Share

Chapter 6

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2023-10-25 19:17:25

Malakas ang tibok ng kaniyang puso ng mga oras na iyon. Halos doblehin niya ang kaniyang hakbang pababa ng hagdan. Halos takbuhin niya rin kanina ang paglabas ng pinto sa sobrang takot niya. Ngayon niya napatunayan na nagsasabi nga ang kasambahay ng totoo kanina.

Akala pa naman niya ay tinatakot lang siya nito pero totoo pala. Mukhang mahihirapan siya sa pinasok niya. Hindi niya tuloy alam kung magtatagal siya doon.

“Oh, mukhang nakakita ka yata ng multo?” Nagulat pa siya ng bigla na lamang may nagsalita at nang lingunin niya ito ay ang kasambahay na nagsabi sa kaniya.

Bigla na lamang itong napatango- tango kahit hindi pa siya nakakasagot, paano ba naman kasi ay medyo humihingal pa siya dahil sa kaniyang ginawang pagtakbo. Isa pa ay sino ba naman ang hindi mapapatakbo sa takot kapag sinigawan ka na. 

Napatunayan mo na? Sabi ko kasi sayo e medyo may pagka- demonyo talaga ang lalaking iyon.” Sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay hinawakn siya sa kamay at bigla na lamang siyang hinila nito patungo sa kusina.

Pinaupo siya nito sa isang upuan at pagkatapos ay binuksan nito ang ref at naglabas ng tubig at inilapag sa harap niya.

Ano ba kasing pumasok sa isip mo at pumasok kang mag- aalaga sa anak nilang iyon?” Tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay may dala na itong baso pagbalik nito at nagsalin ito doon ng yubig at ibinigay sa kaniya.

“Oh uminom ka nga muna at mukhang pagod na pagod ka.” Sabi nito at pagkatapos ay naupo sa harap niya.

“Ahh, oo nga pala ako nga pala si Lily.” Nakangiting pagpapakilala nito.

Ngumiti din naman siya at pagkatapos ay nagsalita.

“Serene ang pangalan ko.” Sabi niya at pagkatapos ay uminom siya ng tubig.

“Balik tayo sa tanong ko kanina, pero kung ayaw mo namang sagutin ay okay lang.” Ngumiti ito, isang mapang- unawang ngiti.

Sa tantiya ay parang mas matanda lang ito sa kaniya ng ilang taon dahil mukha pa naman itong bata.

Nagdadalawang- isip siya kung sasagutin niya nga ba ang tanong nito o hindi. Pero mas maganda na lang din na sagutin niya ito dahil para kahit papano naman ay gumaan ang pakiramdam niya. Ibinaba niya ang hawak niyang baso sa counter at pagkatapos ay napatitig doon.

“Ewan ko din kung paano ako napasok sa ganitong sitwasyon,” pagsisimula niya. Magaan naman ang pakiramadam niya kay Lily na akala mo ay matagal na silang magkakilala. Isa pa hindi naman nagkakalayo ang agwat ng edad nila at para na rin niya itong kapatid. 

“Nakita ko nga kanina naka- uniform ka pa, kaya nagtataka ako.” Dagdag pa nito.

Napahugot siya ng isang malalim na buntung- hininga at pagkatapos ay inalog niya ang baso na may lamang tubig pagkatapos ay napangiti siya ng mapait.

“Nasa huling taon na ako sa kurso kong edukasyon at mag- iintern na ako,” may lungkot na sabi niya.

“Oh talaga? E bakit ka nandito? Naku, sayang naman magtatapos ka na pala.” Puno ng panghihinayang na sabi ni Lily sa kaniya.

Napangiti siyang muli ng mapait, hindi siya nakasagot dito. Natahimik siya at nakatitig lamang sa baong may lamang tubig.

“Tapos? Anong naging dahilan kung bakit ka napunta rito?” Muling tanong nito sa kaniya.

“Hindi mo ba nabalitaan yung nangyari dito sa ranchong ito?” Siya naman ang nagtanong rito ng mga oras na iyon. Kasambahay siya sa ranchong iyon kaya alam niyang may alam ito s anangyari dahil napaka- imposible namang wala itong alam.

