig ang braso ko nang unti-unting naproseso ng utak ko kung ano 'tong nahawakan ko. Hindi ito balde, kung hindi isang tao.

Matinis na sigaw ang pinakawala ko pero naudlot iyon dahil may kung sinong sumugod sa akin. Dala na rin ng kaba at hindi pagtitiwala ay agad akong tumayo at tumakbo papalabas. Ngunit hindi ko pa man abot ang seradora ay hinigit na niya ang kamay ko at buong lakas na pinabalik sa kinalalagyan ko. Ngunit maswerte pa rin akong napaupo agad sa segundong tumama ang likod ko sa sahig. Base sa lakas niya ay mahihinuha kong babae ito. Kung babae ito, may pag-asa pa ako. Babae rin naman ako pero sanay ang katawan ko sa hirap. Hindi ko masyadong kita ang babae pero dahil nakaawang naman ang pinto sa walk-in closet ay nahagilap ko ang anino niya. Hindi ko na hinintay na makawala pa siya at sinugod ko na ngunit sinugod din niya ako dahilan kung bakit nagkabanggaan kami. Mabilis akong tumayo ngunit naunahan niya ako. Malakas niya akong isinandal sa pader habang may nakatutok naman na kung anong malamig na bagay sa leeg ko. Gagi. Kung mamamatay-tao 'to, natural na wala akong laban. Napataas 'ata tingin ko sa sarili ko. Hindi porket sanay ako sa hirap ay matatalo ko na kung sino man itong babae na 'tong gusto 'ata akong patayin. Pinikit ko ang aking mata nang maramdamang unti-unti na niyang idinikit nang malalim ang kutsilyong dala nito. 

"Susunod na 'ata ako sa 'yo, Klare." Tahimik kong saad sa sarili ko. Ngunit kasunod noon ay ang pagputok ng baril sa kung saan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status