Klare Cabrera has never been interested in being a politician or an actress. As she dislikes being in a spotlight. Hindi rin siya pinapalabas noong mga bata pa kami, kung lalabas man ay parati siyang nagsusuot ng shades. Hindi rin naman nagrereklamo ang mga magulang niya, bagkus ay inirerekomenda pa nga iyon ni dad.
Noong bata pa kasi kami ay grabe ang mga death threats na pinapadala kay papa. He's worried about Klare. Kaya as much as possible hindi niya talaga pinapalabas si Klare. Umabot pa nga sa ibang events ay ako ang dinadala nila at pinapasuot lang nila ako ng shades. Kuhang-kuha ko naman ang tindig at halos lahat ng galaw ni Klare. Siguro ang hindi ko masyadong makuha ay kung gaano kahinhin ang boses niya. Hindi tulad sa akin na para bang may built in microphone ang bibig.
Noong una natutuwa pa ako dahil akala ko hindi na niya ako ikinakahiya. I was happy because finally he's being a good father to me. Kasi nga ay pinapalabas na niya ako kasama siya. Pero kalaunan ay napagtanto kong okay lang sa kaniyang ako ang mapahamak, huwag lang si Klare.
Kaya masasabi kong medyo accurate ang sinabi ng lalakeng ito. Na maaaring ako ang namatay sa aksidente at hindi si Klare. Possible naman iyon, eh. Pero hindi iyon ang nangyari. Si Klare ang naaksidente at ako ngayon ang nandito.
"Hindi, nagkakamali kayo. Ba't ayaw niyong maniwala sa akin, ha? I already told you. I'm not Klare. Paano niyo ba kasi nasabing ako si Klare, ha? May pru—ahh...erm..." Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil bigla na lamang siyang lumapit sa akin at akmang aabutin ang noo ko. Mas matangkad siya sa akin kaya madali niyang mahahapo ang noo ko. Napa-bend naman ako ng bahagya, inilalayo ang noo ko sa kaniyang kamay.
"What are you doing?" Nagtaas siya ng kilay.
"Ako dapat ang magtanong niyan. What are you doing?" Sagot ko habang ganoon pa rin ang posisyon.
Bumuntong-hininga siya.
"The bruise on your forehead. You came here yesterday. And you witnessed that we were beating someone. Kaya kumaripas ka ng takbo at nadapa. I saw you were holding your forehead then. And here." Kinuha niya ang sunglasses na nakabitin lang pala sa neckline ng kaniyang damit.
Kay Klare 'to ah. Wait.
"Beating someone?"naguguluhan kong saad.
Malamig niya akong tinitigan. "Yeah, I suppose you're afraid of blood?" Hinuha niya na nagpakaba sa akin.
Hindi dahil sa takot ako sa dugo. Wala rin namang phobia si Klare pero kung ipagtatagpi ko ang mga sinabi niya. I can conclude na I'm dealing a dangerous man here. At mabilis ko iyong nakumpirma nang may kumaripas ng takbo mula sa silid na pinagmulan din kanina ni Xavier. Binalot ng takot ang kaniyang mukha nang makita kami. Medyo humina ang paghakbang niya animoy nauupos ang natitira niyang pag-asa. Napamura siya at sumigaw saka tumakbo ng mabilis. Nang malagpasan na niya kami ay hindi ko na nagawang sundan siya ng tingin. Dahil sa nahagilap ng mga mata ko ang malamig na titig ni Xavier sa akin. Napalunok ako sa kaba. Lalo pa't napansin ko ang pagbunot niya ng baril sa likuran niya saka itinutok iyon sa lalake.
Nakita ko sa repleksyon ng kaniyang mata ang tumatakbong lalake. Hindi ko alam kung kailan niya ipuputok ang baril. Ang alam ko lang ay may lakas ng loob siyang paputukin iyon. Napapikit na lang ako sa kaba. Hindi ko kayang panoorin sa mata niya ang mangyayari. Halos hindi na rin ako humihinga dahil nasa gilid ko lang ang baril. Maling kilos ko lang ay baka sa akin na niya itutok ang baril. Bahagyang gumalaw ang balikat ko sa pagputok ng baril. Malakas iyon. At nakakabingi.