Nakita niya naman itong napaisip ng mga oras na iyon. Napakunot noo pa nga ito at pilit na inaalala ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw hanggang sa wala sa sarili itong nagsalita.

“Parang wala naman akong matandaan.” Sabi nito na nag– iisip pa rin hanggang sa, “Kagabi may, ay oo! Kagabi may tangkang papasok sana dito sa rancho para magnakaw, tapos isa lang ang nahuli at—--” 

Napatigil ito sa pagsasalita at pagkatapos ay napatingin sa kaniya habnag nanlalaki ang mga mata na akala mo’y hindi makapaniwala.

“Huwag mong sabihing…” putol nito sa sasabihin nito habang nakatitig sa kaniya.

Siya naman ay napabuntung- hininga na lamang.

“Tama ang iniisip mo.” Sabi niya rito.

“E paanong napunta ka rito? Diba dapat yung nagtangkang pumasok ang magdudusa?” Tanong nitong muli sa kaniya.

“Nagbigay sila ng pagpipilian, ang makulong ang tatay ko o ang maging tagasilbi ng anak nila kaya nandito ako. Hindi ko rin naman maatim na makitang nakakulong ang tatay ko.”

“Napakabait mo namang anak.” Sabi nito kaya napalingon siya rito. “Pero sayang yung pag- aaral mo.” Dagdag pa nito.

“Wala akong choice e, siguro ipagpapatuloy ko na lang yun pag umalis ako rito.” Sabi niya para na rin kahit papano ay gumaan naman ang pakiramdam niya.

“Bakit naman kasi nagawa iyon ng tatay mo?” 

Natahimik siya, hindi niya alam kung tama pa bang sabihin niya rito ang dahilan. Siguro naman ay maiintindihan din nito ang tunay na dahilan kung bakit iyon ginawa ng kaniyang ama.

“Dahil nga fourth year na ako ay mag- iintern na ako at kailangan ko ng panggastos at pangbili ng uniform ay kaya niya nagawa iyon. Gustuhin ko mang magalit sa tatay ko dahil sa ginawa niya ay hindi ko magawa dahil nga para rin naman sakin iyon.” Napakagat- labi na lamang siya ng mga oras na iyon habang nagkukwento. 

Nangingilid na ang kaniyang luha ng mga oras na iyon nang bigla na lamang hawakan ni Lily ang mga kamay niya.

“Kaya mo yan, mahal na mahal ka lang ng tatay mo kaya niya iyon nagawa. At huwag ka ng umiyak, naiiyak na rin ako.” Pilyang sabi nito at pagkatapos ay bahagya siya nitong tinampal.

Natawa na lamang siya ng mga oras na iyon at nilingon niya ito. Hindi nga ito nagbibiro dahil noong mga oras na iyon ay kasalukuyan nga itong nagpupunas ng mga mata. Naiyak nga talaga ang loka. Akala pa naman niya ay nagbibiro lang ito pero totoo pala.

“Mas naiyak ka pa sakin ah.” Kantiyaw niya rito at pagkatapos ay ngumiti.

“Oo nga, ikaw kasi.” Sabi nitong tatawa- tawa na ng mga oras na iyon dahil tapos na itong magpunas ng luha.

Nahawa na lamang siya sa pagtawa nito, sa mga oras na iyon ay mas gumaan na ang pakiramdam niya. Mas maganda talagang may napagsasabihan ka ng nararamdaman mo kaysa kinikipkip mo lang.

“Balik tayo sa lalaking iyon, naku! Mag- ingat ka talaga doon, napakasama talaga ng ugali nun.” Umiiling na sabi nit.

Dito naman siya nakakita ng pagkakataon upang tuluyang makapagtanong rito. Napakarami niyang gustong malaman tungkol sa lalaking iyon.

“Bakit ba kasi siya naaksidente?” Curious na tanong niya rito. Gusto niyang malaman kung ano ang pinakasanhi ng hindi nito paglakad.

“Sa totoo lang ay apat na buwan pa lang ako rito at wala pa akong alam na marami tungkol sa kaniya, basta ang alam ko lang ay naaksidente siya sa kotse.” Sabi nito.

