pa rate naman po, salamat!
13 Napaubo siya nang buamgsak ang kurtinang tinanggal niya mula sa curtain rod. Hindi niya tuloy alam kung ialang taon na itong hindi nalilinis. Nagtataka rin siya kung bakit may ganuong silid sa bahay na iyon na marumi samantalang ilan ang kasambahay ng mga ito. At hindi niya rin lubos maisip kung bakit siya ang pinagdiskitahan nitong utusan sa paglilinis ng silid na iyon. Hanggang sa mga oras nga na iyon ay nagngingitngit pa rin ang kaniyang kalooban. Bukod na nga sa sobrang luwang ng silid na iyon ay ubod pa ng kapal ang mga alikabok. Hindi niya tuloy alam kung ilang oras siyang magdudusang linisin iyon. Isa- isa nga niyang pinulot ang mga kurtina at itinambak sa tabi ng pinto. Nang matanggal niya na ang lahat ng kurtina ay napahinga siya ng maluwag. Lumiwanag na rin ang loob ng silid ng mga oras na iyon dahil nawala na ang makakapal na kurtina. Hindi niya natatanggal ang mga nakatakip na tela sa mga kagamitan doon. Wala siyang ideya kung ano ang mga iyon at isa pa ay hindi niya
Nang makapahinga nga siya ay kaagad siyang lumabas sa music room na iyon at pumasok sa kaniyang silid upang maligo. Nanlalagkit kasi ang pakiramdam siya sa pinaghalong pawis at mga alikabok na kumapit na sa kaniyang balat. Medyo nangangati na nga rin ang balat niya ng mga oras na iyon. Pa inat- inat siya habang naglalakad papunta sa kaniyang silid. Ramdam na ramdam niya ang sobrang pagod niya dahil sa paglilinis na ginawa niya, idagdag pa na sumasakit ang katawan niya ng mga oras na iyon. Kung hindi nga lang sana dahil kay maam Minerva ay hinding- hindi niya sana ito lilinisan pero dahil nga ito ang kumausap sa kaniya ay hindi na lamang siya nakatanggi. Nahihiya kasi siya rito dahil napakabait nito tapos ang simpleng kahilingan lamang nito ay hindi pa niya mapagbigyan. Ilang sandali pa nga ay nakaratin na siya sa kaniyang silid. Hindi na niya tiningnan kung anong oras na dahil nagtuloy- tuloy na lamang siya sa banyo. Ligong- ligo na talaga ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon. Ila
Hanggang sa tuluyan na ngang dumaiti sa kaniyang balat ang balat nito at ramdam na ramdam niya ang paggapang ng libo- libong boltahe ng kuryente sa bawat himaymay ng pagkatao niya dahil sa pagkakadaiti ng balat nito sa balat niya. Hanggang sa napamulat ang kaniyang mata dahil sinapo nito ang mukha niya at pagkatapos ay ginawaran siya nito ng halik sa kaniyang mga labi. Iyon ang unang beses siyang hinalikan nito sa labi dahil kagabi ay hindi naman siya nito hinalikan. Noong una ay padampi- dampi lamang ang labi nito hanggang sa tuluyan na itong bumuka at gumalaw. Ni minsan sa buhay niya ay hindi pa niya naranasan ang mahalikan ng kahit sino dahil nga hindi pa naman niya nararanasan ang magka- boyfriend. Ito pa lang ang unang beses na n*******n siya at ito pa. Unti- unting gumalaw ang labi nito at hindi niya napigilan ang mapasinhap ng bigla na lamang nitong kagatin ang ibabang bahagi ng kaniyang labi kung saan ay naging dahilan ito upang umawang ang kaniyang bibig. Dahil sa ginawa ni
Nagbibihis na ito ng mga oras na iyon at nasa labas na din siya ng shower room. Iniabot nito sa kaniya ang roba na nakasabit doon. Kaagad niya naman iyon inabot dahil nananatili siyang hubad sa mga oras na iyon. Laking- pasalamat talaga niya na hindi pumasok sa bayo si Lily dahil kung nagkataon ay nahuli sila nito sa akto. Wala pa naman balak ang katabi niyang tumigil kanina. “We will talk later.” sabi lamang nito. Tapos na pala itong magbihis ng lingunin niya ito. Hindi siya sumagot rito ng mga oras na iyon dahil wala naman siyang alam na isagot rito. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang pag- usapan nila mamaya. Baka sa ibang usapan na naman mapunta ang sinasabi nitong pag- uusap, isa pa ay gusto sana niyang matulog mamaya pagkatapos niyang kumain para man lang makapagpahinga naman ang katawan niya mula sa pagod na tinamo niya kanina. “Hey, I’m talking to you. Are you deaf?” medyo inis na nitong sita sa kaniya. Akmang lalabas na sana siay mula doon ng sabihin nito iyon at talaga