***
Tulala kong pinagmasdan ang malaking pintuan. Matapos kasi ang nangyari ay hindi ko na minulat ang mata ko. I was so scared. Hindi ko nga alam kung humihinga pa ba ako nang mga oras na iyon. Mga ilang minuto pa 'ata akong nakatayo lang kanina hanggang sa naramdaman ko na lang na may humigit sa palapulsuhan ko at kinaladkad ako papunta sa kwartong ito. Hinuha ko ay ito na ang magiging kwarto ko simula ngayon.
Dinalo ako ng kaba nang biglang gumalaw ang door knob. Pumasok ang butler na nag-kidnap sa akin at may dalang tray ng pagkain.
Bago pa man siya makalapit sa akin ay agad na akong tumayo at nagpunta sa pinakadulong bahagi ng kama. At least may kama sa pagitan namin at hindi niya ako masasaktan. Nang makita niya ang reaksiyon ko ay napabuga na lang siya ng hangin saka nagpatuloy sa paghakbang.
"Natatakot ka. Alam ko. Sino ba namang hindi matatakot kay boss? Parang pinaghalong tigre at dragon iyon,eh. Hehe," tumikhim siya nang makitang wala akong naging reaksiyon sa joke niya. "Unawain mo na lang. He's always pissed simula noong bigla ka na lang tumakbo papalayo rito at hindi na bumalik. Nalaman na lamang namin ang umuugong na balitang naaksidente raw ang unica hija ng Cabrera. Mas nag-init pa ang ulo ni boss nang mapagtantong binibilog na naman ng Cabrera ang mga ulo namin." Suminghap siya saka inilagay ang tray sa bedside table.
"Ginamit pa niya ang anak niya sa labas para mapalabas na patay ka na Klare."
"Pero—" Gusto ko sanang sumagot na hindi ako si Klare, pero mukhang hindi iyon uubra sa kanila kaya hindi ko na lang ipinagpatuloy ang sasabihin ko.
Pero mabilis na nakuha iyon ng butler.
"Kahit anong tanggi mo, hindi siya maniniwala sa iyo. Baka iisipin lang niya na binibilog mo rin ang mga ulo namin. Kahit ako ganoon din ang iisipin ko. And you can't blame him, he's once fooled before. Kaya—eherm!"
" Kung ako sa iyo, just give it up. Alam namin na kahit ikaw ang legal at ang pinakamamahal na anak ni Cabrera ay wala ka rin namang kalayaan na gawin ang gusto mo. Kaya kung anong sabihin at iutos ng iyong ama ay gagawin mo. Kahit ang ibig sabihin man nito ay ang pagpapahamak sa kapatid mo. Hindi ba?" He looked at me. Hindi ako sumagot dahil pino-proseso ko pa ang mga sinabi niya.
They are clearly misinformed! No, not totally. Iyon lang na part na iniisip nilang ako si Klare at nagpapanggap lang ako iyong illegitimate child ni dad. Argh! Sumasakit ang ulo ko! Paano nangyari?! Halos alam nila lahat lahat pero hindi ang mukha namin?
"If you won't stop, then he would really get mad at you too. Quit pretending that you are Leigh, Klare. 'Cause you are not. If you'll just stay quietly for 6 months. He'll release you without a scratch. Kailangan lang talaga namin ang kooperasyon mo." He seems like he's begging me.
"Bakit?" Tanging tanong ko na nagpaawang sa bibig niya.
"Sorry... Iyon lang ang maibabahagi ko." Nakayuko niyang saad.
Hindi ako gumalaw sa kinalalagyan ko. Medyo awkward na rin ang sitwasyon namin ngayon dahil hindi na rin siya nagsasalita.
Pero halos mapatalon ako nang bigla siyang nagsalita.
"Nga pala, kailangan mo raw kumain, utos ni boss," he said that while looking sa upper corner ng kwarto. May camera pala roon.
"Sige ka. Kung ayaw mong kumain, baka pumasok 'yong tigre rito. Ikaw pa kainin. Hahaha"
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Gagi!
