Alas dose na ng gabi ngunit gising pa rin si Serene. Kasalukuyan pa siyang nanunuod ng paborito niyang korean drama, isa pa ay hindi pa naman siya inaantok dahil anong oras na nga siya nagising ng mga oras na iyon. Napabuntung- hininga siya ng maalala niya ang pag- iintern sana niya. Nanghihinayang siya, isabg taon na lang sana ay magtatapos na siya. Kaunting panhon na lamang sana ang hihintayin niya para tuluyan na siyang magkaroon ng diploma kung saan ay mayroon ng maipagmamalaki ang mga magulang niya dahil kahita mahirap lamang sila ay nagawa nilang mapagtapos ng pag- aaral ang anak nila. Nang mga oras na iyon ay bigla na lamang nag- init ang sulok ng kaniyang mga mata nang maalala niya ang kaniyang mga magulang. Siguradong kahit siniguro na ni maam Minerva sa mga ito na magiging maayos siya doon ay nag- aalala pa rin ang mga ito sa kaniya. Dahil alam niya na walang magulang ang hindi mag- aalala sa kanilang anak na wala sa tabi nila. Kaya nga siya naroon sa sitwasyong kinalalagy
Walang nagawa si Serene nang bigla na lamang siya nitong buhatin. Awtomatiko nga ding napakapit ang kaniyang mga kamay sa balikat nito dahil baka mahulog siya. Nang lingunin niya ito ay isang ngiti ang sumilay sa labi nito at pagkatapos ay tumitig sa kaniya. “You are so addictive baby, I’m sorry. I can’t resist my self to hold you.” bulong nito sa kaniya na nakatitig sa kaniyang mg mata. Umawang ang kaniyang mga labi nang mga oras na iyo. Hindi niya inaasahang marinig niya ang mga salitang iyon sa bibig nito. Kahit nasa ganuon siyang sitwasyon ay hindi niya maiwasang makaramdamn ng kiliti sa pinasulok na parte ng puso niya. Habang nakatitig rito ay ramdam na ramdam niyang tila nagsasabi ito ng totoo at mula sa puso ang sinabi nito sa kaniya. Pero hindi niya rin maiwasang isipin na sinasabi lang ito iyon para hindi na siya manlaban pa. Baka sinasabi lang nito ito para paniwalaan siya, pero habang nakatitig siya sa mga mata nito ay iba ang nararamdaman niya. Tatlong buwan, bulong niya
Nagising siya dahil sa ngawit, ramdam na ramdam niya kasi ang mabigat na nakadagan sa kaniya ng mga oras na iyon. Namumungay pa ang kaniyang mga mata nang imulat niya ito. Nakita nga niya na may isang brasong nakadagan sa bandang tiyan niya. Kaya pala nangangawit siya dahil mayroon nga talagang nakadagan sa kaniya.Anong oras na kaya? Napatanong siya sa kaniyang isip. Kailangan niyang makalabas sa silid na iyon bago pa mag- umaga dahil ayaw niyang maabutan siya ng kung sino man na naroon siya sa silid ni Luther at doon siya natulog. Paniguradong malaking eskandalo iyon. Isa pa ay ano na lamang ang sasabihin sa kaniya ng Mommy nito lalo na kung hubad siyang maabutan ng mga ito. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang braso nitong nakayakap sa kaniya at dahan- dahang inangat. Sana lang ay hindi ito magising dahil baka pigilan siya nito sa knaiyang binabalak isa pa ay hindi niya alam kung anonog oras na nga ba. Mabuti na lamang at tulog na tulog ito at hindi ito nagising dahil sa giinaw
Nang hapon ngang iyon ay nag- empake na siya ng kaniyang mga gamit. Ayon kasi kay Mrs. Del Fuego ay maaga daw silang aalis bukas dahil medyo may kalayuan daw ang lugar na pupuntahan nila. Katatapos nga lang niya isilid sa kaniyang bag ang ang ilang piraso niyang mga damit. Mabilis lang din naman siyang natapos sa kaniyang pag- eempake dahil hindi naman ganuon kadami ang gamit niya.Pagkasara niya ng kaniyang bag ay tyaka naman bumukas ang pinto ng silid niya at pagkatapos ay pumasok doon si Lily. agad siyang napalingon rito ng mga oras na iyon. Umupo naman ito kaagad sa tabi niya.“Aalis ka pala.” may himig na lungkot ang boses nito.Napabuntung- hininga siya. Kahit papano ay naging malapit na rin naman sa kaniya ito dahil ito ang naging kakwentuhan niya noong panahong wala siyang makausap sa bahay na iyon. Ito rin ang nagsilbing ate niya sa bahay na yun. Hindi niya rin naman kagustuhan iyon pero kailangan niyang gawin iyon dahil gusto na rin naman niyang makasama ang pamilya at isa p
