Share

Chapter 5

Author: eleb_heart
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 5

Pagkapasok nga niya sa silid ay mabilis siyang nagbihis ng kaniyang damit upang maging komportable siya sa kaniyang paggalaw- galaw. Naka uniform pa rin kasi siya hanggang sa mga oras na iyon at hindi siya makagalaw ng maayos.

Jogging pants ang naroon at ilang pirasong t- shirt na halos eksaktong- eksakto lamang talaga sa kaniya.

Pagkatapos niyang nagbihis ay naupo siya sa kama at inilibot ang paningin niya sa kabuuan ng silid. Maluwang ang silid na iyon na halos kalahati na ng bahay nila. Nagyon lamang siya makakapagsarili ng silid dahil simula noong bata pa siya ay laging ang kapatid niya ang katabi niya at sa iisang silid lamang sila natutulog.

Dahil maaga pa naman ay napagpasyahan niya na lamang mahiga muna sa kama. Mag- iisip isip na muna siya ng mga dapat niyang gawin. Hindi niya pa pala nasabi kay Mrs. Del Fuego kanina na huwag sanang saktan ang kaniyang ama kung sakali mang magpunta ito doon. Nawala na kase iyon sa isip niya kanina.

Nang lumapat ang kaniyang likod sa kama ay napapikit siya dahil nanibago siya. Napakalambot ng kam samantalang iyong hinihigaan niya sa kanilang bahay ay matigas dahil nakpapg lamang sila at naka- banig. Ni minsan ay hindi pa niya naranasan ang matulog sa kutson dahil nga wala naman sila niyon, isa pa ay wala silang pambili.

Kaya nga siya angsusumikap sa kaniyang pag- aaral dahil para na rin kahit papano ay matulungan niya ang kaniyang mga magulang. Simula bata siya ay wala siyang ibang pinangarap kundi ang mabago niya ang pamumuhay nila dahil sobrang naawa siya sa kalagayan nila.

Sa kaniyang pag- iisip ay hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya. 

—-----------

Ilang katok sa pinto ang nagpagising sa kaniya. Dali- dali siyang bumangon mula sa kaniyang pagkakahiga ng marinig niya ang katok. 

Kinukusot- kusot pa niya ang kaniyang mga mata ng buksan niya ang pinto. Si Mrs. Del Fuego ang napagbuksan niya roon ng mga oras na iyon at hindi niya maiwasan ang makaramdam ng hiya ng mga oras n aiyon dahil nga nakatulog siya doon. Isa pa ay hindi niya rin naman inaasahang makaktulog pala siya doon dahil nga nagmumuni- muni pa siya kanina.

Siguro ay dala na rin ng pag- iisip kaya nakaidlip siya, idagdag pa na anong oras na nga pala siya nakatulog kagabi dahil dis- oras na ng gabi ng dumating ang kaniyang ama sa bahay nila.

“Pasensiya na po nakaidlip po pala ako.” Hingi niya ng paumanhin dito. Nahihiya tuloy siya rito dahil ano na lamang ang iisipin nito sa kaniya.

“Ano ka ba naman, diba ang sabi ko naman sayo kanina ay magpahinga ka muna. Tyaka ano ba ang inihihingi mo ng pasensiya e okay lang naman. Walang problema sa akin yun.” Sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay nginitian siya nito.

Napakabait talaga nito sa isip- isip niya. Wala siyang masabi sa kabaitan nito mas lalo na sa nagawa ng kaniyang ama dahil sa halip na magalit ang mga ito ay binigyan pa sila ng choice para hindi lamang makulong ang kaniyang ama. Idagdag pa na kaninang nakiusap siya rito na bigyan siya ng sweldo ay hindi man lang nagreklamo ito.

“Halika na kumain na tayo.” Yaya nito sa kaniya at pagkatapos ay hinila na siya palabas ng silid.

