Home / Romance / HIS PLEASURE FULFILLER / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of HIS PLEASURE FULFILLER: Chapter 1 - Chapter 10

113 Chapters

Chapter 1

Gabi na ng mga oras na iyon at kasalukuyan pa rin siyang nagre- review para sa exam niya bukas. Gusto niyang i- perfect ang score. Isa na siyang graduating student sa kaniyang kursong edukasyon. Ilang buwan na nga lamang ay internship na nila. Napabuntung- hininga siya ng mga oras na iyon. Kaunting panahon na lamang at tiyak niyang makakatulong na siya sa kaniyang mga magulang. Maaga ngang lumabas ang kaniyang ama kanina dahil maghahanap daw ito ng pera para sa mga gagamitin niya sa internship niya.Ni uniform nga ay wala pa siya kahit isa. Iyon din ang dahilan kung bakit siya nagsusumikap sa kaniyang pag- aaral. Nakikita niya kase ang kahirapang dinaranas nila. Nakikita niya ang pagod sa kaniyang mga magulang sa maghapon nilang paggawa.Ang kaniyang nanay ay nakikilaba lamang samantalang ang kaniyang tatay naman ay nakikisaka lamang. Habang naiisip ang kanilang kalagayan ay mas lalo niyang gustong magpursige sa kaniyang pangarap. Hindi lang para sa kaniyang mga magulang kundi para
last updateLast Updated : 2023-10-09
Read more

Chapter 2

"Huwag niyong hintaying ulitin ko ang sinabi ko." Muli niyang banta sa matandang nasa harap niya.Hindi naman itong mukhang natitinag dahil nakataas pa rin ang noo nitong nakatingin sa kaniya. Ang kaniyang ina ay kanina pa hila ng hila sa kaniya at paulit- ulit na bumubulong na tumigil na siya, ngunit hindi pa rin siya tumitigil. Sino ba ito sa inaakala nito? Na akala mo kung sinong pupunta sa bahay nila at pagbabantaan ang mga magulang niya na tatawag ng pulis kapag hindi nila pinirmahan ang inaabot nitong papel.Ilang sandali itong nakipagtitigan sa kaniya at pagkatapos ay ibinigay sa isa nitong kasamang lalaki ang papel na hawak nito."Sisiguruhin kong mabubulok sa kulungan yang ama mo!" Sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay walang lingong tumalikod at naglakad paalis sa kanilang bakuran.Bago ito tuluyang makalayo sa kanila ay tumigil pa ito ngunit hindi na ito lumingon pa kundi nakatalikod lang ito. Sila naman ay nakasunod lang ng tingin rito."Kayo na nga ang binibigyan ng cho
last updateLast Updated : 2023-10-09
Read more

Chapter 3

Katatapos niya lang maligo nang oras na iyon. Alas syete na iyon ng umaga at may pasok pa siya. Nagbihis na siya ng kaniyang pang pasok ngunit wala siyang balak na pumasok sa eskwelahan sa araw na iyon.Kanina habang umiiyak ang kaniyang ama sa kaniyang balikat ay nakapagdesisyon na siya. Hindi niya hahayaang makulong ang kaniyang ama dahil hindi niya din naman ito kayang makitang nahihirapan lalo na kung meron naman siyang magagawa doon.Paglabas niya ng kanilang silid ay naroon sa sala ang kaniyang ina at hinihintay siya, nang makita nitong lumabas na siya ay tumayo ito at pagkatapos ay nginitian siya, ngunit bakas ang lungkot sa mga mata nito.Inabot nito sa kaniya ang dalawang daang piso na alam niyang pagkatago- tago pa nito at pagkatipid- tipid. Inabot niya iyon at pagkatapos ay niyakap niya ito ng mahigpit at punong- puno ng pagmamahal. Ayaw niyang maging malungkot ito dahil mahal na mahal niya ito.Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya rito at lumabas na ng bahay. Ni ang kumai
last updateLast Updated : 2023-10-10
Read more

