Share

Chapter 7

Umalingawngaw ang putok ng baril sa silid. Natuod din ako sa kinalalagyan ko habang ang noo'y balot ng malalamig na pawis. Ilang segundo pa ay narinig ko ang pagkahulog ng kutsilyo sa sahig. Kasunod noon ay ang pagbagsak ng katawan ng umatake sa akin. Bumukas ang ilaw at tumambad sa akin ang katawan ng babaeng nakasalampak sa katawan ko. Halos mahugot ang hininga ko sa nakitang dugong umaagos mula sa ulo nito. Agad ko siyang tinulak 'tsaka nanghihinang napaupo.

Sa nasaksihan ko kahapon, hindi na ako magugulat pa na may ganitong mangyayari. Pero hindi ko naman inaakalang sa harapan ko pala mamamatay. Nakakatakot pala. Nakakanginig ng kalamnan. Nanlalamig din ako tila nawalan ako ng dugo sa nasaksihan. Sa bilis ng pangyayari, hindi ko alam kung anong gagawin.

Tila kani-kanina lang ako iyong nasa bingit ng kamatayan pero ngayon nasa sahig na ang malamig na katawan ng babaeng umatake sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakaligtas ako o malulungkot dahil sa nangyari rito.

"Okay ka lang ba, iha?" Mabilis akong dinalo ni Manang Esang, umupo rin siya para matapatan ako. Hindi ako tumingin sa mga mata niya, kundi sa dala niyang baril. Mukhang napansin niya ang pagtitig ko sa baril niya dahil agad niya itong isinuksok sa strap sa hita niya.

"Nagulat ba kita?" Marahan niyang tanong sa akin.

"P-po?" Tumikhim ako para mawala ang kung anong bumabara sa lalamunan ko pero walang epekto.

"Pasensiya ka na. Sana maintindihan mo kung bakit ko iyon nagawa. Kung hindi ko...ginawa iyon, baka ikaw ang mapahamak," hinawakan niya ang nanginginig kong kamay, " sana huwag mo akong husgahan na masama akong tao base lang doon."

Namutawi ang katahimikan ng ilang minuto bago ko nalunok ang bumabara sa lalamunan ko. "H-hindi naman po sa ganon. N-nabigla lang po ako." Sagot ko pa at kinuha ang kamay ko na hawak-hawak niya. Tumayo ako at iniwas ang tingin sa mga bangkay sa sahig.

"N-normal na po ba na may ganitong nangyayari, Manang?" Tanong ko.

Tumayo rin si Manang Esang at nagbuntong-hininga. "Sa kasamaang palad...oo. Bata pa lang si Xavier ay may ganito ng mga eksena. Hindi na nga gaano kumpara noon." Malungkot na saad nito. Nang makita niyang nakatitig ako sa kaniya ay tumikhim siya.

Gusto ko sanang magtanong pa ngunit agad naman siyang nagsalita.

"Pasensiya ka na. Naging pabaya ako sa trabaho ko. Hindi ko napansin na isa pala sa mga kasamahan ko na sana'y mag-aasikaso sa 'yo ay may hangarin palang hamakin ka. Pero makakaasa kang hindi na ito mauulit at sisiguraduhin na namin ang seguridad mo, Klare. At sana hindi ito maging rason para iwan mo si Xavier." Seryosong saad ni Manang. Pero pakiramdam ko ay tila ba nagsusumamo siya na huwag akong umayaw na pakasalan si Xavier.

As if may choice naman akong hindi pakasalan si Xavier. Eh, kaya nga ako narito ay ipina-kidnap niya si ako na inaakala niyang Klare.

"Gusto mo bang maligo muna, iha? Masisigurado ko na pagkatapos mo ay malilinis na rin namin ito," aniya. Napatingin din ako sa labas at naroon ang mga maskuladong mga lalake.

Tumango ako sa kaniya at tahimik na nagtungo sa bathroom. Nang makapasok ay agad kong ni-lock ang pinto.

"Posible kayang ang may gawa ng aksidente ni Klare ay isa sa mga kalaban nila Xavier?" Tanong ko sa sarili ko. Ngunit agad ko namang tinakpan ang bibig ko nang mapagtantong nabigkas ko iyon.

Posible rin kasi iyon. Base sa nangyari ngayon, walang kaduda-duda na kung sino man ang may pakana niyon ay gusto akong patayin. Pero bakit? Magiging asawa lang naman ako ni Xavier. Magiging asawa pa lang. Ni walang involved na feelings dito. Hindi naman siguro mga bobo ang nagpu-pursue sa kaniya, hindi ba? May nakapasok ngang assassin dito. Iyon pa kayang pagkuha ng impormasyon? I'm certain that they already know that we're not having this marriage out of love. It's just purely business. So killing me won't make any change. And I doubt na hihinto ang mundo ni Xavier kapag namatay ako. So, bakit?

Isang katok sa pinto ang nagpatalon sa akin. Kinapa ko ang dibdib ko, sobrang kaba nito. Kailangan ko na 'ata bawasan pagkakape ko. Hays.

"Iha, kung may kailangan ka sabihan mo lang ako. Nandito lang ako sa labas." Saad ni Manang Esang sa tapat ng pinto. Mukhang nag-aalala 'ata siya sa akin.

Hindi ko naman iniisip na masama sina Manang Esang. Kahit ngayon ko lang siya nakilala pero mukhang hindi naman siya masamang tao. Maganda naman ang approach niya sa akin. Mukha lang siyang strikta pero kung makakausap mo siya ay sobrang hinahon niya pero hindi sobrang hinahon na maihahantulad sa isang yelo na sobrang cold na. In short, like Xavier.

Ang weird lang kasi. Kahit sa sitwasyon ko at sa nasaksihan ko—kahit sila ang pumapatay—ay hindi ko pa rin masabi sa sarili ko na masama sila. It seems like if you don't want to be killed, kill. Para bang pinagtatanggol lang nila ang sarili nila.

Ehh??

Ba't ba ako nagre-reason out? I shook my head. Hindi dapat ako ganito mag-isip. Alam ko naman na first impression doesn't define their whole existence but there's nothing wrong to be vigilant. Kailangan ko ring malaman kung may kinalaman nga ba si Xavier sa aksidenteng nangyari kay Klare. Bakit sa araw na nagpunta si Klare rito ay siya ring araw na naaksidente siya. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit hindi nila alam na hindi ako si Klare. At hindi ba nila hinabol si Klare noong araw na iyon? Kung hinabol siya bago iyon, baka nag-panic siya dahilan kung bakit nabangga siya? Pero hindi pa rin nagko-connect. Possible kayang hindi talaga kinalikot ang kotse ni Klare noon, she just scared? Kasi wala namang kakalikot doon sa bahay nila eh. What if hinahabol siya noon at nag-panic? If hinahabol nga siya, sino naman ang humabol sa kaniya. And I'm sure it's not Xavier's butler kasi hindi niya nga alam na wala na si Klare. Does it mean na hindi isa sa kanila ang humabol kay Klare noon?

Paano kung katulad ngayon, isang assassin ang dahilan sa pagkabangga niya? Speaking of that assassin, may iba pa kayang assassin na nakapasok dito?

Nanlamig ako sa naisip. Paano kung pagkalabas ko may bubungad na namang patay na katawan sa sahig?

Napapikit ako sa naisip. Huwag naman sana.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status