Tahimik siyang sumunod rito, hawak pa rin nito ang kaniyang kamay habang patungo sila sa kusina. Naabutan nila doon ang asawa nitong nakaupo na doon at halatang sila na lamang talaga ang hinihintay. Ibig sabihin ay hindi pa nag-  umpisang kumain ang mga ito at talaga namang nag- abala pa na tawagin siya upang kumain lang.

Doon pa lamang ay nakaramdam siyang muli ng hiya dahil sa pag- aasikaso ng mga ito sa kaniya. Daig pa niya ang bisita ng mga ito kung ituring nila. Kaagad na ngumiti ang matanda ng makita sila.

Kaagad din naman siyang umupo na upang makapag- umpisa na silang kumain. May mga kasambahay naman ang mga ito kaya hindi sila nagpapagod pa.

“Kumain ka na hija. Kumain ka lang ng kumain at huwag kang mahihiya. Isipin mong bahay mo na rin ito.” SAbi ng matanda sa kaniya.

“Salamat po.” Iyon na lamang ang naging sagot niya rito.

Tahimik siyang sumandok ng kaniyang pagkain. Pagkatapos niyang sumubo ng pagkain ay halos mapapikit siya sa sarap ng pagkaing kinakain niya ng mga oras na iyon. Sa mga oras na iyon ay naisip na naman niya ang kaniyang pamilya. Kailan niya kaya mapapakain ng ganuong kasarap na pagkain ang mga ito.

Bigla siyang nakaramdam ng konsensiya dahil habang kumakain siya doon ng masarap ay namomroblema ang mga ito panigurado.

“Ahh nga pala hija, mamayang alas tres ay kailangan mo ng gisingin ang anak ko para makakain na siya. Dalhan mo siya ng pagkain at ang mga gamot naman na ipapainom mo sa kaniya mamaya ay mamaya ko na lang ibibgay.” Sabi ni Mrs. Del Fuego sa kaniya.

“Sige po maam.” Magalang naman siyang sagot rito.

Pagkatapos nun ay wala na siyang narinig mula sa mga ito. Mabilis lang din naman siyang kumain dahil busog pa naman siya ng mga oras na iyon.

—----------

Tapos na silang kuamin ng mga oras na iyon, ang asawa ni Mrs. Del Fuego ay umakyat sa taas samantalang silang dalawa naman ay naiwan pa sa lamesa.

“Ito nga pala yung mga gamot na kailangan inumin ng anak ko mamaya.” Sabi nito at pagkatapos ay inilapag nito ang ilang gamot sa lamesa.

Sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang kaide- ideya kung ilang taon na ang bunsong anak nito, pero sa tantiya niya ay baka nasa kinse pababa ito dahil ayon na rin sa kwento niya ay napakabait daw talaga nito.

“Sige po maam.”

“Yung pagkain nga pala niya ay huwag mong lagyan ng gulay ha? Ayaw kasi niya ng gulay.” Dagdag pa nito. 

“Ako na sana ang magdadala muna ng pagkain niya pero may pupuntahan kasi ako mamayang alas- dos.” sabi nito sa kaniya.

“Okay lang po, isa pa po ay iyon naman talaga ang silbi ko kaya po ako nandito.” Sabi niya rin dito.

Hindi naman ito sumagot sa sinabi niya. Ilang sandali pa nga ay nagpaalam na ito sa kaniya dahil magbibihis na daw ito samantalang siya naman ay umakyat muna sa kaniyang silid upang maghintay ng oras. 

Wala naman siyang alam na ibang gagawin, isa pa ay hindi niya alam kung ano ang pagkakaabalahan niya muna para hindi siya mainip. Nang makapasok siya sa magiging silid niya ay doon niya nakita ang telebisyon kaya iyon na lamang ang naisip niya para hindi siya mabagot.

Kaagad niya namang hinanap ang remote control ng tv at pagkatapos ay naghanap ng pwede niyang mapanood. Mabuti na lamang at nakahanap siya kaagad ng mappanuod niyang korean drama. Ayon sa mga kaibigan niya ay maganda daw talaga ang mga iyon kaya iyon na lamang ang pinili niya.