Alas nwebe na ng gabi nang makababa sila sa baba. Nag- aantay na doon ang van na sasakyan nila patungo sa rest house. Hindi niya alam kung gaano kalayo ito mula doon pero ayon kay maam Minerva ay sa parteng Ilocos daw ito. Nang makababa nga siya ay nasa loob na ng sasakyan si Luther na napag- alaman niyang binuhat ng dalawang driver nila. Napailing na lamang siya dahil nagpabuhat pa talaga ito samantalang nakakalakad naman na.Doon niya din nalaman na hindi daw pala makakasama ang mga ito sa byahe dahil hindi daw nila kakayanin ang matagal na byahe. Tanging ang dalawang tauhan lang ng mag ito ang kasama nila. Isang driver at kasama nito. Ibig sabihin ay apat lang sila. Nakasuot ng face mask si Luther at natatakpan ng mahaba nitong buhok ang mukha nito kung saan ay ito ang naging dahilan pata matakpan ang malaking peklat nito sa mukha.Naroon sa baba ang lahat upang siguruhing dala nila lahat ang kailangan nila. Si Lily ay maluha- luha nang yumakap ito sa kaniya at sinabing mamimiss da
Lalabas na sana siya mula sa kinatatayuan niya nang marinig niya ang mahinang paghikbi nito.“Bill what am I gonna do?” rinig niyang tanong nito.Napakunot ang kaniyang noo. Si Bill ang kausap nito at hindi niya alam kung ano ang pinag- uusapan ng mga ito. Wala siyang ideya.Hindi sumagot si Bill rito bagkus ay nakita ng dalawang mata niya ang pagyakap nito kay Lian kahit pa madilim sa lugar na iyon. Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa pagyakap nito sa girlfriend niya. He was stunned at hindi makagalaw.“Bill lets run away… please.” narinig niyang pakiusap ni Lian rito.Habang pinapakinggan at tinitingnan niya kung paano yumakap si Lian rito ay napagtanto niya ang isang bagay. They seemed so close. And what? Runaway? For what reason? Isa pabakit si Bill ang inaaya nitong mag- run away diba’t siya ang kasintahan nito? Bakita parang may mali?Hindi niya kinaya ang nakikita niya at lumabas na siya ng tuluyan mula sa kinatatayuan niya. Sumisikip ang dibdib niya ng mga oras na i
Nagising si Serene dahil bumagsak ang ulo niya sa bintana. Hilot- hilot niya iyon at pagkatapos ay nagmulat ng mga mata. Tumigil pala ang sasakyan kaya rin nauntog siya. Nilingon niya ang katabi niya. Tulog na tulog pa ito at may nakapasak pang headphones sa ulo nito. Kaya pala tulog na tulog. Nakita niyang lumingon ang driver sa kaniya.“Nandito na tayo.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay bumaba na ang mga ito ng sasakyan.Muli niyang nilingon ang kaniyang katabi, nag- iisip kung gigisingin niya ba o hindi pero pinili na lamang niya ang huli. Bumaba siya ng sasakyan at napainat ng mga kamay. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. Madilim pa pero may liwanag na siyang nakikita sa kalangitan. Mag- uumaga na pala. Hindi niya akalaing nasarapan siya sa kaniyang tulog at hindi niya napansin o naramdaman man lang na nakarating na pala sila sa destinasyon nila.Nang makababa din siya ng sasakyan ay halos lumubog ang paa niya sa buhangin. Napangiti siya, ito ang unang beses niyan
Mabilis nilang naibaba ang mga gamit nila mula sa sakyan at naipasok sa loob ng bahay. Ilang minuto na rin ang nakalipas ng makaalis ang mga naghatid sa kanila kaya dadalawa na lamang sila ang naiwan doon. Hindi na kinailangan ni Luther ang wheel chair nito. Mabilis niyang itiniklop iyon nang makaalis na ang dalawang naghatid sa kanila. Kasalukuyan siyang nagwawalis sa loob ng bahay bagamat malinis naman na iyon dahil isang araw daw bago sila dumating doon ay ipinalinis na ni maam Minerva iyon sa katiwala ng rest house. At ang mga gamit doon ay inabutan niyang malinis maging ang mga gamit sa kusina. Pagbukas nga din niya ng ref ay nagulat siya puno na ito agad ng laman kahit na hindi pa naman sila namamalengke.Siguro ay ibinilin din maam Minerva sa katiwala nito na mamalengke muna para may makain sila kaagad pagdating nila at hindi na nila kilangang mamalengke pa. Talagang masasabi niya na mahal na mahal nga talaga nito ang bunsong anak nito. Gusto niya tuloy isipin na ito ang pabor
Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang
Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do
Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na
Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang
Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino
Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi
Hindi napigil ng mga pulis na hindi lumapit si Luther sa bahay. Kahit nagpapalitan ng mga putok ang mga ito ay wala siyang pakialam. Handa siyang isugala ng buhay niya mailigtas lamang ang mga anak niya.Rinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Kenneth ngunit tuloy- tuloy siya sa ginagawa niyang paggapang. Malapit na siya sa bahay. Mas lalo pang tumindi ang pagnanasa niyang makalapit sa bahay dahil mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya ang pag- iyak ng mga anak niya.Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng matinding galit. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat.Nang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa bahay ay nakita niya ang pagbukas ng pinto kung saan ay lumabas ay may nakikipagbuno sa isang lalaki habang nakatali ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino iyon. Si Bill, ngunit bakit nakatali ang mga kamay nito?Nakita niya kung paano nito tinadtyakan ang ari nito kaya bigla itong napahiga at mabilis na pinulot ang baril nito. Kasunod nito
—----Nasa gitna ng bukid ang address na ibinigay sa kanila ni Bill. mula sa daan ay kita nila ang ilang sasakyan na nakaparada sa labas. Sa unang tingin talaga ay wala siyang pagdududa na doon nga talaga dinala ni Lian ang mga anak niya. Pagbaba pa nga lamang niya ng sasakyan ay halos gusto na niya kaagad tumakbo patungo doon pero syempre ay hindi niya naman pwedeng gawin iyon dahil unang- una ay wala siyang dalang baril.Baka salubungin siya ng mga ito ng putok ng baril, wala pa naman pwedeng pagkublihan sa parteng iyon. Ayon sa mg pulis ay kailangan nila ang pagdodoble- ingat dahil baka mamaya ay isa pala iyong patibong. Baka mamaya ay naghihintay na pala ang mga ito sa kanila at nagkalat na sa paligid nang wala silang kaalam- alam.Kapag ganun nga ang nangyari, posible na wala silang magiging laban dahil hindi sa pamilyar sa kanila ang lugar. Idagdag pa nga na walang pwedeng pagtaguan dahil nga puro kabukiran ang nakapaligid sa bahay.“Sir, mauuna muna kami. Dito lang muna kayo sa
Mabilis nga niyang sinagot ito at pagkatapos ay itinapat kaagad ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.“Hello?” isang baritonong tinig ang sumalubong sa kaniya at hindi pamilyar iyon sa kaniyang pandinig. Sino kaya ito? At ano ang kailangan nito sa kaniya.“Sino to?” walang emosyong tanong niya rito.Unti- unti nang bumibilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit.“Ito ba ang anak ni Maam Minerva Del Fuego?” tanong ng nasa kabilang linya.Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong nito ng mga oras na iyon. Siya ba ang hinahanap nito o iba? Pero anak ni Minerva Del Fuego? Siya iyon, pero hindi lang naman siya ang anak nito.“Ako nga.” iyon na lamang ang naisagot niya at mas lalong naging curious pa siya lalo kung sino ba ito.“Ako ang imbestigador na kinuha noon ng iyong ina, may isang text message akong ipapasa sayo galing kay Bill at tungkol sa mga anak mo.” sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.Umahon ang galit sa dibdib ni