Chapter 4

Chapter 6Katulad nga ng nasabi niya kanina kay Mrs. Del Fuego ay hindi na siya umuwi pa. Nasisisguro niya kase talagang hindi papayag ang kaniyang am sa desisyon niya.Alam niyang alam nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang pag- aaral at onting- onti na lamang ay magtatapos na siya. Alam niya rin na bilang panganay ay siya na ang magpapaaral sa kapatid kapag natapos na siya.Ngunit hindi niya rin naman makakaya na ang kaniyang ama ay makita niyang humihimas ng rehas. Lalo ng hindi iyon kaya ng kaniyang ina kaya mas magandang siya na lamang ang mag- sakripisiyo para sa pamilya nila.Nasa garden siya ng mga oras na iyon dahil nagpapalipas siya ng oras, isa pa ay ang sabi sa kaniya ni Mrs. Del Fuego ay mamayang hapon pa daw niya ipapakilala sa kaniya ang anak nito dahil panigurado daw na tulog pa ito sa mga oras na iyon.Hindi naman na siya nag- usisa pa tungkol sa anak nito dahil ayaw niya namang magmukha siyang hindi sigurado. Isa pa ay iniisip niya ang kaniyang mga magulang
last updateLast Updated : 2023-10-25
Read more

Chapter 5

Chapter 5 Pagkapasok nga niya sa silid ay mabilis siyang nagbihis ng kaniyang damit upang maging komportable siya sa kaniyang paggalaw- galaw. Naka uniform pa rin kasi siya hanggang sa mga oras na iyon at hindi siya makagalaw ng maayos. Jogging pants ang naroon at ilang pirasong t- shirt na halos eksaktong- eksakto lamang talaga sa kaniya. Pagkatapos niyang nagbihis ay naupo siya sa kama at inilibot ang paningin niya sa kabuuan ng silid. Maluwang ang silid na iyon na halos kalahati na ng bahay nila. Nagyon lamang siya makakapagsarili ng silid dahil simula noong bata pa siya ay laging ang kapatid niya ang katabi niya at sa iisang silid lamang sila natutulog. Dahil maaga pa naman ay napagpasyahan niya na lamang mahiga muna sa kama. Mag- iisip isip na muna siya ng mga dapat niyang gawin. Hindi niya pa pala nasabi kay Mrs. Del Fuego kanina na huwag sanang saktan ang kaniyang ama kung sakali mang magpunta ito doon. Nawala na kase iyon sa isip niya kanina. Nang lumapat ang kaniyang liko
last updateLast Updated : 2023-10-25
Read more

Chapter 6

Malakas ang tibok ng kaniyang puso ng mga oras na iyon. Halos doblehin niya ang kaniyang hakbang pababa ng hagdan. Halos takbuhin niya rin kanina ang paglabas ng pinto sa sobrang takot niya. Ngayon niya napatunayan na nagsasabi nga ang kasambahay ng totoo kanina. Akala pa naman niya ay tinatakot lang siya nito pero totoo pala. Mukhang mahihirapan siya sa pinasok niya. Hindi niya tuloy alam kung magtatagal siya doon. “Oh, mukhang nakakita ka yata ng multo?” Nagulat pa siya ng bigla na lamang may nagsalita at nang lingunin niya ito ay ang kasambahay na nagsabi sa kaniya. Bigla na lamang itong napatango- tango kahit hindi pa siya nakakasagot, paano ba naman kasi ay medyo humihingal pa siya dahil sa kaniyang ginawang pagtakbo. Isa pa ay sino ba naman ang hindi mapapatakbo sa takot kapag sinigawan ka na. “Napatunayan mo na? Sabi ko kasi sayo e medyo may pagka- demonyo talaga ang lalaking iyon.” Sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay hinawakn siya sa kamay at bigla na lamang siyang hinila
last updateLast Updated : 2023-10-25
Read more

Chapter 7

Pagkatapos nga nilang mag- usap ni Mrs. Del Fuego ay kaagad namang gumaan ang pakiramdam niya dahil nga sa oras na iyon ay alam na ng mga magulang niya na naroon siya. Hindi man siya pormal na nakapagpaalam sa mga ito ay mainam na rin iyon dahil hindi na ito magagalit sa kaniya. Isa pa ay siniguro naman ng amo niya na magiging maayos siya doon. Masaya rin siya dahil sa mga oras na iyon ay natanggap na ng mga magulang niya ang sahod niya bagamat kaka- umpisa pa lamang ay sinahuran na siya kaagad. Kung kanina ay gusto na niyang mag- back out, ngayon ay nagbago na ang isip niya dahil doon. Sadyang napakabait talaga nito hindi lang sa kaniya kundi maging sa kaniyang pamilya. Ngayon pa lamang ay bilib na talaga siya rito mabait talaga ito. Hindi pa siya umalis sa sala ng mga oras na iyon nang pumasok si Lily galing sa labas at may dalang bag. Mukhang hirap na hirap nga ito sa pagdadala hanggang sa nilapitan na niya ito at tutulungan na lamang niya ito. Humihingal nitong ibinaba ang dal
last updateLast Updated : 2023-10-26
Read more