—-------

Nalibang nga siya sa panunuod niya. Alas- tres singko na ang oras ng tiningala niya ang orasan kaya halos tumalon siya paalis sa kama at nagmadaling lumabas ng kaniyang silid upang magtungo sa kusina. Iyon ang unang araw niya sa kaniyang trabaho at iyon pa lamang ang unang utos sa kaniya tapos ay na- late pa siya sa paggawa. Ano na lamang ang sasabihin sa kaniya ni Mrs. Del Fuego kung sakali.

Halos takbuhin niya ng ang papunta sa kusina. Mabuti na lamang at hindi  pa nga siya natapilok sa kaniyang pagmamadali. Kaagad siyang dumiretso sa kusina kung saan ay may naabutan siya doong isang kasambahay na kasalukuyang naghuhugas ng plato.

Ni isa sa mga kasambahay sa bahay na iyon ay wala pa siyang nakakusap dahil hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang mga ito. Agad itong lumingon sa kaniya nang marinig nitong may dumating na tao sa kusina.

Agad din naman itong nagbawi ng tingin nang makita siya nit. Akmang kukuha na sana siya ng plato nang bigla na lamang itong nagsalita.

“Nasa microwave na yung pagkain, ininit ko na kuhanin mo na lang.” Sabi nito habang patuloy pa rin sa paghuhugas.

Bigla na lamang siyang nakaramdam ng hiya, kung bakit ba naman kasi nalibang siya masyado sa kaniyang pinapanuod at nakailang episode pa siya.

“Salamat.” Mahinang sabi niya at pagkatapos ay binuksan na ang microwave.

Nakahanda na rin ang tray na paglalagyan niya ng pagkain at nakapatong iyon sa lamesa, nanduon na rin ang isang basong juice at may isang basong tubig din.

Nabuksan na niya ang microwace nang bigla na naman magsalita ang kasambahay na halos mapatalon pa siya sa gulat. Bigla- bigla na lamang kasi itong nagsasalita.

“Sigurado ka bang kaya mong alagaan ang bunsong anak nila maam?” 

Napakunot ang kaniyang noo ng marinig niya ito. Nilingon niya ito.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong niya rito.

Nilingon din naman siya nito at pagkatapos ay sumagot.

“Sobrang tigas ng ulo at sobrang sama ng ugali ng lalaking iyon.” Umiiling- iling pa ito.

“Madalas niyang itapon ang mga pagkaing idinadala sa kaniya, minsan na nga rin akong nagdala ng pagkain niya at hindi ko na inulit pa.” Dagdag pa nito.

Tinatakot ba siya nito? Isa pa ay wala namang sinabing ganuon si Mrs. Del Fuego sa kaniya basta ang sabi lang nito ay napakatigas lang daw ng ulo nito.

“Hindi sa tinatakot kita pero maniwala ka, may pagka- demonyo ang lalaking iyon.” Sabi nito at tuluyan ng umalis sa tabi niya dahil tapos na itong maghugas. Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo dahil sa sinabi nito sa kaniya.

Ilang sandali pa nga ay nakumpleto na niya nag kaniyang dadalhin sa magiging boss niya. Ang sabi ni Mrs. Del Fuego ay ang nasa tabing silid daw niya ang silid ng anak nito. Sinadya daw nilang magkatabi ang mga silid nila para pag may kailangan daw ito ay madali niya itong mapupuntahan.

Hindi na lamang siya nagsalita at binitbit na ang tray na may lamang mga pagkain at umakyat na sa taas.

Habang naglalakad nga niya ay hindi niya maiwasang mag- isip ng kung ano- ano. Paano nga kung totoo ang sabi sa kaniya ng kasambahay na iyon dahil nga katulad na rin ng kwento sa kaniya ni Mrs. Del Fuego ay ilang nurse na din ang sumukong alagaan ito. Sa mga oras na iyon ay hindi niya maiwasang kabahan dahil paano na lamang ang magiging buhay niya kapag nagkataong napakasama nga talaga ng ugali nito.