Napatango- tango naman siya dahil sa sinabi nito, iyon pala ang dahilan kung bakit hanggang sa oras na iyon ay hindi pa rin ito nakakalakad.

“At alam mo ba, sa apat na buwan ko na yun ay ni minsan ay hindi ko pa nakita ang mukha niya.” Dagdag pa nito na nagpakunot ang noo niya.

Paano namang nangyaring sa apat na buwan niya doon ay hindi niya pa ito nakikita, hindi kaya ito lumalabas ng silid nito?

Tinalikuran siya ni Lily at nagbukas ng ref at pagkatapos ay naglabas doon ng tinapay at palaman. 

“Anong ibig mong sabihin na hindi mo pa siya nakikita?” Tanong niya rito, gusto niyang malaman.

“Hindi siya lumalabas ng silid niya.” Simpleng sagot lamang nito.

“E diba nga sabi mo ay minsan ka ng naghatid sa kaniya ng pagkain diba? Paano mo naman siyang hindi nakita?” Tanong niya ritong muli.

Punong- puno talaga siya ng katanungan ng mga oras na iyon, sa punto ngang iyon ay humarap na ito sa kaniya at may hawak na itong plato na may lamang tinapay. Inilapag muna nito iyon sa harap niya bago ito sumagot.

“Nakita mo naman kung gaano kadilim yung kwarto niya diba?” Nakairap pa nitong tanong sa kaniya at pagkatapos ay dinampot ang isang tinapay doon. “Kumain ka muna ng tinapay.” Sabi nito at pagkatapos ay itinuro ang isang tinapay  na nasa harap niya.

“Tanging si Manang Celia lang ang nakakapasok doon at nakakapaglinis.”Patuloy nito. “Kaaalis nga lang kahapon nung nurse na isa, mangiyak- ngiyak pa nga e. Naku, talaga! Sinasabi ko sayo Serene, ewan ko lang kung makapag- tiyaga ka.” SAbi nito at muling sumubo ng tinapay.

Sa mga oras nga na iyon ay nagdadalawang isip na tuloy siya, kung aalis na siya ngayon tutal naman ay unang araw pa lang niya pero nasisiguro niyang kung aalis siya doon ay mapipilitan pa rin ang mga itong kasuhan ang kaniyang ama. Wala siyang choice.

“Bata pa siya diba?” Iyon na lamang ang muli niyang naitanong pagkatapos niya matahimik ng ilang sandali.

Bigla namang natawa sa kaniya si Lily ng mga oras na iyon dahil sa tanong niya. Napakunot pa nga ang kaniyang noo at napaisip kung may mali ba sa tanong niya.

“Anong batang sinasabi mo? Bente- singko na yata ang lalaking iyon kung hindi ako nagkakamali.” Iiling- iling pa nitong sabi sa kaniya.

Siya naman ay halos hindi makapaniwala sa kaniyang nalaman. Bente singko na pala ang edad nito kaya nagtataka siya kung bakit kailangan pa nito ng tagapag- alaga dahil kung tutuusin ay kaya naman nitong alagaan ang sarili nito, pero sa isang banda ay hindi nga pala ito nakakalakad kaya alam niya limitado lamang ang maaari nitong gawin.

Sa mga nalaman niya ay naghalo- halong emosyon na ang nararamdaman niya, idagdag pa na sa mga oras na iyon ay wala pa ring kaide- ideya ang kaniyang pamilya sa desisyong ginawa niya,

“Kaya kung ako sayo, mag- isip ka muna ng mabuti.” Dagdag pa nitong muli.

Pero nandito na siya kailangan na niyang harapin iyon, isa pa ay kalayaan pa rin ng kaniyang ama ang mahalaga sa kaniya hanggang sa mga oras na iyon.

Ilang sandali pa nga ay narinig na nila ang pagdating ng kotse kaya mabilis ang naging kilos nila at nagtayuan sila bilgla mula sa kanilang pagkakaupo. Baka si Mrs. Del Fuego na iyon.

Magkasabay nga sila ni Lily na lumabas mula sa kusina upang salubungin ito. Nang nasa sala na sila ay eksakto namang pumasok na doon ito at pagkatapos ay nginitian siya.