Wala nga ni isa sa kanila na nakaharap sa hapag- kainan ang nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong tungkol sa anak ng mag- asawa. Ilang araw na siya doon ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya alam kung ano ang pangalan nito. Ilang beses na rin na may nangyari sa kanila. Hanggang sa ito na mismo ang nag- open up tungkol rito. “Ayaw pa lumabas ni Luther.” panimula nito. So Luther pala ang pangalan nito. Ngayon ay alam na niya. “Dalhan mo na lamang daw siya mamaya ng pagkain Serene.” halos mabilaukan siya sa kaniyang kinakain ng mga oras na iyon. Mabuti na lamang at nalunok pa rin niya ang kaniyang kinakain. Napaubo siya. “Uminom ka.” abot sa kaniya ng tubig ni Liliy at pagkatapos ay hinaplos- haplos nito ang kaniyang likod. “Ayos ka lang?” tanng nitong muli sa kaniya pagkatapos ng ilang sandali. Bago siya sumagot rito ay inabot niya muna ang inaabot nitong tubig sa kaniya at pagkatapos ay uminom ng ilang lagok bago siya tuluyang tumango rito. “Ayos ka lang ba hi
Mabilis nga niyang inihanda ang pagkaing dadalhin niya sa taas. Inis na inis pa nga siya habang inihahanda iyon dahil hindi pa rin siya makapaniwala na hanggang sa mga oras n aiyon ay nagpapanggap pa rin ito na hindi maklakad samantalang nakakalakad naman na ito. Ano na lamang kaya ang iniisip nito at naatim nitong lokohin ang mga magulang nito. Ayaw ba nitong maging masaya ang mga ito kapag nalaman ng mga itong tuluyan na siyang nakakalakad. Naipilig na lamang niya ang kaniyang ulo dahil doon. Ayaw niyang ma- stress dahil lang sa pag- iisip. “Dadalhin mo na yan kay Sir?” akma na sana niyang bibitbitin ang tray sa harap niya nang marinig niya si Lily na nagsalita. “Hindi. Ipapakain ko ito sa aso.” pilosopong sagot niya rito at pagkatapos ay binitbit na nga niya ang tray pagkatapos. Nang pumihit siya paharap rito ay nakairap ito sa kaniya. Medyo nawiwili na rin siyang inisin ito. “Kainis ka!” nakangusong sabi nito at pagkatapos ay pinagkrus ang mga kamay sa dibdib nito. Natawa na
Nasa ganuon siyang posisyon nang makarinig siya ng katok sa kaniyang pinto. Ilang minuto na rin ang nakalipas ng umalis ang lalaking iyon. Tatayo na nga sana siya upang buksan iyon dahil baka si Lily iyon ngunit bigla na lamang iyong bumukas at iniluwa si Maam Minerva na halatang nakatulog na pero nagising.Nagulat siya dahil hindi niya ito inaasahang pupunta sa silid niya ng ganuon oras. Idagdag pa na halata naman ritong nakatulog na pero tila naistorbo. Medyo nakakunot ang noo nito at magkasalubong ang mga kilay. Hindi niya tuloy maisip kung good mood ba ito pero mukhang hindi.“Maam gabi na po, bakit—--”“Serene totoo ba ang sumbong sa akin ni Luther na nagpapadala daw siya sayo ng pagkain pero ayaw mo?” nakakunot ang noo nito.Medyo magkadikit na nga rin ang kilay nito ng mga oras na iyon. Hindi siya nakaimik dahil sa tanong nito at halos hindi rin siya maksagot dahil wala siyang maapuhap na isasagot rito, idagdag pa na hindi niya inaakalang tototohanin pala nito ang gagawin niton
Alas dose na ng gabi ngunit gising pa rin si Serene. Kasalukuyan pa siyang nanunuod ng paborito niyang korean drama, isa pa ay hindi pa naman siya inaantok dahil anong oras na nga siya nagising ng mga oras na iyon. Napabuntung- hininga siya ng maalala niya ang pag- iintern sana niya. Nanghihinayang siya, isabg taon na lang sana ay magtatapos na siya. Kaunting panhon na lamang sana ang hihintayin niya para tuluyan na siyang magkaroon ng diploma kung saan ay mayroon ng maipagmamalaki ang mga magulang niya dahil kahita mahirap lamang sila ay nagawa nilang mapagtapos ng pag- aaral ang anak nila. Nang mga oras na iyon ay bigla na lamang nag- init ang sulok ng kaniyang mga mata nang maalala niya ang kaniyang mga magulang. Siguradong kahit siniguro na ni maam Minerva sa mga ito na magiging maayos siya doon ay nag- aalala pa rin ang mga ito sa kaniya. Dahil alam niya na walang magulang ang hindi mag- aalala sa kanilang anak na wala sa tabi nila. Kaya nga siya naroon sa sitwasyong kinalalagy
Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang
Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do
Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na
Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang
Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino
Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi
Hindi napigil ng mga pulis na hindi lumapit si Luther sa bahay. Kahit nagpapalitan ng mga putok ang mga ito ay wala siyang pakialam. Handa siyang isugala ng buhay niya mailigtas lamang ang mga anak niya.Rinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Kenneth ngunit tuloy- tuloy siya sa ginagawa niyang paggapang. Malapit na siya sa bahay. Mas lalo pang tumindi ang pagnanasa niyang makalapit sa bahay dahil mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya ang pag- iyak ng mga anak niya.Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng matinding galit. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat.Nang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa bahay ay nakita niya ang pagbukas ng pinto kung saan ay lumabas ay may nakikipagbuno sa isang lalaki habang nakatali ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino iyon. Si Bill, ngunit bakit nakatali ang mga kamay nito?Nakita niya kung paano nito tinadtyakan ang ari nito kaya bigla itong napahiga at mabilis na pinulot ang baril nito. Kasunod nito
—----Nasa gitna ng bukid ang address na ibinigay sa kanila ni Bill. mula sa daan ay kita nila ang ilang sasakyan na nakaparada sa labas. Sa unang tingin talaga ay wala siyang pagdududa na doon nga talaga dinala ni Lian ang mga anak niya. Pagbaba pa nga lamang niya ng sasakyan ay halos gusto na niya kaagad tumakbo patungo doon pero syempre ay hindi niya naman pwedeng gawin iyon dahil unang- una ay wala siyang dalang baril.Baka salubungin siya ng mga ito ng putok ng baril, wala pa naman pwedeng pagkublihan sa parteng iyon. Ayon sa mg pulis ay kailangan nila ang pagdodoble- ingat dahil baka mamaya ay isa pala iyong patibong. Baka mamaya ay naghihintay na pala ang mga ito sa kanila at nagkalat na sa paligid nang wala silang kaalam- alam.Kapag ganun nga ang nangyari, posible na wala silang magiging laban dahil hindi sa pamilyar sa kanila ang lugar. Idagdag pa nga na walang pwedeng pagtaguan dahil nga puro kabukiran ang nakapaligid sa bahay.“Sir, mauuna muna kami. Dito lang muna kayo sa
Mabilis nga niyang sinagot ito at pagkatapos ay itinapat kaagad ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.“Hello?” isang baritonong tinig ang sumalubong sa kaniya at hindi pamilyar iyon sa kaniyang pandinig. Sino kaya ito? At ano ang kailangan nito sa kaniya.“Sino to?” walang emosyong tanong niya rito.Unti- unti nang bumibilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit.“Ito ba ang anak ni Maam Minerva Del Fuego?” tanong ng nasa kabilang linya.Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong nito ng mga oras na iyon. Siya ba ang hinahanap nito o iba? Pero anak ni Minerva Del Fuego? Siya iyon, pero hindi lang naman siya ang anak nito.“Ako nga.” iyon na lamang ang naisagot niya at mas lalong naging curious pa siya lalo kung sino ba ito.“Ako ang imbestigador na kinuha noon ng iyong ina, may isang text message akong ipapasa sayo galing kay Bill at tungkol sa mga anak mo.” sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.Umahon ang galit sa dibdib ni