Huminga na lamang siya ng malalim para kahit papano ay matanggal ang kaniyang mga iniisip ng mga oras na iyon. Sa dami ba naman kasi ng iniisip niya ng mga oras na iyon ay dadagdag pa iyon.

Pagkarating nga niya sa taas ay kaagad siyang dumiretso sa silid na nasa tabi ng kaniyang silid. Dalawang kamay nga ang may hawak ng tray kaya hindi niya alam kung paano siya kakatok doon, mabuti na lamang at may pasadyang lamesa na nasa tabi ng pinto nito at doon niya ibinaba ang tray na may laman at pagkatapos ay kumatok sa nakasarang pinto.

Naka dalawang katok siya sa pinto ngunit walang sumasagot mula sa loob.Hindi kaya tulog pa ito ng mga oras na iyon? Tanong niya s akaniyang isip ngunit napagpasyahan na lamang niyang ipasok na lamang niya ang dala niya sa loob. Ang mahalaga ay nagawa niya ang inuutos sa kaniya sa tamang oras.

Huminga muna siya ng malalim bago niya tuluyang binuksan muna ang pinto, laking pasalamat niya at hindi iyona naka- lock kaya makakapasok siya. Pagkatapos nga niyang mabuksan ang pinto ay kaagad na niyang binuhat muli ang tray at pagkatapos ay pumasok na sa loob silid.

Bumungad sa kaniyang paningin ang napakadilim na silid. Bagamat hapon na ng mga oras na iyon ay halos wala siyang makita sa loob ng silid dahil nga sobrang dilim. Ni wala man lang pumapasok doong liwanag mula sa sikat ng araw sa labas dahil ang mga bintana sa silid ay natatakpan ng makakapal at dark na kulay ng kurtina.

Gusto niyang mang hawiin ang mga iyon ay natakot siya, tanging ang ilaw na nagmumula sa nakabukas na computer ang nagsisilbing tanglaw sa buong silid.

Tiningnan niya ang kama, may taong nakahiga doon ngunit nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi niya nakita ang mukha nito.

May wheel chair sa tabi ng kama at isang pares ng saklay. Mukhang tulog pa ito ng mga oras na iyon kaya inilapag na lamang niya ito sa tabi ng sofa na may lamesa ngunit eksaktong pagkalapag niya sa tray ay bigla na lamang siyang nakarinig ng isang tinig.

“Get out.” Malumanay ngunit punong- puno ng awtoridad ang boses nito.  Akala niya ay tulog pa ito ngunit gising na pala ito.

“I said get out!” Dumagundong ang siga wnito sa buong silid at nataranta ang buong pagkatao niya ng mga oras na iyon at dali- daling lumabas sa silid na iyon.

eleb_heart

Hello po, pa rate naman po sana. Salamat po<3

| 3

Kaugnay na kabanata

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 6

    Malakas ang tibok ng kaniyang puso ng mga oras na iyon. Halos doblehin niya ang kaniyang hakbang pababa ng hagdan. Halos takbuhin niya rin kanina ang paglabas ng pinto sa sobrang takot niya. Ngayon niya napatunayan na nagsasabi nga ang kasambahay ng totoo kanina. Akala pa naman niya ay tinatakot lang siya nito pero totoo pala. Mukhang mahihirapan siya sa pinasok niya. Hindi niya tuloy alam kung magtatagal siya doon. “Oh, mukhang nakakita ka yata ng multo?” Nagulat pa siya ng bigla na lamang may nagsalita at nang lingunin niya ito ay ang kasambahay na nagsabi sa kaniya. Bigla na lamang itong napatango- tango kahit hindi pa siya nakakasagot, paano ba naman kasi ay medyo humihingal pa siya dahil sa kaniyang ginawang pagtakbo. Isa pa ay sino ba naman ang hindi mapapatakbo sa takot kapag sinigawan ka na. “Napatunayan mo na? Sabi ko kasi sayo e medyo may pagka- demonyo talaga ang lalaking iyon.” Sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay hinawakn siya sa kamay at bigla na lamang siyang hinila

