Home / Romance / HIS PLEASURE FULFILLER / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of HIS PLEASURE FULFILLER: Chapter 41 - Chapter 50

113 Chapters

Chapter 26.5

Hindi niya namalayang nakatulog pala siya habang umiiyak at malakas ang ulan. Nagising na lamang siya na basang- basa ang buong katawan niya dahil sa sobrang lakas na ulan kagabi. Doon niya napansin na nanginginig pa rin ang kaniyang katawan, ngayon ay hindi na lang dahil sa takot kundi dahil na rin sa lamig.Napatingala siya sa kalangitan umaga na pala. Napakagat ang kaniyang labi ng mga oras na iyon, umaga na pero wala pang dumadating para hanapin siya. Ganun ba talaga siya hindi ka- importante para hindi hanapin? Sa mura niyang edad ay tumatak sa kaniyang isip na hindi siya mahalaga sa kaniyang pamilya.Pinilit niyang bumangon sana para umuwi na ngunit hindi niya nagawang igalaw ang kaniyang katawan. Nanghihina siya at pagkatapos ay nanginginig pa rin ang katawan niya dahil sa sobrang ginaw. Hindi niya alam kung gaano na katagal nababad ang katawan niya sa tubig ulan, hindi na niya napansin pa.Ilang sandali pa nga ay muli siyang pumikit at muli na namang nagtubig ang kaniyang mga
last updateLast Updated : 2023-11-24
Read more

Chapter 26.6

Napapikit at napakagat labi na lamang si Serene dahil sa hapdi ng nasugat niyang paa. Dahil nga kasi sa sobrang dilim ay wala siyang makita kaya hindi niya napansin ang vase na nasa counter pala. Nakalimutan nga pala niyang may vase nga pala doon kaya hindi niya sinasadyang matabig iyon at pagkatapos ay nahulog sa sahig dahilan kung bakit ito nabasag at tumilansik ang ilang piraso ng basag na bote sa kaniyang paa. Tapos ay ngayon sinesermonan pa siya ni Luther habang ginagamot nito ang kaniyang paa. Sino ba naman kasi ang napakatanga na hindi man lang nag- isip na napakadilim at wala siyang makita. Hindi niya inisip na napakaimposibleng maghanap sa napakadilim na paligid. Tumahimik na lamang siya habang sinesermonan ni Luther dahil wala siyang maisagot rito. Sadyang umarya lang talaga ang kaniyang katangahan kaya ganun. Ilang sandali pa ay tuluyan na ngang natapos nito ang paggagamot sa kaniyang mga paa. Nasa sala na sila ng mga oras na iyon. Tumayo na ito mula sa pagkakaupo at inipo
last updateLast Updated : 2023-11-29
Read more

Chapter 26. 7

“Thats not what I mean.” humihinging paumanhin na saad nito at pagkatapos napakamot ng ulo.Bigla naman siyang natigilan sa ginawa nito. Unti- unting sumilay ang isang sinserong ngiti sa mga labi nito ng mga oras na iyon. Ang inis na nararamdaman niya ay tila ba unti- unti ring nalusaw ng masilayan niya anng ngiti nito. Bigla tuloy niyang namura ang kaniyang sarili dahil rito. Nag- iwas siya ng tingi rito at pagkatapos ay muling hinila ang kaniyang kamay.Ayaw niyang ipahalata rito na naaapektuhan siya sa ngiti nito. Kailangan niyang maging matapang at hindi siya papayag na mahulog sa ngiti nito. Dahil nga mas hinigpitan pa nito lalo ang pagkakahawak sa kaniyang kamay ay hindi niya iyon nabawi mula sa pagkakahawak nito at dahil nga doon ay muli na naman siyang nakaramdam ng inis.Muli siyang napalingon rito at handa na sana niyang sigawan ito dahil ayaw pa rin nitong bitawan ang kaniyang kamay ngunit napigil siya dahil sa ngiti nito. Hanggang sa mga oras pala na iyon ay hinid pa rin n
last updateLast Updated : 2023-11-29
Read more