“Tamang- tama hija, nandito ka pala gusto sana kitang makausap.” Sabi nito at pagkatapos ay nauna ng naupo sa upuan na sinundan naman niya ngunit bago man siya sumunod rito ay nilingon muna niya si Lily na noo’y tinanguan lamang siya.

Sumunod na nga siya rito at magkaharap na silang nakaupo sa sala. Tumikhim muna ito bago ito nagsalita.

“Diba nagpaalam ako sayo na may pupuntahan ako hija?” Tanong nito sa kaniya.

Isang tango lang ang naging sagot niya rito ng mga oras na iyon.

“Ang totoo niyan ay nagpunta ako sa bahay niyo para personal na makipag- usap sa mga magualang mo.” Sabi nito na nagpa- angat ng kaniyang tingin rito.

Wala siyang alam na sa bahay pala nila  ito pupunta dahil ang naging paalam lang naman nito sa kaniya ay may pupuntahan lang daw ito.

“Kinausap ko sila at ipinaalam ko nandito ka, dahil bilang isang magulang ay alam kong mag- aalala sila sayo hija.” 

Dahil sa sinabi nito ay tila ba hinaplos ang puso niya ng mga oras na iyon. Napakabait talaga nito, pero ang ugali ng anak nito ay malayong- malayo rito.

“Ipinangako ko sa kanilang magiging maayos ka rito.” Dagdag pa nito. Tahimik lang siya ng mga oras na iyon dahil wala siyang alam na sabihin rito.

“Graduating student ka pala hija, bakit hindi mo sinabi sa akin? Hinayang na hinayang ang mga magulang mo sayo pero wala din silang magawa, pero sinabi ko naman sa kanila na isang taon ka lang rito at pagkatapos ng isang taon ay ako na mismo ang magpapauwi sayo. Isa pa ay sasagutin ko na ang last year mo sa pag- aaral next year maging ang mga babayaran at uniform mo para sa internship.” Mahabang sabi nit.

Halos maluha siya ng mga oras na iyon, napakabait talaga nito. Sila na nga ang nagkaroon ng kasalanan rito ay sila pa ang tinulungan nito.

“Maraming, maraming salamat po maam.” Naiiyak na sambit niya at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nito.

“Pinapangako ko po sainyong pagbubutihan ko.” Sabi niya rito habang nagingilid ang mga luha.

Para man lang mabayaran niya kahit papano ang kabutihan nito.

“Ibinigay ko na rin sa kanila ang sweldo mo.” Dagdag pa nito at pagkatapos ay tumayo na. “Kumusta pala ang pagkain ng anak ko naibigay mo ba?” Tanong nito sa kaniya bago ito humakbang.

“Ah opo, naibigay ko naman po sa tamang oras.” Sabi niya at pagkatapos ay ngumiti na ito at iniwan siya doo.

Nagpunas na lamang siya ng mga luha niyang bumagsak sa kaniyang mga pisngi.

eleb_heart

pa rate naman po, salamat!

| 8
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Mariquit Saldo
Ang ganda ng story
goodnovel comment avatar
Teresita Parin
maganda ang story parate namn
goodnovel comment avatar
Marites Ducut
pa rate naman po ganda nang storya pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 7

    Pagkatapos nga nilang mag- usap ni Mrs. Del Fuego ay kaagad namang gumaan ang pakiramdam niya dahil nga sa oras na iyon ay alam na ng mga magulang niya na naroon siya. Hindi man siya pormal na nakapagpaalam sa mga ito ay mainam na rin iyon dahil hindi na ito magagalit sa kaniya. Isa pa ay siniguro naman ng amo niya na magiging maayos siya doon. Masaya rin siya dahil sa mga oras na iyon ay natanggap na ng mga magulang niya ang sahod niya bagamat kaka- umpisa pa lamang ay sinahuran na siya kaagad. Kung kanina ay gusto na niyang mag- back out, ngayon ay nagbago na ang isip niya dahil doon. Sadyang napakabait talaga nito hindi lang sa kaniya kundi maging sa kaniyang pamilya. Ngayon pa lamang ay bilib na talaga siya rito mabait talaga ito. Hindi pa siya umalis sa sala ng mga oras na iyon nang pumasok si Lily galing sa labas at may dalang bag. Mukhang hirap na hirap nga ito sa pagdadala hanggang sa nilapitan na niya ito at tutulungan na lamang niya ito. Humihingal nitong ibinaba ang dal