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 7

    Pagkatapos nga nilang mag- usap ni Mrs. Del Fuego ay kaagad namang gumaan ang pakiramdam niya dahil nga sa oras na iyon ay alam na ng mga magulang niya na naroon siya. Hindi man siya pormal na nakapagpaalam sa mga ito ay mainam na rin iyon dahil hindi na ito magagalit sa kaniya. Isa pa ay siniguro naman ng amo niya na magiging maayos siya doon. Masaya rin siya dahil sa mga oras na iyon ay natanggap na ng mga magulang niya ang sahod niya bagamat kaka- umpisa pa lamang ay sinahuran na siya kaagad. Kung kanina ay gusto na niyang mag- back out, ngayon ay nagbago na ang isip niya dahil doon. Sadyang napakabait talaga nito hindi lang sa kaniya kundi maging sa kaniyang pamilya. Ngayon pa lamang ay bilib na talaga siya rito mabait talaga ito. Hindi pa siya umalis sa sala ng mga oras na iyon nang pumasok si Lily galing sa labas at may dalang bag. Mukhang hirap na hirap nga ito sa pagdadala hanggang sa nilapitan na niya ito at tutulungan na lamang niya ito. Humihingal nitong ibinaba ang dal

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 8

    Mag aalas otso na ng gabi ng oras na iyon. Tapos na silang kumain ng hapunan. Gusto pa nga sana niyang makipagkwentuhan muna kay Lily ngunit nahiya siya sa matandang kasambahay. Baka isipin nito na puro pakikipag- tsismisan lang ang alam niyang gawin. Sa hapunan nga ay hindi niya nakita si maam Minerva, nalaman niya ang pangalan nito kay Lily. Isa pa ay ang mga ito ang naging kasabay niya sa pagkain dahil hindi naman niya nakita itong bumaba simula nang dumating ito kaninang galing sa bahay nila. Nakatulala siya habang nakahiga, wala na naman siyang magawa kaya manunuod na lang muna siguro siya ng korean drama. Itutuloy na lang niya muna siguro yung pinapanuod niya kanina. Nakalimutan nga pala niyang patayin ang tv at nang pumasok sila doon ni Lily sa silid niya ay nakaandar pa rin iyon na wala namang nanunuod. Nanghinayang tuloy siya sa kuryente. Tumayo na nga siya at akmang isasaksak na sana niya ang tv nang bigla na lamang siyang may narinig na tumunog. Kaagad siyang napalingon s

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 9

    Habang nakahiga siya sa kanyang kama ay hindi pa rin matanggal sa kaniyang isipan ang nakita niya kanina. Hindi siya pwedeng magkamali sa kanyang nakita. Kitang- kita ng dalawang mata niya na nakatayo talaga ito at hindi siya basta namamalikmata lang. Lumapit talaga ito sa kaniya ng naglalakad. Narinig pa nga niya ang mga yabag nitong papalapit sa kaniya kanina. Ngunit ang hindi niya talaga maintindihan ay kung bakit noong pagbalik na niya na may dalang kutsara ay naka- wheel chair na ito. Sadya kayang namamalikmata lang siya? Kahit siya sa sarili niya ay hindi niya makumbinsi. Napahilamos na nga lang siya ng kaniyang mukha, sa dami ba naman kasi ng iniisip niya ay dadagdag pa talaga ito. Natigil siya sa kanyang pag- iisip ng bigla na lang na naman tumunog ang intercom, kanina niya pa iyon inaalala kung ano ang tawag doon. “Tapos na ako, ilabas mo na itong pinagkainan ko.” sabi nito at pagkatapos ay pinatay na nito iyon. Napairap na lamang siya sa hangin ng mga oras na iyon. Nakaka