Sa gabing iyon ay hindi ako makatulog. Bukod sa nasa ibang pamamahay ako at masasamang tao ang kasama ko. Hindi ko rin maiwasang mabagabag sa mga narinig ko kanina mula sa butler. Base sa sinabi niya ay wala naman 'ata silang balak na saktan ako which is good news sa akin. Akala ko magiging battered wife ako. Teka lang! Hindi pa naman kami kasal. Umiling-iling ako sa naisip saka nagtaklob sa kumot. Nakaka-distract din kasi iyong pulang umiilaw sa kamera. Ang sabi niya kanina ay kailangan ko lang daw manahimik sa anim na buwan. Ano bang meron sa anim na buwan? Ba't anim na buwan pa? Ba't hindi na lang bukas makalawa nila ako palayain? Tsk. Bakit?! At bakit parang ang issue naman nila kay dad. Binibilog daw sila. Eh, sila mismo ang bumibilog sa mga ulo nila. Ayaw nilang maniwala sa aking hindi ako si Klare. Argh! Kainis! Mukhang masta-stuck pa 'ata ako rito ng anim na buwan. Ano rin kaya ang relasyon o koneksiyon meron si dad sa pamilyang ito? Utang? Utang lang naman ang dahilan kun
Buong gabi akong hindi nakatulog. Hindi kasi mawaglit sa isip ko ang huling sinabi ni Xavier kagabi. Sa dami kong iniisip, dumagdag pa iyong sinabi niya. Ikakasal na raw kami. Gagi, alam ko naman na ikakasal sila ni Klare—na ako na pala ngayon. Pero grabe naman iyong bukas na agad after niya akong kidnap-in. Ano 'to atat na atat?Napaisip lang ako...Pupunta kaya sila dad sa kasal? Kung ganoon mapapatunayan ko na hindi ako si Klare. Napatayo ako sa naisip ko, sakto namang may kumatok sa pinto. Tinignan ko ang orasan sa bedside table, alas-kwatro pa lang. Sino naman kaya itong maagang namumulabog? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang tatlong babaeng katulong. Whoa. Ngayon ko lang nalaman na may katulong pala sila rito. "Ahm...h-hello po." Nauutal kong saad. Yumuko rin ako para hindi nila makita ang hitsura ko ngayon. Alam ko kasi na mukha akong ewan every morning. Hindi pa ako naliligo, ni hindi pa ako nagto-tooth brush."Magandang umaga. Napakaaga mo iha, ah.
Umalingawngaw ang putok ng baril sa silid. Natuod din ako sa kinalalagyan ko habang ang noo'y balot ng malalamig na pawis. Ilang segundo pa ay narinig ko ang pagkahulog ng kutsilyo sa sahig. Kasunod noon ay ang pagbagsak ng katawan ng umatake sa akin. Bumukas ang ilaw at tumambad sa akin ang katawan ng babaeng nakasalampak sa katawan ko. Halos mahugot ang hininga ko sa nakitang dugong umaagos mula sa ulo nito. Agad ko siyang tinulak 'tsaka nanghihinang napaupo. Sa nasaksihan ko kahapon, hindi na ako magugulat pa na may ganitong mangyayari. Pero hindi ko naman inaakalang sa harapan ko pala mamamatay. Nakakatakot pala. Nakakanginig ng kalamnan. Nanlalamig din ako tila nawalan ako ng dugo sa nasaksihan. Sa bilis ng pangyayari, hindi ko alam kung anong gagawin.Tila kani-kanina lang ako iyong nasa bingit ng kamatayan pero ngayon nasa sahig na ang malamig na katawan ng babaeng umatake sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakaligtas ako o malulungkot dahil sa nangyari rito."Ok
"Wahh! Kawaii!" Puri ni Iwa. May dinala kasi si Manang Esang na professional makeup artist para mag-ayos sa akin. Si Manang Esang naman ay nasa gilid lang, tahimik na nagmamasid sa amin. "Good to go na siya, dam. Hindi na ako makaka-attend sa wedding ni Xavier. May kliyente kasi ako later, eh." Tumango si Manang Esang sa kaniya. At totoo nga. Iyong makeup ko ay sobrang light lang naman. Pero it really made me looked so different compared to my usual look. Napatitig ako sa repleksyon ko. Hindi ko alam na puwede pala akong gumanda ng ganito. Hindi ko tuloy mapigilang bahagyang ngumiti at maging confident bigla sa gandang 'to! I stared for a few minutes ngunit napawi ang ngiti ko nang mahagilap ko ang sahig na kani-kanina lang ay may dalawang katawan na nakahandusay. "At ikaw bebegurl! Please, alam ko na kahit sobrang gwapo na ni Xavier pero kung ganito naman mangyayari—Ehem! I mean, hindi naman everyday may ganoon. Medyo naging mapangahas lang talaga iyong iba sa kadahilanang medyo
Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay nakarating din kami sa venue. "Miss Ma'am! Pasok na po tayo." Tila nagmamadaling lakad nito patungo sa paanan ng hagdanan para alalayan ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin."Oh, oh. Huwag mo naman akong tignan ng ganiyan, Miss Klare. Nagtatrabaho lang 'yong tao, eh." He pouted, averting his gaze while whistling.Gagi, trabaho nga, pero mahihimatay naman ako."Alas-otso pa naman 'di ba? Eh, alas-siyete pa nga noong umalis tayo sa bahay.""Eh, kasi po. Sa orasan ni Boss Xavier iyong alas-otso ay alas-siyete."Napa-ha naman ako sa sinabi niya. Napakamot naman siya sa ulo niya at inabot ang kamay niya."Tara na?" Aya niya. Bumuntong-hininga ako at inabot din ang kamay niya. He straightened his back. "Ready ka na ba maging Mrs. Sarmiento?""As if may choice ako?" Humalakhak naman siya.Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pintuan. Halos naman mangatog ang mga binti ko sa namataan. May mga armadong lalake sa gilid ng premise. Mayroon ding mga nak
"Tita Solenn?" Bulong ko habang hinahayaang bumuhos ang luha ko. Hindi naman kami close, hindi nga niya ako gusto, eh. Gayunpaman, hindi ko mapigilang mapaluha. At last may pamilyar na tao rin akong nakita ngayon. Parang lahat ng nararamdaman ko na tinatago ko kahapon ay kumakawala na ngayon. "Klare!!" Dramatikong sigaw niya habang akmang tatakbo sa aisle pero may nagpaputok eksakto sa harapan ni tita Solenn. Napasinghap naman ako at tiningnan si Xavier na walang buhay na tumingin sa may pintuan."Dad?" Bulong ko. "Klare!" Sigaw niya na nagpatigil sa akin.Klare? Both of them called me Klare. Ano nagka-amnesia ba sila at tinatawag nila akong Klare? I mean, I was planning to live as Klare para malaman ang katotohanan sa likod ng aksidente kuno, pero natatakot na rin ako. I think I can't do this. Hindi ko 'ata kayang magtagal sa pamamahay ng Sarmiento. Ilang patayan pa ba ang masasaksihan ko? Please, tita Solenn and dad. Please get me out of here. Please.Kahit abusuhin ninyo ako sa
"Listen, Leigh... Ipagpapatuloy mo ang pagpapanggap na ikaw si Klare. Because it's the only way we can gather evidence. Evidence that would ensure himself a lifetime imprisonment," he added."May kinalaman ba talaga si Xavier sa pagkakaaksidente kay Klare? Siya...siya ba ang pumatay kay Klare?" Nag-aalinlangan kong tanong.Napansin ko ang tahimik na pagtitigan nilang dalawa. Bumuntong-hininga si Tita Solenn."The investigation led us to him. Pero alam namin na he could manipulate everything. Kaya hindi na namin isinapubliko ang mga nalalaman namin kahit sa mga pulis. Dahil we know that he has a connection. At kung magsumbong kami we might end up dead. Hindi siya basta-basta and I know you know already what I mean?" Makahulugang saad ni Tita Solenn. Napalunok naman ako."So, anong gagawin ko?" Mahina kong saad."Marry him. Care for him. Make him believe that you are a person whom he can trust. If you could take a video as an evidence, then better. There would be times that he needs to
"You're getting married?!" Agad kong tinakpan ang bibig ko nang mapagtantong napalakas pala ang boses ko. While she just looked at me, amused. She elegantly put the coffee down at mahinhin na tumawa. "Alam ba 'to ni dad? How about your mom? Sumang-ayon ba siya riyan?" I asked. Alam ko kasi kung gaano kamahal ni Tita Solenn si Klare. Halos hindi nga ito makaalis ng bahay kung hindi niya nakikita si Klare na maayos ang kalagayan. Kahit konting init lang ng kaniyang noo ay para bang kung ano ng klaseng sakit ang dumapo sa kaniya at pagbabawalan ng umalis ng bahay. She's my half-sister, Klare Cabrera, the one and only daughter of Richard and Solenn Cabrera. At least iyon ang sabi ng media. Dahil iyon naman ang pinalabas nila. Ang totoo ay may isa pang anak si Richard Cabrera. His child out of wedlock. At, oo, ako iyon. Nakakahiya naman kung ipalabas pa nila na may anak si dad sa labas 'di ba? Lalo pa na isa sila sa mga prominenteng pamilya sa bansa. It would only taint their name