    Last Updated : 2023-10-26
  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 8

    Mag aalas otso na ng gabi ng oras na iyon. Tapos na silang kumain ng hapunan. Gusto pa nga sana niyang makipagkwentuhan muna kay Lily ngunit nahiya siya sa matandang kasambahay. Baka isipin nito na puro pakikipag- tsismisan lang ang alam niyang gawin. Sa hapunan nga ay hindi niya nakita si maam Minerva, nalaman niya ang pangalan nito kay Lily. Isa pa ay ang mga ito ang naging kasabay niya sa pagkain dahil hindi naman niya nakita itong bumaba simula nang dumating ito kaninang galing sa bahay nila. Nakatulala siya habang nakahiga, wala na naman siyang magawa kaya manunuod na lang muna siguro siya ng korean drama. Itutuloy na lang niya muna siguro yung pinapanuod niya kanina. Nakalimutan nga pala niyang patayin ang tv at nang pumasok sila doon ni Lily sa silid niya ay nakaandar pa rin iyon na wala namang nanunuod. Nanghinayang tuloy siya sa kuryente. Tumayo na nga siya at akmang isasaksak na sana niya ang tv nang bigla na lamang siyang may narinig na tumunog. Kaagad siyang napalingon s

    Last Updated : 2023-10-26
  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 9

    Habang nakahiga siya sa kanyang kama ay hindi pa rin matanggal sa kaniyang isipan ang nakita niya kanina. Hindi siya pwedeng magkamali sa kanyang nakita. Kitang- kita ng dalawang mata niya na nakatayo talaga ito at hindi siya basta namamalikmata lang. Lumapit talaga ito sa kaniya ng naglalakad. Narinig pa nga niya ang mga yabag nitong papalapit sa kaniya kanina. Ngunit ang hindi niya talaga maintindihan ay kung bakit noong pagbalik na niya na may dalang kutsara ay naka- wheel chair na ito. Sadya kayang namamalikmata lang siya? Kahit siya sa sarili niya ay hindi niya makumbinsi. Napahilamos na nga lang siya ng kaniyang mukha, sa dami ba naman kasi ng iniisip niya ay dadagdag pa talaga ito. Natigil siya sa kanyang pag- iisip ng bigla na lang na naman tumunog ang intercom, kanina niya pa iyon inaalala kung ano ang tawag doon. “Tapos na ako, ilabas mo na itong pinagkainan ko.” sabi nito at pagkatapos ay pinatay na nito iyon. Napairap na lamang siya sa hangin ng mga oras na iyon. Nakaka

    Last Updated : 2023-10-26
  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 10

    Halos malaglag ang panga niya sa sahig ng mga oras na iyon dahil sa kanyang narinig. Sa dami ba naman ng iuutos nito sa kanya ay ang maghubad pa. Napayakap siya ng wala sa oras sa kanyang sarili. Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa mukha nito. “Ano hindi mo magawa?” Tanong nito. “Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo, leave now.” Walang emosyong sabi nito at pagkatapos ay itinuro na ang pinto. “Ngayon pa lang ay iligpit mo ang mga gamit mo—---” “Wala ka bang ibang iuutos sir? Bakit kailangang iyon pa ang iutos niyo?” Hindi makapaniwalang tanong niya rito. “E yun nga ang gusto ko.” SAbi nito at pagkatapos ay humalukipkip pa ito sa harap niya. Hindi siya makapaniwala, hindi lang pala ito may masamang ugali kundi may pagka- manyak din ito. “Ayaw ko sir.” Tanggi niya. Hinding - hindi siya maghuhubad sa harap nito. “Okay then tapos na ag usapan. Makukulong ang tatay mo dahil sa katigasan mo.” Sabi nito sa kanya. “Lumabas ka na.” Ulit nito at muling itinuro ang pinto. Napapaisip t

    Last Updated : 2023-10-27
  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 11