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 10

    Halos malaglag ang panga niya sa sahig ng mga oras na iyon dahil sa kanyang narinig. Sa dami ba naman ng iuutos nito sa kanya ay ang maghubad pa. Napayakap siya ng wala sa oras sa kanyang sarili. Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa mukha nito. “Ano hindi mo magawa?” Tanong nito. “Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo, leave now.” Walang emosyong sabi nito at pagkatapos ay itinuro na ang pinto. “Ngayon pa lang ay iligpit mo ang mga gamit mo—---” “Wala ka bang ibang iuutos sir? Bakit kailangang iyon pa ang iutos niyo?” Hindi makapaniwalang tanong niya rito. “E yun nga ang gusto ko.” SAbi nito at pagkatapos ay humalukipkip pa ito sa harap niya. Hindi siya makapaniwala, hindi lang pala ito may masamang ugali kundi may pagka- manyak din ito. “Ayaw ko sir.” Tanggi niya. Hinding - hindi siya maghuhubad sa harap nito. “Okay then tapos na ag usapan. Makukulong ang tatay mo dahil sa katigasan mo.” Sabi nito sa kanya. “Lumabas ka na.” Ulit nito at muling itinuro ang pinto. Napapaisip t

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 11

    Gustuhin niya mang umiyak ng mga oras na iyon ay wala na siyang luha. Naubos na ang kanyang luha kanina pa. Katatapos lang siyang pagsamantalahan ng lalaking nasa tabi niya. Sa mga oras din na iyon ay halos mandiri siya sa sarili niya dahil kababuyang ginawa sa kanya. Ramdam na ramdam nga rin niya sa mga oras na iyon ang hapdi sa pagitan ng kanyang mga hita. Iyon ang unang beses na nagalaw siya at sa ganitong paraan pa niya nawala ang pagka- birhen niya. Sa dami- dami ba naman ng pwede niyang pagbigyan nito ay sa demonyong lalaki pa napunta. Hindi niya tuloy alam kung may mapapala siya kapag nagsumbong siya. “From now on ay dito ka na matutulog sa silid ko.” Sabi sa kanya ng walang hiyang lalaki. Wala siyang lakas na sumagot ng mga oras na iyon isa pa ay kailangan niya ba talagang sundin lahat ng utos nito kapalit ng kalayaan ng kanyang ama? Bakit tila sobra naman na yata? Ang usapan nila ng ina nito ay magiging tagasilbi siya nito pero wal sa usapan nila na magiging parausan siya n

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 12

    Nagbihis nga muna siya bago siya bumaba at pagkatapos ay naghilamos na rin. Doon nga niya napatunayan na totoo nga pa lang namumugto talaga ang mga mata niya. Akala pa naman niya ay nagbibiro lang si Lily pero totoo pala. Ang pangit tuloy ng kanyang mga mata. Naabutan na nga niya sa kusina sina Lily at ang ilan pang kasambahay, well, dapat lang naman na magsabay- sabay sila dahil pare- parehas lang naman silang tauhan sa bahay na iyon. “Oh umupo ka na.” turo ni Lily sa isang bakanteng upuan sa tabi niya. May nakahanda na ring plato doon at mga kutsara. Habang nakatitig sa mga nakahain ay hindi niya maiwasang mamangha dahil kahit pa sabihing mga tauhan lamang sila ay kung ano ang ulam ng mga amo nila ay ganun rin ang inuulam nila. Sadyang napakabait nga talaga ng mag- asawang Del Fuego. Sumandok na nga siya at nag- umpisa na ring kumain. Ang iba ngang kasama nila sa hapag ay hindi pa rin niya alam ang mga pangalan ng mga ito. Hindo pa rin kasi niya nahaharap na makipagkwentuhan sa m

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 13

    13 Napaubo siya nang buamgsak ang kurtinang tinanggal niya mula sa curtain rod. Hindi niya tuloy alam kung ialang taon na itong hindi nalilinis. Nagtataka rin siya kung bakit may ganuong silid sa bahay na iyon na marumi samantalang ilan ang kasambahay ng mga ito. At hindi niya rin lubos maisip kung bakit siya ang pinagdiskitahan nitong utusan sa paglilinis ng silid na iyon. Hanggang sa mga oras nga na iyon ay nagngingitngit pa rin ang kaniyang kalooban. Bukod na nga sa sobrang luwang ng silid na iyon ay ubod pa ng kapal ang mga alikabok. Hindi niya tuloy alam kung ilang oras siyang magdudusang linisin iyon. Isa- isa nga niyang pinulot ang mga kurtina at itinambak sa tabi ng pinto. Nang matanggal niya na ang lahat ng kurtina ay napahinga siya ng maluwag. Lumiwanag na rin ang loob ng silid ng mga oras na iyon dahil nawala na ang makakapal na kurtina. Hindi niya natatanggal ang mga nakatakip na tela sa mga kagamitan doon. Wala siyang ideya kung ano ang mga iyon at isa pa ay hindi niya