Chapter 26.8

Pinaupos siya nito sa sofa nang maitayo siya nito. Hindi siya nagsalita dahil wala din naman siyang alam na sabihin rito ng mga oras na iyon idagdag pa na madaming tumatakbo sa kaniyang isip ng oras na iyon. Naupo rin ito sa tabi niya.“Pwede bang sa kwarto ko na lang ikaw matulog?” nahihiyang tanong nito sa kaniya.Napalingon naman siya rito at hindi makapaniwala sa kaniyang naririnig. Ang kaniyang puso ay nagsusumigaw sa tuwa ngunit ang kaniyang isip ang nakikipagtalo na huwag dahil baka mas lumalim lamang ang nararamdaman niya para rito. Sa huli ay sino ba ang magigng kawawa at masasaktan hindi ba’t siya rin? Kung hindi nga naman niya pipigilan ang nararamdaman niya ay alam niyang masasaktan nga lang talaga siya.Bubuka na sana ang kaniyang bibig upang tanggihan ito ngunit napigil siya dahil muli na naman itong nagsalita at sa puntong iyon ay hinawakan pa nito ang kamay niya.“Natatakot kasi ako sa dilim…” mahina nitong sabi sa kaniya at pagkatapos ay nag- iwas siya ng tingin.Bigl
last updateLast Updated : 2023-11-29
Read more

Chapter 26.9

“Tabi na tayo dito sa kama.” sabi nito at pagkatapos ay nauna ng humiga.Tumagilid ito kung saan ay nakatalikod ito sa kaniya at siya naman ay nahiga na rin sa kama. Tumalikod din siya rito kaya magkatalikod silang dalawa. Narinig niya ang muli nitong paghikab ng mga oras na iyon at masasabi niyang antok na antok na nga talaga ito ng mga oras na iyon.Tahimik lang siyang nahiga, sa mga oras na iyon ay alam niyang hindi pa siya inaantok. Bigla na lamang siyang nagulat ng bigla na lamang may luhang tumulo sa kaniyang mga mata. Hindi niya inaasahang tutulo ang luha niya. Napakababaw naman nito para tumulo. Napapikit siya at pagkatapos ay napahawak sa kaniyang dibdi, ramdam na ramdam niya doon ang kirot ng mga oras na iyon.Bakit ba kasi kailangan niya pang masaktan dahil lang sa isang larawan? Isa pa bakit ba siya nasasaktan e wala naman sila hindi ba? Wala siyang karapatan na masaktan. Wala naman itong sinabi sa kaniya na mahalin niya ito kusa na lang kasi talagang nahulog ang loob niya
last updateLast Updated : 2023-11-29
Read more

Chapter 27.1

Hindi namalayan ni Serene na muli pala siyang nakatulog nang magising siya kanina. Pagkamulat niya ng kaniyang mata ay wala na siyang katabi sa kama at mag- isa na lamnag siya. Hindi niya tuloy alam kung gaano na katagal na wala siyang kasama doon. Tumihaya siya at pagkatapos ay napainat siya at pagkatapos ay napahikab.‘Anong oras na ba?’ ilang beses siyang pumikit at dumilat pagkatapos ay napatitig sa kisame at lumingon sa bintana ng silid na iyon. Maliwanag na sa labas ngunit rinig na rinig niya pa rin hanggang sa mga oras na iyon ang buhos ng malakas na ulan. Umuulan pa rin hanggang sa oras na iyon at hindi niya alam kung may plano pa ba itong tumila.Kagabi pa umuulan at ganun rin kalakas ang buhos nito. Gusto niya tuloy isipin na may sama ng panahon at hindi nila iyon nabalitaan dahil hindi naman sila nanunuod ng balita. Dahan- dahan na nga siyang bumangon. Tanghali na siguro dahil maliwanag na. Lalabas na siya dahil baka mamaya ay magutom na si Luther at sisihin siya nito na tu
last updateLast Updated : 2023-12-06
Read more

Chapter 27.2

—---------------------Nakauwi na sila sa bahay na tinutuluyan nila at nakapalit na rin siya ng kaniyang damit. Naligo nga siya kaagad pagkauwi nila dahil nga baka lagnatin siya, sobrang nabasa pa naman siya ng ulan kanina.Si Luther naman ay binilin na niyang maligo din ito kaagad pagkauwi nila, hindi ito sumagot sa kaniya bagkus ay nagtuloy- tuloy lang itong pumasok sa silid nito. Hindi pa niya ito tiningnan dahil ininit niya muna ang niluto niyang ulam kanina at pakakainin niya ito at paiinumin niya ng gamot dahil baka mamaya ay lagnatin ito.Hindi pa naman niya alam kung gaano na ito katagal na nakababad sa ulan nang maabutan niya ito. Idagdag pa na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang ideya kung bakit ito nandoon at umiiyak sa gitna ng ulan. Wala naman siyang alam na dahilan dahil wala naman tong sinasabi sa kaniya at isa pa ay hindi naman sila ganun ka- close kaya hindi naman ito nagkwekwento sa kaniya.Nang mainit na nga niya ng tuluyan ang niluto niyang ulam ay n
last updateLast Updated : 2023-12-06
Read more