Chapter 8

Mag aalas otso na ng gabi ng oras na iyon. Tapos na silang kumain ng hapunan. Gusto pa nga sana niyang makipagkwentuhan muna kay Lily ngunit nahiya siya sa matandang kasambahay. Baka isipin nito na puro pakikipag- tsismisan lang ang alam niyang gawin. Sa hapunan nga ay hindi niya nakita si maam Minerva, nalaman niya ang pangalan nito kay Lily. Isa pa ay ang mga ito ang naging kasabay niya sa pagkain dahil hindi naman niya nakita itong bumaba simula nang dumating ito kaninang galing sa bahay nila. Nakatulala siya habang nakahiga, wala na naman siyang magawa kaya manunuod na lang muna siguro siya ng korean drama. Itutuloy na lang niya muna siguro yung pinapanuod niya kanina. Nakalimutan nga pala niyang patayin ang tv at nang pumasok sila doon ni Lily sa silid niya ay nakaandar pa rin iyon na wala namang nanunuod. Nanghinayang tuloy siya sa kuryente. Tumayo na nga siya at akmang isasaksak na sana niya ang tv nang bigla na lamang siyang may narinig na tumunog. Kaagad siyang napalingon s
last updateLast Updated : 2023-10-26
Read more

Chapter 9

Habang nakahiga siya sa kanyang kama ay hindi pa rin matanggal sa kaniyang isipan ang nakita niya kanina. Hindi siya pwedeng magkamali sa kanyang nakita. Kitang- kita ng dalawang mata niya na nakatayo talaga ito at hindi siya basta namamalikmata lang. Lumapit talaga ito sa kaniya ng naglalakad. Narinig pa nga niya ang mga yabag nitong papalapit sa kaniya kanina. Ngunit ang hindi niya talaga maintindihan ay kung bakit noong pagbalik na niya na may dalang kutsara ay naka- wheel chair na ito. Sadya kayang namamalikmata lang siya? Kahit siya sa sarili niya ay hindi niya makumbinsi. Napahilamos na nga lang siya ng kaniyang mukha, sa dami ba naman kasi ng iniisip niya ay dadagdag pa talaga ito. Natigil siya sa kanyang pag- iisip ng bigla na lang na naman tumunog ang intercom, kanina niya pa iyon inaalala kung ano ang tawag doon. “Tapos na ako, ilabas mo na itong pinagkainan ko.” sabi nito at pagkatapos ay pinatay na nito iyon. Napairap na lamang siya sa hangin ng mga oras na iyon. Nakaka
last updateLast Updated : 2023-10-26
Read more

Chapter 10

Halos malaglag ang panga niya sa sahig ng mga oras na iyon dahil sa kanyang narinig. Sa dami ba naman ng iuutos nito sa kanya ay ang maghubad pa. Napayakap siya ng wala sa oras sa kanyang sarili. Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa mukha nito. “Ano hindi mo magawa?” Tanong nito. “Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo, leave now.” Walang emosyong sabi nito at pagkatapos ay itinuro na ang pinto. “Ngayon pa lang ay iligpit mo ang mga gamit mo—---” “Wala ka bang ibang iuutos sir? Bakit kailangang iyon pa ang iutos niyo?” Hindi makapaniwalang tanong niya rito. “E yun nga ang gusto ko.” SAbi nito at pagkatapos ay humalukipkip pa ito sa harap niya. Hindi siya makapaniwala, hindi lang pala ito may masamang ugali kundi may pagka- manyak din ito. “Ayaw ko sir.” Tanggi niya. Hinding - hindi siya maghuhubad sa harap nito. “Okay then tapos na ag usapan. Makukulong ang tatay mo dahil sa katigasan mo.” Sabi nito sa kanya. “Lumabas ka na.” Ulit nito at muling itinuro ang pinto. Napapaisip t
last updateLast Updated : 2023-10-27
Read more
PREV
123456
...
12
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status