Pinakabagong kabanata

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 41.2

    Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 41.1

    Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 40

    Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 39.3

    Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 39.2

    Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 39.1

    Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 38.6

    Hindi napigil ng mga pulis na hindi lumapit si Luther sa bahay. Kahit nagpapalitan ng mga putok ang mga ito ay wala siyang pakialam. Handa siyang isugala ng buhay niya mailigtas lamang ang mga anak niya.Rinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Kenneth ngunit tuloy- tuloy siya sa ginagawa niyang paggapang. Malapit na siya sa bahay. Mas lalo pang tumindi ang pagnanasa niyang makalapit sa bahay dahil mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya ang pag- iyak ng mga anak niya.Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng matinding galit. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat.Nang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa bahay ay nakita niya ang pagbukas ng pinto kung saan ay lumabas ay may nakikipagbuno sa isang lalaki habang nakatali ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino iyon. Si Bill, ngunit bakit nakatali ang mga kamay nito?Nakita niya kung paano nito tinadtyakan ang ari nito kaya bigla itong napahiga at mabilis na pinulot ang baril nito. Kasunod nito

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 38.5

    —----Nasa gitna ng bukid ang address na ibinigay sa kanila ni Bill. mula sa daan ay kita nila ang ilang sasakyan na nakaparada sa labas. Sa unang tingin talaga ay wala siyang pagdududa na doon nga talaga dinala ni Lian ang mga anak niya. Pagbaba pa nga lamang niya ng sasakyan ay halos gusto na niya kaagad tumakbo patungo doon pero syempre ay hindi niya naman pwedeng gawin iyon dahil unang- una ay wala siyang dalang baril.Baka salubungin siya ng mga ito ng putok ng baril, wala pa naman pwedeng pagkublihan sa parteng iyon. Ayon sa mg pulis ay kailangan nila ang pagdodoble- ingat dahil baka mamaya ay isa pala iyong patibong. Baka mamaya ay naghihintay na pala ang mga ito sa kanila at nagkalat na sa paligid nang wala silang kaalam- alam.Kapag ganun nga ang nangyari, posible na wala silang magiging laban dahil hindi sa pamilyar sa kanila ang lugar. Idagdag pa nga na walang pwedeng pagtaguan dahil nga puro kabukiran ang nakapaligid sa bahay.“Sir, mauuna muna kami. Dito lang muna kayo sa

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 38.4

    Mabilis nga niyang sinagot ito at pagkatapos ay itinapat kaagad ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.“Hello?” isang baritonong tinig ang sumalubong sa kaniya at hindi pamilyar iyon sa kaniyang pandinig. Sino kaya ito? At ano ang kailangan nito sa kaniya.“Sino to?” walang emosyong tanong niya rito.Unti- unti nang bumibilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit.“Ito ba ang anak ni Maam Minerva Del Fuego?” tanong ng nasa kabilang linya.Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong nito ng mga oras na iyon. Siya ba ang hinahanap nito o iba? Pero anak ni Minerva Del Fuego? Siya iyon, pero hindi lang naman siya ang anak nito.“Ako nga.” iyon na lamang ang naisagot niya at mas lalong naging curious pa siya lalo kung sino ba ito.“Ako ang imbestigador na kinuha noon ng iyong ina, may isang text message akong ipapasa sayo galing kay Bill at tungkol sa mga anak mo.” sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.Umahon ang galit sa dibdib ni

DMCA.com Protection Status