Chapter 27.3

Ilang oras na ang nakalipas simula nang makalabas si Serene sa silid ni Luther. Kaninang paglabas niya mula doon ay naupo siya sa sala at pagkatapos ay napatulala na akala mo ay nawawala siya sa kaniyang sarili at hindi niya maiwasan ang hindi mainis sa kaniyang sarili dahil halos hindi niya mautusan ang kaniyang sarili at tila ba tamad na tamad siya. Dahil kaya iyon sa nalaman niya? Napatitig siya sa screen ng telebisyon ng mga oras na iyon, pinili na lamang niya ang abalahin ang kaniyang sarili na manuod na lamang ng paborito niya korean drama ngunit kahit ilang oras na rin siyang nanunuod ay tila ba hinid niya naiintindihan ang kaniyang pinapanuod. Inis na ibinagsak niya sa mesa ang hawak niyang chichirya na kinuha niya kanina sa ref. Pagkatapos kasi niya tumunganga ng kalahating oras sa sala ay napagdesisyunan niyang kumain ngunit hindi niya naman nagawang kumain dahil nawalan siya ng ganang kumain ng mga oras na iyon dahil sa nalaman niya. Hinid niya akalaing magiging ganuon ang
last updateLast Updated : 2023-12-07
Read more

Chapter 27.4

Baka abutin pa siya ng ilang oras sa kakahanap ay wala pa siyang mahanap na iba. Nagmamadali siyang bumalik sa kusina at pagkatapos ay napaisip kung hindi na ba siya dapat magpakulo ng tubig panglagay sa palanggana. Naipilig niya ang kaniyang ulo at pagkatapos ay binuksan ang gripo at isinahod ang hawak niyang palanggana.Mainit ito kaya dapat lang na malamig na tubig ang pangpunas niya rito. Ilang sandali pa ay punlot na niya ang gamot at inilagay sa kaniyang bulsa at pagkatapos ay binitbit ang palanggana. Pumasok siya sa silid ni Luther dala- dala ang mga iyon ngunit nakalimutan niya pa lang magdala ng tubig.Ano ang ipapainom niya rito kapag pinainom niya ito ng gamot? Yung pinagbabaran niya ng bimpo? Napapailing na lamang siya dahil pakiramdam niya ay malapit na yata siyang mabaliw. Kinakausap na niya ang kaniyang sarili at hindi niya alam kung epekto ba iyon ng nararamdaman niya kay Luther.Ibinaba lang niya ang dala niyang palanggana sa ibabaw ng drawer na nasa tabi ng kama at p
last updateLast Updated : 2023-12-07
Read more

Chapter 27.5

Tila natuod si Serene mula sa kaniyang kinatatayuan habang ang kamay niya ay hawak- hawak ng nakapikit na si Luther. Sa oras na iyon ay tila ba siya binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaniyang narinig. Ang kilig at sayang nararamdaman niya kanina nang sabihin nito sa kaniya na manatili siya sa tabi nito ay minsanang nawala.Hanggang kailan ba siya aasa rito? At hanggang kailan ba siya nito balak saktan? Bakit ba siya nito sinasaktan? Ano bang kasalan niya rito. Pero napatanong din naman siya sa kaniyang sarili kung ano ba ang alam nito sa nararamdaman niya? Isa pa ay wala naman itong sinabi na mahalin niya ito. Bigla na lamang niya kasi iyong naramdaman.Hindi niya tuloy alam kung sino nga ba ang dapat niyang sisihin ng mga oras na iyon. Kung ang sarili niya ba o ito dahil bakit kasi nakaka- inlove ito. Nalilito siya. Hanggang sa naramdaman niya pa ang mas lalong paghigpit ng hawak nito sa kamay niya na may kasamang paghila.Nagtatalo ang isip at puso niya kung muli ba siyang sasa
last updateLast Updated : 2023-12-08
Read more
PREV
1
...
34567
...
12
DMCA.com Protection Status