    Gustuhin niya mang umiyak ng mga oras na iyon ay wala na siyang luha. Naubos na ang kanyang luha kanina pa. Katatapos lang siyang pagsamantalahan ng lalaking nasa tabi niya. Sa mga oras din na iyon ay halos mandiri siya sa sarili niya dahil kababuyang ginawa sa kanya. Ramdam na ramdam nga rin niya sa mga oras na iyon ang hapdi sa pagitan ng kanyang mga hita. Iyon ang unang beses na nagalaw siya at sa ganitong paraan pa niya nawala ang pagka- birhen niya. Sa dami- dami ba naman ng pwede niyang pagbigyan nito ay sa demonyong lalaki pa napunta. Hindi niya tuloy alam kung may mapapala siya kapag nagsumbong siya. “From now on ay dito ka na matutulog sa silid ko.” Sabi sa kanya ng walang hiyang lalaki. Wala siyang lakas na sumagot ng mga oras na iyon isa pa ay kailangan niya ba talagang sundin lahat ng utos nito kapalit ng kalayaan ng kanyang ama? Bakit tila sobra naman na yata? Ang usapan nila ng ina nito ay magiging tagasilbi siya nito pero wal sa usapan nila na magiging parausan siya n

    Last Updated : 2023-10-27
  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 12

    Nagbihis nga muna siya bago siya bumaba at pagkatapos ay naghilamos na rin. Doon nga niya napatunayan na totoo nga pa lang namumugto talaga ang mga mata niya. Akala pa naman niya ay nagbibiro lang si Lily pero totoo pala. Ang pangit tuloy ng kanyang mga mata. Naabutan na nga niya sa kusina sina Lily at ang ilan pang kasambahay, well, dapat lang naman na magsabay- sabay sila dahil pare- parehas lang naman silang tauhan sa bahay na iyon. “Oh umupo ka na.” turo ni Lily sa isang bakanteng upuan sa tabi niya. May nakahanda na ring plato doon at mga kutsara. Habang nakatitig sa mga nakahain ay hindi niya maiwasang mamangha dahil kahit pa sabihing mga tauhan lamang sila ay kung ano ang ulam ng mga amo nila ay ganun rin ang inuulam nila. Sadyang napakabait nga talaga ng mag- asawang Del Fuego. Sumandok na nga siya at nag- umpisa na ring kumain. Ang iba ngang kasama nila sa hapag ay hindi pa rin niya alam ang mga pangalan ng mga ito. Hindo pa rin kasi niya nahaharap na makipagkwentuhan sa m

    Last Updated : 2023-10-27
  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 13

    13 Napaubo siya nang buamgsak ang kurtinang tinanggal niya mula sa curtain rod. Hindi niya tuloy alam kung ialang taon na itong hindi nalilinis. Nagtataka rin siya kung bakit may ganuong silid sa bahay na iyon na marumi samantalang ilan ang kasambahay ng mga ito. At hindi niya rin lubos maisip kung bakit siya ang pinagdiskitahan nitong utusan sa paglilinis ng silid na iyon. Hanggang sa mga oras nga na iyon ay nagngingitngit pa rin ang kaniyang kalooban. Bukod na nga sa sobrang luwang ng silid na iyon ay ubod pa ng kapal ang mga alikabok. Hindi niya tuloy alam kung ilang oras siyang magdudusang linisin iyon. Isa- isa nga niyang pinulot ang mga kurtina at itinambak sa tabi ng pinto. Nang matanggal niya na ang lahat ng kurtina ay napahinga siya ng maluwag. Lumiwanag na rin ang loob ng silid ng mga oras na iyon dahil nawala na ang makakapal na kurtina. Hindi niya natatanggal ang mga nakatakip na tela sa mga kagamitan doon. Wala siyang ideya kung ano ang mga iyon at isa pa ay hindi niya

    Last Updated : 2023-10-27
  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 14.1

    Nang makapahinga nga siya ay kaagad siyang lumabas sa music room na iyon at pumasok sa kaniyang silid upang maligo. Nanlalagkit kasi ang pakiramdam siya sa pinaghalong pawis at mga alikabok na kumapit na sa kaniyang balat. Medyo nangangati na nga rin ang balat niya ng mga oras na iyon. Pa inat- inat siya habang naglalakad papunta sa kaniyang silid. Ramdam na ramdam niya ang sobrang pagod niya dahil sa paglilinis na ginawa niya, idagdag pa na sumasakit ang katawan niya ng mga oras na iyon. Kung hindi nga lang sana dahil kay maam Minerva ay hinding- hindi niya sana ito lilinisan pero dahil nga ito ang kumausap sa kaniya ay hindi na lamang siya nakatanggi. Nahihiya kasi siya rito dahil napakabait nito tapos ang simpleng kahilingan lamang nito ay hindi pa niya mapagbigyan. Ilang sandali pa nga ay nakaratin na siya sa kaniyang silid. Hindi na niya tiningnan kung anong oras na dahil nagtuloy- tuloy na lamang siya sa banyo. Ligong- ligo na talaga ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon. Ila

    Last Updated : 2023-10-28

Latest chapter

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 41.2

    Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 41.1

    Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 40

    Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 39.3

    Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 39.2

    Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 39.1

    Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 38.6

    Hindi napigil ng mga pulis na hindi lumapit si Luther sa bahay. Kahit nagpapalitan ng mga putok ang mga ito ay wala siyang pakialam. Handa siyang isugala ng buhay niya mailigtas lamang ang mga anak niya.Rinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Kenneth ngunit tuloy- tuloy siya sa ginagawa niyang paggapang. Malapit na siya sa bahay. Mas lalo pang tumindi ang pagnanasa niyang makalapit sa bahay dahil mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya ang pag- iyak ng mga anak niya.Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng matinding galit. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat.Nang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa bahay ay nakita niya ang pagbukas ng pinto kung saan ay lumabas ay may nakikipagbuno sa isang lalaki habang nakatali ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino iyon. Si Bill, ngunit bakit nakatali ang mga kamay nito?Nakita niya kung paano nito tinadtyakan ang ari nito kaya bigla itong napahiga at mabilis na pinulot ang baril nito. Kasunod nito

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 38.5

    —----Nasa gitna ng bukid ang address na ibinigay sa kanila ni Bill. mula sa daan ay kita nila ang ilang sasakyan na nakaparada sa labas. Sa unang tingin talaga ay wala siyang pagdududa na doon nga talaga dinala ni Lian ang mga anak niya. Pagbaba pa nga lamang niya ng sasakyan ay halos gusto na niya kaagad tumakbo patungo doon pero syempre ay hindi niya naman pwedeng gawin iyon dahil unang- una ay wala siyang dalang baril.Baka salubungin siya ng mga ito ng putok ng baril, wala pa naman pwedeng pagkublihan sa parteng iyon. Ayon sa mg pulis ay kailangan nila ang pagdodoble- ingat dahil baka mamaya ay isa pala iyong patibong. Baka mamaya ay naghihintay na pala ang mga ito sa kanila at nagkalat na sa paligid nang wala silang kaalam- alam.Kapag ganun nga ang nangyari, posible na wala silang magiging laban dahil hindi sa pamilyar sa kanila ang lugar. Idagdag pa nga na walang pwedeng pagtaguan dahil nga puro kabukiran ang nakapaligid sa bahay.“Sir, mauuna muna kami. Dito lang muna kayo sa

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 38.4

    Mabilis nga niyang sinagot ito at pagkatapos ay itinapat kaagad ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.“Hello?” isang baritonong tinig ang sumalubong sa kaniya at hindi pamilyar iyon sa kaniyang pandinig. Sino kaya ito? At ano ang kailangan nito sa kaniya.“Sino to?” walang emosyong tanong niya rito.Unti- unti nang bumibilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit.“Ito ba ang anak ni Maam Minerva Del Fuego?” tanong ng nasa kabilang linya.Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong nito ng mga oras na iyon. Siya ba ang hinahanap nito o iba? Pero anak ni Minerva Del Fuego? Siya iyon, pero hindi lang naman siya ang anak nito.“Ako nga.” iyon na lamang ang naisagot niya at mas lalong naging curious pa siya lalo kung sino ba ito.“Ako ang imbestigador na kinuha noon ng iyong ina, may isang text message akong ipapasa sayo galing kay Bill at tungkol sa mga anak mo.” sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.Umahon ang galit sa dibdib ni

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status